Share

Chapter 1:

last update Last Updated: 2025-03-27 20:19:24

“I love it! I really really love it! Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa’yo. Napakaganda ng kinalabasan ng design mo para sa’kin!” masayang puri ng magandang babae kay Aviannah habang hawak-hawak nito ang sketchbook na may wedding dress na iginuhit niya para dito.

Nang matapos sa pag-aaral si Aviannah ay tinahak niya ang pagiging isang fashion designer. At kahit na isang taon pa lamang siya sa larangan na ito ay tila eksperto na siya sa ganda ng mga feedback sa kanya ng mga nagiging kliyente niya, at sa dami na rin ng nagpapagawa at nagtitiwala sa kanya. Kaya naman kahit na isang taon pa lamang siya sa ganitong larangan ay nakapagpatayo na siya ng sarili niyang boutique. At proud na proud siya na ang lahat ng iyon ay nagmula sa sarili niyang pagsisikap at paghihirap. Kahit pa ilang beses na siyang kinukumbinsi ng kanyang ama at ng kanyang madrasta na tumulong na lamang siya sa sariling negosyo ng mga ito.

Para kay Aviannah, iba pa rin ang magkaroon siya ng sariling pangalan sa larangan ng negosyo at makamit niya ang kanyang mga pangarap bilang isang fashion designer. Kaya kahit na may mga sariling negosyo ang kanyang ama ay hindi niya iyon pinakialaman.

“Masaya ako na nagustuhan mo ito. Sisiguraduhin ko na hinding-hindi ka talaga magsisisi sa’kin hanggang sa huli,” masayang tugon ni Aviannah sa babae.

“Thank you so much, Ms. Aviannah. I know that you’re the best!” masayang pahayag naman ng babae sa kanya.

Mabilis na lumipas ang buong maghapon at para kay Aviannah, ay magsisimula pa lang ang masayang parte ng araw niya.

Nang matapos siya sa trabaho ay excited niyang isinara ang sariling boutique, upang magtungo sa isang five-star resto-bar, kung saan gaganapin ang isang birthday party para sa kaibigan niyang si Sandra.

“Hey, Avie! Here!” Mabilis na napalingon si Aviannah sa babaeng tumawag sa kanya pagkapasok niya ng resto-bar. Agad na gumuhit ang malapad na ngiti sa kanyang mga labi nang makita niya ang kaibigang si Jamie na kumakaway sa kanya kasama ang iba pa nilang mga kaibigan. Agad siyang lumapit sa mga ito.

“I’m sorry, I’m late—” paghingi sana niya ng paumanhin na agad din namang pinutol ni Jamie.

“No, it’s okay, Avie. Kaka-start pa lang din naman.”

“That’s good then. Uhm… where’s Sandra by the way?” tanong niya pa kasabay ng marahang paglinga-linga niya sa paligid upang hanapin ang kaibigang nagdiriwang ngayon ng kaarawan.

“Uhm… si Sandra? Uhm… ano kasi…” ani Jamie na tila hindi malaman ang isasagot sa kanya.

“Bakit? May problema ba?”

“Wala namang problema. Pero lumabas lang siya sandali para sunduin si ano—” Hindi na natapos ni Jamie ang sinasabi nito nang bigla nang dumating si Sandra kasama ang isang lalaki.

Bahagyang natigilan si Aviannah nang makita kung sino ang bisitang kasama ng kaibigan.

“Uhm… You’re here na pala, Avie,” marahang bati ni Sandra sa kanya. “Uhm… I invited him here, and I hope it’s okay.”

“Oh, yeah. Of course it’s fine,” tugon naman niya saka siya ngumiti rito.

“Thank you,” Sandra mouthed.

“Hi, Aviannah! How are you? It’s been a while,” saad ng bisitang kasama ni Sandra.

“Hi, Alfred! I’m good. How about you?” ganting tanong naman niya rito.

“I’m good as well,” nakangiting sagot ni Alfred sa kanya.

“That’s good to hear.” At bago pa man umusbong ang awkwardness sa pagitan nila ay kaagad na ulit siyang nagsalita. “Uhm… by the way, this is for you, Sandra. Happy birthday!” aniya sabay abot ng regalo sa kaibigan.

“Thank you so much, Avie!” masayang sabi naman ni Sandra pagkatanggap nito ng regalo mula sa kanya.

“Let’s start the party, guys! Come on!” pagkuwan ay masayang lapit sa kanila ng iba pa nilang mga kasama saka sila masayang nagsalo-salo at nag-inuman.

“Avie, are you okay?” ilang sandali pa’y lapit ni Jamie kay Aviannah.

“Of course, I’m okay. Bakit mo naman naitanong ‘yan?”

“Because you know… Alfred is here.” Binalingan ng tingin ni Aviannah si Alfred na masayang nakikipagsiyahan ngayon sa kanyang mga kaibigan kasama si Sandra.

“Well… we’re goods naman. Kaya it’s okay lang. Saka wala naman kaming masakit na nakaraan, you know…”

“Sa bagay… unlike kay Andrei—” Kusang natigilan si Jamie sa pagsasalita nang mabanggit ang pangalan na iyon. “Oops, I’m sorry.”

“It’s fine, ano ka ba. Palagi ko rin naman naririnig ang pangalan na iyan kina daddy and tita.”

“Sa bagay, for sure palagi niyo rin siyang napag-uusapan sa bahay niyo.”

“Hmm. Not really. Kapag siya na kasi ‘yong topic, umiiwas na ako.”

“So, sa five years… wala na talaga kayong naging pag-uusap?” curious na tanong ni Jamie kay Aviannah.

“Yup. Sa loob ng limang taon, wala na,” marahang sagot naman ni Aviannah sa kaibigan. At hindi maitatanggi ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya dahil sa pinag-uusapan nila ngayon ng kaibigan.

Limang taon na ang lumipas mula nang maka-graduate sila ng senior highschool. Limang taon na rin ang nakalipas mula nang umalis ng bansa ang lalaking iniibig niya upang mag-aral sa ibang bansa. Limang taon na niya itong hindi nakikita at nakakausap. At sa loob ng limang taon na iyon ay napakarami nang nangyari at nagbago sa kanyang buhay.

Nagkaroon siya ng mas maraming kaibigan, nakapagtatapos siya ng pag-aaral, at nakapagpatayo siya ng sarili niyang boutique. Maraming bagay na ang nangyari at nagbago. At umaasa siyang sana, isa na rin doon ang kanyang damdamin.

Sa dami kasi ng nagbago sa buhay niya, ay tila nananatiling pareho pa rin ng nakaraan ang kanyang damdamin. Bagay na matagal na niyang sinisikap na baguhin. Ngunit anong magagawa niya kung hindi niya mapatay-patay ang damdamin para sa lalaking hindi niya dapat iniibig.

“Well, you deserve so much better, Avie,” pagkuwan ay komento ni Jamie sa tabi niya na ikinalingon niya rito. “I mean, okay na rin ‘yon na hindi na kayo nag-usap. At least, napigilan mo na ‘yong feelings mo para sa kanya, ‘di ba?”

Sandali siyang napatitig sa kaibigan bago tuluyang nakasagot. “O-Oo naman! Syempre naman,” aniya saka siya pilit na ngumiti rito. “Sa loob ng limang taon, napigilan ko ‘yong feelings ko para sa kanya. Na dapat lang naman talaga, ‘di ba?”

Mula nang umalis ng bansa si Andrei ay sinikap na ni Aviannah na magkunwaring wala nang nararamdaman dito. Sa harap ng mga kaibigan niya ay ganoon ang ipinapakita at sinasabi niya.

“So, in that case, baka may chance na kayo ni Alfred ngayon?” tila excited na sabi ni Jamie sa kanya na kanyang bahagyang ikinagulat.

“Huh?”

“Five years ago, ni-reject mo siya dahil kay Andrei. And after no’n, bihira na kayo magkita at magkausap ulit. So, why don’t you try to work things out with him?”

“Alam mo… wala pa kasi sa isip ko ang mga ganyang bagay. Saka isa pa, look at him with Sandra. Hindi ba at parang mas bagay silang dalawa?” wika niya saka sila sabay na bumalin ng tingin sa kanilang mga pinag-uusapan.

Humalukipkip si Jamie kasabay ng marahang pagngiwi nito na tila ba napapaisip ito ng mabuti dahil sa sinabi ni Aviannah. “Hmm, well, alam mo parang may point ka.”

“Hindi ba? Imagine, sino bang mag-aakala na magiging good friends sila five years ago?” dagdag pa ni Aviannah.

“Parang may something nga sa kanila, ‘no?” saad ni Jamie nang sabay nilang makita kung paano masayang tumingin sa isa’t isa ang dalawa.

“See? I told you!”

“Hoy, Avie! Jamie! Ba’t ba nandyan kayo sa tabi? Dito nga kayo, sumali kayo rito sa amin!” pagkuwan ay tawag sa kanila ni Tin, isa sa kanilang mga kasama sa kasiyahan ng pagdiriwang ng kaarawan ni Sandra.

Sabay-sabay naman na napalingon ang iba pa nilang mga kasama sa kanila ni Jamie.

“Oo nga! Ba’t ba kayo nandyan? Natakas kayo sa shot, ano?” wika naman ni Anie, isa rin sa kanilang mga kasama.

“Oy, hindi kami natakas sa shot ah. Ito na nga at papunta na dyan!” sagot ni Jamie saka sila nagtungo sa mga kaibigan.

Aviannah had fun with her companions that night. Kaya naman hindi niya matanggihan ang mga ito sa tuwing pinapainom siya ng mga ito.

“No half measures, darling—make it a full one!”

“Go, Avie!”

Masayang inubos ni Aviannah ang laman ng shot glass na hawak niya at itinaas pa ito sa ere para ipakita sa mga kasama niya.

“Woah! You’re the best, Avie!”

“Guys, I think Avie has had enough. That will be her last shot,” pagkuwan ay sabi ni Sandra sa kalagitnaan ng kanilang kasiyahan.

“Bakit naman? Kaya pa naman ni Aviannah ‘yan,” ani Tin.

“Oo nga, Sandra. Besides, it’s your birthday naman. Hayaan mo lang kaming magkasiyahan dito,” Segunda naman ni Anie saka siya muling nagsalin ng inumin sa shot glass na pinaiikot nila. “Tin, it’s your turn!” masayang balin pa nito sa kasama nilang si Tin.

“Okay lang ako,” pagkuwan ay bulong ni Aviannah kay Sandra saka ito ngumiti. At nagpatuloy nga lang ang kasiyahan nilang lahat.

Hindi alam ni Aviannah kung nakailang shot ba siya bago niya maramdaman ang unti-unting paggalaw ng kanyang paligid.

“Avie, shot mo na,” wika ni Jamie na agad na tinutulan ni Sandra.

“That’s enough, Jamie. Hindi na kaya ni Aviannah. At ikaw rin. Look at yourself,” ani Sandra sabay kuha ng shot glass mula kay Jamie.

“Uy, kaya ko pa naman ah,” makulit na singit ni Aviannah sa dalawa niyang kaibigan habang pilit na kinukuha sa kamay ni Sandra ang shot glass.

“No, Avie. You should stop,” saway ni Sandra.

Ang ilan sa kanilang mga kasama ay bagsak na rin, ang iba naman ay nagpasundo na sa kani-kanilang mga driver pauwi.

“Are they okay?” lapit naman ni Alfred.

“No. They’re not okay,” sagot ni Sandra.

“So, how are we going to take them home?”

“I can take Jamie home to them since I'll be passing by their house. But… for Avie—”

“I can take her, then,” mabilis na putol ni Alfred kay Sandra.

“Sure ka? Pero kasi… nag-text na ako sa yaya niya na ipasundo na lang siya sa family driver nila—”

“It’s okay. Ako na lang ang maghahatid sa kanya sa kanila. I’ll call his dad,” muli ay putol ni Alfred kay Sandra habang pinag-uusapan si Aviannah na ngayon ay nakayupayop na sa table dahil sa labis na kalasingan.

“O-Okay, sige.” Sa huli ay wala nang nasabi pa si Sandra sa nais na gawin ni Alfred.

Katulong ang family driver nina Sandra, ay maingat nilang inakay si Jamie palabas ng resto-bar.

“Aalis na kami. Ikaw na ang bahala kay Avie,” paalam ni Sandra kay Alfred.

“Sure. Ingat kayo. Happy birthday ulit,” nakangiting tugon naman ni Alfred.

Matamis na ngumiti si Sandra pabalik sa lalaki. “Salamat.”

Akmang hahakbang na sana paalis si Sandra nang bigla siyang matigilan dahil sa kanyang nakita. Bumakas din ang gulat sa mukha ni Alfred nang mapalingon sa isang lalaking seryosong naglalakad ngayon palapit sa kanila.

“You? What are you doing here?” malalim na tanong ni Alfred sa lalaki nang huminto ito sa tapat niya.

Bumaba ang tingin ng lalaki sa natutulog na si Aviannah na naroon pa rin sa table.

“I’m here to pick up my sister,” seryosong sagot ng lalaki kay Alfred.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Too Wrong to Love   Chapter 63:

    “What are you doing here?!” gulat na tanong ni Aviannah kay Andrei na prenteng nakatayo lamang sa harapan niya.“it’s time for dinner,” tanging saad lamang ng lalaki sa kanya.“What?” kunot ang noong tanong niya rito saka siya napasinghap. “Tinatanong kita kung anong ginagawa mo rito. Bakit ka nandito?”“Bakit? Bawal ba ako rito?” balik na tanong ni Andrei sa kanya na hindi niya malaman kung bakit parang iniinis siya nito.“Kung hindi ka sasagot ng ayos, get lost,” inis na sabi niya rito kasabay ng akmang pagsara niya ng pinto rito. Pero agad iyong pinigilan ng lalaki.“Fine. Nandito ako para bantayan ka,” sagot ni Andrei sa kanya na bahagya niyang ikinatigil.“What?” kunot-noong tanong niya.“Iyon ang gusto ni tito.”“Really?” tila hindi niya makapaniwalang ulit na tanong sa lalaki.“Yes,” simpleng sagot naman ni Andrei sa kanya saka ito biglang humakbang palapit sa kanya na agad naman niyang ikinaatras. At ang sumunod na lamang na alam niya ay dere-deretsyo na itong nakapasok sa loo

  • Too Wrong to Love   Chapter 62:

    “Nasaan na sila?” alalang tanong ni Alfred kay Jamie pagkababa nito ng sasakyan. Tila mabuting sinusuri ang paligid upang hanapin sina Aviannah at Sandra, na ayon kay Jamie, ay kapwa nakainom.“Pasensya ka na, Alfred, inihatid na kasi sila ni Andrei,” nahihiyang tugon ni Jamie kay Alfred.“What?” kumunot ang noo ni Alfred. Sa totoo lang ay hindi niya alam na kasama pala ng mga ito si Andrei. Tumawag lamang kasi siya kay Aviannah kanina dahil may itatanong siya rito tungkol sa lakad nila bukas patungo ng Mindoro. Ni hindi rin niya alam kung bakit nasa ganitong klaseng lugar ang mga ito at kung ano ang ginagawa nila rito.“Andrei insisted kasi. Wala na rin akong nagawa pa kanina kahit na sinabi ko nang papunta ka na para sunduin kami. Pasensya ka na, naabala ka pa tuloy. Hindi ko rin kasi alam ang number mo. Tatawagan sana kita kanina para sabihing ‘wag ka nang tumuloy pa. Hindi ko rin nakuha sa cellphone ni Avie ang number mo. Kaya pasensya na talaga,” mahabang paliwanag pa ni Jamie.H

  • Too Wrong to Love   Chapter 61:

    “Avie, napaparami na yata ang naiinom mo. Alalahanin mong alis mo na bukas papuntang Mindoro,” marahang saway ni Jamie kay Aviannah, na kasalukuyang patuloy na umiinom ng alak.“It’s okay, Jamie. Kayang-kaya ‘yan ni Aviannah. Hayaan mo siyang magpakasaya ngayong gabi,” komento naman ni Sandra, na tulad ni Aviannah ay kasalukuyan ding nagpapatuloy sa pag-inom.“Hay naku, ayan ka na naman. Kinukunsinti mo na naman si Aviannah sa pag-inom,” balin ni Jamie kay Sandra.“Oh, come on, Jamie! We’re grown-ups now—we can drink as much and as long as we want!” sagot ni Sandra kay Jamie.Patuloy na nagtatalo ang dalawa habang si Aviannah naman ay tahimik lamang na nagpapatuloy sa pag-inom. Hindi niya alam kung nakailang glass na siya ng iniinom na tequila sunrise. Ramdam na rin naman niya ang pagkahilo ngunit hindi niya alam kung bakit tila ayaw tumigil ng kanyang sarili sa pag-inom. Gayong batid naman niya na kahit anong pagkalasing pa ang kanyang maramdaman, ay hinding-hindi naman siya matutulu

  • Too Wrong to Love   Chapter 60:

    Nanikip ang dibdib ni Aviannah dahil sa lahat ng alaalang nagbalik sa kanyang isipan. Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas mula nang umalis sila at magpaalam sa kanyang ama, pero hindi niya alam kung bakit tila nabalikan niya ang lahat ng mga alaala niya sa kanyang nakaraan. Na para bang sa pagitan ng mga sandaling iyon ay nakapag-time travel siya sa nakaraan.Nakaraang pilit niyang ibinabaon sa limot. Nakaraang ayaw na sana niyang mabalikan pa.Pero hindi niya maunawaan kung bakit kahit limang taon na ang nakalipas, ay para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Dahil kahit na anong gawin niyang pagbaon sa tunay niyang nararamdaman, ay kusa pa rin itong lumilitaw na tila gustong kumawala sa kanya.“Ihinto mo ang sasakyan, bababa ako,” malamig na sabi niya kay Andrei habang tahimik na nagmamaneho ang lalaki. Ngunit hindi siya pinansin ng lalaki na para bang wala itong narinig na kahit na ano, at sa halip ay patuloy lamang sa pagmamaneho ng sasakyan.Kasulukuyan silang patungo sa kanya

  • Too Wrong to Love   Chapter 59:

    Malalim na ang gabi, at purong katahimikan na ang bumabalot sa buong paligid. Ngunit hindi pa rin mapalagay si Aviannah dahil sa dami ng mga bagay ang gumugulo ngayon sa kanyang isipan. Hindi niya alam kung paano siya magre-react matapos malaman ang planong pag-alis ni Andrei ng bansa. Hindi pa nga niya natatanggap ang bagong sitwasyon nila bilang magkapatid, ay bigla naman itong aalis ngayon.Ilang sandali pa nang makaramdam siya ng matinding pagkauhaw. Kaya naman mula sa kanyang silid ay marahan siyang lumabas at nagtungo sa kusina upang kumuha ng tubig na maiinom niya. Ngunit nagitla siya nang makarinig ng tinig mula sa kung saan.“Hindi ka rin makatulog?”Agad siyang napalingon sa kanyang likuran at mula sa madilim na banda ay nakita niya si Andrei na nakatayo at tila nakapamulsa. Kumabog ang dibdib niya lalo pa nang marahang humakbang at kumilos ang lalaki palapit sa kanya, hanggang sa malinaw na niyang makita ang mukha nito nang matamaan na rin ito ng maliit na ilaw sa kusina na

  • Too Wrong to Love   Chapter 58:

    Humigit ng malalim na paghinga si Aviannah saka siya dumeretsyo ng lakad palampas kay Andrei at kay Mang Lito. Agad naman siyang sinundan at pinigilan ni Andrei.“Sandali, saan ka pupunta?” tanong nito sa kanya sabay harang sa daraanan niya. Napahinto tuloy siya sa paglalakad.“Saan pa eh ‘di uuwi,” sagot niya rito.“Eh bakit dere-deretsyo ka? Ayun ‘yong sasakyan oh.”“Kaya kong umuwi mag-isa. Gusto kong umuwi mag-isa.” Pagkasabi niya no’n ay magpapatuloy ulit sana siya sa paglalakad. Pero muli siyang inawat ni Andrei.“Huwag na ngang matigas ang ulo mo. Sumakay ka na,” sabi nito sa kanya.“Wow. Sino ka ba para utusan ako?”“Kuya mo ako—”“Pwede ba?” inis na putol niya sa lalaki. “Sobrang saya mo talaga na magkapatid na tayo ngayon?"“Oo naman. Bakit ikaw? Hindi ka ba masaya magkaroon ng ganito kagwapong kapatid?”Napasinghap siya. Hindi siya makapaniwala na nagagawa pa talagang makapagbiro nito ngayon sa harapan niya.Hindi siya nagsalita o umimik at sa halip ay tumingin lamang siya n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status