Hmm... Ano kaya ang gagawin ni "Cupcake"?
Margaux“Ayon sa report ng dalawang branches natin na may mababang output, umangat na ng 10% ang kanilang sales,” ulit ni Rey habang iniabot ang report. Tahimik akong tumango habang binabasa ito. Mga numero, feedback, graphs, lahat ay pabor sa aming ginawang solusyon.Napangiti ako nang bahagya. At least, may magandang resulta ang ginugol naming panahon at effort. Kung tutuusin, maganda talaga ang location ng stores na 'yon, kaya laging isang malaking palaisipan sa akin kung bakit sobrang hina ng performance nila noon.Nang bumisita ang representative na in-assign ni Rey, doon na nga lumabas ang ugat ng problema. May malalang mismanagement na nagaganap. Ang manager ay tila nawalan na ng gana at masyadong kampante, parang nakalimutan na ang responsibilidad. Wala nang sense of urgency. Araw-araw siyang pumapasok, pero literal lang na nakaupo at nakatunganga sa opisina.Walang leadership. Walang malasakit.Pinatawan siya ng suspension. At sa totoo lang, ilang araw na lang ay tuluyan ko n
Draco“This is the first ever 50-story commercial building na itatayo sa Cavite, so make sure na magagawa niyo ng maayos ang trabaho niyo,” madiin kong sabi habang kaharap ang limang magagaling na architect ng DZ Construction, kasama ang tatlo kong nakatatandang kapatid. Ang tono ko’y hindi lang basta utos, kundi babala. This project is monumental and I won’t tolerate mediocrity.“Bakit hindi mo isama si Sam sa team?” tanong ni Kuya Dennis, may bahid ng pag-aalinlangan sa kanyang boses. Hindi ako nagulat. Alam kong darating ang tanong na ‘yan. Pero wala akong balak na pagdamutan ang pamangkin ko ng knowledge kagaya ng gustong ipakahulugan ni Kuya. He’s smart, has potential. But potential alone doesn’t equate to experience.“He will be there,” sagot ko, walang alinlangan, “ngunit para lang tumingin at, kung may maisip man, pwede rin namang magbigay ng suggestion.”Napansin kong agad tumigas ang panga ni Kuya. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. I get it. He's a father. Pero ako, I’m n
Draco“Uncle, is it true?”“Ano na naman ito, Samuel?” Naiinis kong tanong sa aking pamangkin habang hindi inaalis ang tingin sa mga papel na nasa mesa. Malinaw pa sa sikat ng araw, may kung ano na naman siyang nabalitaan tungkol kay Margaux.Bumuntong-hininga ako, pilit pinipigilan ang sarili. Kung hindi ko lang nakikitang may potensyal siya sa negosyo, matagal ko na siyang pinaalis sa kumpanya.Pero sa kabila ng kabataan at kakulitan niya, siya ang bukod-tanging may direksyon sa mga anak ng mga kapatid ko. Sa dami ng posibleng tagapagmana, siya lang ang may ulo at pusong sapat para humawak ng ganitong kalaking imperyo.Sa isip ko, kung sakali mang tuluyan ko nang maaya si Margaux na tumira sa Germany, malamang siya ang iiwan kong magpapatuloy sa lahat ng maiiwan kong pinaghirapan.Pero heto siya, nakaupo sa harap ko, tila may mabigat na tanong.“I heard... nanganganib daw ang buhay ni Margaux,” aniya, seryoso ang tono.Nabitawan ko ang hawak kong ballpen.“Kanino mo naman narinig ang
Draco“Damn that bastard!” Mariin kong bulalas matapos basahin ang nakalagay sa report. Pakiramdam ko ay nagdilim ang paningin ko. Napapikit ako at pinilit pigilan ang sumisirit na galit sa dibdib ko.“Bakit? Anong nangyari?” tanong ng asawa ko. Tumingin ako sa kanya at kita ko agad ang pag-aalala sa kanyang mukha. Ang bahagyang pagkakunot ng noo, ang pagkabahala sa kanyang mga mata. Gusto kong sagutin agad, pero hindi ko naman mapapaliwanag ng sabay sabay ang lahat.“It’s going to be over soon, Sugar.” Tinapunan ko siya ng matatag ngunit malambing na tingin. Nanatili siyang nakatitig sa akin, tahimik ngunit halatang umaasa. Gusto niyang malaman, gusto niyang maintindihan, pero alam kong iniiwasan niyang maging demanding.Imbes na siya ang sagutin, hinarap ko si Kevin.“Sabihin mo kay Ingomar na pwede siyang makipag-ugnayan kay Dad habang wala ako para magdire-diretso ang investigation."Tumaas ang kilay ni Kevin.“Are you planning to go to Germany?” tanong niya agad. Bago ako sumagot,
MargauxBiglang napahinto si Draco sa gitna ng pagmamaneho nang marinig ang sinabi ni Kevin sa kabilang linya. Muntik na akong masubsob sa dashboard kung hindi lang din mabilis ang reflex niya at agad niyang naiangat ang braso para saluhin ang noo ko habang kusa namang nalaglag ang hawak kong cellphone sa kanyang hita.“Cupcake!” sigaw ko, halatang nagulat at natakot. Napalingon ako sa likuran ng sasakyan, agad na inalala kung may sumusunod sa amin na maaring maging dahilan ng aksidente.Mabuti na lang at walang ibang sasakyan malapit. Ngunit ang kaba sa dibdib ko ay para bang hindi matigil.“I’m so sorry, Sugar. Nabigla lang talaga ako. Are you okay?” nag-aalalang tanong niya, habang mabilis na ibinalik ang dalawang kamay sa manibela.“I’m not!” mariin kong sagot, may bahid ng inis at takot sa tono ko. Kita ko sa gilid ng mata ko ang biglang paninigas ng kanyang panga, at ang pamumutla ng mukha niya dulot ng pagkagulat at konsensya. Napalunok ako at agad ibinaba ang tingin. “I mean… I
Draco“Busy?” tanong ko ng buksan ang pinto ng opisina ni Margaux. Tahimik ang paligid, pero merong mahinang tunog ng musika sa background. Nakaupo siya sa likod ng kanyang lamesa at mukhang seryoso lalo at ni hindi niya naramdaman ang pagbukas ko ng pintuan.“Cupcake!” bulalas niya, bakas sa mukha ang pagkasabik. Agad siyang tumayo at sinalubong ako, niyakap ng mahigpit na para bang matagal kaming hindi nagkita.Ito ang isa sa mga gustong-gusto ko sa Sugar ko, hindi na kailangang sabihan pa. Kusang lumalapit, hindi nagpapakipot. Palaging totoo.Pumulupot ang kanyang mga braso sa aking leeg, at kusa namang napunta ang mga kamay ko sa kanyang bewang. Parang likas sa amin ang pagyakap, ang paghalik ng mainit, sabik, at puno ng damdamin. Sandaling tumigil ang mundo habang nagsanib ang aming mga labi.“That felt good,” nakangiti kong sabi nang maghiwalay kami ng mukha, pero nanatiling magkalapit ang aming mga katawan.“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya habang hinihimas ang batok ko na t
DracoNauwi sa delivery food ang dinner namin ng asawa ko. Hindi ko na nagawang magluto dahil… well, hindi kami natapos sa isang round lang sa ibabaw ng table. Ilang beses kong pinilit pigilan ang sarili pero kapag si Margaux na ang nasa harap ko,hubad, hingal, at naka-ngiti ay nagiging ibang tao ako. Para akong hayok na uhaw sa kanya. At siya rin, hindi nagpapigil.“Draco, ano na?” Masamang tingin ang ibinato ko kay Kevin nang bumulaga siya sa opisina ko, para bang binulabog niya ang santuwaryo ng alaala ko kagabi. Tinitigan ko siya habang pilit kong itinatago ang ngisi sa labi ko.“Hindi mo ba kayang pumili?” tanong ko habang tinuturo ang folder ng mga aplikante para sa magiging kasambahay namin ni Margaux.“Mukhang ayaw mo naman na may kasama kayo sa bahay,” sagot niya, sabay irap.Kung ako lang ang masusunod, ayaw ko talaga. Hindi na namin magagawa ni Margaux ang kung anu-ano sa kahit anong parte ng bahay kung may mga mata nang nakatingin. Wala nang random make-out sa kusina. Wala
Margaux“Sugar,” bungad sa akin ni Draco pagpasok ko ng bahay. Nakangiting nakabuka ang mga braso kaya agad akong sumilong sa kanyang mga yakap kasunod ang isang malalim na paghinga ng maramdaman ko na ang kanyang mga kamay na humahagod sa aking likod.Ibang klase ng comfort talaga ang binibigay sa akin ng Cupcake ko. Masarap umuwi sa bahay na ganito ang magaganap. Sa bigat ng dalahin ko, buong biyahe akong walang imik at ang mga sinabi ng aking mga magulang ang paulit-ulit na nagpe-play sa isip ko.“It feels good to be with you, Cupcake…” hindi ko napigilang sabihin kasabay ang paghigpit ng pagkakayakap ko sa kanya. Nakahilig ang aking pisngi sa malapad at matigas niyang dibdib, ngunit dahil sa ginhawang dulot non ay para iyong nagtransform sa malambot na unan.“That’s because I love you so much, Sugar.” Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ako nagsisisi na minahal ko talaga ang lalaking ito.Ilang saglit pa kaming nanatili sa ganong posisyon bago siya nagtanong ulit.“Feeling better n
Margaux“Nawawala ang kakambal mo,” sabi ni Daddy, halos pabulong. “Hindi mo alam dahil hindi namin pinapahalata sa'yo. Ayaw ka naming masaktan.”Napakunot ang noo ko. “Paanong nawawala? Ni hindi ko nga alam na may kambal pala ako!” bulalas ko, nanginginig ang tinig. Para akong tinapunan ng malamig na tubig. Nanginginig, nanlalamig, at naguguluhan.“Nang ipinanganak ka— ang ibig kong sabihin, kayo ng kambal mo... may kumuha sa kanya sa ospital. Isang araw pagkatapos ninyong isinilang.” Bumigat ang katahimikan matapos niyang sabihin iyon, parang bumulusok ang mundo ko sa isang bangungot.Hindi ako agad nakaimik. Paanong nangyari ‘yon? Paanong sa mahabang panahon ay napaniwala nilang nag-iisa akong anak? At higit sa lahat— bakit kinuha ang kambal ko?“At hindi niyo siya hinanap?” agad kong tanong, halos pasigaw. Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan, hindi dahil sa galit kundi dahil sa sakit at pagkabigla.“Hinanap namin siya, anak. Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin namin siya!