Share

Chapter 19

Author: NicsTag
last update Last Updated: 2024-07-09 19:43:30

Nang sumunod na araw, ay naging abala silang lahat dahil sa darating na prelim-fashion show nagaganapin sa susunod na linggo. Hindi na rin halos nagkikita si Lance at Erries dahil sa pagiging abala nito. Lalo na sa mga damit na siyang nagdidisenyo nito. Marami ang kanyang damit na dinidisenyo kaya halos abala siya ng araw na iyon. Kaya naman, kinabukasan ay nagpasiya siyang magpahinga muna at ang kanyang mga kasama na lang muna ang tumapos sa ilang damit, na nasimulan na niyang dinisenyohan.

"Hi besty!" bungad ng kaibigan niyang si Julliana ng pumasok ito sa kanyang kwarto.

Naabutan siya nitong nakahiga sa couch, habang may tinitingnan na papelis.

"Oh! Akala ko ba magpapahinga ka muna? Bakit nakaharap ka sa mga papelis na iyan?" puna nito at umupo sa kaharap ng mesa.

"I just want to review my designs. Iniwan ko na muna ang ilan sa mga staff ko.." sabi niya.

Lumapit si Julliana sa kanya at tiningnan ang hawak nito. Napatango-tango pa ito dahil sa mga kuha ng litrato nang damit na din
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Trapping the Billionaire    Chapter 59

    ERRIES POVUnti-unti kong minulat ang aking mga mata, nang maramdaman ko ang init mula sa sikat ng araw. Hindi ko maalala kong hindi ko ba naisara ang kurtina kagabi, dahil lasing na ata ako kagabi. Nanatili muna akong nakahiga at inalalala ang nangyari kagabi. Hays, paano nga ba ako napunta dito sa kwarto, sino ang naghatid sa akin? Baka naman hinatid ako dito ng mga staff ni Lucas? Tsk! Bakit ba kasi nagpakalasing kagabi. Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang tumayo. Hinanap ko ang phone, para makita kung anong Oras na at nakita kong 9am na pala. Ilang saglit pa ay may naramdaman akong kakaiba sa sikmura ko, kaya napatakbo ako sa banyo, deretso sa lababo at doon napasuka ako bigla. Tila ba nais lumabas lahat ng alak at mga kinain ko kagabi. Napamumug ako at hingal na hingal. "Here..." Napatingin ako sa towel na inabot sa akin at kinuha ko naman iyon. Pinunas ko iyon sa aking noo, at leeg dahil pinagpawisan ako. Ilang segundo rin, nang matigilan ako. Dahan-dahan akon

  • Trapping the Billionaire    Chapter 58

    LANCE'S POVMatapos akong tawagan ni Lucas kanina at sabihing nakita niya si Erries sa pagmamay Ari niyang Resort ay walang alinlangan akong bumiyahe papunta sa Batanggas. Ang Lugar kung saan kami unang nagkita at nagkakilala. I still remember, she's still teenager that time. Magkadikit lang ang bahay nila sa bahay nina Lucas, kaya nakilala ko siya. Dahil narin sa pinsan niya noon na si Erica. Naalala ko noon, na may nangyari sa amin ni Erica, hindi lang isang beses na may nangyari sa amin noon, siguro tatlo? O dalawa, hays. So, Ayun nga bumiyahe ako, at halos mag g-gabi na ng makarating ako sa Batanggas at si Lucas agad ang pinuntahan ko. Sakto rin na nasa bahay siya nito, kaya nagulat ito ng makita ako."Ang bilis mo naman, haha," may halong pang aasar na sabi niya sa akin. Sabay kaming pumasok sa loob ng kanilang bahay."Tsk, tell me where is she," sabi ko sa kanya. Marami kasi silang resort na pag aari at hindi ko alam kung saan ba sa mga ito, naroon si Erries."Hahah

  • Trapping the Billionaire    Chapter 57

    Tulad ng sabi ni Erica ay pumunta ako kinabukasan sa resort na sinasabi niya. Nakilala ko rin ang asawa niya at mabait naman ito, nakikita ko rin kung gaano nito kamahal ang pinsan ko.Hinatid nila ako dito sa resort na sinasabi niya at nakausap na rin niya ang kaibigan niya tungkol sa akin. Kaya binigyan pa nila ako ng discount, at sa isang executive room ang binigay nito sa akin. Nasa labas pa lang ako ng hotel ay talagang makikitang maganda nga ito. Malawak at napaka-refresheng ang simoy ng hangin...maging ang magandang dagat nito, na tila ba hindi mo aakalaing nasa pilipinas ka lang pala.Sinabi din sa akin ng kaibigan ni Erica, na may swimming sa rooftop ng hotel at nais nitong makapunta rin ako doon. Hinanap ko ang hotel room na binigay sa akin at nang makarating ako ay pumasok agad ako para naman makapagpahinga saglit. Nakita ko kung gaano ka kaganda ang silid. Naglakad ako patungo sa veranda ng kwarto at bumungad sa akin ang lawak ng dagat sa aking harapan. Napapikit

  • Trapping the Billionaire    Chapter 56

    ERRIES POVHawak-kamay kami ni Erica na pumasok sa loob ng bahay, at talagang tuwang-tuwa siya dahil muli kaming nagkita. Sa lumipas na mga taon, ay marami siyang binago dito sa loob. Mas naging maaliwalas ang pagpasok namin dahil bumungad ang garden na may iba't ibang kulay ng Rosas at ilang mga bulaklak, na dati ang simpleng path walk lang. Nang makapasok kami sa mansion ay sabay kaming umupo sa isang couch."My god, Erries, bakit hindi ka nagsabi na darating ka..para naman nakapaghanda ako," nakangiting sabi nito sa kanya.Bahagya akong natawa sa kanya."I just want to surprise you, and it's looks like you really did," nakangiting sabi ko sa kanya."Oo naman no, grabe ang laki na ng pinagbago mo...mas Lalo kang gumanda!" papuri niya pa at bahagyang sinuyod ang kabuuan ko."Ano ka ba, Ikaw rin naman ah.. Ano? Kumusta ka na?" tanong ko pa."Ayos lang naman, ikinasal na ako last year at may dalawa na kaming anak ng asawa ko. Ang tagal mong nawala kaya hindi mo na alam k

  • Trapping the Billionaire    Chapter 55

    THIRD PERSON'S POVBumaba si Lance sa hagdan mula sa kanyang kwarto, upang sumalo sa kanilang hapunan. Habang pababa siya ay napakunot-noo siya, nang marinig ang pamilyar na boses mula sa kanilang sala. Nakikilala niya ang mga boses na iyon at nang tuluyan na nga siyang bumaba ay nakita niya ang kanilang bisita.Lumingo sa kanya ang babaeng hindi naman niya nais na makita ng sandaling iyon."Babe!" tawag ni Cassy sa kanya at tumayo ito upang lumapit sa kanya.Agad itong yumukap sa kanya nang makalapit ito. Wala siyang naging tugon sa yakap nito at nanatiling blanko ang kanyang tingin, bago inilipat sa kanyang magulang ang kanyang mga mata. Doon niya nakitang nandito rin pala ang magulang ni Cassy."Ijo," tawag sa kanya ng ama ni Cassy.Tumango lang siya dito at muling tiningnan si Cassy. Napabuntong-hininga siya at pilit na kumalas sa yakap nito, saka naunang naglakad upang lumapit sa kanilang mga magulang."Good evening," bati niya sa mga ito at tumango."Mabuti naman at bumab

  • Trapping the Billionaire    Chapter 54

    ERRIES POVIlang araw ang lumipas, noong huli naming pagkikita ni Lance. Talagang iniwasan ko siya para naman makapag isip ako ng mabuti. Bago ako magpasya na umalis ay nakipagkita muna ako sa isang kaibigan. Isa iyong pagkikita na talagang, kami lang dalawa ang dapat na makaalam.Nandito ako sa isang private resorts, malayo sa Lugar kung saan kami maaring makita ng mga taong ayaw ko rin namang makita. Minsan na akong nakapunta sa resort na ito, kaya alam ko kung gaano ito kaganda. Habang nakatanaw ako sa paglubog ng araw, isang pares ng paa ang huminto sa gilid, kung saan ako nakaupo.Napatingala ako at bahagyang napangisi. Dumating na ang taong kanina ko pa hinihintay na dumating."What now, Erries?" seryosong tanong niya sa akin."Pwedi bang umupo ka muna?" sabi ko sa kanya.It's s Raymond.Yeah, he's the one I'm meeting right now. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya, bago naglakad at umupo sa harap ko. Ngumiti ako sa kanya at bahagyang sumenyas sa isang waiter na nas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status