ANMELDENYour comments and feedback are always appreciated—they truly mean a great deal. Thank you for reading, and I hope you have a wonderful day~✨🫶🫶🫶
PAGKATAPOS MABIGO ang unang pagtatangka, napagtanto ni Czarina na mali ang napili niyang “battlefield.” Kung hindi siya makalapit kay Damion sa gym… kailangan niyang maghanap ng ibang lugar.Ngunit kahit anong titig niya sa mapa, wala siyang maisip.Sa sobrang inis, itinapon niya ang mapa sa kama at nagkulong sa banyo. Binuksan niya ang gripo at hinayaan ang mainit na tubig na punuin ang bathtub.Lumubog siya roon, pumikit, at pilit na pinakalma ang sarili.Beep. Beep. Beep.Tumunog ang cellphone sa gilid.Dahan-dahan niyang iminulat ang mata at pinindot ang speaker.“Hello?”“Miss, kumusta? May progreso ba?” boses ni James Velasco sa kabilang linya.Napangiti si Czarina nang mapait. “Progreso? Hindi pa nga nagsisimula.”“Pero may plano kayo, ‘di ba? Sa dami ng paghahanda… imposible namang wala kayong napala.”Huminga nang malalim si Czarina. “Mas mahirap siyang lapitan ngayon kaysa dati. Ang hirap makita, lalo na ang makuha ang tiwala niya.”Humigpit ang hawak niya sa gilid ng batht
SINIMULAN ni James ang paghahanap sa postpartum nanny at sa lawak ng connections ay madali niya itong nahanap. Papasakay ito sa smuggling ship na siyang agad nitong pinigilan.Nang marinig ni Czarina ang balita, dali-dali itong pumunta sa daungan kung saan nakadaong ang barko kasama ang matanda.Ngunit pagdating niya roon, agad niyang napansin na wala na ang maleta ng nanny.Nanlaki ang mga mata ni Czarina at mabilis siyang lumapit, nanginginig sa galit.“Nasaan ang bata?” mariin niyang tanong.Namumutla ang babae; nanginginig ang labi. “A-Ano… anong bata? Wala akong alam—”Isang malakas na sampal ang tumama sa mukha nito. Napahiyaw ang nanny at muntik pang matumba.Halos nanginginig ang buong katawan ni Czarina, ngunit ang boses niya ay malamig at matalim.“Ayoko sanang manakit,” nanginginig niyang sabi. “Pero kung hindi mo sasabihin ang totoo… itatapon kita sa dagat.”Lumapit siya, halos idikit ang mukha sa babae.“Alam mo ba kung ano’ng pakiramdam na lamunin ng tubig? Wala kang mar
“SA WAKAS! NAISILANG NA RIN ANG BATA!”Sa loob, mabilis ding kinuha ng nars ang bata. Napabalikwas si Czarina nang umupo kahit na nahihirapan pa. “Saan niyo dadalhin ang anak ko?”Sumingit ang doktor. “Kailangan pong dalhin agad sa incubator dahil premature po ang bata. Don’t worry, Mommy, your son is going to be fine.”Muntik na ring malagay sa panganib si Czarina dahil sa sobrang pagkawala ng dugo, pero makalipas ang halos dalawang oras ay nailabas siyang ligtas. Isang araw at gabi siyang natulog bago siya nagising at nag-panic nang makita niyang walang laman ang crib. Ipinaliwanag ng Manang na nasa incubator ang bata, kaya kahit mahina pa, nagpumilit si Czarina na makita ang anak. Pagdating sa isolation room, nakita niyang maraming tubo ang nakakabit sa sanggol kaya naiyak siya sa awa at guilt, ngunit inalo siya ng Manang at sinabing gagaling din ito sa tamang pag-aalaga. Pinunasan naman ni Czarina ang luha sa mukha at saka ngumiti. “Tama sila na ang pangit tignan ang mga bagon
“MOMMY CAN’T WAIT TO SEE YOU, MY LITTLE ANGEL.”Ilang sandali lang ay pumasok ang isang matandang babae na tagapag-alaga ng bahay. Natigilan ito nang makita ang magulong gamit sa loob ng silid.“Ay naku,” agad nitong sambit, halatang reklamo ang tono. “Siguradong si James na naman ‘to. Ang lalaking ‘yon, bakit iniwan pa lahat ng gamit dito? Paano kung madapa ka?” “Paano nga ba ’yan magiging maingat?” sagot niya. “Malaki siyang tao, pero… he did his best.” Ngunit imbes na magpahinga, iginiit ni Czarina na gusto niyang gumalaw-galaw dahil nakakapagod ang puro upo. Kahit nag-aalala, napilitan ang Manang na pumayag at bantayan siya.Habang inaayos nila ang maliliit na damit ng sanggol, napahinto si Czarina nang makita ang isang napakaliit na onesie. Bigla siyang napaisip.“Manang…” tanong niya, tila seryoso pero may halong kaba, “Totoo ba na pangit daw ang newborn babies? Kulubot at… parang matanda?”Natigilan ang matanda, saka marahang ngumiti. “Totoo ‘yon. Pero pagkalipas ng ilang lin
SIX MONTHS LATER.Maganda ang araw, kaya naman ay nagpasya si Czarina na tumambay sa may hardin. Nakaupo sa recliner, bahagyang nakapikit ang mga mata. Ngunit kahit gaanong kapayapa tignan ang mukha ni Czarina ay hindi kayang takpan no’n ang bigat na nararamdaman niya.It’s been six months. Pero wala pa ring balita tungkol kay Carlo. Walang katawan. Walang bakas. Walang kahit anong sagot na makuha.At sa bawat araw na dumaraan, lalo lang nilalamon ng pangamba ang buong pamilya. Hanggang sa tuluyang bumigay ang lola niya. Dahil sa labis na pag-aalala at kawalan ng katiyakan, lumala ang kondisyon nito hanggang sa pumanaw na rin. At sa isang iglap, ang pangakong magiging “little princess” siya ng Ocampo family ay nauwi sa pagiging mag-isa.Mag-isa sa banyagang lugar.Mag-isa sa katahimikan. Mag-isa sa sakit.Tanging ang sanggol sa sinapupunan niya ang nagbibigay ng kaunting init sa puso niyang halos mawalan na ng buhay. Sa bawat araw na nararamdaman niyang lumalaki ito, kahit papaano…
“AND PROBABLY BY NOW… HE’S DEAD.”Hindi na nagawa ni James sabihin pa ang iba, dahil kahit siya mismo ay hindi matanggap ang gano’ng posibilidad.Nanlabo ang paningin ni Czarina. Parang biglang nawala ang tunog sa paligid. Nakasandal siya sa pader, at dahan-dahang dumulas pababa hanggang sa maupo sa malamig na sahig.“Kuya…” halos pabulong niyang sambit.“Miss,” nagmamadaling sabi ni James, “malamig diyan. Please, tumayo ka.”Pero parang hindi siya narinig ni Czarina.Mahina niyang inusal, parang kinakausap ang sarili.“Hindi… okay lang siya. Wala pa tayong katawan na nakikita, ’di ba? We can’t give up.” Nanginginig ang labi niya. “Maybe he’s somewhere… waiting for us. Kailangan natin siyang hanapin…”Tumango si James, pilit pinatatatag ang boses.“We will,” pangako niya. “Walang may gusto nito. Kapag may balita, agad naming ipapaalam sa’yo. Please… take care of yourself. Lalo na’t buntis ka.”Pumikit si Czarina.Masakit.Pero alam niyang walang silbi ang pagguho ng kanyang mundo ngay
“…I BET HE’D LIVE A MISERABLE LIFE… KNOWING YOU’RE HIS MOTHER.”Bawat salita ay parang kutsilyo ay tumatarak sa dibdib ni Cassidy.Namutla ito, nanginginig, halos matumba. Totoo—may ilang gabi na ring sinusundan siya ng imaheng bata sa panaginip, nakatingin sa kanya na parang nanghuhusga.Nang makit
“GINAWA NA NAMIN ANG LAHAT. THE CHILD… CANNOT BE SAVED. PERO LIGTAS ANG INA.”Pagkarinig niyon, walang bakas ng lungkot sa mukha ni Damion—ni pagsisisi. Sa halip, may bahagyang ginhawa, parang ang pagkawala ng bata ay sagabal lang na natanggal sa pagitan niya at Czarina. Nagalit siya sa sarili sa na
NAKATAYO SI CASSIDY sa balkonahe, tinatanaw ang pag-alis ni Czarina. May ngiti sa kanyang labi—kahit pansamantala, wala na si Czarina. Determinado siyang sulitin ang oras na wala ito para makuha ang pabor ni Alejandro at mapalapit kay Damion.Pero bago pa siya makaisip ng paraan para mapasaya si Ale
“SETH, BOOK US TICKETS BACK TO THE CITY. WE’RE GOING HOME.”Napatigil si Cassidy, nanlaki ang mga mata. Pati si Seth, nagulat.Seeing Cassidy’s obvious disappointment, Seth subtly tried to help her. “Damion, bakit hindi ka na lang mag-stay ng ilang araw? Nag-enjoy pa si Cassy. And since nasa bahay n







