Ayla P.O.VHindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila. Napansin kong may liwanag na pumasok sa loob ng kwarto ko galing sa liwanag sa may hallway. Naisip ko na baka nalimutan ni Wendell na isagad ang pinto.“Sobrang disappointment ang natanggap ko sa mga magulang ko nang malaman nilang nakipagtalik ako sa babaeng ‘yon kaya bilang parusa ay dinala niya ko kay Aunty Madeline bilang parusa.”“Narito kami, bro! Pamilya tayo dito. Okay?”Napagtanto kong may rason ang limang ‘to kung bakit sila kinukop ng Auntie ko at unti-unti ko na ‘yon nalalaman nang hindi sinasadya. Sila ang kusang lumalapit sa ‘kin kaya nalalaman ko ang mga ‘to ngayon.“Tuloy ba tayo ngayon?” dinig kong tanong ni Leonaire. “Malapit na 12:52 p.m. na oh?”“’E mukang di naman maiwan-iwan ni Lordan si Ayla...” Narinig kong sabi ni Shawn kaya blanko ang tingin na nilapat ko sa kanya. “...hehe, joke lang!” Hindi talaga mawawala sa usapan nila ang sarili ko.“Kaya niyo naman ng wala ako, pwede naman may pumalit sa ‘kin.”Ba
Ayla P.O.V‘Anong ginagawa niya d’yan?’ napunta ang tingin ko sa nakangiti niyang labi. Nataranta ako nang maisip kong nakatingin nga pala siya sa akin kaya daglian akong tumingin sa ibang direksyon. Narinig ko pang nagsalita ang isa sa kanila sa likod pero hindi ko na naintindihan pa dahil lamang ang nasa isip ko na kaharapan ko ang lalaking ‘to.Tsk. Bakit ang lapit niya sa ‘kin?“L-Layo.” Gusto kong mapapikit ng mariin ng mapansin kong nautal ako. Daglian siyang lumayo sa ‘kin matapos kong mahinang sabihin ‘yon sa kanya. Masyadong malayo pero mabuti na rin ‘to.Ang daming bakanteng upuan dito pa talaga siya naupo. Lagi na lang siyang gumagawa ng ikakapansin ng apat. Kanina, hindi ko inaasahan ang pagsulpot niya. Nawala na sa isip ko na sumilip muna sa labas bago tuluyang lumabas. Ang nasa isip ko ay nasa kusina pa rin sila kaya siguro nawala na sa isip kong maaaring ang isa sa kanila ay makita ko. At talagang ang makulit na lalaki na ‘to talaga ang nagpakita sa ‘kin. Ginulat pa ako
“Ang galing niyo’ng lima!” natutuwang puri sa kanila ni Moreen habang papalapit ang lima sa ‘min.Nagthumbs up si Wendell at nginitian ng apat si Moreen. Napansin kong nakatingin si Shawn kay Moreen kaya napunta rin ang tingin ko kay Moreen.“Glad you’re here.” nakangiting sabi sa kanya ni Shawn. Matipid na ngumiti sa kanya si Moreen.Naagaw nilang lima ang puntos ng second quarter. Talagang malaki ang nakuhang puntos nilamang nang pumasok sa laro si Lordan. Tuwing nakakalusot si Lordan tuwing tinatambangan siya, mabilis siyang nakakatakbo at hirap nang habulin ng kalaban. Lahat nagsisiiritan, ultimong kabilang department at iba ibang mga college student ay napapahanga sa galing ng limang ‘to. Tumingin ako sa mga iba pa nilang myembro. Tingin ko’y mananatili silang bangko hanggang matapos ang laro.“Ayla?”Napunta ang tingin ko sa tumawag sa ‘kin.“Anong iniisip mo?” tanong sa ‘kin ni Lordan. Hindi ko namalayan na napatagal pala ang pagtingin ko sa mga ka-member nila. Umiling ako haba
Mabilis akong tumakbo palabas ng basketball court kasunuran ko ang apat. Nasulyapan ko pa’ng nahirapan sila makalabas dahil maraming kababaihan ang humaharang sa kanila. Nang makalabas ako nang tuluyan sa building, naabutan ko silang pinapasok si Kael na walang malay sa puting van. “Habulin na ‘tin sila!” “’Wag na,” pagpigil ko kay Lordan na lumagpas na sa akin. “Hindi na natin sila maabutan.” Dire-diretso ang sinasakyan nilang van nang hindi ‘man lang nag-aalinlangan lumagpas sa mga nababantay sa main gate. “Who are they?” “Tauhan ng ama niya.” sagot ko kay Wendell na nasa tabi ko. “What?!” sabay nilang reaction ni Shawn at Wendell. “Hindi pwede ‘to.” “Paano mo nalaman na tauhan sila ng ama ni Kael?” dinig kong tanong ni Leonaire na nasa bandang likod ko. Humarap ako sa kanya, “I heard it while two of them were talking outside the comfort room. May kukunin daw silang basketball player, akala ko si Shawn ang kukunin nila dahil base sa sinabi nila ay kailangan siyang kunin ng
“Nagpapatawa ka ba?!” galit na galit na tanong ko sa kanya. “Pa’no kung manganib ang buhay ng auntie ko?! Kaya ba ng isang tulad mo maligtas siya kapag napahamak siya?!” Hindi ko na napigilan ang bugso ng damdamin ko. Gustong gusto kong saktan siya matapos kong marinig ang sinabi niyang pinilit niya ang auntie Madeline ko na kunin ang anak niya. Dama ko ang mga kamay na nasa braso at balikat ko. ‘Ni hindi ko ito dinapuan ng tingin dahil nasa babaeng ‘to pa rin ang paningin ko. Nag-aalab ang damdamin ko. Bakit kailangan pa’ng idamay ng babaeng ‘to Auntie Madeline ko sa sitwasyon niya?! “Magpapabuntis ka sa isang criminal tapos paaalagaan mo sa isang Dawson?! Nagpapatawa ka ba?!” may diin at galit na mga tanong ko sa kanya. Nangangati na ang kamay kong saktan siya. Hindi ko na mapigilan kun’di ang simulang ambain siya ng palad ko na ikinangiwi ng mukha niya. May pilit na bumababa ng kamay ko ngunit mabilis ko ‘yon piniglas. Nakarinig ako ng malalakas na katok na nagmula sa labas n
Lordan Point of ViewSumakay kaming lahat sa loob ng sasakyan maliban kay Auntie at Ayla. Tauhan ni Auntie ang nagmaneho kaya nasa passenger seat kaming apat. Pinakausapan muna namin ang dalawang tauhan ni auntie na kasama namin na i-face-to-face ang apat na seat.Sinusundan namin ang kotse na sinasakyan ni Auntie Crissa. ‘Ni hindi kami nilingon ni Ayla habang pumapasok sa mas magarang van ni Auntie kumpara sinasakyan namin.Mukhang malalim ang iniisip niya. Baka iniisip pa rin niya ang manikang binigay sa kanya ni Kael.“Be thankful, Shawn, that Kael's mother didn't screw you up!” natatawang sabi ni Leonaire kay Shawn.Nilingon ni Shawn si Leonaire na katabi lang niya. “Kahit na nakakaoffend yung sinabi ko, posibleng tama naman ang sinasabi ko di ‘ba?”“Kung totoo ‘man ‘yon, hindi dapat magbago ang tingin natin kay Kael.”“Yeah.” pagsang-ayon ni Leonaire kay Wendell.“Pero what if…”“Ano na naman ang ihihirit mo, Shawn?”Napanguso si Shawn matapos siyang mapigilan ni Leonaire. “Iniis
Chapter 31 Auntie Madeline’s sideAyla Point of ViewSumakay ako ng sasakyan habang si Kael pa rin ang nasa isip ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na si Kael pala ang batang sumagip sa ‘kin. Nang makita ni Kael ang mukha ko, takot ang namuo sa mukha niya hindi ang pagkilala niya sa ‘kin. Gustong gusto ko na masagot ang nakakapagpagulo sa isip ko sa mga oras na ‘to. Gusto ko na siya makita.Inilinga ko ang ulo ko sa itim na bintana ng sasakyan na nasa tabi ko. Pinagmasdan ko ang reflection ng itsura ng aking muka.Malayong malayo na nga ang itsura ko sa dating pasaway na paslit. Mukhang dahil sa pag-iba ng appearance ko ay hindi na niya ko nakilala pa. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili kong walang seatbelt. Tanda pa kaya niya ang araw na ‘yon?Sana ay oo.“Something wrong, Ayla?” may pag-aalala sa tono ng tanong ni AuntiInalis ko na ang tingin ko sa salamin at ibinaling na sa harap. Nakasara ang maliit na bintana sa harap ko. Kita ko kung paano mag-ingat magmaneho ang driver na sina
Pagpasok ko ng dining area ay saktong pagtama ng paningin namin ni Lordan. Napatigil ako sa pintuan. Para siyang nag-aalala nang makita ako.Delusyon na naman ‘tong dumidikit sa ‘kin.Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya saka mabilis na nagtungo sa pwesto nila at naupo sa bakanteng upuan na nasa kanan ni Wendell. Sinadya kong dito maupo para makaiwas ng tingin kapag kumakain na kami. Paniguradong puno ng katungan ang isip niya kung bakit ga’non na lang ang ipinakita kong reaksyon sa pag-alok niya ng bulaklak sa ‘kin.Tumabi ngayon sa ‘kin si Leonaire, pinaggigitnaan ako ni Wendell at Leonaire na kaharap si Lordan. Hindi ako nagdedelusyon, dama ko ang tingin sa ‘kin ni Lordan. Halos matunaw na ang platong malinis sa harapan ko kung pakatitigan ko ‘to.“Hey, that’s my place Leonaire!” bagong dating na si Shawn.“May upuan pa sa kabila, doon ka na!” pagturo ni Leonaire sa katabing upuan ni Lordan.Tatlong upuan lang ang kasya sa hilera ng upuan at tag-isang upuan sa magkabilaang du