Masarap na ang tulog ni Shalanie nang marating nila ang bahay nito. Imbis na gisingin ay nagpasya si Samuel na buhatin na lang ito. Nalaman niyang kahit sa payat nitong katawan ay may kabigatan din pala ito pero hindi naman siya nahirapang buhatin ito. Napangiti siya. Madali naman siyang nakapasok sa loob ng bahay nito dahil alam niya ang code ng pinto nito. Nang makapasok ay kaagad na siyang umakyat at tinungo ang kuwarto ni Shalanie. Unang beses pa lang niyang makakapasok sa silid nito. Sa tuwing may ipakukuha kasi itong mga dukomento ay nasa library lang ang mga iyon.Inilapag niya sa kama si Shalanie. Una niyang hinubad ang sapatos nito at itinabi sa ilalim ng kama nito. Umungol ito habang inaayos niya ang pagkakahiga nito sa kama. Hindi kaagad siya umalis at pinagmasdan ito sa malapitan. Napakaganda talaga nito. Naisip niya na ang isang babae na kagaya nito ay napakahirap abutin ng isang lalaki lalo na ng isang ordenaryong lalaki lamang. Taglay na kasi nito ang halos lahat. Tal
Nakatanggap si Shalanie ng isang bungkos na bulaklak mula kay Jake. Ang aga nitong nagtungo sa opisina niya para dalawin siya. Naghanap siya ng flower vase at inilagay niya ang mga bulaklak doon pagkatapos ay ipinatong niya iyon sa tabi ng kanyang mesa. Bahagya pa niyang inayos ang mga iyon bago tuluyang binitawan.Matagal na niyang kaibigan si Jake at hindi lingid sa kanya na may gusto ito sa kanya. Pero noon pa man ay sinabi na niya rito na pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay dito. Pero kahit ganoon ay ayaw pa rin siyang tantanan nito at titigil lang daw ito kapag nagkanobyo na siya.Matagal na siyang hindi nagkakanobyo. Wala pa kasing taong pumapasa sa standards niya. Busy rin kasi siya sa trabaho at walang time para sa love life niya. Ayos lang naman iyon sa kanya dahil hindi maman siya nagmamadali. Pasasaan ba at dadating din ang tamang lalaki para sa kanya.Si Jake ay isang business man na half Filipino half Canadian. Kahit Canadian citizen ito ay magaling itong magsalita
Eksakto alas-sais ng hapon umalis ng opisina si Samuel at Shalanie. Gaya ng napagkasunduan, sasakyan ni Shalanie ang ginamit nila at si Samuel ang nag-drive nito. Naging tahimik silang pareho at walang gustong magsalita simula nang sumakay sila sa sasakyan.Nakatuon lang ang atensiyon ni Samuel sa unahan ng sasakyan habang nagda-drive ito. Samantalang si Shalanie naman ay nakatanaw lang sa labas ng bintana. Kung minsan ay ang mga kuku niya sa kamay ang paulit-ulit na pinagmamasdan. Tiyak na pareho silang mapapanisan ng laway.Isang oras na silang bumibiyahe patungo sa Niagara para sa farm visit. Hindi pa sila naghahapunan kaya naman naisipan nila na dumaan muna sa makakainan nila. Isang fast-food ang nadaanan nila at dito huminto si Samuel at ipinarada ang sasakyan.Ang gusto sana ni Shalanie ay mag-drive thru na lamang sila. Ngunit mapilit si Samuel. Gusto nito ay mag-dine in sila para makakain sila ng maayos. Wala namang nagawa si Shalanie kundi ang pumayag na lang at pagbigyan ito.
Habang nasa biyahe sila ay biglang bumagal ang takbo ng sasakyan nila hanggang sa tuluyan na iyong huminto. Naramdaman iyon ni Shalanie kaya naman napamulat siya. Kapipikit pa lang niya ng kanyang mga mata ng mga sandaling iyon. Nais muna sana niyang matulog dahil alam niyang malayo-layo pa ang biyahe nila. Nagtaka siya ng huminto sila.“Bakit tayo huminto? Ano’ng nangyari?” kaagad niyang tanong kay Samuel. Napatingin din siya sa labas ng bintana ng sasakyan. Inaninag niya ang labas pero wala siyang gaanong makita.“Tumirik tayo, Boss,” mahinahong sagot naman ni Samuel. Parang hindi man lang ito nag-aalala.“Ha!?” Gulat at pag-aalala naman ang bumalatay kay Shalanie. Napatingin siya sa orasan. It was twenty minutes past ten. Sobrang ginabi na pala sila sa beyahe nila. Napatagal yata ang pagkain nila kanina sa fast food. Binuksan ni Samuel ang pinto ng kotse at lumabas ito. Sumunod naman siya rito. Mabilis niyang kinalag ang seatbelt na suot at bumaba rin ng kotse. Masusing tiningnan
Ilang beses pang binutingting ni Samuel ang sasakyan. Nagbabakasakali na maayos nito iyon. Si Shalanie ay nanatili na lamang sa loob ng sasakyan gaya ng utos ni Samuel. Hindi na siya bumaba pa at tinitingnan na lang niya paminsan-minsan si Samuel sa ginagawa nito, mula sa nakabukas na bintana ng kotse.Mabuti na lang at hindi gaanong malamig ang klima. Katamtamang lamig lang ito na normal na lang sa balat nila dahil hindi pa naman winter. Kung nagkataon na winter ay baka nanginginig na siya dahil sa tagal nila doon.Palagi namang makapal na coat ang suot nila lalo na kapag lumalabas, kaya ayos lang ang normal na lamig. Sanay na rin naman siya dahil sa tagal na niya sa bansang iyon. Kapag summer naman ay mainit pero mahalumigmig pa rin. Makalipas ang dalawa at kalahating oras ay hindi pa rin naaayos ni Samuel ang sasakyan. Nababahala na si Shalanie dahil ayaw niyang abutin sila ng umaga sa lugar na iyon. Nagda-dial siya sa kanyang cellphone ng may dumating. Isang luxury car ang sumun
Dahil magtatagal pa sa farm si Mr. Julio ay hiniram muna ni Shalanie ang sasakyan nito. Hindi naman siya nito nagawang tanggihan na ipinagpasalamat niya. Nasa pagawaan pa kasi ang sasakyan niya at hindi niya alam kung nagawa na ba at maaari ng makuha. Siya ang nag-drive ng sasakyan ni Mr. Julio dahil gusto niyang mamasyal na mag-isa. Gusto niyang aliwin ang sarili. Hindi siya nagpaalam sa mga taga-villa kung saan siya pupunta. Maging kay Samuel ay hindi niya sinabi na aalis siya. Basta sinabi niya lang kay Mr. Julio na maglilibot lang siya.Hanggang sa pamamasyal ay laman ng isip niya ang balitang malapit nang mag-resign si Samuel. He would be leaving her soon for a better job opportunity. Alam niyang darating ang puntong iyon pero hindi niya akalaing mangyayari iyon sa panahong iyon kung kailan kasundo na nila ang isa’t isa. Nakakabigla at mabigat sa pakiramdam ang desisyon nitong iyon. Masyado na ata siyang na-attach dito.Batid niyang malayo ang mararating nito kapag umalis ito s
Hindi na kumatok si Shalanie sa kuwarto ni Samuel. Basta na lang niyang pinihit ang siradura ng pinto at pumasok sa loob. Naabutan niya itong nanonood ng TV habang nakasandal sa headboard ng kama nito. May mga sariling TV ang lahat ng kuwarto sa villa kaya naman hindi nababagot si Samuel kahit nasa loob lang ito ng kuwarto.Nakatakda na dapat silang bumalik sa Toronto noong lingo ngunit pareho silang hindi nakabalik dahil nagkasakit si Samuel. Nalaman niya mula kay Don Roberto na galing ito sa pamimitas ng grapes nang malaman nito na hindi pa siya bumabalik mula sa pamamasyal na mag-isa. Nag-alala ito ng husto dahil alam nitong hindi niya kabisado ang lugar. Dahil sa labis na pag-aalala ay hindi nito inalintana pa ang pagod, sinugod nito ang malakas na ulan para lang hanapin at makita siya. Natagalan din ito sa paghahanap sa kanya. Dahil doon ay nagkasakit ito. Kaya naman siya ang nag-alaga rito.Ngumiti ito nang makita siyang pumasok ng silid. Ginantihan niya rin ito ng matamis na n
Nang magising si Samuel ay kinapa niya ang kanyang tabi. Hinanap ng mga kamay niya si Shalanie ngunit wala ito. Nang maimulat ang mga mata ay iginala niya ito sa buong silid. Hindi na niya nakita ang gustong makita ng mga mata niya. Ang mga damit niya ay nakatupi na sa ibabaw ng mesa at ang mga pagkain na hindi niya naubos kagabi ay wala na rin doon sa mesa. Naalala niya ang nangyari sa kanila ni Shalanie sa nagdaang gabi. Kung paano niya ito inangkin ng buong puso sa pangalawang pagkakataon. Napangiti siya ng malapad. Siguro naman ay may halaga na ang mga nangyaring iyon para kay Shalanie. Napabalikwas na siya ng bangon. He wanted to see Shalanie right away. Mabilis siyang pumasok sa banyo, nagsipilyo siya at mabilis ding naligo. Pagkabihis ay mabilis na rin siyang lumabas ng silid at nagmamadaling tinungo ang kusina dahil naisip niya na baka nag-aalmusal na si Shalanie sa mga oras na iyon, pero si Don Roberto ang naabutan niya roon. Mag-isa itong kumakain.“Come join me, Sam," pag