Triplets For I Love You

Triplets For I Love You

last updateTerakhir Diperbarui : 2024-10-07
Oleh:  Set_Cieri_SetOn going
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
9Bab
303Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Sinopsis

Sa huling pagkakataon, ginawa ni Sabrina Anderson ang kaniyang makakaya upang maibalik man lang ang pagmamahal nito sa kaniyang asawa na si Luan Ayden Beaufort gamit ang sariling katawan. Pitong taon niya nang minamahal ang lalaki ngunit sa iba ito nakatingin. At sa gabing iyon, bitbit ang isang pirmadong diborsyo, iniwan ni Sabrina ang pinakamamahal niyang si Luan sa kama ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na ang gabing iyon ay magbubunga nang tatlong bulinggit. Sa kanilang muling pagtatagpo matapos ang anim na taon, may magbabalik din ba sa pagitan nang dalawa? Matututunan kaya ni Luan na mahalin ang ina nang kaniyang tatlong mga anak na walang iba kung hindi si Sabrina?

Lihat lebih banyak

Bab 1

The Divorce

|Chapter 1: The Divorce

“It’s now or never,” pangungumbinsi ni Sabrina sa sarili habang tila hindi mapakali sa kaniyang kinatatayuan sa loob ng banyo sa isang silid. Pilit nitong pinakakalma ang pintig ng kaniyang puso sa kadahilanang gagawa siya nang isang bagay na kailanman ay gustong-gusto na nitong gawin.

Nakayuko siyang lumabas sa madilim na banyo at sa tulong nang sinag ng buwan, malinaw nitong natitigan ang mukha ng kaniyang minamahal sa nagdaang mga taon pagka-hanggang ngayon. 

Luan Ayden Beaufort, her husband for three years already. 

Now, hindi na siya mangingiming gawin ang gusto sa oras na ito. Mali man ito sa mata nang ibang tao pero kinakapitan na lang nito ang sit’wasyon nila; na kasal sila sa harapan ng diyos.

“Amara . . .,” tinig iyon ng kaniyang asawa ngunit nagpantig ang kaniyang mga tainga nang mapagtanto ang pangalan na kaniyang isinambit.

‘Amara. Ang babaeng iyon na naman!’ 

Hindi mapigilan ni Sabrina ang pagtaas-baba ng kaniyang dibdib at ang paghigpit nang kapit nito sa kaniyang damit. Sinubukan man niyang pigilan ang sariling maluha, malugod itong bumagsak sa kaniyang mga pisngi.

Impit siyang umiyak at nagpapasalamat na lamang siyang madilim ang kanilang kinaroroonan. Pinunasan nito ang kaniyang mga pisngi at pilit na kinalma ang sarili.

“Huli na ‘to, Sabrina. Para rin sa ‘yo ito,” kausap nito sa sarili at dahan-dahang nilapitan ang nanghihinang asawa. Bagama’t nakahiga ito ay alam ni Sabrina na may malay ito at hinihila lamang siya nang sakit sa ulo at buong katawan. 

“A-Anong nangyari? Nasaan ako?” Napakislot si Sabrina nang mahimigan ang boses nitong mahina ngunit umabot naman ito sa kaniya. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil rito siya naunang nahulog; ang boses nitong malamig ngunit parang hinehele ka sa sobrang lambot. 

It was his voice that caused her heart to beat in the rhythm that it has been going for years. 

“Luan, sweetheart.” tawag nito sa asawa at lakas-loob na umupo sa gilid ng kama kung nasaan ito.

Nanginginig man ang mga kamay, hinawakan nito ang magkabilang braso ng asawa at maingat na isinandal ito sa headrest ng kama.

“Sabrina? Anong ginagawa mo sa k’warto ko?” mabigat ang kaniyang tono kaya muntikan pang mapatayo si Sabrina. 

“Luan, sweetheart. Hindi ka na dapat magtaka dahil asawa mo ako. May Karapatan akong magpunta sa ‘yong k’warto,” sambit nito kahit ang totoo ay nasa isang VIP room sila ng isang sikat na Exclusive Bar. 

“Anong ginawa mo sa akin?” tanong nito nang mapagtantong hindi normal ang kaniyang nararamdaman habang tinitingnan ang mukha nang kaniyang asawa; ang babaeng kahit kailanman ay ayaw nitong pakasalan.

Nakararamdam siya ng init na para bang nasisilaban ang buo nitong katawan. Kahit pa nakatodo ang air condition ng k’warto ay hindi man lamang naibsan ang init na kaniyang nararamdaman. Tila ba’y may isang nagmamanipula nang kaniyang katawan. 

Masama nitong tiningnan ang asawa na ngayo’y unti-unti nang umaakyat ang magaan at malambot na kamay sa kaniyang dibdib pataas sa kaniyang nakabukas na kuwelyo. Ramdam nito ang pag-alab nang kaniyang nararamdaman at hindi niya mapigilang mapalunok.

“Luan, tatlong taon – tatlong taon na tayong kasal ngunit bakit hindi mo pa rin ako makita? Bakit ang hirap sayong mahalin ako?” bulong nito sa kaniya at hindi natigil ang paghaplos nito sa dibdib ng kaniyang asawan na ngayo’y nahihirapan nang huminga.

“Tumigil ka, Sabrina! Itigil mo na itong kabaliwan mo!” Salungat sa kaniyang nararamdaman, may nagtutulak sa kaniyang pigilan si Sabrina sa kung ano man ang binabalak nito sa kaniya.

“Oh, Luan. Ipagkakait mo rin ba ang kagustuhan kong makipagtalik sa ‘yo? Kailanman ay hindi mo maibigay sa akin iyon! Kahit bilang asawa mo lang, Luan pero bakit ang damot mo? Bakit ang babaeg iyon ay nakukuha ang gusto ko?” 

Hindi na napigilan ni Sabrina ang bugso nang kaniyang damdamin at isinigaw iyon sa kaharap. 

They were both breathing hard. Kahit ang hangin ay magdadalawang isip na pumagitna sa dalawa. For her, ang gusto lang nito ay ang mahalin siya nang lalaki at kung ang pakikipagtalik lang ang kaya niyang makuha ay sapat na iyon para sa kaniya.

Ang gusto lang nito ay ang makita siya ng lalaki. Tatlong taon na ang lumipas ngunit wala pa ring nangyayari sa kanilang dalawa.

“Magtigil ka, Sabrina! What did you do?” sigaw nito ngunit isang pitik na lang ay susuko na siya sa kaniyang nararamdaman.

“Shh, husband. Maganda ang gabi, bakit hindi natin i-enjoy?” 

Tila isang kandilang nauupos, wala nang magawa si Luan nang lumapat ang malambot at mainit nitong mga labi sa kaniyang nakaawang na mga labi. 

A familiar sensation flowed down his veins. Napigtas na ang manipis na lubid nitong kinakapitan at kahit ang sigaw ng utak nitong tumigil ay pinagtaksilan siya ng kaniyang sariling katawan.

Saksi ang buwan sa pangyayaring nagaganap sa dalawang taong kailanman ay hindi nagkaabot kung pagmamahalan ang pag-uusapan.

Walang oras ang sinayang ng dalawa at patuloy ang kanilang paghahalikan. Kaliwa’t kanan ang kanilang mga kamay sa bawat paggalaw nang kanilang mga katawan. Ang kanilang mabibigat na hininga’y rinig sa buong silid ngunit wala silang pakialam kung may makarinig man sa kanilang mga sigaw at halinghing.

Sa bawat paglabas nang kanilang nararamdaman ay iyon naman ang lalong pagbilis nang kanilang paghinga at mga galaw.

Sa mumunting sinag ng buwan na nanggagaling sa malaking bintana, ang dalawang taong makadapuang palad ay naging isa at buo sa mga nagdaang oras hanggang sa sumilip na ang haring araw sa kalangitan.

They both had their night as a married couple, for the first time.

Hindi malaman ang nararamdaman, ipinalandas ni Sabrina ang kaniyang mga daliri sa malambot na buhok ng kaniyang asawa na ngayo’y mahibing ang tulog. Maririnig ang mumunting hilik nito at hindi niya maiwasang mapangiti nang mapait.

“I love you . . . husband pero bibitawan na kita. We’ll part ways at mula ngayon, wala nang mamamagitan sa ating dalawa,” matapos nitong kastiguhin ang sarili, pinilit nitong ayusin ang sarili.

Gamit ang kaniyang basang mga mata, pinakatitigan nito ang mukha na kaniyang minahal nang pitong taon magmula noong teenage years pa sila. Pangarap nitong maikasal sa taong ito ngunit hindi niya inaasahang babagsak rin siya sa oras nang kaniyang pagbitaw sa ilang taon nitong pagmamahal.

Bitbit ang isang papeles kun saan makikita ang kaniyang pirma, inilagay nito iyon sa side table ng kama. Muli niyang hinaplos ang pangalan nilang dalawa sa papel at gamit ang nanginginig na mga kamay, mapait niyang pinanood kung paano nito iwan ang ebidensyang kasal siya kay Luan Ayden Beaufort – ang singsing.

“Paalam.”

Nagising si Luan sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng kaniyang silid. Pupungay-pungay pa ang kaniyang mga mata habang pilit na inaalala ang mga nangyari at kung bakit masakit ang katawan at ulo nito. 

“Sabrina,” usal nito. Naikuyom nito ang mga kamay at padabog na tumayo sa kaniyang kinauupuan. Hindi niya mapigilang magalit sa babae sa ginawa nito sa kaniya. She drugged him, sa isip nito.

Pabalik-balik ito sa paglalakad at pagkuwa’y nanggigigl na tinawag ang taong may hawak na panglinis. “Nakita niyo ba ang babae – ang asawa ko?” Sa pag-iling nito ay alam na niya ang ginawa ni Sabrina. 

Muli siyang bumalik sa loob at pinakatitigan ang mga letrang siyang bumungad at gumulantang sa kaniyang pagkatao.

Signed Divorce Agreement.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
9 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status