แชร์

Chapter 99

ผู้เขียน: Maldie Castillion
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-09-04 21:56:20

Chapter 99

Kinabukasan ay maagang tinawagan ni Amara si Argus, at nang makonekta ang tawag ay napatuwid siya ng tayo.

“Argus, libre ka ba bukas?” tanong niya.

Tahimik muna ang kabilang linya bago may nagsalita.

“Amara, may kailangan ka bang sabihin kay Argus?” Boses iyon ni Ysabel.

Saglit na natigilan si Amara. Akala niya, gusto talaga nina Ysabel at Argus na magkasama palagi.

“Nasaan si Argus?” tanong niya, may halong pagtataka.

Malamig ang boses ni Ysabel.

“My fiance is a busy man, Amara. Kung may hiya ka pa, tigilan mo na siyang gambalain” galit nitong sabi.

“This is—” Hindi pa natatapos si Amara nang biglang ibinaba ni Ysabel ang tawag.

Napatitig si Amara sa cellphone na nakababa na, hindi makapaniwala.

Samantala, hawak ni Ysabel ang cellphone at agad na binura ang tawag mula sa log. Saktong pumasok si Argus mula sa labas.

“Bakit ka nandito?” tanong niya.

Bubuka pa lang ang bibig ni Ysabel nang biglang sumulpot si Carmela mula sa labas.

“Sir, tumawag po si Miss Amara gusto raw ka
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
Cristy Bathan
salamat po sa update
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 100

    Chapter 100Parang biglang tumaas ang pintig ng puso ni Amara. Bakit nandito si Argus? May nalaman ba siya? Pupunta ba siya para hulihin kami?Lahat ng takot at sobrang tensyon na dinadala niya ay muling bumigat sa dibdib.Inilapit niya ang sarili sa telepono at narinig mismo ang malamig na tinig ni Argus: “Hindi ba’t ikaw ang nagyaya for lunch? Hindi ba kayo natutuwa na dumating ako?”Mabilis na ngumisi si Celine, pilit na magaan ang tono. “Hindi naman sa ganoon, Mr. De Luca… siyempre, welcome kang sumama. Medyo nagulat lang ako kasi tumanggi kayo kahapon.”Welcome my foot, sigaw ng isip niya. Kagabi lang siya naging magalang, alang-alang sa pangalan at reputasyon. Pero hindi ba’t sinabi rin niyang hindi siya makakapunta? Bakit bigla ngayong nagbago?Pagkababa ng tawag, halos tumalon si Celine mula sa upuan.“Ano’ng gagawin natin? Ano’ng gagawin natin? Nandito na siya! Papunta na siya rito at nasa elevator na siya!”Naalala niya ang ilang bagay na nabanggit niya kagabi—baka naging so

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 99

    Chapter 99Kinabukasan ay maagang tinawagan ni Amara si Argus, at nang makonekta ang tawag ay napatuwid siya ng tayo.“Argus, libre ka ba bukas?” tanong niya.Tahimik muna ang kabilang linya bago may nagsalita.“Amara, may kailangan ka bang sabihin kay Argus?” Boses iyon ni Ysabel.Saglit na natigilan si Amara. Akala niya, gusto talaga nina Ysabel at Argus na magkasama palagi.“Nasaan si Argus?” tanong niya, may halong pagtataka.Malamig ang boses ni Ysabel.“My fiance is a busy man, Amara. Kung may hiya ka pa, tigilan mo na siyang gambalain” galit nitong sabi.“This is—” Hindi pa natatapos si Amara nang biglang ibinaba ni Ysabel ang tawag.Napatitig si Amara sa cellphone na nakababa na, hindi makapaniwala.Samantala, hawak ni Ysabel ang cellphone at agad na binura ang tawag mula sa log. Saktong pumasok si Argus mula sa labas.“Bakit ka nandito?” tanong niya.Bubuka pa lang ang bibig ni Ysabel nang biglang sumulpot si Carmela mula sa labas. “Sir, tumawag po si Miss Amara gusto raw ka

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 98 

    Chapter 98 Tahimik ang loob ng kotse, hanggang sa basagin iyon ni Celine.“Amara, kanina sabi mo, matagal nang naantala ang diborsyo n’yo ni Argus. Hindi kaya… ayaw ka talagang hiwalayan ni Argus?”Nilingon siya ni Amara, mapait ang ngiti. “Ayaw ng diborsyo? Ano’ng gusto niya, ’yong pulang watawat sa bahay, at samu’t saring makukulay na bandila sa labas? Para bang fiesta ng kabit?”Napakunot ang noo ni Celine. “Hindi ko rin masabi. Pero sa nakikita ko… parang hindi talaga niya gustong tuluyang pakawalan ka.”Napailing si Amara. “Imposible iyan. Hindi mo ba nakikita kung paano niya lantarang ibalandra kung gaano niya kamahal si Ysabel? Kung hindi siya pumipirma, hindi dahil ayaw niya akong pakawalan kung ‘di dahil may iba siyang plano.”Humugot ng malalim na buntong-hininga si Celine. “Amara, sa totoo lang, mas mabuti kung hindi ka na muna mag-divorce.”“Ha? Ano’ng pinagsasasabi mo? Nainom ka ba ng maling gamot? Noon ikaw ang unang-unang nagsabing demonyo si Argus at dapat ko siyang i

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 97

    Chapter 97Mabilis na naglakad si Amara papalapit sa mga bata. Palakad-lakad siya sa harap ng sasakyan. Kanina pa siya kinakabahan dahil nasa isang building si Argus at ang triplets. Hindi pwedeng magkita-kita sila.“Ang tagal n’yo,” aniya, bakas pa rin ang kaba sa mukha. "Pasok sa kotse, bilisan niyo."Naglinga-linga muna si Celine, saka siya bumuntong-hininga.“Wala na si Argus. Akala ko susundan pa tayo e. Diyos ko, muntik na akong himatayin kanina. Amara, bakit ba pumunta si Argus para kausapin ka?”Umiling si Amara. “Wala akong ideya kung bakit siya andoon. Nagulat na lang ako kasi bigla siyang sumulpot! That man is indeed my nightmare.”“Hindi pa rin ba niya pinipirmahan ’yong mga papeles ng diborsyo?” tanong ni Celine, hindi maitago ang pagkabahala.“H-hindi. Wala akong alam kung ano na naman ang pakay niya. Sige na, sumakay na muna kayo sa sasakyan at baka may makakita pa sa atin dito.” Binuksan ni Amara ang pinto sa likod para sa tatlong bata.Agad na pumasok sina Celine at C

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 96

    Chapter 96Sa halip ay bumagsak ang madilim na mga mata ni Argus kay Celine at napansin ang mga bulaklak na hawak nito. Nanlamig ang pakiramdam ni Celine sa bigat ng titig ng lalaki. Imbes na sagutin ang tanong, malamig itong nagtanong, “What are you doing here?”Bahagyang natigilan si Celine, pero agad ding pinilit ang sarili na ngumiti. “Nabalitaan ko lang,” sagot niya nang maingat, pilit pinapakalma ang tinig. “Nabanggit kasi ni Elara na gusto niyang personal na magpasalamat kay Miss Amara. Kaya naman, kahit medyo mahirap alamin ang lugar, sinikap ko na hanapin para maisama siya rito.”“Ganun ba?” malamig na tugon ni Argus, hindi pa rin inaalis ang matalim na tingin. “Paano mo nalaman agad kahit hindi mo naman siya kilala nang personal? Parang napakadali para sa’yo.”Ramdam ni Celine ang malamig na pawis sa batok niya. Bago pa siya tuluyang maipit, mabilis na sumingit si Amara, ang tinig ay kalmado pero matalim.“May contact information kami. May problema ba ro’n?”Sandaling lumi

  • Triplets and a Second Chance   Chapter 95

    Chapter 95Sa kabilang banda, nasa lounge si Amara at nakaupo sa malambot na sofa. Nakababa na ang tensyon mula sa auction, at ang mga tauhan ng auction house ay abala sa pag-aasikaso ng mga natapos na transaksyon—paghahatid at pagkuha ng mga binili ng mga bisita.“Miss Reina, grabe, sobrang astig n’yo kanina.” Napasugod si Pamela dala ang malamig na tubig, kitang-kita ang paghanga sa mga mata nito. Halos mapanganga pa ito habang nakatingin kay Amara.Habang nasa entablado kanina, halos malagutan ng hininga si Pamela sa kaba. Pero sa huli, hinangaan niya kung paano iyon hinarap ng babaeng tinatawag nilang Miss Reina. Hindi man makita ang mukha sa ilalim ng belo, alam niyang hindi basta-basta si Amara.“Thank you,” tipid na sagot ni Amara habang kinuha ang tubig. Isang higop lang ang ginawa niya bago muling nagpakalma ng boses. “Bantayan mo ang susunod na proseso. Ako na ang bahala sa ibang bagay, kailangan ko nang umalis.”Tumango si Pamela, kahit halatang bitin pa ito sa usapan. “Sig

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status