Share

Trying To Escape From The Mayor's Son
Trying To Escape From The Mayor's Son
Author: ChubbLitaGurl

PROLOGUE

Napatigil ako sa pag didilig ng halaman ng mapatingin ako sa kasamahan ko dahil tinawag ako nito.

" Pheobe pinapatawag ka ng anak ng mayor dalian mo bawal pag antayin yun" nagulat ako dahil namamadali s'ya

namamadali n'yang sambit sakin hindi ko alam bakit ako pinatawag nito gayong ngayon ko pa lamang makakausap ang anak ng mayor.

Tumungo na lamang ako at dali daling pumasok ng mansyon hindi ko alam bakit ako kinakabahan.

Nararamdaman ko ito pag nakikita ko ang anak ng mayor umakyat agad ako sa ikatlong palapag at pumunta sa dulo ang pag kakaalam ko ay duon ang kwarto ng anak ng mayor dahil tinuro ito ng kasamahan ko.

Nang nasa harap na ako ng kanyang kwarto ay huminga ako ng malalim sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib hindi ko alam kung bakit, kumatok ako ng tatlong beses at dahan dahan binuksan ang kanyang pintuan,

Pag harap ko ay halos mapatalon ako dahil sa bumungad sakin nakahiga ang anak ng mayor habang nag babasa, ang kulay puti nitong polo na sout ay nakabukas ang mga butones.

Naka focus lang sya sa librong hawak niya hindi ko alam kung bakit sarap na sarap akong tignan sya.

Hindi n'ya ako tinapunan ng tingin hindi ba n'ya ako napansin akala ko ba ay pinatawag n'ya ako tumungo lang ako habang nilalaro ang aking mga daliri

" S-sir a-ano pong kailangan n'yo?." mahina kong saad sobra talaga akong kinakabahan hindi ko alam kung bakit din ako nauutal ilang minuto akong nag hintay ng sagot.

" What's you're name?" napaangat ako ng tingin dahil sa tanong nito nakafucos pa rin s'ya sa pag babasa tumungo muli ako at pinagiisipan kung sasabihin ko ba ang pangalan ko.

" Pheobe po " sa huli ay sinabe ko din ang aking pangalan

Wala akong narinig na respond na narinig sa kanya

" Do you have a boyfriend?" mas lalo akong nagulat sa sunod n'yang tanong

Napaangat ako ng ulo hindi ko alam kung sasagutin ko s'ya nag tataka ako bakit kasama sa tanong ang pag kakaroon ko ng boyfriend

" S-sir kailan--" hindi niya ako pinatapos mag salita

" Fuck! Just answer my question!." madiin at malamig niyang saad sa sobrang takot ko ay nasabi ko ang totoo

" O-opo sir" mahina kong saad bigla syang napatingin sa akin na animoy may sinabi akong hindi maganda.

Nasilayan ko ang kanyang muka umiigti ang kaniyang panga hindi ko alam kung guni guni ko lamang yun.

Yes I have a boyfriend 2 weeks na kami bago pa lang kami dahil niligawan nya ako pinatagal ko ang panliligaw nya saakin ramdam na ramdam ko ang pag mamahal nya sakin naging mag long distance relationship kami dahil sa nag trabaho ako dito.

Nagulat ako ng ibato nya malapit sa akin ang libro na hawak niya buti ay nakailag ako para syang galit sa inaasta nya ngayon.

Takot ang nararamdaman ko ngayon kung kanina ay kumakabog ang aking dibdib ngayon ay mas malala na tila sasabog ito

Nakatungo lamang ako habang nakatayo gusto kong lumabas na ng silid na ito pero hindi ko magawa ayoko bastusin ang mga amo ko.

Napansin ko na may mag kapares na paa ang nasa harap ko ng tumingala ako at napalunok ako dahil sobrang lapit ng kanyang muka sa akin hindi ko maalis ang mga tingin ko sa mata niya napakaganda.

" Leave" rinig kong saad niya pero ang mga mata ko ay ayaw umalis ng tingin sa mata niya.

" I said leave bago pa ako may magawa sa'yo" napabalik ako sa urirat sa huli niyang sinambit hindi ko alam kung ano ibig sabihin niya na magagawa niya sakin

"Opo" nakatungo kong saad sa sobrang kaba at takot ay dali dali akong lumabas ng kwarto narinig kong may kumalabog sa kanyang silid nguni't hindi ko na lamang pinansin

Tumakbo ako papuntang kusina sobra akong kinabahan hangggang ngayon ay kumakabog pa ang aking dibdib pag dating ko duon ay uminom agad ako ng tubig.

" Oh? pheobe Anong nangyari?." tanong sakin ni manang

" teh ayos ka lang? para kang hinahabol " saad ni clara tinignan ko ang iba kong kasamahan halos lahat sila ay nakatingin sakin ngiti lamang ang ginawad ko.

" Wala manang ayos lang po ako, ayos lang ako clara" hinihingal kong sambit .

Pinakalma ko muna ang aking sarili at bumalik na sa gawain ko.

Ganun ba ang epekto ng tingin nya saakin kinabahan ako at halos maubusan ako ng lakas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status