Share

CHAPTER 1

Pheobe P.O.V

Nagising ako sa ingay na naririnig ko galing sa baba namin pag mulat ko ay hindi kona katabi ang aking kapatid.

Tnignan ko ang orasan namin alas otso na ng umaga kaya naman pala maingay na dahil gising na ang lahat.

Nag ayos muna ako ng aking sarili bago lumabas ng kwarto mamaya maya ay kailangan ko umalis upang mag hanap ng trabaho, ayoko na pag sakahin ang aking ama dahil naawa na ako sa kalagayan n'ya.

Pag kababa ko ay bumungad sakin na kinakausap ni mama ang kapitbahay namin.

" Mama para saan po yan? " pag tatanong ko dahil may hawak syang papel tinignan ko ang kapitbahay namin, grabe sya makatingin sakin ah.

" Anak hindi ba't nag hahanap ka ng trabaho?, basahin mo anak.." binigay sakin ni ina ang papel na hawak niya.

" Mare sigurado ka bang itong anak mo ang papapasukin mo duon napakaganda nito hindi mapapag halataan na isang katulong.." nagulat ako sa sinambit ng aming kapit bahay

hindi lang sa pagiging chismosa magaling ang mga kapitbahay pati sa pag pupiri din hindi na ako nagulat sa sinabi n'ya

Pag sasama ako kay mama mamalengke ay pinupuri ako dahil napakaganda ko daw na bata, manang mana daw ako kay ina hindi na bago sakin ang pag pupuri nila.

Binasa ko ang papel at nagulat ako ng trabaho nga ito naghahanap ang mayor ng mga katulong na di aabot hangggang 18 pababa sakto ay 19 nako kaya pwede akong pumasok dito.

Hindi naman ako mapili sa trabaho kahit anong trabaho pa yan ay papasukan ko basta para sa pamilya ko

" Mama ayos na tong trabaho na to, ma'am mag kano po ba ang sweldo dito?.." Tanong ko sa kapitbahay namin

" Sigurado kaba na papasok ka jan?" Sambit ng kapitbahay namin at tinignan ako mula ulo hanggang paa,

" Oo naman po hindi naman ako mapili sa trabaho." nakangiti kong saad at tinignan si mama na nakangiti din sakin.

" 50,00 kada buwan ineng kasama na ang pag kain at duon ka din matutulog.." halos manlaki ang aking mga mata sa sinabi niya sakin hindi ko akalain na ganun ang sweldo.

Oo nga pala sa mayor ako mag tra-trabaho, mayor ng bayan namin.

" Opo papasok po ako" nakangiti kong saad ayoko mahiwalay sa aking pamilya nguni't sayang ang swe swelduhin ko ang grasya na ang lumalapit sa akin tatanggihan ko pa ba.

" O siya! Umpisahan mo na ang pag iimpake ikaw ang huling kasambahay, bukas ay sasama ka sakin." nanlaki ang mata ko dahil bukas agad ay mag kakaroon na ako ng trabaho .

" Opo maraming salamat po" aliw kong saad tumungo ito at umalis na, hindi ko mapigilan mapangiti at yakapin si mama

" Mag kaka trabaho nako mama.."sambit ko habang yakap yakap s'ya hindi na kailangan mag tra trabaho ni papa

" Mag iingat ka dun anak tatawag ka palagi saamin" sambit ni mama sakin habang nakayakap sakin

" Mukang ang saya n'yo mag ina ah anong nangyayari?" Napatingin ako kay papa kasama niya ang kapatid kong babae

" Etong anak mo mag kakatrabaho na" nakangiti saad ni mama nilapitan ko si papa at niyakap inaalalayan ko syang umupo dahil sabi sakin ni mama ay sumasakit na daw ang likod ni papa

" Opo pa wag na kayong mag tra-trabaho mag pahinga na lamang po kayo" nakangiti kong saad hinawakan ni papa ang aking kamay at tinignan ako

" Sigurado ka ba jan anak pag nahihirapan kana wag mona ituloy ah" pag aalalang saad ni papa

" Wag ho kayong mag alala kakayanin ko yun basta para sainyo, at isa po ay ipapacheck up natin yang likod mo " saad ko hindi mapigilan ni papa na ngumiti niyakap ko s'ya

Hindi pako makakaalis ay nag uumpisa na ako ng ma miss Sila.

"Ate ibibili mo ba ako ng laruan" napatingin ako sa kapatid kong babae ng mag salita ito isa rin sa balak ko ay mabili ko ng sariling laruan ang aking kapatid

" Oo naman ibibili ka ni ate basta mag pakabait ka dito tutulugan mo si mama ah" nakangiti kong saad habang hinihimas ang kanyang buhok

Inambangan agad nya ako ng yakap hindi ko mapigilan yumakap din sya lahat ng pangarap ko sa kanila ay isa isa ko ding matutupad,

" O siya! Kumain na tayo para mamaya ay matulungan natin Ang ate mo mag impake" tawag samin ni ina inalalayan namin si papa papuntang lamesa,

Habang kumakain kami ay puro katatawanan ang pinaguusapan namin ang saya ko dahil ramdam kong Mahal ako nila.

Tinulungan ako ni ina mag impake ang dami niyang bilin sakin sempre ako ay umo opo na lang susundin ko ang mga bilin nya

Napatingin ako sa phone ko na nasa higaan namin napangiti ako ng tumawag si trent boyfriend ko nung last week ko lang sya sinagot at hindi nga ako nag kamali dahil sobrang Mahal ako nito.

" Hello trent?" Nakangiti kong saad

" Hello mahal kumain kana ba?" sambit niya hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya yun tungkol sa trabaho ko

" Oo ikaw ba?" Sambit ko

" Oo kanina imissyou!" Hindi ko mapigilan hindi mapangiti sa sinambit nito napaka sweet niya

" Imissyoutoo! May sasabihin pala ako" sambit ko hindi ko pwede itago sa kanya to he's my boyfriend mag tataka yun kasi araw Araw ba naman kami nag kikita

" Ano yun mahal" ang lambing ng boses nya

" Nakahanap na ako ng trabaho ayos lang ba sa'yo magiging busy na ako mahal." saad ko

" Oo naman sabi mo tutulong ka sa pamilya mo diba" hindi ko mapigilan mapangiti isa sa mga Nagustuhan ko kay trent ay ang pagiging maintindihin nya

" Okey lang sa'yo mahal kahit ldr tayo" muli kong tanong

" It's okey hindi Kita pipigilan Mahal suportado kita alam mo namang mahal na mahal kita" mas lumawak ng ngiti ko sa sinambit niya napaka swerte ko kay trent hindi ako nag kamali

" Mahal din kita Trent mahal na mahal.." malambing kong saad,

Madami pa kaming pinag usapan gusto ko sana sya makausap pero may pasok pa sya maaga din akong natulog dahil bukas ang umpisa ng aking pasok

Iba iba ang aking nararamdaman, excited at hindi ko mawari ang kung ano iyon pero hindi ko na yun iniintindi,

Nagising ako dahil sa phone ko na ginawa kong alarm clock pag tingin ko sa orasan ay pasado alasais tinignan ko ang aking kapatid nguni't wala ito sa aking tabi,

Naligo ako tapos nag ayos suot suot ko lamang ay pantalon na itim tsaka white shirt tinak-in ko ito kaya nakikita ko ngayom sa salamin ang hugis ng aking katawan,

Nilugay ko ang aking buhok tinatali ko lamang ito pag ako ay naiinitan, habang nag aayos ako ay napatingin ako kay ina na kakakapasok lang ng kwarto.

" Anak bumaba kana at kumain ka muna bago umalis, ayan ba ang sosoutin mo" nakangiting sambit ni ina habang papasok sa kwarto

" Opo mama gusto ko maayos ako sa pinag tra trabahuhan ko" nakangiti kong saad

" Napakaganda mona kahit di ka na mag ayos anak" sambit sakin ni mama

Hindi ko mapigilan ang hindi yakapin si mama bumaba na kami para Kumain nakita ko ang aking kapatid na nag hahanda talagang sinunod niya ang aking gusto na tulungan si mama

" Ate tignan mo tinutulungan ko si mama " makulit niyang saad kinurot ko lamang sya sa pisngi humalik ako kay papa bilang goodmorning kiss

" Kumain ka muna bago umalis pb"(palayaw nya) sambit ni ama tumungo lamang ako umupo ako at nag umpisa Kumain

" Papa wag na kayong mag saka dito na lamang kayo hayaan n'yo dadalaw ako dito mag papaalam ako minsan" saad ko nag aalala ako para sa kalagayan ng aking ama

" Ano kaba pb anak hindi mo kailangan mag paalam para makadalaw dito basta ipangako mo na mag iingat ka duon" sambit ni ama

" Oo nga anak tumawag ka na lamang samin ah" sambit nman ni mama tumungo na lamang ako

" Ate ate kwento mo sakin mga ginagawa mo dun ah" singit ng kapatid ko habang may pag Kain sa bibig

" Oo naman kaya Kumain kana jan" nakangiti kong saad

Puro paalala ang pinaguusapan namin kanina habang Kumain ilang minuto pa ay dumating nanyung kapitbahay namin na nag alok sakin kahapon

" Oh! iha handa kana ba halika na at baka mahuli pa tayo" sambit niya sakin tumungo lang ako tumingin ako kay mama at papa

" Anak mag iingat ka dun ah tumawag ka samin" masayang sambit ni mama

" Pb anak mag iingat ka" sambit ni papa

" Opo mag iingat ako at tatawagan ko kayo papa yung sinabi ko po ah" nag aalala kong sambit

" Wag kana mag alala anak hindi na ako mag sasaka" nakangiting sambit ni papa niyakap ko silang dalawa

hindi ko mapigilan napaiyak dahil hindi ko sila makakasama ng matagal,

Ang pag kakaalam ko ay medjo malayo ang pag tra trabahuhan ko mayor namin sya dahil sakop niya ang bayan namin,

" Ate ate yakap " niyakap ko ang bunso kong kapatid hinalikan niya ako sa pisngi,

Nag paalam nako kila mama at umalis na kami ng kapitbahay namin habang nasa byahe ay hindi ko alam bakit di ako mapakali sa aking nararamdaman, na e excite ako na masaya pero ang pakiramdam ko ay hindi.

Nakita kona ang mayor namin at inaamin kong sobrang bait nito kahit malayo ang aming bayan ay napupuntahan nya parin para ikamusta ang mga tao duon

Pati ang mga tanim dun ay binibili nya agad upang ipamigay sa nakatira sa bundok minsan na niyang nabili ang tanim ng aking ama magaan Ang loob ko sa mayor namin.

Ilang oras ang byahe namin nakatulog pako buti ay ginising ako ni ate Linda oo ate Linda ang pangalan niya

Nag ayos ako ng aking buhok dahil sobrang gulo nito pag labas ko ng sasakyan ay halos mahulog ang aking panga dahil bumungad samin ang Isang malaking mansion

Jusko ngayon lamang ako nakakita ng ganito sobrang laki

" Ate Linda eto po ba yung masion na yun" tulala kong saad hindi ako makapaniwala halos malula ako ng tumingin ako sa taas ay nakakalula

" Grabe ang laki" wala sa sarili kong saad

" Mag handa kana papasok na tayo " bigla akong na excite sa sinabi ni ate linda dala dala ko Ang aking bag at sumunod sa kanya,

Pag pasok namin bumungad samin ang mga nakahilera na kalalakihan at kababaihan

Hinawakan ni ate Linda ang aking kamay at nilagay ako sa gitna kaya napapagitnaan ako nila ng tignan ko isa isa ay halos may kaedaran na,

" Hello ako si clara" napatingin ako sa babaeng nasa tabi ko hindi ko alam kung ako ba ang kausap nito

" Ha? Ako po ba kausap n'yo?" Taka kong tanong tumungo ito hala nakakahiya nasagot ko sya ng ha? Akala ko kasi di ako ang kausap.

" Ako po si Pheobe pb na lang po hehe" nakangiti kong saad

" Nice to meet you sana mag ka sama tayo" kunot noo ko namang syang tinignan

" Huh?.Hindi ko po kayo gets" hindi ko alam bat ako nalulutang

" Ganito kasi yan hiwalay hiwalay tayo dito meron sa loob ng mansion at meron sa labas nitong mansion basta may ipapa trabaho sa kanila" nakapamewang paliwanag niya

" Ganun ba hehe sana nga po" pag sanggayon ko hindi ko alam bat ako nahihiya

" Nako wag kana mag po 23 pa lang ako alam kong matanda nako pero wag kana mag po" kamot ulo niyang saad tumungo na lamang ako.

Hindi halatang matanda na ito dahil napaka ganda niya para siyang kaedad ko lamang.

" Ayan na ang mayor" nagulat ako ng sumigaw ang babaeng matanda kaya umayos nako

" Magandang umaga sainyo nag papasalamat ako dahil pinili niyo dito mag trabaho wag kayong mahihiyang mag sabi kay manang pamilya tayo dito" nakangiting saad ni mayor tumungo lamang kami

Talagang mabait ito

" Maraming salamat sa inyo mauna na po ako" masayang saad nito ang iba saamin ay nag paalam at ako ay tumu ngo na lang

" Mamimili ako ng mag ta trabaho sa loob ng mansion na makakasama ko at meron din sa kusina" sambit ng matanda

Sobrang tanda na nito pero ang boses ay napakatikas nag lakad sya papunta sa harap namin hinila niya ang tatlong lalaki

" Kayo ay sa isa nating hardin maari na kayong pumunta duon" nakangiting saad nung matanda Ang iba ay sa harding ang iba sa likod ng mansion

Hinawakan ng matanda Ang katabi ko inikot nito ang kanyang mata nagulat ako ng hawakan niya ang aking kamay nag katinginan kami ni clara ngumiti sya sakin at ngumiti din ako

" Kayong dalawa kasama ko upang mag handa ng makakain at kasama sa loob ng mansion" saad nito tumungo lamang ako may iba pa syang hinawakan at yun namamn ay taga linis ng sulok sulok ng mansion,

Hindi kami umalis sa aming pwesto

Nagulat ako ng mag siyuko ang kasamahan ko pati si clara dumaan kasi ang Isang lalaki naka sando at jogging pants ito kaya nakita ko ang maganda nitong katawan kinabahan ako ng tignan ako nito

Nagulat namam ako ng hilahin ako bigla ni clara kaya nawala ang tingin ko sa kanya

" Loko ka bat di ka yumuko anak ng mayor yun" muntik nakong napaubo dahil sa sinabi ni clara

" H-hindi ko alam" nauutal kong sambit dahil sa kaba na aking nararamdaman nang tignan ako nito kanina,

" Sasusunod na makikita mo sya ay tumungo ka iisipin nun na pambabastos ang ginawa mo" kahit gulong gulo ako ay tumungo na lang ako

Natapos ang pag pipilian kung saan ang trabaho nila, ay nag si alisan na ng lahat sumunod lang kami ni clara kay manang sabe nya ay manang daw ang itawag namin sa kanya

Pag pasok namin sa loob ng mansion ay nag lalakihang vase at kung ano ano pa nakakamangha, ngayon lamang ako nakakita ng ganito dahil nakikita ko lamang ito sa mga picture

" Ngayon ay ang gagawin niyo kayo palagi ang makakasama ko sa kusina sa pag hahanda ng pag kain ng mayor at anak niya" tumungo lamang kami ni clara

" Wala ang asawa ng mayor at isa nitong anak dahil nasa ibang bansa, isang ceo ng malaking kumpanya ang hawak ng asawa ni mayor" hindi ko mapigilan hindi mamangha dahil sobrang yaman nga ng mga ito

" Kahit silang dalawa lang mag ama ang nandito ay dadamihan natin ang pag luluto dahil tulad ng sinabe ng mayor ay mag kakapamilya tayo Dito hiwalay ang pag kain ni senyorito dahil minsan lang ito lumabas ng kanyang silid"

bigla nakahinga ng ako ng maluwag sa sinabi ni manang minsan lang pala nalabas ang anak nito kung minsan ay hindi naman nalabas ang anak ng mayor,

" Halina kayo dadalhin ko kayo sa mga silid n'yo" tumungo lamang kami ni clara

Hindi ko alam Ang pasikot sikot dito nahihilo ako dahil sobrang laki nga ng mansion katabi lang ng kwarto ko ang kwarto ni clara

Ako na ang sinunod na ihatid ni manang sa kwarto ko pag bukas ng pinto ay nagulat ako dahil napakaganda ng kwarto may single na kama maliit lang sya pero napakaganda ng sahig,

" Andiyaan ang sosoutin mo mag bihis kana at pumunta ka sa kusina" tumungo lamang ako sa sinabi ni manang lumabas na sya ng kwarto ko

Humiga muna ako saglit limang minuto ay nag pahinga muna ako ang sarap humiga,

Makalipas ang ilang minuto ay sinuot kona ang uniform na bigay sakin ni manang ayos na ayos to hindi masikip at maluwag nagulat ako ng may kumatok pag bukas ko ay si clara lang pala

" Halika na hindi ko alam pasikot sikot dito sabay na tayo" nakakunot noo niyang sambit tinawanan ko sya dahil parehas lang kami

Inayos ko muna ang aking buhok sabay laming lumabas ng kwarto ni clara natawa kami dahil muntik na kaming naligaw sa mansion na ito

Buti ay makita namin si manang

" Tulungan niyo nako mag hahanda na tayo ng hapunan ni senyorito ituturo ko sa inyo para alam n'yo" sambit ni kanang tumungo lang ako

Gaya ng sinabi niya ay pati sa pag lagay ng plato ay tinuroan niya ako iba ang naka toka kay clara dahil sa kusina sya

" Luto na ito pakilagay na ito sa lamesa pheobe dahan dahan" nakangiti akong sumunod nilagay ko ang ulam at kanina

Habang inaayos ko ang mesa ay nagulat ako ng mag salita si manang

" Ang aga mo naman bumaba iho" sambit ni manang bigla akong kinabahan umayos ako ng tayo at tumungo ito ang anak ni mayor

Nakita ko din ang iba na tumungo

" I'm hungry" nanlamig ako ng marinig ko ang boses nya na napakalamig hindi ko alam pero nakaramdam ako na may umiikot sa aking tyan at pinagpapawisan ako,

" Sige umupo kana jan " umupo na sya tinignan ko si manang ng senyasan nya akong lagyan ng juice at tubig ang baso na nasa lamesa kahit kinakabahan ako ay tumungo ako

Pinigilan kong wag manginig dahil baka matapon ito lumapit ako sa anak ng mayor at inumpisahan lagyan ang baso ng juice at tubig

Sobrang bilis at lakas ng kabog ng aking puso nakaramdam ako na tinitignan nya ang bawat galaw ko,w tinitigan nya ako kaya binilisan ko ang aking ginagawa

Sa wakas ay nagawa ko ito ng maayos pati sa aking pag ali's ay nakatitig sya ramdam ko yun dahil sa kabog ng aking dibdib,

Tumabi ako kay manang na nakatayo ngayon ay nakikita ko syang kumakain sabi ni manang ay wag daw akong aalis dahil baka may ipag utos daw ang anak ni mayor kaya sinunod ko

Habang nakatayo ako ay hindi ko magawang hindi mailang dahil habang kumakain ang senyorito ay nakatitig ito sakin

Abnormal ata to nag papainggit ba sya kumain kumukulo tuloy ang aking tyan hindi ko alam bakit bigla akong nagutom

Napansin kong ngumisi ito hindi ko alam kung namamalikmata lang ako ng hawakan ko kasi ang aking tyan ay nakita ko itong ngumisi pero pinag sawalang bahala ko na lamang yun

Hindi pa niya natatapos ang kanyang kinakain ng tumayo ito at tumalikod sa tingin ko ay tapos na syang Kumain

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa tapos na ito kumain nag lakad sya paalis pero nakakailang hakbang pa lang sya ng humarap ito sakin kaya nag umpisa nanaman ako kabahan

" Eat that, your stomach is obviously boiling with hunger" malamig na saad nito pag katapos ay nag lakad paalis

Nag katinginan kami ni manang nag taka ako kung sino ang sinabihan niya kami lang naman ni manang ang kaharap niya,

Narinig nya kaya ang pag kulo ng tiyan ko, bigla tuloy akong kinabahan

Bwisit kang tyan ka pahawak ka huhu

Kasalanan din naman ng anak ni mayor nakatingin kasi habang kumakain

Napapikit ako sa kahihiyan at sa iniisip ko kasalanan ko talaga jusko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status