TWO YEARS LATER "Now let us humbly invoke God's blessing upon this bride and groom, that in his kindness he may favor with his help those on whom he has bestowed the Sacrament of Matrimony. In the sight of God and these witnesses, I now pronounce you husband and wife! You may now kiss!”"Congratulations!""Woah!""Congrats!!!""Mabuhay ang bagong kasal!"Hiyawan ng mga bisita na naging saksi sa pag-iisang dibdib ni Sam at Shalanie. Nagsabog ang mga bulaklak sa kanilang harapan habang maalab na hinahalikan ng groom ang bride.Taliwas sa naglabasang balita. Isang simpleng church wedding at hindi enggrandeng beach wedding ang kasal nina Shalanie at Sam. Kung si Sam ang masusunod ay enggrandeng wedding talaga ang gusto nito para kay Shalanie at sang-ayon naman doon si Don Roberto ngunit mariing tumutol si Shalanie. Gusto niya na simple lang ang maging kasal nila. Medyo natagalan ang pagpapakasal nila dahil pareho silang naging busy sa trabaho kaya ang imbis na oneyear lang ay naging two
Three years later "Hay...Ano ba? Umalis ka nga d'yan! Ayaw ko ng amoy mo. Ano bang pabango 'iyang gamit mo? Ang baho." Inis na wika ni Shalanie kay Sam who's been standing in front of her, looking so deafeted. Tinakpan pa ni Shalanie ang ilong niya gamit ang kaliwa niyang kamay. Hindi niya maintindihan kung bakit ba ayaw niya ng amoy nito. Mukhang nagpalit ito ng pabango at ayaw niya ng amoy niyon."Honey..." angal naman ni Sam sa kanya at pilit na lumalapit sa kanya kahit pilit niya rin itong pinalalayo. Naiinis na siya ng husto kay Sam."Isa, Samuel. Maligo ka muna at magpalit ka ng pabango mo. Ang baho mo talaga.""Anong mabaho? Hindi naman, ah. Ito nga 'yung pabango na gustong gusto mong inaamoy." Ilang ulit sininghot singhot ni Sam ang sarili nito. Ibinuka pa nito ang suot na coat at suminghot rin doon. Wala naman itong naamoy na mabaho. Iritable na naman si Shalanie."Honey, did I do something wrong?" tanong nito. Bakas sa mukha ang pagtataka. Sinimangutan naman niya ito. Wala
NAGULAT si Shalanie nang datnan niya ang kanyang kaibigang si Clarice sa kusina ng unit niya. Isang tambak na pagkain ang iniluto nito at inihayin sa mesa."Good morning, friendship," bati nito sa kan'ya." Good morning. Bakit ang dami mong inihandang pagkain? Anong mayro'n? May okasyon ba?" sunod-sunod na tanong niya sa kaibigan."Wala naman, friendship. Gusto ko lang magluto," sagot nito at ngumiti nang malapad."Hindi ba dapat nagbu-beauty rest ka dahil bukas na ang flight mo pauwi ng Pilipinas.""Friendship, sa tono ng pananalita mo parang atat ka ng paalisin ako." Sumimangot ito at waring nagtampo sa kaibigan. Nakatakda na kasi itong umuwi ng Pilipinas para magbakasyon.Inakbayan niya ito. "Hindi naman sa gano'n, friendship. Inaalala lang kita. Syempre pag-uwi mo magkikita na kayo ulit ng boyfriend mo. Dapat ay maganda ka dahil baka ipagpalit ka n'ya sa iba." Nagtawanan sila.Matagal na rin silang magkaibigan ni Clarice. Friendship ang napili nilang maging tawagan sa isa't isa. N
EIGHT MONTHS LATER"Hindi ka man lang ba kakain ng almusal, bro?" tanong ni Ethan kay Samuel habang pinagmamasdan nito ang mga kilos niya. Si Ethan ay kaibigan ni Samuel at may-ari ng bahay na tinutuluyan niya."Sa office na siguro. Bawal ma-late kundi yari ako kay Boss," sagot ni Samuel sa kaibigan habang inaayos niya ang bagong biling necktie. Pagkatapos ay nagsuot na rin siya ng sapatos at ipinasok sa loob ng briefcase ang pinagpuyatang paper works. Nang ayos na ay sinipat niya ang sarili sa salamin. Napangiti siya sa sarili. Napakaguwapo talaga niya. "Alis na 'ko, bro," paalam na niya sa kaibigang si Ethan. Napakamot na lang sa ulo ang kaibigan at halata sa mukha na hindi makapaniwala sa kanya. Nginitian na lamang niya ito.Matagal na silang magkaibigang dalawa dahil magkaklase sila noon sa College at palagi silang magkasama. Nagkaroon ito ng maganda opportunity sa Canada kaya doon na rin ito tumira. At noong ngang napunta si Samuel ng Canada para sa trabaho ay ito kaagad ang hin
Nakarating sa planta sina Shalanie at Samuel na hindi man lang na kumibo si Shalanie kay Samuel. Napakatahimik niya buong byahe nila. Nanatili lang siyang nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan at tila ba kinakabisado ang dinaraanan. Nawala na kasi siya sa mood para magsalita. Wala rin naman siyang sasabihin. Kinausap lang niya si Samuel noong nasa planta na sila sa Niagara Peninsula.The Niagara Peninsula is the largest wine producing region in Canada. Naririto din ang malaking planta ng MWSI. Isang oras at dalawampung minuto ang byahe mula sa opisina nila sa Toronto.Nang makababa sila ng sasakyan ay naroroon na ang COO na si Tyron. Prenteng nakatayo ito malapit sa entrace at mukhang naghihintay na sa kanila. Nakasuksok sa magkabila nitong bulsa ang magkabila niyong kamay. Napakabilis naman ata nitong mag-drive dahil una itong dumating sa kanila kahit halos magkasabay lang naman silang umalis ng opisina nila sa Toronto.Kaagad na rin silang lumapit sa kinaroroonan ni Tyron. Ngumi
Bumaba si Shalanie ng kotse pagkatapos buksan ng driver ang pinto nito. Kasalukuyan siyang nasa parking lot. Sinipat niya ang suot na relo. Alas-tres y medya na ng hapon. Kagagaling lang niya sa isang investors meeting sa isang italian restaurant. Marami silang pinag-usapan tungkol sa kompanya at negosyo habang kumakain sila. Naging topic din siya doon. Ang tungkol sa love life niya na ayaw na ayaw niyang pinag-uusapan.Naging tampulan sila ng tukso ng Chief Operating Officer na si Tyron. Bagay daw sila ika ng ilang mga tsismosong investors at sumang-ayon din naman ang iba. Gustong-gusto naman iyon ni Tyron. Nakangisi ito at tuwang-tuwa ito sa usapang iyon habang siya ay naasiwa.Kahit na ayaw niya ang pinag-uusapan ay hindi naman siya maaaring magmaldita sa harap ng mga investors kahit pa gustong-gusto na niya itong gawin, pero pilit na lamang niyang nginitian ang mga ito at nanatiling tahimik tungkol sa bagay na iyon. Nakahinga lang siya ng maluwag nang matapos ang meeting.Naiirita
“Cleared na ang sales report na ito.”Kinuha ni Shalanie ang folder kay Arah. Apat na oras na silang nasa loob ng library nang unit ni Shalanie. Nasa ikalawang palapag ito at katabi lang ng kuwarto niya. Batid niyang pagod na rin ang mga kasama niya mula sa maghapong trabaho ng nga ito at ngayon nga ay apat na oras na silang nag-o-overtime.Dahil wala na silang time pa na magluto at hindi naman din siya mahilig magluto ay nagpadeliver na lamang siya ng pagkain para sa hapunan nila. Nang dumating ang ipina-deliver ay agad din itong inihanda ni Shalanie sa kitchen at tinawag ang dalawa para kumain. Sandali lang din silang kumain at muli ng bumalik sa trabaho.Sinulyapan niya si Samuel na nakaupo sa couch at abala sa pagtitipa sa laptop. Inutusan niya itong review-hin ang financial report ng kompanya. Nagpatay malisya siya at hindi pinansin ang pagbubulungan ni Samuel at Arah na kung bakit ito lang ang pinag-OT niya. Dahil marami naman daw epleyado na maaring mag-OT.Nagkukunwari siyang
Sanay na si Samuel sa walang puknat na interogasyon ng kanyang ina at mga auntie niya sa tuwing nakakausap niya ang mga ito. Patunay roon ang pag-e-enjoy niya sa pagkukwento sa mga ito habang salo-salo silang kumakain ng pananghalian. Ang ina niya at mga tiyahin ang nagluto ng mga pagkain kaya ganadong kumain si Samuel. “Kaidad mo lang kamo ang boss mo?”ani ng Auntie Fely niya habang sumasandok ng ulam na minudo. Panganay na kapatid ito ng kanyang ina.“Opo, Auntie. Ilang araw lang din ang pagitan ng kaarawan naming dalawa. Binilhan ko nga siya ng cake noong birth day niya bilang regalo. Nagpasalamat siya pero hindi man lang ngumiti. Hindi ko tuloy alam kung natuwa ba siya o hindi,” k’wento pa ni Samuel sa mga ito. “Naku, baka hindi masarap ang cake na ibinigay mo. Baka hindi niya gusto ang flavor. Dapat ay tinanong mo kung ano ang paborito niyang flavor. Teka, ang boss mo binilhan mo ng cake pero ang mama mo hindi?” ani pa ng Auntie Fely niya. “Naku, imposibleng makalimutan ko ang