Share

Kabanata 97

Author: Jhantida
last update Last Updated: 2025-08-23 17:12:42

Napailing naman ang ginoong sinundan ito ng tingin bago hinarap ang walang imik na dalaga. Masama ang tingin nito sa kanya. Sa klase ng titig nito batid niyang may nagbabanta na namang giyera.

Sabay nga ang tatlong bumyahe. Katabi ni Clifton sa front seat si Cathy habang mag-isang nasa back seat si Hashana. Paano ba naman at sa harapan piniling sumakay ni Cathy. Taas pa rin ang mga kilay nito at naka krus ang mga braso.

"Kailan ka pa bumalik dito?" may diing tanong nito.

Nakatinginan si Clifton at Hashana gamit ang front view mirror.

"This week lang," kalmadong sagot ni Clifton.

Napaismid lang si Cathy saka sumulyap kay Hashana sa likod. May kaunting tampo siya dito dahil 'di man lang siya sinabihan ng babae. Naiinis din siya sa biglaang pagbalik ng ginoo. Pagkatapos nitong mawala ay ganun ganun lang kung bumalik. At nahuli pa siya sa balita!

"Anong plano mo sa kaibigan at mga inaanak ko?"

"Cathy!"

"Ano? Eh wala ngang paninindigan ang lalaking 'yan, e," may halong iritasyong sagot
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Little_Sunny
sige Clifton pagbutihan mo pa. hahhaa next po author sana madami sa susunod
goodnovel comment avatar
Gumban Evelyn
hahaha..ayos ahhhh
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Trap In His Arms   Kabanata 97

    Napailing naman ang ginoong sinundan ito ng tingin bago hinarap ang walang imik na dalaga. Masama ang tingin nito sa kanya. Sa klase ng titig nito batid niyang may nagbabanta na namang giyera.Sabay nga ang tatlong bumyahe. Katabi ni Clifton sa front seat si Cathy habang mag-isang nasa back seat si Hashana. Paano ba naman at sa harapan piniling sumakay ni Cathy. Taas pa rin ang mga kilay nito at naka krus ang mga braso."Kailan ka pa bumalik dito?" may diing tanong nito.Nakatinginan si Clifton at Hashana gamit ang front view mirror. "This week lang," kalmadong sagot ni Clifton.Napaismid lang si Cathy saka sumulyap kay Hashana sa likod. May kaunting tampo siya dito dahil 'di man lang siya sinabihan ng babae. Naiinis din siya sa biglaang pagbalik ng ginoo. Pagkatapos nitong mawala ay ganun ganun lang kung bumalik. At nahuli pa siya sa balita!"Anong plano mo sa kaibigan at mga inaanak ko?""Cathy!""Ano? Eh wala ngang paninindigan ang lalaking 'yan, e," may halong iritasyong sagot

  • Trap In His Arms   Kabanata 96

    Ang sunod sunod na katok sa labas ng pinto ang napagising kay Hashana kinabukasan. Walang ganang inimulat nito ang mata at bahagyang inunat ang mga braso. Salubong ang kilay ng dalaga na bumaling sa saradong pintuan saka napatingin sa orasan sa pader. Ngunit mabilis lang din siyang napabangon nang makitang lagpas alas syete trenta na. Mahinang nagmumurang napatayo siya at lumapit sa pinto upang buksan ang panauhing patuloy na kumakatok. Ang ina niya ang nasa labas. "Kanina pa kita kinakatok dito. Hinatid na ni Clifton ang mga bata. Mag-ayos ka na dahil nasa baba si Cathy.""Si Cathy?""Oo, kaya maligo ka na. May pasok ka pa 'di ba?"Napakamot si Hashana sa kanyang kilay. "Pakisabi na lang kay Cathy na susunod ako. Mag-aayos lang po ako.""Sige, bilisan mo. Late ka na sa trabaho.""Opo,"Iniwan ng ginang ang anak kaya nag-ayos na si Hashana sa sarili. Minadali lang niya ang pagligo. Ni hindi na nga niya natali ang buhok matapos iyong i-blower. Basta't lumabas na lang siya sa kwarto n

  • Trap In His Arms   Kabanata 95

    Walang masama kung manindigan sa sariling prinsipyo. Ang masama ay iyong pilit mo itong pinapatatag pero ginigiba lang din ng ibang tao. At para kay Hashana, ang binubuo niyang paninindigan sa sarili ay unti-unting dinudurog ni Clifton. The man that knows nothing but to play ironically with her. "Hindi ka pa ba uuwi?" Malditang tinapik ni Hashana si Clifton na pumipikit pikit ng nakahiga katabi ni Cheslyn. Nakuha na naman nito ang hangaring pumunta sa bahay nila. Ang kapal pa ng mukha at nakikain pa talaga ng hapunan. Kung wala lang ang mga bata sa paligid. Kanina pa niya binulyawan ang lalaki at pinalayas. Suwerte lang nito at malakas ang loob na mamalagi sa pamamahay nila dahil pabor ang magulang niyang bumisita ang lalaki para makabawi sa mga bata. Nagpipigil na lang sa galit na nahilot ng dalaga ang noo nang umungol lang si Clifton at pumikit ulit. "Aalis ka o bubuhusan kita ng tubig dito."Napamulat ang inaantok na mata ni Clifton sa wika ng dalaga. Namumungay ang mata nit

  • Trap In His Arms   Kabanata 94

    Bumuba ang salamin ng sasakyan at sumilip doon ang gwapong mukha ng doktor. "Pauwi ka na? Get in. Ihahatid kita.""Tapos na work mo?""Yes, papauwi na din ako pero nakita kita dito. I think it's a good timing," wika nito at nalipat ang mata sa bitbit niyang bulaklak. Mas lalong lumawak ng ngiting nakapaskil sa labi ng binata. "The flowers suits you. Maganda."Nakangiting umiling lang siya. "Get in. Hindi mo ba nadala ang kotse mo? Ngayon lang kita nakita dito."Nanumbalik sa utak niya ang eksenang ginawa ni Clifton. Kung batid lang nitong inagawan siya ng kotse ng walang hiyang lalaking 'yon! "May dala, doc. Kaso may sira ata–"Ang malakas na sunod sunod na busina ng kotse ang nagpatahimik kay Hashana. Malayo pa lang ay tanaw na niya ang mabilis na harurot ng sasakyan patungo sa puwesto nila ng binatang doktor. Naningkit ang mata niyang sinundan ng tingin ang sariling kotse na walang ingat na pumarada sa unahan ng sasakyan ni doc Bayones. Iniluwa doon ang mabangis na anyo ni Clift

  • Trap In His Arms   Kabanata 93

    "Good evening po, doc!""Good evening, sir!""Magandang gabi po, sir!" Magkapanabay na bati ng mga ito. Si Hashana ay walang imik lang sa gilid at sinupil ang labi. "Hindi magandang pakinggan sa loob ng ospital ang mga empleyadong nagtsitsismisan. Please manage your voice next time. I don't like seeing my employees gossiping about other people's lives. Please make sure to discuss this when you're not inside this healthcare institution."Istriktong pinasadahan ng tingin ni Clifton ang mga kinakabahang nurses. Napayuko ang mga ito at kabadong pinag-taob ang mga palad. Humantong ang mata ng ginoo kay Hashana na malayo ang tanaw. Hindi man lang siya binigyan ng pansin. Tss! "Sorry po, doc. Hindi na po mauulit.""Sorry, doc.""Just make sure to be professional and responsible next time. You can leave."Sabay na nakayukong tumango ang mga ito saka maingat na nilagpasan ang direktor. Nauna ang kasama ni Hashana at sinadya naman niyang magpahuli. Ang iba ay nakalabas na sa glass door ng ho

  • Trap In His Arms   Kabanata 92

    "I hope you can come.""Susubukan ko. Salamat pala sa pag-imbita," sabi niya. Ang akala niya'y aalis ito ngunit mataman lang siyang pinagkatitigan ni doc Bayones. Puno ng misteryo ang titig nito na kahit ilang ulit niyang sinubukang sisirin ang ideyang naglalaro sa mata nito ay hindi niya nasusungkit ang gustong malaman. Napalunok siya at umiwas ng tingin. Alanganin siyang ngumiti at nauna ng nagsalita para magpa-alam. "I have to go, doc. Tapos na break time ko, e." "Yeah, you can go."Ngumiti lang siya at tumalikod dito. Dumaan muna siya sa lounge upang ihatid ang laptop at ilagay sa locker ang letter na nai-print. "Nagawa mo ba ang ibinilin ko?" Walang emosyong tanong ni Clifton na hindi inaangat ang tingin sa babaeng nurse. "Opo, doc, nailagay ko na kanina ang bulaklak sa locker niya. May iba pa po ba kayong kailangan?""Did you take photos on her?""Opo, ito po."Dali-daling inilahad ng babae ang cellphone na ibinigay ni Clifton kaninang umaga para palihim na kunan ang mga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status