Home / Romance / Triplets For I Love You / THE THOUGHT OF LOSING HER SONS

Share

THE THOUGHT OF LOSING HER SONS

Author: Set_Cieri_Set
last update Last Updated: 2024-10-01 22:14:23

Chapter 7: The Thought of Losing Her Sons

Madilim ang kalangitan at ang mga bituing nagniningning ay pawang mga nakatago sa likod ng mga ulap. Maihahalintulad sa nararamdaman ngayon ni Sabrina.

Nakatingala ito sa kalangitan mula sa veranda ng kaniyang k’warto, tulala at tuliro – hindi alam ang mararamdaman sa oras na ito. Ang puso niya’y kanina lamang ay kumalma matapos makatulog ang mga anak sa kabilang silid ay muling bumilis ang pagtibok. Napahawak siya sa kaniyang dibdib at huminga nang malalim.

“If only . . .,” saad niya sa mababang tinig habang nakatulala sa hangin. Kung pwede lang ay hindi sila nagtatago na parang isang kriminal ngunit alam rin niya ang mangyayari kapag makita siya nang dating asawa. Lalo pa at may dalawa siyang kasama na kailanman ay hindi alam nang huli.

Sa isip-isip niya’y hindi dapat malaman ni Luan Ayden na may anak sila nito. Hinding-hindi niya iyon hahayaang mangyari.

Ngunit malakas ang hatak nang kaniyang konsensya. Hindi man niya gusto ang nararamdaman, may parte sa kaniyang gusto niyang magkakilala ang mag-aama. Subalit hindi niya maatim ang maaaring magiging reaksyon nang lalaki dahil sa dinanas nitong pasakit mula rito.

Ayaw niyang maranasan din ng mga anak niya ang pagka-disgusto galing sa lalaki. The pain she went through just because she stayed and just because she loved him? Hinding-hindi niya iyon hahayaang mangyari sa kaniyang mga anak. Kahit pa abutin sila sa korte. Ipaglalaban at ipaglalaban niya ang kaniyang karapatan sa mga bata.

Pero sa kabila n’yon ay may takot siyang iniinda. Takot siya kasi alam niyang may kakayahan si Luan na kunin sa kaniya ang dalawang bata. Takot siyang maiwan muling mag-isa. Takot siyang malayo sa mga ito.

Takot siyang may magbabalik sa kaloob-looban niya.

Sa gabing iyon, mula sa madilim na veranda, isang kislap ang mumunting bumagsak mula sa kaniyang mga mata. Mga luhang ayaw tumigil. Mga luhang naipon magmula nang iwan niya ang pilipinas anim na taon na ang nakararaan.

Sa tulong ng madilim na kalangitan, walang sinuman ang nakakita sa pag-alpas nang mga luha sa mga mata ng babae. Sa gabing iyon, inilabas ni Sabrina ang matagal na niyang kinalimutan. Ang mga masasakit na memorya ay pilit na bumabalik sa kaniyang isipan ngunit sinubukan niyang patigilin ito.

Inisip niya ang mahimbing na natutulog niyang mga anak. 

“For my kids,” sambit nito sa sarili at kinalma ang sistema. Pinunasan niya ang kaniyang basang mukha at tumingala sa kalangitan. 

Mistulang lumiwanag ang kaninang madilim na kalangitan dahil sa pagsilip nang buwan mula sa nakaharang na mga ulap. Hope started to fill her heart. That despite going through the dark side of her life, there is still light waiting for her in the end.

Iyon ay ang kaniyang mga anak. They are her life and no one will take them from her. 

Not even Luan Ayden Beaufort.

THE CLOCK is ticking at hindi pa rin makatulog si Sabrina. Bumaba siya after niyang ch-in-eck ang mga bata sa kanilang silid. Ang dalawa ay kap’wa malalim ang tulog. Dahil na rin siguro sa pagod dahil halos kararating lang nila nang Pilipinas. Pero siya ay hindi makatulog.

Hindi niya alam kung bakit pero ayaw tumigil ng kaniyang utak sa pag-iisip. Ang daming tanong at mga bagay-bagay na tumatakbo sa kaniyang isipan at hindi siya nito hinahayaang makapagpahinga.

Linagok niya ang alak galing sa wine glass na hawak. Nasa bar counter siya sa gilid nang kusina ng kanilang bagong bahay. Halos hindi pa maayos ang bahay at balak niyang simulan kinabukasan ngunit mukhang mapupuyatan siya ngayon.

“Buhay ka pa?” isang tinig ang nagpatigil sa magulo nitong utak na siyang nilingon niya. Nakita niya si Muren na papalapit sa kaniyang kinaroroonan.

Balak pa nitong umuwi kanina pero dahil sa nangyari kanina lamang ay napagpasyahan niyang makitulog muna dahil alam niyang kailangan nang makakausap ang kaibigan. Alam ni Muren kung gaano ito kaapektado sa nangyari kanina kaya malamang sa malamang ay hindi ito makatulog. Tama siya dahil nadatnan niya itong umiinom mag-isa sa madilim na sulok ng bahay at ang liwanag lang ay galing sa labas – ang sinag ng buwan.

“Hindi ako makatulog. Ikaw? Ba’t gising ka pa?” tanong nito aa kaibigan na kumuha rin ng isang wine glass at umupo sa kaniyang harapan.

“Well, dahil gising pa ako.” sagot nito sa kaniya at inisang lagok nito ang laman ng baso. 

Napa-irap na lamang si Sabrina dahil sa inakto nang kaibigan. Ngumiti siya kalaunan dahil na-appreciate nito ang pagsama sa kaniya. 

Ilang minuto pa silang tahimik na umiinom at kap’wa malalalim ang mga iniisip. Hindi nagtagal ay pinutol ni Muren ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Tinitigan niya ang kaharap na si Sabrina habang bumubuo ng isang katanungan ang kaniyang isipan.

“Sab, may tanong ako.” Hindi man gumalaw sa kina-uupuan si Sabrina ay alam niyang narinig siya nito. 

Kinagat niya ang kaniyang labi at sinusubukang tansyahin ang magiging reaksyon nang kaibigan sa kaniyang itatanong. Alam niyang mas lalo lamang itong ma-i-stress pero gusto niyang malaman ang mga nangyayari.

“6 years ago . . .,”

Iyon pa lamang ang binibigkas niya ay halos tumalon ang kaniyang puso nang makita ang reaksyon ng kaibigan. Nanigas ito sa kaniyang kina-uupuan at para bang tumakbo siya nang ilang milya dahil sa pagtaas-baba ng balikat nito.

“Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa ‘yo. Sa inyo nang lalaking ‘yon. All I know is that nag-abroad ka na and nothing else. Tapos malalaman ko na lang may anak ka na pala, tatlo pa! And I guess, si Luan ang ama. Right?”

Tila nakabaon ang dalawang paa ni Sabrina sa lupa dahil sa lamig at bigat na kaniyang nararamdaman. Rinig ang malakas na pintig ng kaniyang puso at hindi niya mahanap ang dila para sagutin ang kaibigan.

“Sab?” Inangat ni Sabrina ang kaniyang tingin at sinalubong ang isang pares na mga matang naghihintay ng kasagutan. Kumuyom ang kaniyang mga kamay at kahit nanginginig ay pinili niyang ibunyag kung ano man ang nangyari anim na taon ang nakalilipas.

Kinuwento niya rito kung ano ang mga kabaliwan niya noon at kung ano-ano ang mga nagawa dahil lamang sa kaniyang pag-ibig sa taong ayaw naman sa kaniya. Above all that, she told her what she did that no one could ever imagine that she could do.

“What! You drugged him?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Triplets For I Love You   Encounter and Familiarity

    Chapter 9: Encounter and FamiliarityKnowing their father, Luan Ayden has a child, doon rin nila nalaman na may isa pa silang kapatid sa ama at iyon ay si Sabi – completely out of Sabrina’s knowledge, na pilit tinatago ng huli.It’s funny how fate really wants them to meet – according to Ardie – their half-sister.THE DAY before. Gumising nang maaga si Sabrina upang ipaghanda ng almusal ang dalawang anak. Gumayak na rin siya dahil ang araw na ito ay ang opisyal na unang araw niya sa Hospital na kaniyang pagta-trabahuan.Nang matapos siyang makapagluto nang agahan ay siyang paggising nito sa kaniyang mga anak na kasalukuyang nakabitin sa kanilang mga ama.Napailing na lamang siya sa kakulitan ng mga ito kahit sa pagtulog. “Mga anak, first day niyo ngayon sa school. Tulog-mantika pa rin kayo.” Pupungay-pungay pa ang mga ito pero nang makita ang mala-tigreng tingin ng kanilang ina ay wala pang isang Segundo ay nagtatakbo na sila sa loob ng banyo.‘Ayoko pang maligo!’‘Nakakatakot si Mommy

  • Triplets For I Love You   COINCIDENCE

    Chapter 8: Coincidence“Akala ko mutual decision ang pag-divorce niyong dalawa. Ikaw pala itong nakipag-divorce and wow! Ang tapang mo, Sab!” sa sinabi niyang iyon ay sabay natawa ang mag-kaibigan.Napailing na lamang si Sabrina at uminom sa kaniyang wine. Muling dumapo ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa at kap’wa may malalim na iniisip. Ilang sandal pa ay nilingon ni Muren ang kaibigan.“Then why run away? Bakit mo siya tinataguan, eh divorced na kayo?” Hindi mahanap ang dila, uminom na lang ulit si Sabrina sa kaniyang hawak na wine glass at tumitig sa kawalan.“Well, with his identity, kayang-kaya ka niyang takutin at lalo na ngayon na hindi niya alam na may anak kayo. Besides, not to pry, ha? You know, Sabi? Iyong batang nakita natin sa daan? Tingin mo anak nila iyon ni Amara?”Ang inosenteng tanong na iyon ni Muren ang biglang nanuot sa kailaliman ng kaniyang utak. Nagpa-ulit-ulit iyon sa kaniyang isipan at hindi niya namalayang napakuyom ang kaniyang mga palad.Maybe, at thi

  • Triplets For I Love You   THE THOUGHT OF LOSING HER SONS

    Chapter 7: The Thought of Losing Her SonsMadilim ang kalangitan at ang mga bituing nagniningning ay pawang mga nakatago sa likod ng mga ulap. Maihahalintulad sa nararamdaman ngayon ni Sabrina.Nakatingala ito sa kalangitan mula sa veranda ng kaniyang k’warto, tulala at tuliro – hindi alam ang mararamdaman sa oras na ito. Ang puso niya’y kanina lamang ay kumalma matapos makatulog ang mga anak sa kabilang silid ay muling bumilis ang pagtibok. Napahawak siya sa kaniyang dibdib at huminga nang malalim.“If only . . .,” saad niya sa mababang tinig habang nakatulala sa hangin. Kung pwede lang ay hindi sila nagtatago na parang isang kriminal ngunit alam rin niya ang mangyayari kapag makita siya nang dating asawa. Lalo pa at may dalawa siyang kasama na kailanman ay hindi alam nang huli.Sa isip-isip niya’y hindi dapat malaman ni Luan Ayden na may anak sila nito. Hinding-hindi niya iyon hahayaang mangyari.Ngunit malakas ang hatak nang kaniyang konsensya. Hindi man niya gusto ang nararamdaman

  • Triplets For I Love You   Their Father and Her Ex-Husband

    |Chapter 6: Their Father and Her Ex-Husband Fabby and Ardie are cautious to their mother’s actions. Kap’wa sila’y nanahimik dahil sa pinapakitang ekspresyon ng kanilang ina; hindi ito mapakali at parang takot siya sa bagay na hindi nila malaman. “Fab, okay lang kaya si Mommy?” tanong ni Ardie sa kapatid pero umiling lamang ito. Biglang naalala ni Ardie ang mga camera na naka-install sa paligid ng parking lot – kung saan sila tumigil upang hintayin ang kanilang tita na si Muren. “Mommy, there are lots of CCTVs in here,” pagsasabi nito sa ina na dumagdag sa hindi mapakali nitong katawan. “Ano? Bakit ngayon mo lang sinabi, anak? Paano na ngayon ‘yan?” taranta nitong pagsasabi habang kagat-kagat ang hinlalaki nito. Kap’wa natawa ang dalawang bata dahil sa inaakto ng kanilang ina at dahil na rin alam nilang kaya nila itong lusutan sa tulong ng kakayahan ni Arden sa teknolohiya. “Mom, relax. Kaya ko na po ‘ya

  • Triplets For I Love You   His Daughter 2

    |Chapter 5: His Daughter 2 Bagama’t iyon ay isa lamang na rason kung bakit ito hindi sumasagot ay pinilit pa rin ni Sabrina na kausapin ang bata at kunin ang loob nito. “Mukhang hindi pa kumakain ang isang ‘yan. Isabay na lang kaya natin bago ilapit sa mga pulis?” Muren asked. Tumango si Sabrina at inalalayan ang batang babae patungo sa kanilang sasakyan. Ilang minuto ang lumipas ay dumating na sila sa Quinn’s restaurant. Lima silang nagsalo-salo sa isang mahabang lamesa at nakalatag ang mga masasarap na pagkain. Ipinagbalat ni Sabrina ng shrimp ang mga bata bago ang sarili nang maisipan niyang tanungin ang batang babae sa kaniyang tabi. Nagmukha siyang nanay nito nang hindi man lamang ito humiwalay sa kaniyang tabi at kapit na kapit ito sa kaniyang braso. “Baby girl, alam mo ba kung paano kontakin ang mga magulang mo? Or kung gusto mo, ihatid ka namin sa police station,” pahayag nito sa bata. Umiling-iling ang ba

  • Triplets For I Love You   His Daughter 1

    |Chapter 4: His DaughterKAHIT nagtataka, hindi na lamang inintindi nang dalawang bata ang aligagang ina. Ang nasa isip lamang nila ay ang maikot ang bagong lugar na kanilang patutuluyan. Isa pa, gusting-gusto na rin nilang makita ang kanilang ama na hindi alam nang kanilang ina. Gusto rin nilang pagalitan ang ama dahil sa pag-iwan niya sa kanilang mag-iina. “Nandito na tayo,” sambit ni Muren at tumigil sa harapan ng isang may kalakihang gate. Natulala naman ang mag-iina nang makita kung saan sila tutuloy. “Buti na lang nag-migrate na ‘yong dating naninirahan d’yan at isa pa, magkapit-bahay lang tayo. Mabibisita ko kayo at gano’n rin kayo,” pag-imporma nito kay Sabrina na kasalukuyang buhat-buhat ang tahimik na si Fabby habang ang isa sa kambal ay nakakapit sa kaniyang Tita. “Salamat, Muren.” Hindi niya alam kung papaano niya pasasalamatan ang kaibigan dahil kahit hindi sila nagkakausap nang personal ay naroon pa rin ito para

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status