INICIAR SESIÓNYVESSIRAE ELSWYTH QUIOVA a.k.a ELLY MENDOZA
Nagulat ako ng isang Maserati Matte black ang gagamitin ko. Ngunit wala na akong plano mag reklamo dahil kailangan ko na umalis. Sumakay ako sa sasakyan. “I wish na hindi ko maibangga ito..” bulong ko at huminga ako ng malalim bago buhayin ang makina nito. Mabilis kong nilisang ang lugar na ito, alam ko na kung saan ito kaya hindi na mahirap para sakin ang maka alis ng mag isa. HINDI NAGTAGAL NAKARATING ako sa Agency. Ang agency na ito ay hindi basta basta dahil mayaman ang may ari nito. Si Tita Selestina ang may ari nito ang ina ng kaibigan ko na si Rish at Lev. Yari sa glass ang ilang parte kaya kapag natatamaan ng liwanag mula sa araw ay masisilaw ka. Pumasok na ako sa loob at kumaway sa mga nasa front desk at diretso na ako sa express elevator. NANG MAKATING AKO SA 28th floor agad akong nag tungo sa opisina ni Tita Selestina. “Camille andyan si Miss Guerrero?” Tanong ko sa secretary ni Tita Selestina. Guerrero ang kanilang last name. “Yes pasok kana lang..” sagot nito kaya tumango ako kumatok ako bago buksan ang pinto. “Oh.. Yve nandito kana. Mabuti naman at pinayagan ka niya?” Tanong sa akin ni Tita agad. Binigay ko ang folder dito at agad nitong binuksan. “Kung alam ko lang na si Mr. Azaleano pala ang kliyente na nanakot sa inyo? Sana pala tumanggi ako..” sagot ko at umupo ako. “At bakit?” Nakatingin sa akin ito. Pabagsak ang umupo sa sofa bago sumagot. “Dahil, malaking kalokohan ang walang pusong lalaki na ‘yun hindi pa naka move on sa first love. Sabagay..” putol ko. “First love never dies. Geez ang cringe..” umikot ang mata ko sa pandidiri. “Kailangan mo tanggapin kundi magkaroon tayo ng bad record siguro na gagawin niya ang pananakot niya..” paliwanag ni tita. Nilingon ko si Tita matapos nito basahin ang inabot ko sa kanya. “Why? I mean bakit hindi niyo siya tinanggihan? Alam niyo naman pala ang work ethics niya?” Tanong ko dito. “Dahil papasara niya ang agency natin, kahit subukan ko pa mag bukas ganun din ang gagawin niya hindi siya titigil..” sagot nito at huminga ng malalim. “Kahit ako ayoko rin tanggapin ang pakikipag usap nito at gusto nito. Pero wala ako magagawa. Kahit suportado tayo ng gobyerno hindi tayo makakaligtas sa isang Killian Rexander Azaleano..” Nababasakan ang boses ni Tita ng takot at lungkot. “Hayaan mo na nandito na tatapusin ko na lang ang usapan.. kung bumalik na ang first love niya pwede na ako sumibat kahit mag bayad pa ako..” tumayo na ako at nag paalam. “Oh siya tita mauna na po ako, may pupuntahan pa ako eh..” paalam ko Bago pa ako maka hawak sa doorknob nag salita si tita. “Huwag na huwag kang maniniwala sa matatamis na sasabihin niya. Tandaan mo hindi mo siya pwede pagkatiwalaan, mag iingat ka..” paalala ni Tita Selestina. Nilingon ko si Tita Selestina hindi mababakasan ang mukha nito na nagbibiro ito. “Huwag na huwag mo hahayaan na may mangyari sainyo. Kung hindi? Hinding hindi ka na makakaalis sa puder niya. Kung may goal ka gawin mo agad at umalis kana.. “ muling pagsasalita ni Tita. “Mas gugustuhin ko pa na bumagsak ang agency kesa makita kang hawak ng taong ‘yun. Mas lalo ng buong pamilya niya..” umiwas ito ng tingin at bumuntong hininga. “Ano bang meron sa kanila?” Tanong ko dito. “Hindi na muna ngayon, hindi pa kumpirmado kung totoo pero sige na baka mahuli ka pa sa party. Mag hahanap ka pa ng damit mo..” sagot ni Tita Selestina. “Sige po tita..” ngumiti ako at lumabas na ako. Kahit napapa isip ako sa sinabi ni Tita Selestina, mas mabuti na huwag na muna ngayon ito ang isipin ko. Pero tama si Tita kailangan ko mag ingat sa Killian na ‘yun hindi ko alam pero may kakaiba sa kanya. NANG MAKARATING AKO sa Boutique ni Alexandra. Isa siya sa mga kaibigan ko ng college na ang course ay tungkol sa fashion. Close din ito sa Agency at kilala din siya ni Tita Selestin at ng asawa nito na si Tito Archie kaya wala siyang problema sa amin o klase ng trabaho namin. Nag lakad ako hanggang itulak ko ang pinto. Nakuha ko agad ang atensyon nito, “Mabuti naman at pumunta kana dito. Pumili kana..” masungit nitong utos sa akin. “Nagmamadali ka naman masyado, Starbucks?” Tinaas ko ang hawak ko. Agad naman nag liwanag ang mata nito. “Yown! Hindi ako tatanggi! Halika upo muna tayo at mag usap.” Hinila ako nito at umupo. Natawa naman ako at umupo kami sa receiving area niya na malapit sa bintana. Nakikita namin ang mga dumadaan na tao sa labas. “So sino ang kliyente mo this time?” Tanong nito sa akin habang inaamoy ang dala kong kape. “Si Killian Rexander Morelli - Azaleano..” maikli kong sagot. Napa ubo ito sa pagka-samid at nilingon ako. “The heartless businessman?!” Tanong nito napa lakas pa ang boses nito. “Hindi lang siya basta heartless, he’s a ruthless too!” Pag tataas ng boses nito. Tumango ako at uminom ng binili kong matcha. “Siya nga..” tipid kong sagot. Umiling ito. “Kung ako sayo? Huwag mo tanggapin! Alam mo ba na baliw ‘yan sa ex niya? Hinala nga ng iba kaya siya pinag tataguan nito dahil control freak siya! Literal na walking red flag ‘yan!” Asik ni Alex. “Huli na, tinanggap ng agency ang gusto niya. Kung hindi tatanggapin o kung tumanggi si Tita Selestina? Pababagsakin nito ang agency,” sagot ko kahit kalmado ako mag salita natatakot ako. “Isa pa, si Mr. Azaleano ang pumili sa akin.. ang weird diba?” Napa ngiwi ako ng sabihin ko ‘yun. “Siya? Mismo?” Tanong ni Alex, tumango ako bilang tugon. Binigyan kami ng kanyang secretary ng croissant tig isa kami ngumiti ako bilang pasasalamat. “Parang hindi ko gusto ang idea na ‘yan na siya mismo ang pumili sayo mas lalo kung hindi ka naman niya kilala at all..” wika ni Alexandria naka ngiwi pa ito at umiling. Binaba ko ang hawak kong matcha at nag salita. “Hindi rin maganda ang pakiramdam ko sa kanya. Para siyang may dalang gulo sa buhay ko..” pag amin ko. “Actually plano ko pabalikin ang first love niya, balita ko din kasi wala silang closure o hindi talaga sila naghiwalay. Saka ako aalis sa puder niya, saka ko ipapatigil ng kontrata at magbabayad na lang ako ng danyos..” pag amin ko at niyakap ko ang throw pillows. “Paano mo gagawin?” Tanong nito sa akin. “Ang mayayaman mahilig sila sa publicity, gagamitin ko ‘yun para makarating sa First Love niya sa ganoong paraan babalik siya. Pero kung hindi gagana hahanapin ko siya at kakausapin..” pag bibigay ko ng plano ko. “Good Luck girl, basta mag ingat ka lang sa kanya hanggat maaari huwag mo hayaan na may mangyari sa inyo kahit kiss lang. Baka hindi ka na maka alis at malunod ka sa walking disaster na lalaki na ‘yun..” paalala nito, ngumiti ako at tumango. NAG HANAP NA AKO ng susuotin ko tulad ng plano ko, plano ko na umuwi sa bahay ko upang kunin ang heels ko pero sinabi ni Alex na ang tauhan na lang niya ang kukuha para sa akin. Pumayag na ako. Inayusan ako ng team ni Alex gusto ko ng wet look at shadow style sa mata o smokey eye. Naglagay din ako ng gray na contact lenses. Nude lipstick ang nilagay sa labi ko. Nakita ko ang oras ay 6:15 na kaya naman nag madali na ang team hanggang mag bihis na ako. Nang lumabas ako galing fitting room. “Damn. Ang sexy mo..” papuri ni Alex sa akin. “Bagay ba?” Tanong ko dito. “Ay hindi lang bagay! Sobrang bagay!” Sagot nito na kina hinga ko ng maluwag. Tiningnan ko ang sarili ko whole body mirror. Ngumiti ako na ang ganda ko, ang tapang mata ko. Ginawa nilang cut eye ito upang mas bumagay sa akin. “Dalian mo na dahil mag 6:30pm na baka ma traffic ka pa..” utos ni Alex at inabot sakin ang YSL handbag ko. Kinuha ko agad ito. “Thank you! Yung bayad ko after na ha? O send ko mamaya..” b****o ako sa pisngi ng kaibigan ko. “Oo na sige na. Ingat and Goodluck sa first appearance mo as the ruthless Killian’s girlfriend..” natatawa nitong wika na kina tawa ko din at kumaway ako. JASVER GRANT “Where’s your girlfriend tol?” Tanong ko kay Killian. “Malapit na mag simula wala parin siya..” medyo naiirita na ako dahil kailangan nandito na siya kanina pa. “Don’t worry, she told me na darating siya. Subukan niya hindi tumupad.” Nilingon ko si Kill nakatingin lang ito sa magulang niya. Hindi parin siya lumalapit sa mga ito. “Hindi mo parin sila napapatawad mas lalo ang daddy mo.” Wika ni Kervin. Tama, sino ba ang kaya mag patawad kung sarili mong ama ang pumatay sa iyong ina? Matapos nag asawa agad? “Kahit sa huling hininga ko hindi ko mapapatawad ang lalaki na ‘yan..” malamig na sagot ni Kill. Mag sasalita pa lang ako ng mag ring ang phone ko, nagulat ako dahil si Elly ang tumatawag. “Si Elly..” pinakita ko sa kanila. Biglang nandilim ang paningin ni Killian siguro dahil hindi sa kanya tumawag. “Sagutin ko na..” wika ko at sinagot ko ang tawag ko. “Asan kana ——” hindi ko na natapos ng makita akong babae na papasok kaya naman napa lingon din ang ibang bisita. Tila hindi ko naririnig ang tanong ni Elly dahil naka focus ako sa babaeng naglalakad na tila may hinahanap.Head turner ba si Elly Jasver? Anyway wala pong POV pa si Killian dito baka hanapan niyo po ako. Lalabas ang main pov niya sa chapter 50 naka fix na kasi yun basta po may dahil bakit po. Kaya relax lang po kayo. Anyway thank you po sa pag hihintay. :)
YVESSIRAE ELSWYTH QUIOVA a.k.a ELLY MENDOZA “Teka, Mr. Azaleano nasasaktan ako!” Pilit ko inaalis ang kamay ng lalaki na ito na nasa wrist ko na halos madurog na niya. Umalis kami ng party dahil uuwi na daw kami. “Ano ba?!” Hindi ko na maiwasan hindi mag taas ng boses. Dahil nasasaktan na ako. Tumigil ito at nilingon ako at madilim ang mukha nito na hinila ako na halos masubsob ako sa dibdib nito. “A-a——” hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng hawakan nito ang batok ko at kabigin patungo sa labi nito ang tenga ko. “Nasa loob ka ng mundo ko, ang pinaka ayaw ko nakikipag usap ka sa lalaki. Papayagan ko ang mga kaibigan ko pero ang hindi ko kilala ay hindi..” malamig at puno ng otoridad ang tono ng boses nito. Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. “Ulitin mo pa ng isang beses. Makita ko pa na hinahawakan ka ng ibang lalaki, hinding hindi ko maipapangako na hindi ka masasaktan sakin..” pag babanta nito na kina daan ng takot sa katawan ko. Huminga ako ng malalim at humugot ng la
YVESSIRAE ELSWYTH QUIOVA a.k.a ELLY MENDOZA “Jasver? Saan kayo? Okay nakita ko na kayo..” tanong ko ngunit wala akong sagot na natanggap kaya naman binaba ko na ang tawag ko. Nang lumingon si Mr. Azaleano ngumiti ako, nakita ko itong tumayo at sinalubong ako. “Pasensya na muntik na ako hindi papasukin.” Paghingi ko ng paumanhin dito ng maka lapit ako. “It’s fine, at least you here now let’s go..” malamig na sagot nito. Ngumiti ako ng tipid at tumango, sabay kaming nag lakad palapit sa kaibigan ni Mr. Azaleano. “Wow! Hindi ko alam na may tinatago ka pa lang ganyang ganda?” May pagka mangha at gulat sa tono ni Kervin habang pinasadahan ako ng tingin nito mula ulo hanggang paa. “Well, kasama ‘yan sa trabaho ko alam niyo na tinutukoy ko. Ang hindi ipahiya ang kliyente ko habang nasa loob ng kontrata.” Ngumiti ako at umupo ako. “They are coming..” napa tingin ako kay Jasver at nakatinginl ito sa may bandang likuran ko. Kaya lumingon ako, doon ko namukhaan yung lalaki. Ang ama
YVESSIRAE ELSWYTH QUIOVA a.k.a ELLY MENDOZA Nagulat ako ng isang Maserati Matte black ang gagamitin ko. Ngunit wala na akong plano mag reklamo dahil kailangan ko na umalis. Sumakay ako sa sasakyan. “I wish na hindi ko maibangga ito..” bulong ko at huminga ako ng malalim bago buhayin ang makina nito. Mabilis kong nilisang ang lugar na ito, alam ko na kung saan ito kaya hindi na mahirap para sakin ang maka alis ng mag isa. HINDI NAGTAGAL NAKARATING ako sa Agency. Ang agency na ito ay hindi basta basta dahil mayaman ang may ari nito. Si Tita Selestina ang may ari nito ang ina ng kaibigan ko na si Rish at Lev. Yari sa glass ang ilang parte kaya kapag natatamaan ng liwanag mula sa araw ay masisilaw ka. Pumasok na ako sa loob at kumaway sa mga nasa front desk at diretso na ako sa express elevator. NANG MAKATING AKO SA 28th floor agad akong nag tungo sa opisina ni Tita Selestina. “Camille andyan si Miss Guerrero?” Tanong ko sa secretary ni Tita Selestina. Guerrero ang kanilang l
YVESSIRAE ELSWYTH QUIOVA a.k.a ELLY MENDOZA Hindi ko maiwasan hindi magulat ng makita ko ang lalaki na ito. Kilala ang lalaki na ito na walang puso sa mga empleyado niya at mas lalo sa mga taong gagawan siya ng hindi maganda. Walang iba si Killian Resander Morelli-Azaleano. Hindi ko maiwasan hindi ikuyom ang kamao ko, ang tao na ito gustong gusto niyang dinudurog ang mga tao na gumagawa sa kanya ng kasalanan. “Kill, ito pala si Elly Mendoza siya yung magiging 3 month contract girlfriend mo..” pakilala ni Jasver sa akin. Nilahad ko ang kamay ko. “Good evening and nice finally meeting my client. I’m Elly Mendoza..” pormal pakilala ko dito. Tiningnan ako ng buong lamig nito at ang kamay ko plano ko na bawiin ng walang plano itong makipag kamay. Ngunit nagulat ako ng kamayan ako nito. “Killian..” malamig nitong pakilala. Hinugot ko ang kamay ko at muling tinago sa bulsa ng suot kong jacket. “From now on you will stay here at my place. Hindi ka pwede lumabas ng hindi ko alam, l
YVESSIRAE ELSWYTH QUIOVA a.k.a ELLY MENDOZA Napa libot ang paningin ko sa paligid, kung ano kina simple sa labas siyang kina garbo sa loob. “I don’t need this house. It will remember me being a contracted girlfriend, so tell your friend that i don’t want to accept this..” firm and straight forward kong sagot. “Ang tanong pakawalan ka pa kaya?” Bulong ng lalaki na galing sa likod ko. “What did you just say?” Naguguluhan kong tanong dito. “Hey Dylan.. hindi ko akalain na pupunta ka din dito. Anyway this is Miss Elly Mendoza and Miss Elly? This Dylan Crawford mga kaibigan kami ng magiging client mo..” naka ngiting pakilala ni Jasver sa bagong dating na lalaki. “Nice to meet you..” ako ang unang bumati at nilahad ko ang kamay ko. Agad naman nitong tinanggap. “Nice to meet you too.” Ngumiti ito at ito ang unang bumawi ng kamay niya. “Manang Rosa? Paki hatid naman po ang bag ni Elly sa magiging silid niya, na inform na ito sa inyo ni Kil diba?” Narinig kong tawag ni Jasver.
YVESSIRAE ELSWYTH QUIOVA a.k.a ELLY MENDOZA Nagising ako sa silaw mula sa araw na nag mumula sa bintana ko. Napa unat ako ng kamy ko at kinusot ko ang mata ko hanggang unti-unti kong dinilat ang mata ko. Dahan dahan ako bumangon alam ko na wala akong damit na kahit anong suot. Well, ugali ko ito ang hindi mag damit kapag natutulog maliban kung nasa bahay ako ng ibang tao. Umupo ako at napa yuko ako sa hilo at sakit ng ulo ko. “Damn this headace..” bulong ko.. Napa lingon ako ng mag ring ang cellphone ko agad kong dinampot ito na nasa gilid lang din ng higaan ko. Nabasa ko kung sino ito Tita Selestina. “Hello tita? Good morning po..” bati ko habang naka upo ako. “Good morning, may bago kang kliyente. Hindi personal na pumunta pero may kaibigan itong pinapunta. Gusto niya na bukas na bukas nasa bahay kana niya because doon ka titira sa kanya, isa pa ipapadala ko sayo ang kontrata. Siguraduhin mo na pipirmahan niya ito at maiintindihan niya..” mahabang lintaya ni Tita Selesti







