Home / Romance / Trapped in Love / Kabanata 9 Hindi Kaaya-ayang Ipresenta

Share

Kabanata 9 Hindi Kaaya-ayang Ipresenta

Author: Kitty Song
Alas otso ng gabi, ipinadala ni Caroline kay Evan ang updated niyang schedule bago umalis ng opisina. Noong lumabas siya, napansin niya si Reuben na naghihintay sa tabi ng sasakyan.

Noong nakita ni Reuben si Caroline, lumapit siya at sinabi, “Sinabihan ako ni Mr. Jordan na ihatid ka para magpahiga.”

Tumangi si Caroline, “Hindi na kailangan. Uuwi ako ng mag-isa.”

Nag-alinlangan si Reuben bago nagpatuloy, “Ms. Shenton, may isang bagay na hindi ko alam kung sasabihin ko sa iyo.”

Tinginan siya ni Caroline, mahina ang boses niya noong sumagot siya, “Sabihin mo.”

“Alam ni Mr. Jordan na may sakit ka, kaya kumuha siya ng mag-aalaga sa iyo, at naghihintay na ang taong ito sa iyo sa Villa Rosa.”

Kumunot ang noo ni Caroline. Anong intensyon ng taong ito?

Gusto ba niyang makasama si Daniella habang ipinagpapatuloy ang relasyon nila?

Ngumisi si Caroline sa loob loob niya. Hinding hindi siya magpapakababa at pumayag na makihati sa asawa ng ibang babae!

Noong tatanggi na sana siya muli, hininaan ni Reuben ang boses niya at idinagdag, “Ms. Shenton, hindi pa kumpirmado ang pagkakakilanlan ni Ms. Love. Sigurado ka ba na hindi mo gusto ipaglaban ang sarili mo?”

Tumawa ng mapait si Caroline, “Reuben, sa panahon ngayon, mas importante ang pera kaysa sa mga relasyon.”

Matapos ito sabihin, nilampasan niya si Reuben at umalis.

Bumuntong hininga si Reuben at sumakay sa sasakyan. Sinulyapan niya ang boss niya na nakaupo sa likod niya, “Mr. Jordan, hindi na po gusto bumalik ni Ms. Shenton.”

Sumimangot si Evan at galit na nagsalita, “Hindi na niya kailangan bumalik! Bukas, itapon ang lahat ng gamit niya at siguraduhin na maglalaho siya sa malayong lugar!”

Sumagot si Reuben habang mabigat ang nararamdaman niya, “Opo…”

*

Dumating ang sumunod na araw.

Nagising si Caroline sa katok sa pinto. Tumayo siya, binuksan ito, at nakita si Reuben na nakatayo doon at may katabing dalawang malaking kahon.

Naintindihan ni Caroline kung anong laman ng mga kahon. Tumingin siya doon at tahimik na ipinasok ang mga kahon.

Sa oras na natapos ito, tumayo si Caroline at walang pakielam na sinabi, “Salamat, Reuben. Wala akong maioffer na pagkain o mga snack kaya hindi na kita patatagalin dito.”

Ibinuka ni Reuben ang bibig niya para may sabihin pero bago siya makapagsalita, walang awang isinara ni Caroline ang pinto.

Noong bumalik siya sa Villa Rosa, ipinaalam ni Reuben kay Evan na humihigop ng kape sa sofa, “Mr. Jordan, naibalik na ang mga gamit ni Ms. Shenton.”

Walang sinabi si Evan. Ibinaba niya ang kape niya at nagpatuloy sa pagtingin sa kontrata sa mga kamay niya.

Hindi napigilan ni Reuben na magsalita, “Mr. Jordan, tungkol sa kung saan nakatira si Ms. Shenton…”

Bago pa siya matapos magsalita, tumunog ang phone ni Evan.

Inilagay ni Evan ang phone sa speaker mode at narinig sa buong kuwarto ang tawa ni Daniella. “Evan, huwag na tayong lumabas ngayon tanghali. May inihanda akong masarap para sa iyo.”

Lumambot ang ekspresyon ni Evan. “Anong masarap na pagkain ang inihanda mo?”

Matapos marinig ang masayang pag-uusap ng dalawa, naisip ni Reuben na mabuting wala si Ms. Shenton dito.

Matapos ang tawag, sinulyapan ni Evan si Reuben. “Kumusta ang pagiimbestiga kay Daniella?”

Sumagot si Reuben, “Kinontak ko na ang mga umampon kay Daniella. Malapit na tayo makakatanggap ng balita.”

Sumingkit ang mga mata ni Evan. Kahit na naaalala ni Daniella ang nakaraan, ibang iba ang ugali niya ngayon kaysa sa naalala niya.

Gusto niyang malaman kung anong nangyari sa kanya sa mga nakalipas na taon.

*

Sa oras na pumasok si Caroline sa opisina, tumingin siya sa salamin na pumapagitna sa opisina niya at opisina ni Evan, at nakita si Daniella na nakaupo doon.

Nagkataon na nakita ni Daniella si Caroline na nakatingin.

Ngumiti ang mga mata ni Daniella at kinuha niya ang thermos at lunchbox sa lamesa sa harapan niya at luampit sa opisina ni Caroline.

“Ms. Shenton, para ito sa iyo.”

Napantingin si Caroline sa lunch box, pero kalmado siyang sumagot, “Salamat, Ms. Love, pero kumain na ako.”

Hindi binigyan pansin ni Caroline ang sagot ni Daniella at inilagay ang kahon sa desk niya.

Pagkatapos, naupo siya sa harapan ni Caroline, at tumingin sa earlobe niya. “Pagkakataon nga naman. Pareho tayong may pulang nunal sa earlobe natin.”

Nanatiling tahimik si Daniella, iniintindi kung anong ibig sabihin ni Daniella sa mga salita niya. Ngumiti si Daniella habang nakapangalumbaba, “Ms. Shenton, simula ng magkasama kami ni Evan, hindi ako pamilyar sa mga gusto niya. Maaari mo ba akong bigyan ng ideya?”

Abala si Daniella sa pag-oorganisa ng mga dokumento. Noong narinig niya ito, tumigil siya sandali at sinabi, “Bakit hindi mo siya tanungin mismo?”

Nagpakita ng pagsisisi si Daniella, “Sayang naman. Gusto ko pa naman siyang sorpresahin para mas makilala ko siya.”

Tumayo si Caroline at tumingin ng direkta kay Daniella. “Pasensiya na, pero hindi ako interesado sa kung anong mangyari sa pagitan ninyo.”

Matapos ito sabihin, sinulyapan ni Caroline ang relos niya at nagbigay ng payo, “Ms. Love, sapagkat personal kang nirecruit at prinomote ni Mr. Jordan, ang suhestiyon ko ay magtrabaho ka ng mabuti para hindi pagtsismisan ng ibang empleyado si Mr. Jordan.”

Nanigas ang ngiti ni Daniella at batid ang pagiging malamig sa mga mata niya.

Ang lakas ng loob ni Caroline na gamitin si Evan para mapressure siya?!

Huminga siya ng malalim at dahan-dahang tumayo. “Ms. Shenton, sana tandaan mo ito—ang mga peke ay hindi presentable at hinding hindi magiging sapat!”

Matapos iyon, galit na isinara ni Daniella ang pinto pagkatapos umalis.

*

Noong kinagabihan.

Nagmadali si Caroline sa ospital pagkatapos ng trabaho.

Hindi inaasahan niyang nakita si Scott sa entrance ng ward ng ina niya na nakikipag-usap sa nurse.

Lumapit si Caroline at tumango. Noong papasok na siya sa ward, pinigilan siya ni Scott.

“Caroline, kakatulog lang ng ina mo matapos ang chemotheraphy kagabi. Mas maganda na hindi siya istorbohin ngayon.”

Noong narinig ito ni Caroline, nagtanong siya sa kundisyon ng ina niya. “Sapagkat ikalimang stage na ito ng chemotheraphy, kumusta ang lagay ni mama?”

Nagbigay ng lakas ng loob si Scott. “Huwag kang mag-alala masyado. Naoperahan siya ng maaga, kay mas maayos ang pag galing niya.”

Nakahinga ng maluwag si Caroline. “Tungkol sa panggastos na naitransfer ko kanina, sapat ba iyon?”

Naguluhan si Scott. “Hindi ba’t kakadeposit mo lang kahapon ng 140,000 dollars?”
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Trapped in Love   Kabanata 364 Wala Kang Karapatan Umiyak

    Hindi matigil si Liora sa pag-iyak, kaya binuhat siya ni Caroline at tinapik ang likod para pakalmahin siya.Patuloy si Liora na nakabaon ang mukha sa leeg ni Caroline, walang tigil sa pag-iyak. “Mommy, hindi ko gusto makita si Lola umalis. Hmm… ayaw ko…”Nalulungkot si Caroline para kay Liora, kaya mahigpit niyang niyakap ang bata. “Patawad. Hindi ko siya naprotektahan ng maayos. Kasalanan ko…”Mapula at namamaga ang mga mata nina Tyler at Axel. Hindi nila alam kung paano pagagaanin ang loob ni Caroline at Liora.Si Evan nakatayo sa puwesto niya at hindi gumagalaw. Bigla siyang paos na nagsalita at deperado ang kanyang boses. “Bakit?”Tinignan siya at nilapitan ni Caroline habang guilty at sinabi. “Patawad.”Matindi ang aura ni Evan habang palapit siya kay Caroline. “Caroline, sabihin mo sa akin! Bakit mo balak na sirain kami at ng nanay ko?”“Sirain?” sumimangot ng gulat si Caroline. “Anong ibig mo sabihin?”“Nagkukuwnari ka pa din na walang alam?” Ngumisi si Evan at tinitiga

  • Trapped in Love   Kabanata 363 Kasalanan Niya Ang Lahat

    Narinig ni Evan ang malakas na komosyon mula sa amusement park sa oras na bumaba siya ng sasakyan sa tapat ng entrance nito.Bigla, nakaramdam siya ng matinding sakit sa puso niya, kung saan napayuko siya sa sakit habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang dibdib.Lumapit agad si Reuben at mga bodyguard para tulungan siya.“Mr. Jordan, okay ka lang?” sabay na tanong ni Reuben at Julian.Nakaramdam ng matinding panic si Evan, kung saan itinulak niya palayo ang iba. Nahirapan siyang kontrolin ang pagkahilo niya at paninikip ng dibdib habang paputna sa amusement park.Sa loob, nagkakagulo sila habang nagmamadali na lumapit sa Ferris wheel.Hinawakan ni Julian ang isang empleyado at nagtanong tungkol sa aksidente.Sumagot ang nagpapanic na empleyado, “Ang isang pod mula sa Ferris wheel ay nalaglag!”Matapos iyon marinig, tumingala si Reuben at nakita ang bakanteng puwesto kung nasaan ang Ferris wheel, na 200 metro ang taas.Maliit lang ang pag-asa ng tao sa loob…Nagpanic si Eva

  • Trapped in Love   Kabanata 362 Tumigil Ka na Sa Kalokohan

    Agad na tumayo si Caroline para habulin si Jamie, pero hinarangan siya ng empleyado. “Ma’am, tumigil ka sa kalokohan mo! Napakadelikado dito!”Dahil hindi niya mahabol si Jamie, sumigaw siya, “Jamie, huwag mo buksan ang pinto. Dyan ka lang!”Tumango si Jamie.Nagfocus si Caroline sa pod ni Jamie at naabala ng isa pang empleyado na umalis ng platform.Sinabi ni Axel, para pakalmahin si Caroline. “Mommy, gusto ni Lola ng ice cream. Ikuha natin siya.”Dahil wala siyang magawa, ibinili ni Caroline ang mga bata ng ice cream habang nakatitig sa Ferris Wheel.Lumipas ang ilang minuto at umabot sa rurok ang pagkabalisa ni Caroline habang umaabot sa pinakamataas na punto ang pod. Sumayaw ito sa hangin, kung saan nanghina ang mga tuhod ni Caroline.Hindi malaman ni Caroline kung natatakot ba si Jamie o hindi. Ang ipinagdasal niya ay manatili si Jamie na hindi kumikilos.*Samantala, nakaupo si Jamie sa pod, tinitignan ng mabuti ang magandang view sa Angelbay City. Unti-unti siyang nagin

  • Trapped in Love   Kabanata 361 Umakyat Mag-isa

    Malupit na nag-utos si Evan. “Go!”*Nag-eenjoy si Caroline sa pagsama sa mga bata sa amusement park.Pagkatapos, pumila sila para sa Ferris wheel.Noong tumingala si Axel sa mataas na Ferris wheel, na dalawang daang metro ang taas, namutla siya. Natatakot siyang sumakay sa mga rides dahil takot siya sa matataas na lugar. Kahit na ang makita lang ito ay sapat na para mahirapan siyang huminga.Napansin agad ni Tyler na may mali kay Axel at nagtanong, “Axel, hindi ba maganda ang pakiramdam mo?”Sinubukan ni Axel na umiling-iling at magmatapang, “Okay lang—”Bago pa siya natapos magsalita, sumuka siya habang mahigpit ang kapit sa kanyang tiyan.Napalingon agad si Caroline at Jamie sa komosyon.Noong nakita nila si Axel, natakot si Caroline. Nagmadali siya para yumakap.“Axel?” nababalisang tanong ni Caroline. “Anong problema?”Habang nahihilo, mahinang sumagot si Axel, “Mataas…”“Mataas?” tumingala si Liora ay tinignan ang umiikot na Ferris Wheel sa itaas.“Oh! Mommy, takot s

  • Trapped in Love   Kabanata 360 Galaxy Amusement Park

    Linggo, nangako si Caroline na isasama si Jamie at ang tatlong mga bata sa amusement park.Umalis siya matapos magreserve ng mga ticket at dumating sa destinasyon ng 10:00 a.m.Kumportable ang panahon, at nag-ooperate ang lahat ng facilities ng park.Nakatitig si Jamie sa pinakamtaas na Ferris wheel sa oras na pumasok siya sa amusement park.Nagtanong si Caroline, “Jamie, interesado ka sumakay sa Ferris wheel?”“Oo. Naaalala ko na sumakay ako dito ng may kasama…” bulong niya ng mahina bago nadistract.Natawa si Liora at sinabi, “Alam ko. Baka ang boyfriend mo!”Nabigla si Caroline, “Lia, ingat ka sa mga salita mo.”Inilabas ni Liora ang dila niya. “Mommy, nakikipagbiruan lang ako kay Lola.”Naguluhan na nagtanong si Jamie, “Boyfriend?”Nagsalita si Caroline at sinabi, “Nagsasabi lang ng kung ano-ano si Lia. Sasakay tayo mamaya sa Ferris wheel kung gusto mo, Jamie.”Ngumiti si Jamie. “Sige, makipaglaro muna tayo kasama ang mga bata.”“Yehey, Lola!”Natuwa si Liora, hinatak

  • Trapped in Love   Kabanata 359 Babalik sa Aking Date

    Matapos ang dinner, tumungo si Paige sa Bayview Villa.Aalis sana si Caroline para gumala kasama ang mga bata ng makita niya si Paige na nagmamaneho patungo sa hardin niya.“Nandito si Ninang!” tumakbo si Liora palapit sa sasakyan ni Paige at itinaas ang kanyang mga kamay ng buksan ni Paige ang pinto. “Yakapin mo ako, Ninang!”Binuhat ni Caroline si Liora, hinimas ang ilong niya at sinabi, “Ang importante kong Lia, lalabas ka ba?”Masunuring tumango si Liora. “Isasama kami ni Mommy na maglakad-lakad. Sasama ka ba?”“Sige!” binuhat ni Paige si Liora at lumapit kay Caroline. “Carol, puwede ba ako sumama? May pabor akong hihingin sa iyo.”Nagulat si Caroline dahil lumapit si Paige sa kanya para humingi ng pabor. “Sige, tara.”Habang naglalakad, nakipagusap si Paige sandali sa mga bata bago sinabi kay Caroline, “Carol, matutulungan mo ba ako makontak si Ms. Salvatore?”Natulala si Caroline. “Hihingin mo ba ang tulong ng mentor ko sa pagdidisenyo ng damit?”Sinabi ni Paige, “Oo. Gu

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status