Third Person
Nagpatuloy ang pamimili nina Margaux at Margareth, parehong abala sa pagtingin sa bawat display ng mga mamahaling tindahan habang aliw na aliw sa isa’t isa. Halatang ini-enjoy nila ang bawat hakbang at bawat pili.
Bumibili sila ng mga bagay na pumukaw ng kanilang interes, walang tanong-tanong kung magkano, dahil malinaw ang bilin ni Draco: kunin ang kahit anong gustuhin nila, huwag nang mag-alala sa presyo.
Tahimik lamang na nakasunod si Gustavo sa likuran nila, palaging alerto, ngunit hindi rin kinakaligtaang sumagot kapag tinatanong ng kambal.
“Gustavo,” tawag ni Margaux habang nilalapit ang isang mamahaling handbag. “What do you think? Pang-college look na ba ‘to?”
Tiningnan iyon ni Gustavo at marahang tumango. “Maganda po ‘yan, Ma’am Margaux. Classy pero understated.”
“O, diba?” sabay harap kay Margareth. “Bagay sayo ‘to kapag pumapasok ka na
MargarethNagulat ako nang bumungad sa akin ang babae sa restroom, ang babaeng peke. Nakangisi siya na para bang alam niyang lamang siya sa laro. Mabilis ang mga pangyayari. Hinawakan niya ako sa braso at buong lakas akong hinila papasok sa isang cubicle. Doon niya ako pinilit na makipagpalit sa kanya ng suot, habang bumubulong sa tenga ko, "Gusto mo bang may masamang mangyari sa pamilya mo?"Nahigit ko ang aking paghinga kasabay ang panlalamig ng aking mga kamay ko. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko na para bang may nagbabantang panganib. Gusto kong tumanggi, sumigaw, lumaban. Pero nang banggitin niya na nasa labas lang ang tauhan niya, handang dukutin ako kapag di ako sumunod ay napako ako sa kinatatayuan ko. Wala akong nagawa. Gusto ko mang tumanggi, mas nangingibabaw ang takot ko.Mas lumala pa ang kaba ko nang marinig ko ang tinig ng kakambal ko. Naroon siya. Sinundan niya ako. Napakagat ako sa labi, pinipigilan ang sarili na maiyak. May kutob na kaya siya? Nararamdaman na
Third PersonNagpaalam si Margareth na mag-CR, ngunit may hindi maipaliwanag na kutob si Margaux. Hindi siya mapalagay, animo'y may malamig na hanging dumaan sa batok niya. Mabilis siyang tumayo mula sa kanilang table at walang pasubaling sinundan ang kapatid.“Sandali lang,” habol ni Gustavo, na abalang-abala sa pagbitbit ng kanilang mga pinamili. Napailing ito habang nagmamadaling sumunod, bahagyang kumakabog ang dibdib. Kailangan niyang maabutan si Margaux kahit hindi pa malinaw kung bakit, ayaw niyang may masamang mangyari.“Margareth!” tawag ni Margaux matapos pumasok sa ladies’ restroom ang kakambal. Ngunit sa kanyang paglingon sa paligid, hindi niya ito nakita sa loob. Wala namang ibang lumabas o dumaan, kaya imposibleng mawala ito nang ganon-ganon lang. Kumunot ang noo niya. “Margareth?” ulit niya, mas marahan pero may diin na sa tono.“Ahm, wait lang,” sagot mula sa isang cubicle, bahagyang basag ang boses.Nilingon ni Margaux ang cubicle na iyon. Mabilis ang tibok ng puso ni
Third PersonMasayang nag-order ng pagkain ang kambal, para bang mga batang nakawala sa mahigpit na alituntunin ng bahay. Halata ang tuwa sa kanilang mga mata habang abala sa pagpili ng mga pagkaing tila nagpapabalik sa kanilang pagkabata. Si Margaux ay tuwang-tuwa sa kwek-kwek habang si Margareth naman ay excited sa fishball na may sweet sauce.Samantala, si Gustavo ay nanatiling nakatanaw mula sa di-kalayuan. Tahimik lang siyang nakaupo, pero ang mga mata niya'y hindi kumurap sa bawat kilos ng kambal. Hindi man siya magsalita, ang bahagyang paninigas ng kanyang panga at ang panaka-nakang paggalaw ng kanyang mga daliri sa mesa ay nagpapahiwatig ng alertong pag-iisip. Tanda iyon ng responsibilidad na nakaatang sa kanyang balikat, ang pangakong binitiwan niya kay Draco, na bantayan ang magkapatid sa abot ng kanyang makakaya.“Walang ibang pwedeng mangyari sa kanila,” bulong ni Gustavo sa sarili, habang pasimpleng sumulyap sa kanyang smartwatch kung sa
Third PersonNagpatuloy ang pamimili nina Margaux at Margareth, parehong abala sa pagtingin sa bawat display ng mga mamahaling tindahan habang aliw na aliw sa isa’t isa. Halatang ini-enjoy nila ang bawat hakbang at bawat pili.Bumibili sila ng mga bagay na pumukaw ng kanilang interes, walang tanong-tanong kung magkano, dahil malinaw ang bilin ni Draco: kunin ang kahit anong gustuhin nila, huwag nang mag-alala sa presyo.Tahimik lamang na nakasunod si Gustavo sa likuran nila, palaging alerto, ngunit hindi rin kinakaligtaang sumagot kapag tinatanong ng kambal.“Gustavo,” tawag ni Margaux habang nilalapit ang isang mamahaling handbag. “What do you think? Pang-college look na ba ‘to?”Tiningnan iyon ni Gustavo at marahang tumango. “Maganda po ‘yan, Ma’am Margaux. Classy pero understated.”“O, diba?” sabay harap kay Margareth. “Bagay sayo ‘to kapag pumapasok ka na
MargauxMasaya kaming nagkukuwentuhan ni Margareth habang naglalakad sa loob ng mall. Nasa second floor na kami, at tulad ng plano ko, shopping galore ang peg namin ngayong araw. Pero ang totoo, ito'y higit pa sa simpleng pamamasyal. May mas malalim na dahilan kung bakit ko siya dinala rito. Isang planong binuo naming mabuti nila Draco.Hindi alam ni Margareth. Wala siyang kamalay-malay na bahagi siya ng isang masalimuot na bitag.Pero kahit ganon, ayaw kong mawalan ng saysay ang araw na ito para sa kanya. Ginawa ko man ito para sa seguridad niya, gusto ko pa ring maramdaman niyang normal pa rin ang lahat. Na ito ay isang masayang bonding lang naming magkapatid.“Sisiguraduhin ko na mag-e-enjoy tayo, promise 'yan,” ani ko, sabay kurot sa pisngi niya.“Naku, wala pa man tayong ginagawa ay nag-eenjoy na ako,” masayang tugon niya. “Kaya mission accomplished ka na agad.”Nakangiti siya. Walang bahid ng pag-aalala. Wala ni anino ng takot sa kanya
Third PersonMadaling-araw pa lamang ay nakaabang na ang dalawang tauhan ni Teresa sa loob ng isang itim na van na nakaparada sa kabilang kalsada. Mula sa kinatatayuan nila, tanaw ang gate ng pribadong subdivision kung saan naninirahan sina Margaux at Margareth. Tahimik ang paligid, tanging mga ilaw sa poste at malayo-layong tahol ng aso ang nagbibigay ng senyales na gising pa ang gabi.“Siguraduhin mong naka-on ang dashcam. Ayokong may mamiss tayong galaw,” mahinang utos ng isa sa kanila habang hawak ang binoculars.“Naka-record na. Gabi pa lang ay sinusubaybayan ko na ang mga galaw sa bahay. Wala pa ring kakaibang aktibidad.”"Ako naman ang papasok mamaya sa Subdivision para tingnan mismo ang bahay nila. Ititimbre ko sayo kung nakaalis na ang sasakyan nila," sabi ulit ng isa. "Siguraduhin mo na masusundan mo sila.""Syempre naman, alam ko na ang gagawin ko," tugon ng lalaki.Lumipas ang ilang oras. Habang lumilinaw ang umaga, dumami na ang