Nagluluksa si Amara Alcantanra sa burol ng kaniyang ina habang abala ang kanyang asawa sa pagdiriwang ng kaarawan ng unang babaeng minahal nito—punong-puno ng kasiyahan at engrande ang selebrasyon. Klarong-klaro ang lahat kay Amara. Kung hindi siya mahal ng lalaki, ayaw na rin niya dito. Iniwan niya ang kasunduan ng diborsyo sa ibabaw ng mesa at piniling ipalaglag ang dinadala, at lumakad palayo nang mag-isa. Limang taon ang lumipas. Sa isang marangyang subastahan, lumitaw ang chief auctioneer nakasuot ito ng isang hapit na makabagong Filipiniana na backless, may mataas na slit sa hita, at natatakpan ng puting belo ang kanyang mukha. Lahat ng mata ay kusang tumigil sa kanya. Napasimangot si Argus De Luca, bahagyang nanliliit ang mga mata. "Ang pangalan niya'y Reina?" Tumango ang kanyang assistant. "Yes, Sir. May nabalitaan rin akong minsan may nag-alok ng sampu-sampung milyon kapalit ng pagkakataong makita ang tunay niyang mukha pero tinanggihan niya." Sa wakas, natagpuan na ni Argus De Luca ang babaeng matagal na niyang hinahanap sa loob ng limang taon. Kinagabihan ay hinarang niya ito sa isang kanto. "Auctioneer Reina, hanggang ngayon ay tinatakbuhan mo pa rin ako o mas tamang sabihin kong Amara?" "Argus, hiwalay na tayo." "Hindi ko kailanman sinang-ayunan 'yon. Nasaan ang anak ko?" "Mukhang nakalimot ka, Argus… ikaw mismo ang dahilan kung bakit nalaglag ang bata, limang taon na ang nakalipas!" Ngunit ngumisi si Argus, at may inilantad sa harap niya. "Kung gayon, ipaliwanag mo ito." Triplets na limang taong gulang ang nakatayo sa harap nila.
view moreKabanata 1: Sir Argus, ang inyong asawa ay nasa ospital para sa aborsyon
"Amara, magsisimula na ang libing. Hindi pa ba darating si Argus?"Nakadamit ng pangluksa si Amara, nakaluhod sa harap ng burol ng kanyang ina. Ang liwanag mula sa nasusunog na papel na pera ang siyang tumatanglaw sa maputla niyang mukha.Napatingin siya sa kanyang halos lowbat nang cellphone, wala pa ring sagot si Argus sa tawag niya.Simula nang pumanaw ang kanyang ina ay nanatili si Amara na pitong buwan nang buntis sa burol sa loob ng pitong araw. Ngunit ang asawa niyang si Argus na tatlong taon na niyang asawa ay ni minsan ay hindi nagpakita o dumalaw man lang.Alam niyang abala ito sa trabaho, at palagi naman niyang pinipiling unawain ang asawa.“Baka talagang abala lang ho si Argus sa trabaho."Patuloy niyang pinaniniwala ang sarili na busy ang asawa sa trabaho."Maraming kailangan asikasuhin sa kompanya kaya hindi siya makakapunta."Bakas pa rin sa mukha ni Amara ang mga luha. Inihagis niya sa apoy ang huling piraso ng papel na pera, saka dahan-dahang itinayo ang sarili kahit hirap na hirap. Sa paos at basag na tinig, aniya, "Simulan na natin ang libing."Matalim na nagsalita si Tiya Corazon na nasa tabi niya, "Amara, gaano ba talaga ka-busy si Argus? Pitong araw na siyang hindi nagpapakita. Napakalaking kawalang-galang sa ina mo."Napangisi si Mayumi, pinsan ni Amara. "Nay, mali ka. Hindi lang pamilya ni Amara ang hindi pinapahalagahan ni Argus—pati na rin ang pinsan kong ito. At ‘wag nating kalimutan ang bata sa sinapupunan niya."Mas lalong tumalim ang mga mapanuyang tinig sa paligid. Hindi naitago ni Amara ang pait na bumalot sa kanyang puso. Ngunit pilit pa rin niyang pinanindigan sa sarili na si Argus sa kabila ng lahat ay naging mabuting asawa. Hindi niya ito mamasamain. Marahil nga'y abalang-abala lang ito sa trabaho.Ngunit habang pilit niyang kinukumbinsi ang sarili ay dumating ang katotohanang tila sampal sa mukha niya.Biglang napatili si Mayumi habang nakatingin sa kanyang cellphone, "Si Argus ‘to ah! Trending siya ngayon!"Sinadyang iabot ni Mayumi ang cellphone kay Amara.Iniyuko ni Amara ang ulo at tiningnan ang cellphone. Isa iyong video na nasa listahan ng mga trending topic. Kaka-post lang ngayong umaga, ngunit ang kuha ay mula pa kagabi.Ang headline, "Mr. Argus ng De Luca Group ay nagpareserba ng pribadong silid upang ipagdiwang ang kaarawan ng tunay niyang minamahal na si Ms. Ysabel Bonifacio."Sa video, makikita ang isang gabi na punung-puno ng makukulay at nagsasabogang fireworks sa langit. Isang lalaki ang nakaupo sa tabi, elegante at may awtoridad ang tindig, habang ang mga mata niyang malalim ay tahimik na nakatitig sa babaeng nasa tabi niya. Ang babae naman ay nakaturo sa fireworks na sumasabog sa langit, at ang kanyang ngiti ay mas maliwanag pa sa mga bituin tila mas matingkad pa kaysa sa mga fireworks sa likuran niya.Maganda ang mga paputok sa video, pero si Amara ay sa likod lang ng lalaki nakatingin.Kabisado niya ang tindig na iyon. Sa isang sulyap pa lang, alam na niyang ang lalaki sa video ay walang iba kundi ang kanyang asawang si Argus.Kaya pala... kagabi, imbes na makiramay ay abala siya sa pagdiriwang ng kaarawan ng ibang babae.Nanlambot ang katawan ni Amara. Pumasok ang kawalan sa isip niya, at tila nawala siya sa ulirat. Hindi siya makagalaw. Nanigas siya sa kinatatayuan.Kasabay ng tuloy-tuloy na pagsabog ng mga paputok sa video ay sumabay ang nakakainsultong tinig ni Mayumi, "Pinsan, ‘di ba sabi mo abala ang asawa mo? Sa pagkakaalam ko, abala nga siya… abala sa pagpareserba ng lugar para ipagdiwang ang kaarawan ng ibang babae!"Napakuyom ng mahigpit si Amara sa palad niya. Paulit-ulit sa isip niya ang tagpo sa video, si Argus na nagpareserba ng lugar at nagpa-fireworks para sa kaarawan ng ibang babae.Akala niya’y abala lang ito sa trabaho.Kahit sa ganitong kalaking trahedya ang nangyari at namatay ang kanyang ina ay hindi siya umasa. Hindi siya nang-abala. Ginawa niya ang lahat mag-isa.Sa loob ng pitong araw ay wala ni isang tawag siyang natanggap mula kay Argus. Ni isang kandila o insenso na inalay ay wala. Pero may oras si Argus para sa ibang babae. Para sa fireworks display ng birthday celebration ni Ysabel.Natatawa siya realization. Sobrang katawa-tawa ang sitwasyon niya.Ang babaeng nasa video ay si Ysabel ang unang pag-ibig ni Argus. Ang babaeng totoong mahal ni Argus.At siya?Siya lang si Amara, ang asawa ni Argus De Luca ang babaeng pinakasalan lang bilang pasasalamat dahil iniligtas ng mga magulang niya ang buhay ni Argus noon.Sa loob ng tatlong taon ng kanilang pagsasama, alam ni Amara na hindi siya mahal ni Argus. Kaya kahit kailan, hindi siya nangahas na istorbohin ito sa kahit anong personal niyang problema lalo na’t hindi siya kailanman humiling ng kahit ano.Si Argus ay isang malamig na tao. Wala itong alam sa romansa. Hindi ito nagdiriwang ng kahit anong okasyon, at ang buong buhay nito ay umiikot lamang sa trabaho.Ngunit ngayon lang niya napagtanto na hindi pala walang alam si Argus sa pagiging romantiko. Alam ng lalaki ito. Hindi lang nito kailanman ginustong maging romantiko para sa kaniya.Ang engrandeng fireworks na pinakawalan ni Argus kagabi para sa ibang babae ay tila isang malupit na biro sa buhay ni Amara. Ginawa siyang katawa-tawa tila siya ang pinakamalaking biro sa lahat.Napakagat siya sa labi, pilit pinipigil ang sakit sa puso habang iniiwas ang tingin sa cellphone. Ayaw niyang makitang napakaliit at kahabag-habag ang itsura niya.Kailangan pa niyang asikasuhin ang libing ng kanyang ina. Kailangan niyang magpakatatag.Pinilit ni Amara ang sariling yumuko, dinampot ang larawan ng kanyang ina, at tahimik na lumabas ng silid habang hindi pinapansin ang mapanuyang tingin ng mga tao sa paligid.Naalala pa rin ni Amara ang hiling ng kanyang ina bago ito bawian ng buhay kung gaano nito gusto muling makita si Argus.Noong mga panahong iyon, maraming beses niya itong tinawagan. Pero hindi sumagot si Argus. Marahil, kasama na niya noon si Ysabel.Hanggang sa huli, ang nais ng kanyang mga magulang ay ang makitang masaya siya na sila ni Argus ay magkasamang mabubuhay nang payapa.Pero mukhang hindi niya yata kayang tuparin iyon.Mag-isa niyang inasikaso ang lahat. At nang makauwi na ang mga kaanak at bisita matapos ang lamay, mag-isang nakaupo si Amara sa isang upuan sa hapag-kainan, tahimik at pagod na pagod.Dumating si Argus pero huli na. Nakasuot ito ng itim na kamiseta, malamig ang ekspresyon sa kanyang gwapong mukha. Tiningnan niya si Amara, at sa tagpong iyon, bahagyang lumitaw ang bihirang ekspresyon sa kanyang mukha tila isang munting paghingi ng tawad.Si Amara ay hawak-hawak ang kanyang tiyan, saka tumingin sa kanya. At sa isang iglap, bumalot sa kanya ang matinding hinanakit na buong araw niyang tiniis.Huminga siya nang malalim, pinilit lunukin ang sakit at hindi ipakita ang kahinaan.Walang bahid ng emosyon ang kanyang mukha nang tanungin niya, "Kakatapos mo lang ba sa trabaho?"Hindi napansin ni Argus ang lambot at pagkaputol ng tinig niya."May meeting kasi kanina," sagot nito, malamig pa rin ang boses."Paano naman ang kagabi? Masaya ba ang kaarawan ng babaeng kasama mo?"Napakunot ang noo ni Argus. Bago pa man siya makapagsalita ay isang babae ang pumasok mula sa likuran ni Argus na nakasuot ng pulang bestida at ang coat ni Argus ay nasa sa balikat.Lalong dumilim ang mukha ni Amara."Amara, patawad. Kasama ko si Argus kagabi. Nagkasakit ang mommy ko ilang araw na ang nakalipas, at natakot si Argus na mahirapan ako mag-isa kaya tinulungan niya akong alagaan siya. Kaya hindi niya nabasa ang mga mensahe mo. Kasalanan ko lahat. Hindi ko sana siya inabala," wika ni Ysabel na may kunwaring pag-aalala.Habang nakikinig si Amara sa mga salita ni Ysabel, unti-unting nanunuot ang pait sa kanyang puso."Malala ba ang sakit ng mommy mo?" tanong ni Amara."Hindi naman. Simpleng ubo at lagnat lang. Halos magaling na siya ngayon." Lumapit ito kay Argus ar hinimas ang braso. “Salamat sa tulong ni Argus.”Parang may matigas na bagay na tumama sa puso ni Amara. Pilit niyang pinipigil ang damdamin, ngunit hindi niya maitago ang pamumula ng kanyang mga mata at ang panginginig ng kanyang mga labi.Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Argus. Nang malaman niyang pumanaw ang mga magulang ni Amara ay nasa isang meeting siya. At nang balak na sana niyang pumunta matapos ang pagpupulong ay may nangyari naman kay Ysabel. Dahil sa dami ng kailangang asikasuhin, nakalimutan na niya ang tungkol kay Amara.Alam niyang may pagkukulang siya. Alam niyang may pagkakamali siya.Balak sana ni Argus na magsindi ng insenso bilang paggalang sa mga magulang ni Amara, pero agad siyang pinigilan nito."Hindi na. Mas mahalaga ang mommy niya. Dapat samahan mo siya..."Napatigil si Argus.Ayaw na ni Amara pang manatili sa lugar na iyon. Tumayo siya at naglakad palayo, kahit hirap na hirap na sa bawat hakbang.Hindi siya umiyak. Hindi niya hahayaang tumulo ang luha niya para sa isang lalaking hindi na karapat-dapat.Nakatitig si Argus kay Amara na pitong buwan nang buntis, hirap na sa paglakad, pero ni minsan ay hindi siya humingi ng tulong.Naalala niya si Ysabel na laging umiiyak at tumatawag kapag may sakit ang magulang nito. Ngunit si Amara na nawalan na ng magulang, kinaya ang lahat mag-isa."Saan ka pupunta? Huwag kang basta-basta kung saan pumupunta dahil buntis ka," pagalit ni Argus habang tinatawag si Amara.Mapait na ngumiti si Amara.Ibig sabihin, alam niya. Alam niyang buntis siya.At kahit alam niya, iniwan pa rin niya si Amara para alagaan ang magulang ng ibang babae.Ibig sabihin lang nito, walang pakialam ang lalaki sa kanilang mag-ina. Kung ang isang bata ay hindi inaasahan at hindi minamahal, paano siya magiging masaya paglabas niya sa mundo?Napatingin si Amara sa kanyang tiyan. Sa gitna ng kirot at pighati, tila may naging desisyon na siyang matagal nang itinatanggi. Binilisan niya ang lakad at pumasok sa elevator.Samantala, tila nabulunan si Argus at agad na sinundan siya. Pero pinigilan siya ni Ysabel."Argus, halatang nasasaktan nang husto si Amara. Hayaan mo muna siyang mapag-isa, para kumalma."Napakunot ang noo ni Argus. Tiningnan niya si Ysabel na malamig ang mga mata saka marahas na inalis ang kamay nito sa kanyang braso."Masama ang lagay ng pakiramdam niya ngayon. Delikado kung pababayaan natin siya. Asikasuhin mo na lang muna ang sarili mo."Nagmamadaling lumabas si Argus, pero wala na si Amara. Hindi na niya ito naabutan.Nakatitig siya sa kalsadang matao at sa mga sasakyang nagdaraan. Kinuha niya ang cellphone at tumawag."I-locate ang cellphone ni Amara. Hanapin n’yo siya agad."Ang gwapo niyang mukha ngayon ay may bakas ng pag-aalala, isang damdaming bihirang lumitaw.Isang oras ang lumipas.Tumawag ang kanyang assistant.“Sir, nasa ospital po ang inyong asawa ngayon.”“Bakit siya nasa ospital?”"Aborsyon po ang pinunta. At isa pa, nagpatawag siya ng abogado para magpagawa ng kasulatan ng diborsyo. Pinirmahan na rin niya ito."Tumigil ang mundo ni Argus. Isang malakas na ugong lang ang narinig niya sa kanyang tenga.Sa malalim niyang mga mata, ngayon ay litaw na litaw ang hindi makapaniwala at ang unti-unting pagsisisi.Huminga nang malalim si Amara at buong tapang na nagsalita, "I just want to divorce you and abort your child. What’s wrong with that? May pag-ibig ba sa pagitan natin? Wala naman, hindi ba? Kaya sabihin mo—bakit ko kailangang manatili sa isang relasyong walang damdamin? Gusto mong maging sunod-sunuran ako habang binabaliwala mo ang lahat ng sakripisyo ko?"Lumalim ang tingin ni Argus, madilim at puno ng unos.Hindi niya maintindihan... kailan siya tumigil sa pag-aalaga? Kailan siya naging malamig? Nagtatrabaho siya para sa kanilang pamilya pero hindi iyon nakikita ni Amara.Hindi siya makapaniwala sa layo ng loob ni Amara sa kanya."Umalis ka na. Hindi ka na welcome dito, Argus," mariing sabi ni Amara, habang mahigpit na hinahawakan ang seradura ng pinto.Tahimik na tumango si Argus. Ngunit sa kabila ng paggalang sa kahilingan nito, ang huling mga salitang binitiwan niya ay naghatid ng pangambang bumalot sa buong silid."Pwede mo akong itaboy ngayon," malamig niyang sambit, "pero hind
Kabanata 9: Hindi MakatakasKinagat ni Amara ang kanyang labi, mariing huminga ng malalim upang pigilan ang kaba sa dibdib niya. Tinitigan niya ang lalaking nasa harap niya at sinabi nang may matatag na tinig, "Mr. De Luca, alam mo ba ang batas? Naiintindihan mo ba na illegal ang trespassing?"Hindi kumibo si Argus. Para bang walang narinig. Sa halip, tumayo ito mula sa pagkakaupo, at ang kanyang matangkad na pigura ay nagbigay ng nakakatakot na presensya. Ang bawat hakbang niya ay tila gumuguhit ng tensyon sa ere.Lumapit siya nang dahan-dahan, at sa bawat hakbang niya ay napipilitang umatras si Amara. Kita sa mga mata niya ang takot, pero pilit niyang pinipigil."Argus..." mahinang bulong ni Amara, pero hindi ito pinansin.Isang iglap lang, hinawakan ni Argus ang pulso niya at hinila siya nang marahas. Napasandal siya sa malamig na dingding ng apartment. Pinirmi ng lalake ang mga kamay niya sa magkabilang gilid, wala siyang kawala."Anong balak mong gawin?!" galit na sigaw ni Amara
Chapter 8Natigilan si Amara.Hinahanap siya ni Argus?Napalunok siya ng laway. Ang tibok ng puso niya ay parang tambol.Tapos na. Tiyak na may natuklasan ang lalaki. Kung hindi, bakit siya bigla na lang hahanapin?“May sinabi pa ba siya?” tanong niya, pilit pinapanatili ang malamig na tinig.“Wala na. Pero halata sa tono na galit siya. Reina, importante siyang tao. Ingatan mo ang pakikitungo sa kanya, ha?”“Naiintindihan ko.” Ibinaba ni Amara ang tawag.Napansin ni Celine ang pagputla ng mukha niya at agad nagtanong, “Anong nangyari?”Ngunit hindi kaagad nakasagot si Amara. Sa isip niya, isa lang ang malinaw na hindi na siya ligtas.“Celine, ihatid mo muna sila sa bahay mo… at i-book mo ako ng plane ticket. Kahit saan, basta makaalis tayo agad. Babalik ako sa inyo para kunin ang ID ko.”“H-ha? Aalis ka na agad?” naguguluhang tanong ni Celine.Wala nang oras si Amara para sa mahabang paliwanag. Mabilis ang kanyang paghinga, at bakas ang kaba sa kanyang mga mata. “Siguro… natuklasan n
Kabanata 7: PagpupulongAng pangalan niya ay Reina Amara. Dalawampu’t siyam na taong gulang. May asawa. At sa loob ng isang taon, nagtatrabaho siya sa isang auction house.“Carmela.”Katatapos lang ni Carmela ayusin ang isyu sa sasakyan nang agad siyang ipinatawag para sa isa pang problema.Pagpasok niya sa opisina ay agad siyang hinarap ni Argus.“Sir, ano pong problema?” tanong niya, bahagyang kinakabahan.Tinitigan siya ni Argus at malamig na tinig ang bumungad, “Ang mga impormasyong ito, hindi naman nalalayo sa una mong ipinakita sa akin.”Mukhang nahiya si Carmela. Hindi dahil sa kulang ang kanyang pagsusumikap, kundi dahil ito lang talaga ang mga impormasyon na nakuha niya. Bukod sa mga iyon, hindi na niya alam kung ano pa ang dapat siyasatin.“Ito lang po talaga ang nalaman ko tungkol kay Ms. Reina. Ang tanging karagdagang impormasyon ay may ilang taong karanasan siya sa auction. Sir, ‘di ba ito naman po ang gusto n’yong malaman?”Sa tanong na iyon, bahagyang napasimangot si Ar
Chapter 6“Mommy, dinala ni Argus si Elara…” mahinahong paliwanag ni Caleb habang detalyado niyang ikinuwento ang buong nangyari.Sandaling natahimik si Amara. Para bang natigilan ang buong mundo sa paligid niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig—tila ba may mali lang sa kanyang pandinig.Sampung segundo ng katahimikan.At saka lang siya nag-react, para bang gumuho ang langit sa kanyang ulunan.“Anong… si Elara… ako…” putol-putol ang kanyang mga salita, wasak sa kaba at pagkataranta. Sa huli, tanging isang tanong lang ang lumabas sa kanyang bibig:“Na-recognize ba niya kayo?”“Hindi po,” sagot ni Caleb, mariin at kalmado.Bahagyang lumuwag ang dibdib ni Amara.Huminga siya nang malalim at pilit na isinopresa ang kaba sa kanyang tinig. “Bumalik muna kayo. Si Mommy na ang bahala rito.”“Okay po.”Pagkababa ng tawag, bigla namang nag-ring muli ang kanyang cellphone. Isang hindi pamilyar na numero.Muling bumilis ang tibok ng puso ni Amara. Nanginig ang kanyang kamay habang sinasagot an
Kabanata 5: Babae, Halina’t Tingnan Mo Ako“Elara ang pangalan mo?”Dumapo ang mata ng lalaki sa sasakyan at agad na umasim ang kanyang mukha. “Bakit mo nilagyan ng... drawing ang kotse ko? At sino 'yong mga kasama mo kanina?”Naka-krus ang mga braso ni Elara habang bahagyang tumagilid ang ulo. Mataray ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Hindi ko sasabihin na Elara ang pangalan ko,” mariin niyang tugon. “Ako lang ang may gawa niyan. Wala akong kasama.”Medyo matapat nga siya... pero halatang may pagka-pasaway.“Dahil ayaw mong sabihin ang totoo tungkol sa mga kasabwat mo, sabihin mo na lang kung sino ang nanay mo.”“Hindi ko rin sasabihin.”“Kung gano’n, mapipilitan akong isama ka.”Pagkarinig niyon, kumurap-kurap ang malalaki at bilugang mata ni Elara, tila ba anumang sandali ay puputok na ang iyak.Ibinaba siya ni Argus sa lupa.Mabilis na pinunasan ni Elara ang luha sa kanyang pisngi, saka walang anu-ano’y tumalikod at nagsimulang maglakad palayo. Iniunat ang mga binti, winagayway a
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments