See you po sa next chapter. Pa-like, comment at gem votes po. Maraming salamat!
Margaux“What do you think you're doing, Margaux?” inis na tanong ni Sam habang inaalalayan nito si Chloe na katulad ko ay nawalan ng balanse at natumba ng magkabanggaan kami.“I-I didn't do anything,” mahina kong tugon dahil sa hiyang nararamdaman ko at pagkaalangan habang mag-isa akong tumatayo.Alam sa buong University na magkasintahan kami kaya ang pag-alalay niya sa ibang babae habang sinisisi ako ay sadyang nagdulot sa akin ng sobrang sakit at pagkahiya.“Bakit hindi si Margaux ang tinulungan niya?”“Hindi ba magjowa sila, 2 years na? Bakit iba ang katabi ni Sam ngayon?”“Kawawa naman si Margaux. Iba talaga kapag mas malaki ang pagmamahal ng isa sa isa, ganyan ang nangyayari.”Hindi ko alam kung paano ko tatakasan ang mga nasa paligid namin lalo at pakiramdam ko ay unti unti na silang dumarami.Pagtingin ko kay Sam ay tila nang-uusig pa ang kanyang tingin na parang ako talaga ang may kasalanan.Si Chloe naman ay hindi rin nakatulong lalo at nakangisi pa itong nakatingin sa akin
MargauxGala night.Bago pa man kami magkaroon ng hindi pagkakaintindihan ni Sam ay decided na akong um-attend dahil last sem ko na ito sa college at una't huling beses kong dadaluhan.Sa dalawang taon na magkarelasyon kami ni Sam ay hindi rin kami uma-attend sa ganito dahil pareho kaming walang hilig.Nakaharap ako ngayon sa salamin ng aking tokador at tinitignan ang aking sarili. Hindi ako sanay mag-make-up pero marunong akong mag-apply.Simpleng lilac dress na may combination na white ang napili kong suutin. Tinernuhan ko iyon ng simpleng lilac stud earrings at necklace na may kaparehong color theme para hindi naman magmukhang bare ang aking leeg na kitang kita dahil sa mataas na ayos ng aking buhok at sa one strap na design ng damit.Kakatapos ko lang mag final touch ng aking makeup ng marinig ko ang katok sa pintuan kasunod ang pagpasok ng aking ina.“Wow, you look young and fresh! Ang ganda mo anak!” bulalas niya. Hindi ko naiwasang mapangiti dahil doon.“Kanino pa ba ako magmama
Margaux “Thank you sa pag-aya sa akin,” sabi ko sa lalaki ng ihatid na niya ako sa table namin ni Yvonne. Okay naman siya at gentleman, kahit na ilang beses kaming nababangga ni Sam ay bahagya na lang niya akong inilalayo.“The pleasure is mine,” tugon niya bago nagpaalam para pumunta na sa kanyang mga kaibigan.Pagtingin ko sa aking kaibigan ay titig na titig siya sa akin na may halong ngisi kaya napailing na lang ako dahil alam ko na ang ibig sabihin non.“Stop looking at me like that, girl. Bakit hindi ka na lang tumayo dyan sa kinauupuan mo at makipagsayaw kaysa maging busy ka sa kakahanap ng makakapareha ko?”“Ako kasi ay meron ng love of my life na hindi kagaya niyang ex mo.” Nakataas ang kanyang kilay habang masama ang tingin sa kung sino man na nasa aking likuran na kung huhulaan ko ay malamang na si Sam at Chloe.“Eh di ikaw na ang masaya ang lovelife,” sabi ko sabay lingon para sana tumingin lang sa paligid.“Don't look!” bulalas ni Yvonne. Ngunit huli na ang lahat dahil kit
MargauxPuno kami ng pagtataka ni Yvonne ng pagpasok namin sa bar ay makitang walang tao doon maliban sa bartender at sa nag-iisa yata nilang customer na nakaupo sa bar counter.Nakatagilid ito at kahit na gusto kong bistahan para malaman ko kung kilala ko ba siya ay hindi ko na ginawa dahil baka iba ang maging pakahulugan niya doon.“Open ba kayo?” tanong ni Yvonne na palingon lingon pa sa paligid. Napansin kong bahagyang tumingin ang bartender sa lalaki bago nakangiting tumango.“Upo ka na girl. Ngayon ay iinom tayo pero hindi magpapakalasing. Mabuti na siguro na walang tao at least payapa tayo at walang mang-iistorbo sa atin.”Sinunod ko ang sinabi niya. Magkatabi kaming naupo sa may bar na rin at nasa kanan ko ang lalaking tahimik na umiinom.Pasimple kong tiningnan ang lalaki na diretso lang ang tingin sa harapan niya na parang walang pakialam sa aming magkaibigan. Naka navy blue suit ito at mukhang mayaman. Ngayon ko lang siya nakita.Nagkibit balikat na ako at bumaling na ng ti
Mature ContentMargauxHindi ko na alam kung paano kaming napunta sa isang silid matapos kong tugunin ang kanyang halik. Naramdaman ko na lang na nakalapat na ang aking likod sa nakasaradong pintuan habang patuloy kami sa paghahalikan.This man gives me an unexplainable feeling. Nakainom ako, lasing ako. But I know exactly what I'm doing. Hindi ko nga lang kayang utusan ang katawan ko na huminto sa ginagawa ko.“Sugar, are you sure about this?” tanong ng lalaki ng tumigil kami sa paghahalikan. Napangiti ako sa endearment na gamit niya. Kung endearment nga iyon ha.“I like the sugar thing. What do you want me to call you?” tanong ko.“Kahit ano wag lang ang pangalan ng ex mo or kung anumang tawag mo sa kanya.”Ang sexy ng dating ng kanyang boses habang hinahagod ng kanyang hinlalaki ang aking baba. Ang sarap sa pakiramdam dahil he's making me feel beautiful and wanted. Hindi kagaya ni Sam.Nalungkot ako ng maalala ko ang aking boyfriend. I mean, ex-boyfriend.“Don't think about him whe
Margaux“Okay, tapusin niyo na ang mga dapat niyong tapusin. Kahit na midterm pa lang ay maigi nang handa kayo sa lahat, tandaan niyo graduating na kayo.”“Yes ma'am!” sabay sabay na tugon ng aming klase sa paalala ng aming prof.“Okay, dismissed.” Lumabas na ng silid si Ms. Cruz kaya nag sitayuan na rin ang mga kaklase ko.Ako naman ay nanatiling nakaupo sa aking upuan at humarap sa labas ng bintana at nagsimulang tumanaw sa malayo.Biglang nagbalik sa alaala ko ang lahat ng naging pag-uusap namin ng lalaki ng magising kami kinaumagahan…***Idinilat ko ang aking mga mata at nag-unat. Nagtaka pa ako kung bakit parang ang sakit ng aking katawan. Pumikit ulit ako dahil sa pagsalakay ng bahagyang sakit ng ulo.Doon ko naalalang uminom nga pala kami ni Yvonne. Tapos ay umalis ito at nagpaiwan ako.Parang rumaragasang tubig sa batis na nagsidaluyan ang mga nangyari. Agad akong napaupo at nasabunutan ang aking sarili.“Judging with your action, mukhang naalala mo ang nangyari kagabi.”Ang
MargauxPagkatapos ng aming break ay saglit lang kaming tumambay sa isa sa mga benches na nasa tapat lang din ng building para sa next class namin bago kami naghiwalay ni Yvonne ng tumunog ang bell.Block section kami pero kahit hindi kami magkaklase ni Yvonne ay nagkakasabay pa rin kami sa lahat.At ngayon nga, kakaalis lang ng aming prof para sa last subject matapos tumunog ang bell tapos heto na agad at nakangiting papasok ng aming classroom ang aking bestfriend.“Mag snack na muna tayo sa coffee shop dyan sa labas ng university.”Wala naman akong magagawa dahil talagang kami lang dalawa ang laging magkasama.May iba pa kaming kaibigan na nakikala namin sa Tennis Club ngunit iba ang kurso ng mga iyon at sa ibang building sila nagkaklase. Kadalasan ay sa coffeeshop nga sa labas din namin sila nakikita.“Mauna ka na at magsi-CR lang ako. Save ka na ng upuan natin ha!” Punuan kasi ang lugar na yon at ginagawang tambayan ng mga estudyante.“Okay!” Tinalikuran ka na siya at naglakad na
Margaux“I feel like you’re ignoring me, Sugar.”Ito agad ang text na bumungad sa akin pagkagising ko at kunin ang aking cellphone para tingnan ang oras.Araw ng Biyernes at huling araw ng linggo para pumasok at mukhang sisirain pa ng lalaking ito. Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa mundo at binigyan ako ng ganitong problema?Hindi pa ba sapat ang nangyari sa amin ni Sam?Ang ginawa sa akin ni Sam?Sinikap kong ignorahin iyon at lumakad na papuntang bathroom para maligo. Hindi ako pwedeng ma-late dahil may exam kami sa first subject. Minor subject pero hindi ko pa rin dapat pabayaan.Hindi ako matalino, pero masipag naman akong mag-aral. Alam ko na hindi ako kagaya ni Yvonne na madaling maka-pickup ng lesson kaya nag-e-exert talaga ako ng effort para makakuha ng magandang grades.Maganda lang at hindi mataas. Pero hindi rin mababa o pasang awa. Ayaw ko naman ng ganon, yung tipong maipasa lang.Lahat ng pangangailangan ko ay binibigay ng mga magulang ko. Kahit na may negosyo silang pin
MargauxBiglang napahinto si Draco sa gitna ng pagmamaneho nang marinig ang sinabi ni Kevin sa kabilang linya. Muntik na akong masubsob sa dashboard kung hindi lang din mabilis ang reflex niya at agad niyang naiangat ang braso para saluhin ang noo ko habang kusa namang nalaglag ang hawak kong cellphone sa kanyang hita.“Cupcake!” sigaw ko, halatang nagulat at natakot. Napalingon ako sa likuran ng sasakyan, agad na inalala kung may sumusunod sa amin na maaring maging dahilan ng aksidente.Mabuti na lang at walang ibang sasakyan malapit. Ngunit ang kaba sa dibdib ko ay para bang hindi matigil.“I’m so sorry, Sugar. Nabigla lang talaga ako. Are you okay?” nag-aalalang tanong niya, habang mabilis na ibinalik ang dalawang kamay sa manibela.“I’m not!” mariin kong sagot, may bahid ng inis at takot sa tono ko. Kita ko sa gilid ng mata ko ang biglang paninigas ng kanyang panga, at ang pamumutla ng mukha niya dulot ng pagkagulat at konsensya. Napalunok ako at agad ibinaba ang tingin. “I mean… I
Draco“Busy?” tanong ko ng buksan ang pinto ng opisina ni Margaux. Tahimik ang paligid, pero merong mahinang tunog ng musika sa background. Nakaupo siya sa likod ng kanyang lamesa at mukhang seryoso lalo at ni hindi niya naramdaman ang pagbukas ko ng pintuan.“Cupcake!” bulalas niya, bakas sa mukha ang pagkasabik. Agad siyang tumayo at sinalubong ako, niyakap ng mahigpit na para bang matagal kaming hindi nagkita.Ito ang isa sa mga gustong-gusto ko sa Sugar ko, hindi na kailangang sabihan pa. Kusang lumalapit, hindi nagpapakipot. Palaging totoo.Pumulupot ang kanyang mga braso sa aking leeg, at kusa namang napunta ang mga kamay ko sa kanyang bewang. Parang likas sa amin ang pagyakap, ang paghalik ng mainit, sabik, at puno ng damdamin. Sandaling tumigil ang mundo habang nagsanib ang aming mga labi.“That felt good,” nakangiti kong sabi nang maghiwalay kami ng mukha, pero nanatiling magkalapit ang aming mga katawan.“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya habang hinihimas ang batok ko na t
DracoNauwi sa delivery food ang dinner namin ng asawa ko. Hindi ko na nagawang magluto dahil… well, hindi kami natapos sa isang round lang sa ibabaw ng table. Ilang beses kong pinilit pigilan ang sarili pero kapag si Margaux na ang nasa harap ko,hubad, hingal, at naka-ngiti ay nagiging ibang tao ako. Para akong hayok na uhaw sa kanya. At siya rin, hindi nagpapigil.“Draco, ano na?” Masamang tingin ang ibinato ko kay Kevin nang bumulaga siya sa opisina ko, para bang binulabog niya ang santuwaryo ng alaala ko kagabi. Tinitigan ko siya habang pilit kong itinatago ang ngisi sa labi ko.“Hindi mo ba kayang pumili?” tanong ko habang tinuturo ang folder ng mga aplikante para sa magiging kasambahay namin ni Margaux.“Mukhang ayaw mo naman na may kasama kayo sa bahay,” sagot niya, sabay irap.Kung ako lang ang masusunod, ayaw ko talaga. Hindi na namin magagawa ni Margaux ang kung anu-ano sa kahit anong parte ng bahay kung may mga mata nang nakatingin. Wala nang random make-out sa kusina. Wala
Margaux“Sugar,” bungad sa akin ni Draco pagpasok ko ng bahay. Nakangiting nakabuka ang mga braso kaya agad akong sumilong sa kanyang mga yakap kasunod ang isang malalim na paghinga ng maramdaman ko na ang kanyang mga kamay na humahagod sa aking likod.Ibang klase ng comfort talaga ang binibigay sa akin ng Cupcake ko. Masarap umuwi sa bahay na ganito ang magaganap. Sa bigat ng dalahin ko, buong biyahe akong walang imik at ang mga sinabi ng aking mga magulang ang paulit-ulit na nagpe-play sa isip ko.“It feels good to be with you, Cupcake…” hindi ko napigilang sabihin kasabay ang paghigpit ng pagkakayakap ko sa kanya. Nakahilig ang aking pisngi sa malapad at matigas niyang dibdib, ngunit dahil sa ginhawang dulot non ay para iyong nagtransform sa malambot na unan.“That’s because I love you so much, Sugar.” Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ako nagsisisi na minahal ko talaga ang lalaking ito.Ilang saglit pa kaming nanatili sa ganong posisyon bago siya nagtanong ulit.“Feeling better n
Margaux“Nawawala ang kakambal mo,” sabi ni Daddy, halos pabulong. “Hindi mo alam dahil hindi namin pinapahalata sa'yo. Ayaw ka naming masaktan.”Napakunot ang noo ko. “Paanong nawawala? Ni hindi ko nga alam na may kambal pala ako!” bulalas ko, nanginginig ang tinig. Para akong tinapunan ng malamig na tubig. Nanginginig, nanlalamig, at naguguluhan.“Nang ipinanganak ka— ang ibig kong sabihin, kayo ng kambal mo... may kumuha sa kanya sa ospital. Isang araw pagkatapos ninyong isinilang.” Bumigat ang katahimikan matapos niyang sabihin iyon, parang bumulusok ang mundo ko sa isang bangungot.Hindi ako agad nakaimik. Paanong nangyari ‘yon? Paanong sa mahabang panahon ay napaniwala nilang nag-iisa akong anak? At higit sa lahat— bakit kinuha ang kambal ko?“At hindi niyo siya hinanap?” agad kong tanong, halos pasigaw. Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan, hindi dahil sa galit kundi dahil sa sakit at pagkabigla.“Hinanap namin siya, anak. Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin namin siya!
Margaux“Anak,” mahinang sabi ni Mommy, bakas sa kanyang tinig ang pag-aalala habang parang itinulos sila sa kanilang kinatatayuan. Hindi ko gusto na makita silang ganon. Lumaki ako na palaging ang masayang mukha nila ang nakikita ko. Kung may pag-aalala man, iyon ay dulot ng ibang tao at hindi nila.“You need to tell me kung anuman ang tinatago niyo sa akin,” mariin kong sambit habang papalapit matapos kong maisara ang pinto, kasunod ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.“Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat ay nasa office ka?” tanong ni Dad, halatang gustong ilihis ang usapan na ginawa niya lang sa tuwing nakakatunog ako sa surpresang gusto nilang ibigay sa akin.“I was worried,” sagot ko agad, hindi ko na nagawang itago ang panginginig ng tinig ko. “I overheard Rey talking to you over the phone. Mom called and said you’d be leaving for Maldives, pero maya-maya, narinig ko ‘yung assistant ko na pinag-iingat kayo sa Mindoro? Ano ba talaga? Saan kayo pupunta at bakit parang may hindi
MargauxPagkabuntong-hininga ng sasakyan sa tapat ng aming bahay ay agad kong binuksan ang pinto, hindi na hinintay ang kumpletong paghinto nito. “Sunod ka na lang,” mariin kong sabi kay Gustavo, pilit na ikinukubli ang kaba at pananabik sa dibdib ko. Bumaba ako nang hindi man lang hinintay ang sagot niya ang nasa isip ko’y isang bagay lang. Makausap agad sina Mama at Papa.Mabilis ang mga hakbang ko papasok sa bahay. Tahimik ang paligid, tila masyado ring kalmado para sa isang tahanang dati ay puno ng halakhak. Dumiretso ako sa sala, ngunit bigo akong makita roon ang mga magulang ko. Saglit akong napahinto, naglakad-lakad ng kaunti, at noon ko lamang napansin si Yaya Belen na pababa mula sa hagdanan, may dalang tray na may baso ng tubig.“Ma’am Margaux,” aniya, tila nagulat sa pagdating ko.“Yaya, nasaan sila Dad? Umalis ba sila? Wala sila sa sala,” tanong kong aligaga.“Nasa study room po, Ma’am. Kakahatid ko lang ng tubig kay Sir Rex. Nag-uusap sila ng inyong Mommy.”“Salamat. Pupun
MargauxAgad akong bumalik sa aking opisina, bitbit ang bigat ng narinig ko. Mabilis ang tibok ng puso ko habang pinipilit kong huwag ipahalata ang tensyon sa dibdib ko. Ayaw kong malaman ni Rey na narinig ko ang pakikipag-usap niya sa aking ama. Hindi dahil sa kung ano pa man, ayaw ko lang na maalarma din ang aking mga magulang at baka kung ano pa ang isipin.Pagkaupo ko sa swivel chair, agad akong sumandal. Ramdam ko ang bigat sa balikat ko. Pumikit ako habang marahang minasahe ang aking sentido parang gusto kong pigain ang mga tanong sa isip ko para may masagot man lang."Calm down, Margaux," bulong ko sa sarili habang pilit pinapakalma ang sarili at nagpakawala ng sunod sunod na paghinga.Pagdilat ko ng mga mata, marahan kong pinatong ang aking mga braso sa armrest, saka tumitig sa kawalan. Ilang minuto rin akong nanatiling tahimik. Dinig ko ang mahinang tunog ng aircon pati na ang pag tik tak ng orasan na dati naman ay parang wala naman.Hanggang sa unti-unting nabuo sa isip ko an
MargauxNaiintindihan ko ang worry ni Draco. Kung ako ang nasa posisyon niya, ganun din ang mararamdaman ko lalo na kung buhay ng mahal mo ang nakataya. At oo, aaminin kong natatakot din ako para sa sarili kong buhay.Pero sa tuwing naiisip kong may ginagawa ang asawa ko para protektahan ako, kahit papaano ay nagkakaroon ako ng kumpiyansa. Lalo na’t may Gustavo akong nasa paligid na tahimik pero maasahan, parang aninong hindi sumusuko sa pagbabantay.Lunes ng umaga, nasa opisina ako’t abala sa pagsusuri ng mga kontratang kailangang lagdaan. Sa kalagitnaan ng pagtutok ko, tumunog ang cellphone ko. Isang notification. Hindi ko iyon pinansin. Kung mahalaga ‘yon, tatawag sila. Si Draco, sina Mom at Dad, o kahit si Yvonne. Walang magpapadala ng text kung emergency.Isa pa, kung trabaho naman, alam kong sa opisyal na number ni Rey dapat dumarating ang mga ganoong mensahe. Naka-assign iyon mula sa kumpanya.Binalewala ko ang message na iyon at tuluyan ko na rin iyong nalimutan. Hanggang sa tu