Share

CHAPTER 3

Pheobe POV

Tamad kong minulat ang aking mga tumitilop pa na mga mata nagising ako sa phone ko na tumutunog halos mapasigaw ako ng nasa iba akong kwarto, pero ganun na lang ang pag hilot ko sa sentido ng aking ulo ng maalalang nag tra-trabaho na ako sa mansion.

Maaga natapos ang aking trabaho kaya maaga din ako natulog siguro ay sobrang pagod ko kagabi.

Akala ko ang nangyari kahapon ay isa lamang panaginip nguni't mali ako napatingin ako sa orasan alas kwatro pa lamang ng umaga hindi ko alam bakit nakapag alarm ako ng alas kwarto gayong alam ko naman ang oras ng simula ng aking pasok,

Nakaramdam ako ng pag ka uhaw kaya kahit ayokong pumunta sa kusina ay bumangon parin ako nauuhaw na talaga ako.

Ayoko mamatay sa uhaw ang layo layo ba naman kasi ng kusina.

Ilang minuto pa ay nakarating nako sa kusina tignan n'yo ilang minuto ka pa bago makapunta ng kusina talagang mansion nga ito.

Kusina namin bababa ka lang ng hagdan madadatnan mo na kusina agad.

" Ang sarap ng tubig" nakangiti kong saad habang hinihimas ang lalamunan ko sobrang lamig kumuha ulit ako at uminom

Habang umiinom ako ay muntik nako masubsub dahil sa boses na narinig ko nakatalikod ako kaya alam kong sa likod ko yun.

" You woke up early" seryoso niyang saad ayoko sana lumingon kaso narinig ko Ang tsinelas nya ay papalapit sakin

Napakagat ako sa aking labi at pinakalma ang sarili.

Pag lingon ko ay nasa harap ko sya iniwas ko ang aking mga mata sa mapanukso nyang mata umusog din ako ng konti dahil medyo malapit sya sakin

" M-Magandang umaga po" hindi ko alam bat ako nauutal siguro ay sa ibang nararamdaman ko

Sinilayan ko muli sya walang reaksyon ang kanyang muka gusto kona umalis at matulog muli.

Akmang hahakbang nako paalis ng mag salita ito

" I need water " malamig nyang saad

Gusto ko sana sabihin sa kanya na nasa harap niya ang ang tubig Kaso naalala ko ay anak nga pala ito ng amo ko.

Ngumiti ako at tumungo na hindi ko na lang dapat ginawa dahil kinagalitan nya ako

" Stop smiling" kada mag sasalita ito ay hindi ako makapag salita siguro dahil sa natatakot ako sa lamig ng boses n'ya

Nag salin ako ng tubig sa baso at binigay ito sa kanya kinuha niya ito sa kamay ko, nang kinuha nya ay para akong may naramdaman ng mag dikit ang aming balat para akong nakuryente.

Napaiwas ako ng tingin ng uminom ito sa harap ko habang nakatingin sakin

Nang maubos n'ya ang kanyang iniinom ay nakatingin parin s'ya sakin nag lakas nako ng loob mag paalam pumasok ng kwarto

" Mauna na po ako" mabilis kong saad at yumuko

Pero hindi pa ako nakakalakad pa ali's ng mag salita ito na kinapikit ko

" Stay here, I'm hungry cook for me" malamig nitong saad at tinalikuran ako kaya hindi ako agad nakapag salita.

Naiiyak ako gusto ko na bumalik ng kwarto bakit kasi pumunta pa ako dito, kaso ayko naman mamatay sa uhaw.

Nang makalabas s'ya ng kusina ay napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang kaba na naramdaman ko

Nanlumo ako ng hindi ko alam kung ano lulutuin ko

Sobrang gutom na ba s'ya at hindi niya ba maantay yung pag kain mamaya.

Sabagay para hindi ko na din s'ya makita mamaya

Nag umpisa na akong nag luto may nakita akong bacon at mga hotdog sa ref kaya niluto ko ito

Nang matapos ako ay nilagay ko isa isa ito sa lamesa sakto nun ay ang pag upo ng n'ya

Nakatingin lang ito sa hinanda kong pag kain sa lamesa

Gaya ng ginawa ko kahapon ay nasa gilid lang niya ako

required ba pag mayaman na mayaman ay ang maid ay dapat nasa gilid

Duh! Nakakapagod kaya tumayo huhu!

Nakatungo lamang ako gaya ng ginagawa ko seryoso lamang syang kumakain

Hindi ko mapigilan hindi humikbi talaga nga inaantok pa ako.

Nakailang subo lang s'ya ay tapos na

Yun lang yun ang dami ko pa namang hinanda tapos ilang subo lang kakainin

Nang aasar ata to.

Nang tumayo ito ay umayos ako ng tayo at yumuko sa kanya akala ko ay aalis na to pero maya maya pa ay may tumigil na mag ka parehas na tsinelas sa harap ko

Tinaas ko ang aking ulo ano at iniisip kung ano kailangan n'ya napaatras ako ng lumapit ng lumapit sya sakin

Nag umpisa nanaman akong kabahan at hindi alam ang gagawin.

" S-senyorito," sambit ko naramdaman ko na ang malamig na pader sa aking likod

Nilagay nya ang kanyang dalawang kamay sa kaliwat kanan braso ko ko hindi ko alam bakit di ko maalis ang tingin ko sa kanyang mga mata

"What did I say yesterday? Wag ka mag madaling tumungo, you might break your head" napamulat ako sa sinabi nito

Hindi ko alam ang sasabihin tumungo lang ako

" Opo s-senyorito" kinakabahan kong sambit

Hindi ko alam kung namamalik mata lang ba ako na makita ko s'yang ngumiti nung umalis n'ya ang muka n'ya sa aking tenga,

Ramdam kong umalis na sya nakahinga ako ng maluwag dahil dun masyado ba akong namamadali tumungo hasyt.

Inayos ko ang mga pinag kainan n'ya sobrang dami ng naluto ko yun pala nakakailang subo lang sya

Sabagay isa lang naman sya kumain,

Habang nag pupunas ako ng lamesa ay halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko si Clara sa harap ko

" Goodmorning ang aga mo magising ah" nakangiti nitong saad ng makita niyang nagulat ako ay nag piece sya

" Goodmorning din" bati ko

" Teka sino ang kumain napaka aga naman ata" nag tataka niyang saad

" Si senyorito maaga nag paluto nagugutom daw sya" mahinahon kong sambit at pinag patuloy ang pag lilinis ng lamesa

" Ay ganun, ikaw ah napapansin kong grabe ang titig sa'yo si senyorito." kinikilig na Saad nito

Kung pwede lang sabihin na nakakailang ang titig nung anak ni mayor eh,

" Hindi ah baka iba yung tinitigan nya" pailing kong sambit

Tumawa lang si clara nagulat ako sa sinambit nito

" Baka naman gusto ka ni senyorito pb? Tsaka bagay naman kayo, walang makakatanggi sa ganda mo teh! " natatawa n'yang sambit na ikinagulat ko

Ganun ba you porket nakatitig lang may gusto agad.

Umiling ako sa kanya " hindi ah tsaka may boyfriend ako," nagulat ito sa sinambit ko napakamot siya sa ulo na animoy napahiya

" Ay ganun, tinalo mo pa ako ah sabagay sa ganda mong yan hindi maaring walang mag ka gusto sa'yo" napangiti ako sa sinambit niya

Maganda din si clara kahit may edad na mag kasing puti lang kami nito nag tataka nga ako dahil sabi n'ya ay wala pa s'yang boyfriend

Dumating ang oras ng pag tra-trabaho namin

Hindi na ako nag isip pa ng kung ano ano dahil ang gusto ko ay mag focus sa sa trabaho,

___________________________

Mula ng makita ni kudos ang muka ng dalagang si pheobe ay hindi na mawala sa isip niya ito hindi niya maiintindihan ang sarili gusto niya palagi na matitigan ang dalaga

Ang pagiging mahinahon ng dalaga at ang angking gandang taglay nito ang nakuha ng atensyon nya,

Pag lalapit ang dalaga sa kanya para lagyan ng juice ang kanyang tasa ay naririnig nyang kumakabog ang dibdib n'ya.

Pakiramdam nga n'ya ay may sakit s'ya

Pag sa malapitan ay hindi n'ya magawang alising ang tingin sa dalaga hindi niya maiintindihan ang sarili gusto niyang makita Ang dalaga nang wala naman dahilan.

Gusto niya mayakap ito nang walang dahilan ang mga labi ng dalaga na nakakapag pigil hininga sa kanya ay gusto niyang parusahan

Pati sa kanyang pag babasa ay nasa isip niya lang ang dalaga

Naisipan niyang makipag kita sa sa mga kaibigan niya para kahit minsan ay maalis sa isip n'ya ang dalagitang si pheobe

" Tignan n'yo ang muka ng anak ng mayor hindi maipinta halatang may pinag iisipan" asar na sambit ng kanyang kaibigan na si demiter

" Anong nangyari dude sino yang lucky women na nanggagambala sa isip mo" tangkang tanong ng isa niyang kaibigan

" I can't understand myself, her smil---.." hindi niya tinuloy ang kanyang sasabihin dahil ayaw niya ipaalam ito sa mga kaibigan

" Ano daw? Oh bakit di mo tinuloy sino ba yan?" sambit ng kaibigan nya

" Hindi mo maiintindihan sarili mo?, sabagay dude gan'yan talaga pag Inlove ka diba demiter?." nakangising sambit ng kaibigan n'ya sa binatang si demiter

Binatukan s'ya ng binata at pinagmumura

" Tarantado! bakit ako tinatanong mo wala naman akong alam sa mga ganyan bobo kaba?." mayabang na saad ng binatang si demiter

Tumawa ang mga kaibigan nito at bumanat ang isa niyang kaibigan

" Sus baka mamaya malaman namin na may nag papabaliw na pala sa'yo isang dalagang matanda

" biro ng kaibigan nya habang kinikindatan siya

" Tanga! hindi ako mag kakagusto sa isang matanda" saad niya at nag bad finger lang ang binatang si demiter

Hindi maiwasang mainis ni kudos dahil imbis na payuhan s'ya ng mga kaibigan ay lalo lang sumasakit ang ulo nya,

" Alam mo dude hindi mo makukuha ang isang babae kung wala kang gagawin." seryosong saad ng isa niyang kaibigan

" Walang hindi nakukuha ang isang anak ng mayor diba?" Nakangising sambit ni demiter.

Nakatingin lang sya sa alak na hawak niya habang iniisip Ang babaeng nag papakabaliw sa kanya ngayon.

Gusto niyang angkinin ang dalaga at paresahan ito sa pambabaliw na ginagawa sa kanya nito.

Pag uwi n'ya ay muka agad ng babaeng maid ang nasa isip niya ang hinanap ng mata n'ya.

Magulo ang kanyang buhok at ang kanyang mga botones ay nakabukas

Pag pasok nya sa mansion ay lahat ng kasambahay nila ay nakatungo sa kanya hinanap nya ang babaeng nasa isip n'ya

Nakayuko ito habang nilalaro ang mga daliri gusto niya itong palitan at sunggaban ang Isang maparesang halik, sabihin na wag tumungo para makita nya Ang kabuuan ng muka ng dalagita pero hindi niya magawa.

Pakiramdam niya ay naduduwag siya sa dalaga.

Minsan na s'ya nakaramdam ng init sa dalaga sa simpleng pag kagat lang ng dalaga sa kanyang labi ay napalunok na s'ya

Kung wala lang siguro sa harap ng hapag kainan ay pinarusahan na nya ang labi ng dalaga na nag unting nag painit sa kanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status