Home / Romance / Trapped in Love / Kabanata 10 Ibabalik Ko Ito Sa Iyo

Share

Kabanata 10 Ibabalik Ko Ito Sa Iyo

Author: Kitty Song
Kumurap si Caroline na tila hindi makapaniwala. Sa isang iglap, naintindihan niya.

Mabilis niyang kinuha ang phone niya at tinawagan ang number ni Reuben.

“Yes, Ms. Shenton?”

Mabilis na nagtanong si Caroline, “Si Mr. Jordan ba ang nagbayad sa medical bills ng ina ko?”

Sumagot si Reuben, “Oo, hindi gusto ni Mr. Jordan na sabihin ko ito. Nagtransfer siya ng 140,000 dollars sa account ng ina mo matapos niyang dumating sa ospital kahapon.”

Noong nakumpirma niya ito, agad na tinawagan ni Caroline si Evan. “Mr. Jordan, nasaan ka?”

Nanatiling malamig ang tono ni Evan, “Anong kailangan mo?”

“Ibabalik ko sa iyo ang 140,000 dollars!” madiin na idineklara ni Caroline.

Ngumisi si Evan, “Pumunta ka sa Villa Rosa.”

Matapos iyon, ibinaba niya ang tawag.

Hinawakan niya ng mahigpit ang phone niya habang malalim ang iniisip. Sa oras na iyon, nakapagdesisyon na siya at tumungo sa ospital.

*

Noong dumating siya sa Villa Rosa, pumasok si Caroline sa madilim na villa. Hinanap niya ang switch sa ilaw sa pader.

Bago pa niya ito maabot, isang pamilyar na presensiya ang naramdaman niya, at mahigpit itong yumakap sa bewang niya.

Walang sabi-sabi, binuhat siya at dinala sa sofa ni Evan.

Nababalisa siyang kumawala mula sa yakap ni Evan. “Mr. Jordan! Naparito ako tungkol sa pagsasauli ng pera!”

Nanatiling tahimik si Evan.

Noong inilagay niya sa sofa si Caroline, doon lamang siya nagsalita gamit ang malalim niyang boses, “Tahimik!”

Narinig niya ang utos na ito habang mabilis na inaalis ni Evan ang bitones niya at bra, habang dumidikit ang mga labi niya sa kanya.

Matapos ang mainit na sandali, ininda ni Caroline ang sakit ng katawan niya at mabilis na tinakpan ang sarili gamit ang mga damit niya. Dahan-dahan siyang naupo at ang boses niya ay mahina at puno ng pait.

“Hindi ka ba nag-aalala na baka magselos si Daniella kapag nalaman niya?” tanong ni Caroline.

Nagsindi ng sigarilyo si Evan, “Wala ka ng pakielam doon,” sagot niya.

Habang kagat ang labi niya, nag-ipon ng lakas ng loob si Caroline at sinabi, “Ibabalik ko sa iyo ang 140,000 dollars.”

Bumuga ng usok si Evan, tinitigan siya at sinabi, “At paano mo ako balak bayaran? Gamit ang katawan mo?”

Matapos maramdaman ang matinding pagkahiya, hinigpitan niya ang kapit niya sa damit niya at determinadong sinabi, “Problema ko na iyon.”

Naging sarcastic na ngiti ang mga labi ni Evan noong nagsalita siya, puno ng panlalait ang boses niya, “70,000 dollars ang commission mo, at ang 70,000 dollars ay bayad para sa session natin ngayon. Sapagkat sa pera ka lamang naman may pakielam at wala sa relasyon, ang kailangan mo lang gawin ay sundin ako at makukuha mo ang gusto mo. Wala kang karapatan kontrahin ang desisyon ko!”

Pakiramdam ni Caroline sinampal siya ng hindi nakikitang puwersa. Dumagungdong sa kalooban niya ang mga salita ni Evan.

Totoo, isa lamang siyang tao na mas pinahahalagahan ang pera higit sa lahat. Anong karapatan niya na kumontra at lumaban?

*

Biyernes, matapos ayusin ang mga papeles sa kumpanya, bumili si Caroline ng pagkain at tumungo sa ospital para makasama ang ina niya.

Noong papunta siya doon, nakatanggap siya ng tawag mula sa hindi kilalang numero.

Sa oras na sinagot niya ang tawag, narinig niya ang nagpapanic na boses ng ama niya.

“Carol! Iligtas mo ako! Puputulin nila ang mga daliri ko! Pakiusap, ilgitas mo ako!”

Mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Caroline, bago pa siya nakasagot, isang malakas na tawa ang narinig niya mula sa hindi pamilyar na lalake na nasa kabilang linya. “Ms. Shenton, tama ba? Natalo ang ama mo ng 14,000 dollars sa casino ngayon. Wala siyang pera para bayaran kami, kaya wala kaming choice kung hindi tawagan ka.”

“Wala akong pera!” tiim-bagang at galit na sagot ni Caroline.

Kahit na may pera siya, hindi niya ito isusuko!

Sumusobra na ang ama niya sa pagiging makasarili nito at walang tigil na pagpapakasarap!

“Walang pera?” tumawa ng malakas ang lalake. “Kung ganoon, magpatuloy na tayo!”

Sa sumunod na sandali, narinig niya ang sigaw ng ama niya mula sa kabilang linya, “Ang mga daliri ko! Ang mga daliri ko!”

Nanigas ang katawan ni Caroline, at naging maputla siya.

Naniniwala siya na tinatakot lamang siya. Hindi niya inaasahan na itutuloy talaga nila!

“So, babayaran mo ba ang 14,000 dollars?” muling tanong ng lalake.

“Wala akong ganoong kalaki na halaga! Pakiusap, maaari ba natin ito pag-usapan…?”

Bago pa makumpleto ni Caroline ang sasabihin niya, isang nakakatakot na utos ang narinig niya, “Putulin ang kamay niya.”

Nanlumo siya matapos marinig ang pagmamakaawa ng ama niya, batid ang kawalang ng pag-asa.

Natakot si Caroline at naging desperado at agad siyang nagmakaawa, “Tigil! Ibibigay ko ang pera! Ipadala mo sa akin ang address, at pupunta ako agad!”

Nakakatakot ang tawa ng lalake. “Sige, ipapadala ko sa iyo. Kung hindi ka magpapakita, magiging lumpo ang ama mo at mawawalan ng silbi.”

Noong natapos ang tawag, mahigpit niyang hinawakan ang phone niya, nanginginig ang mga kamay.

Kahit na ganito ang ama niya, hindi niya kaya na hayaan siyang mamatay sa harapan niya.

Matapos tignan ang bank balance niya, na mas mababa sa 14,000 dollars ang laman, nag-alinlangan siya bago mahirap na nagdesisyon. Kailangan niyang tawagan si Evan.

*

Samantala, sa magarang Fies Casino—

Sa loob ng extravagant na VIP room, ilang mga lalake ang nakaupo sa tabi magarang lamesa na may katabing mga nag gagandahang mga babae.

Sa gitna ng lahat ay isang lalake na elegante at mayaman ang aura. Tila naliligo siya sa liwanag habang naaakit niya ang lahat ng nasa paligid niya.

Kumapit sa damit niya ang babae na katabi niya, hindi natitinag na nakatitig sa kanya ang babae. Ang bawat tibok ng puso niya ay palakas ng palakas habang lumalalim ang nararamdaman niya sa lalake.

Naintindihan ni Daniella na basta manatili siya sa tabi ng taong ito na may kapangyarihan sa buong Angelbay City, isang utos lamang niya at buong buhay na siyang mapoprotektahan. Walang maglalakas loob na bastusin siya o pagmalupitan sa kahit na anong paraan.

Ang hindi nauubos na yaman at walang katapusan na karangalan ay isang tukso na hindi niya maiwasan. Paanong hindi siya maaakit?

Kahit na anong mangyari, kailangan niyang maging nag-iisang babae sa tabi ni Evan!

Noong kinuha ni Daniella ang sigarilyo para ialok kay Evan, nakaramdam siya ng panginginig mula sa damit na nakadikit sa kanya.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Trapped in Love   Kabanata 364 Wala Kang Karapatan Umiyak

    Hindi matigil si Liora sa pag-iyak, kaya binuhat siya ni Caroline at tinapik ang likod para pakalmahin siya.Patuloy si Liora na nakabaon ang mukha sa leeg ni Caroline, walang tigil sa pag-iyak. “Mommy, hindi ko gusto makita si Lola umalis. Hmm… ayaw ko…”Nalulungkot si Caroline para kay Liora, kaya mahigpit niyang niyakap ang bata. “Patawad. Hindi ko siya naprotektahan ng maayos. Kasalanan ko…”Mapula at namamaga ang mga mata nina Tyler at Axel. Hindi nila alam kung paano pagagaanin ang loob ni Caroline at Liora.Si Evan nakatayo sa puwesto niya at hindi gumagalaw. Bigla siyang paos na nagsalita at deperado ang kanyang boses. “Bakit?”Tinignan siya at nilapitan ni Caroline habang guilty at sinabi. “Patawad.”Matindi ang aura ni Evan habang palapit siya kay Caroline. “Caroline, sabihin mo sa akin! Bakit mo balak na sirain kami at ng nanay ko?”“Sirain?” sumimangot ng gulat si Caroline. “Anong ibig mo sabihin?”“Nagkukuwnari ka pa din na walang alam?” Ngumisi si Evan at tinitiga

  • Trapped in Love   Kabanata 363 Kasalanan Niya Ang Lahat

    Narinig ni Evan ang malakas na komosyon mula sa amusement park sa oras na bumaba siya ng sasakyan sa tapat ng entrance nito.Bigla, nakaramdam siya ng matinding sakit sa puso niya, kung saan napayuko siya sa sakit habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang dibdib.Lumapit agad si Reuben at mga bodyguard para tulungan siya.“Mr. Jordan, okay ka lang?” sabay na tanong ni Reuben at Julian.Nakaramdam ng matinding panic si Evan, kung saan itinulak niya palayo ang iba. Nahirapan siyang kontrolin ang pagkahilo niya at paninikip ng dibdib habang paputna sa amusement park.Sa loob, nagkakagulo sila habang nagmamadali na lumapit sa Ferris wheel.Hinawakan ni Julian ang isang empleyado at nagtanong tungkol sa aksidente.Sumagot ang nagpapanic na empleyado, “Ang isang pod mula sa Ferris wheel ay nalaglag!”Matapos iyon marinig, tumingala si Reuben at nakita ang bakanteng puwesto kung nasaan ang Ferris wheel, na 200 metro ang taas.Maliit lang ang pag-asa ng tao sa loob…Nagpanic si Eva

  • Trapped in Love   Kabanata 362 Tumigil Ka na Sa Kalokohan

    Agad na tumayo si Caroline para habulin si Jamie, pero hinarangan siya ng empleyado. “Ma’am, tumigil ka sa kalokohan mo! Napakadelikado dito!”Dahil hindi niya mahabol si Jamie, sumigaw siya, “Jamie, huwag mo buksan ang pinto. Dyan ka lang!”Tumango si Jamie.Nagfocus si Caroline sa pod ni Jamie at naabala ng isa pang empleyado na umalis ng platform.Sinabi ni Axel, para pakalmahin si Caroline. “Mommy, gusto ni Lola ng ice cream. Ikuha natin siya.”Dahil wala siyang magawa, ibinili ni Caroline ang mga bata ng ice cream habang nakatitig sa Ferris Wheel.Lumipas ang ilang minuto at umabot sa rurok ang pagkabalisa ni Caroline habang umaabot sa pinakamataas na punto ang pod. Sumayaw ito sa hangin, kung saan nanghina ang mga tuhod ni Caroline.Hindi malaman ni Caroline kung natatakot ba si Jamie o hindi. Ang ipinagdasal niya ay manatili si Jamie na hindi kumikilos.*Samantala, nakaupo si Jamie sa pod, tinitignan ng mabuti ang magandang view sa Angelbay City. Unti-unti siyang nagin

  • Trapped in Love   Kabanata 361 Umakyat Mag-isa

    Malupit na nag-utos si Evan. “Go!”*Nag-eenjoy si Caroline sa pagsama sa mga bata sa amusement park.Pagkatapos, pumila sila para sa Ferris wheel.Noong tumingala si Axel sa mataas na Ferris wheel, na dalawang daang metro ang taas, namutla siya. Natatakot siyang sumakay sa mga rides dahil takot siya sa matataas na lugar. Kahit na ang makita lang ito ay sapat na para mahirapan siyang huminga.Napansin agad ni Tyler na may mali kay Axel at nagtanong, “Axel, hindi ba maganda ang pakiramdam mo?”Sinubukan ni Axel na umiling-iling at magmatapang, “Okay lang—”Bago pa siya natapos magsalita, sumuka siya habang mahigpit ang kapit sa kanyang tiyan.Napalingon agad si Caroline at Jamie sa komosyon.Noong nakita nila si Axel, natakot si Caroline. Nagmadali siya para yumakap.“Axel?” nababalisang tanong ni Caroline. “Anong problema?”Habang nahihilo, mahinang sumagot si Axel, “Mataas…”“Mataas?” tumingala si Liora ay tinignan ang umiikot na Ferris Wheel sa itaas.“Oh! Mommy, takot s

  • Trapped in Love   Kabanata 360 Galaxy Amusement Park

    Linggo, nangako si Caroline na isasama si Jamie at ang tatlong mga bata sa amusement park.Umalis siya matapos magreserve ng mga ticket at dumating sa destinasyon ng 10:00 a.m.Kumportable ang panahon, at nag-ooperate ang lahat ng facilities ng park.Nakatitig si Jamie sa pinakamtaas na Ferris wheel sa oras na pumasok siya sa amusement park.Nagtanong si Caroline, “Jamie, interesado ka sumakay sa Ferris wheel?”“Oo. Naaalala ko na sumakay ako dito ng may kasama…” bulong niya ng mahina bago nadistract.Natawa si Liora at sinabi, “Alam ko. Baka ang boyfriend mo!”Nabigla si Caroline, “Lia, ingat ka sa mga salita mo.”Inilabas ni Liora ang dila niya. “Mommy, nakikipagbiruan lang ako kay Lola.”Naguluhan na nagtanong si Jamie, “Boyfriend?”Nagsalita si Caroline at sinabi, “Nagsasabi lang ng kung ano-ano si Lia. Sasakay tayo mamaya sa Ferris wheel kung gusto mo, Jamie.”Ngumiti si Jamie. “Sige, makipaglaro muna tayo kasama ang mga bata.”“Yehey, Lola!”Natuwa si Liora, hinatak

  • Trapped in Love   Kabanata 359 Babalik sa Aking Date

    Matapos ang dinner, tumungo si Paige sa Bayview Villa.Aalis sana si Caroline para gumala kasama ang mga bata ng makita niya si Paige na nagmamaneho patungo sa hardin niya.“Nandito si Ninang!” tumakbo si Liora palapit sa sasakyan ni Paige at itinaas ang kanyang mga kamay ng buksan ni Paige ang pinto. “Yakapin mo ako, Ninang!”Binuhat ni Caroline si Liora, hinimas ang ilong niya at sinabi, “Ang importante kong Lia, lalabas ka ba?”Masunuring tumango si Liora. “Isasama kami ni Mommy na maglakad-lakad. Sasama ka ba?”“Sige!” binuhat ni Paige si Liora at lumapit kay Caroline. “Carol, puwede ba ako sumama? May pabor akong hihingin sa iyo.”Nagulat si Caroline dahil lumapit si Paige sa kanya para humingi ng pabor. “Sige, tara.”Habang naglalakad, nakipagusap si Paige sandali sa mga bata bago sinabi kay Caroline, “Carol, matutulungan mo ba ako makontak si Ms. Salvatore?”Natulala si Caroline. “Hihingin mo ba ang tulong ng mentor ko sa pagdidisenyo ng damit?”Sinabi ni Paige, “Oo. Gu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status