Share

Twin Fate: Wife, Please Love Me Again
Twin Fate: Wife, Please Love Me Again
Author: Sissy Garis

01

Author: Sissy Garis
last update Last Updated: 2025-02-09 22:54:52

“Magkaka problema ka na naman sa kidney mo pagkatapos ng two months business trip mo. Posible iyon, hindi ba?"

Maagang-maaga sa araw na iyon, matapos ang isang matinding sandali, si Valerie ay bumuntong-hininga at nagbigay ng isang tahimik na kahilingan. Nakapikit pa siya, pawisan, at ramdam ang pangangalay ng katawan, ngunit mahigpit niyang niyakap ang baywang ng lalaking katabi niya at nagtanong.

Tumayo si Harvey mula sa kama, patungo sa banyo upang maligo. Nang marinig niya ang sinabi ni Valerie, sandali siyang natigilan, saka hinawakan ang kanyang baba at mahina ngunit may bahid ng pang-aasar na sinabi, "Bakit? Hindi ba kita napasaya?"

Napangiti si Valerie. "Dahil nga sa'yo, lumakas ang gana ko! Pero kung may nararamdaman ka talaga, magpatingin ka na sa doktor. Huwag kang matakot magpagamot..."

Bago pa niya matapos ang sasabihin, mariing siyang hinalikan ni Harvey.

Alam niyang hindi kailanman naging mahinahon ang lalaki—lalo na kapag nasusubok ang pasensya nito. Kaya sa pagkakataong ito, hindi na ito nagdalawang-isip at mas naging marahas ang bawat galaw.

"Do you have a wish? I can show you what I’m capable of."

Hindi na siya tumanggi at buong puso siyang sumabay.

Alam niya, gusto ni Harvey ang pagiging masigla. Kahit pa hindi siya mahal nito, palagi siyang binibigyan ng ilusyon na mahal siya ng lalaki. Pero hindi niya iyon alintana.

Dalawang taon na silang kasal, at patuloy pa rin siyang umaasa na darating ang araw na mapapalambot niya ang puso ng asawa. Pangarap niyang magkaroon ng anak kasama si Harvey.

Sa pag-iisip ng bagay na ito, mas mahigpit niyang hinawakan ang malapad nitong balikat, habang ang kanyang katawan ay tila isang bangkang inaanod sa dagat, halos hindi makalaban sa agos...

***

Alas-kuwatro na ng hapon.

Matapos maligo, sinabi ni Harvey kay Valerie na wala siyang iniindang sakit. "Sa totoo lang, pakiramdam ko nga mas lalo akong lumakas."

Matapos niyang magbihis ng format na damit—shirt at slacks—mas lalong lumutang ang kanyang tindig. Matangkad, matikas, at ang simpleng kasuotan ay nagbigay-diin sa malapad nitong balikat, makitid na baywang, at mahahabang binti.

Bukod pa roon, ang kanyang mukha ay tila obra ng Maykapal—perpektong hugis, malalim ang mga mata, at may maringal na aura.

Habang mabagal at maingat niyang kinakabit ang butones ng kanyang shirt, biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Sinagot niya ito gamit ang isang kamay, habang ang isa ay abala sa pagbibihis. Nang marinig ang sinabi sa kabilang linya, saglit siyang natigilan.

Ilang segundo ang lumipas bago niya ibinaba ang tawag.

Diretsong tumingin si Harvey kay Valerie.

Nakapikit pa si Valerie, pagod at antok na antok, pero pilit niyang pinilit ang sarili upang magtanong, "Sino ‘yun? Anong nangyari?"

Malamig ang boses ni Harvey nang sumagot. "Si Mama. Sabi niya, ikaw daw ang pekeng anak ng Lozano? Na hindi ka kadugo ni Jaime Lozano? At nahanap na rin ang tunay na anak?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Valerie.

Isang buwan na ang nakalipas mula nang magpatingin sa ospital ang ama niya. Doon natuklasan na hindi magkatugma ang kanilang mga blood type.

Dahil doon, agad nagsagawa ng paghahanap ang Lozano sa tunay nilang anak. At sa loob ng kalahating buwan, natagpuan nila si Jasmine.

Noong gabi ng kumpirmasyon, nagdaos ang Lozano ng engrandeng party bilang pagsalubong kay Jasmine. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, nahulog ito sa swimming pool at siya ang agad na tinuro bilang may sala.

Nagpanting ang tenga ng buong Lozano. Kaya mula noon, pinandidirihan na siya ng lahat—tinuturing siyang isang pekeng anak at isang kriminal.

Dahil hindi siya tunay na bahagi ng pamilya, natural lamang na itakwil siya.

Dahil nasa business trip si Harvey sa loob ng dalawang buwan, hindi niya alam ang tungkol dito. Plano sanang sabihin ito ni Valerie sa tamang panahon, pero naunahan na siya ng kanyang biyenan na si Maricar, ang ina ni Harvey.

Mahinang tumango si Valerie habang mahigpit na kinulong ang sarili sa loob ng kumot. "Gano’n ba... Ano’ng sinabi ni Mama?"

Walang emosyon ang mukha ni Harvey habang sinagot siya, "Ang ibig niyang sabihin, ang kasunduang kasal na ito ay sa pagitan ng Alcantara at Lozano. Ngayong bumalik na ang tunay na anak, dapat ibalik sa kanya ang kasal na para talaga sa kanya."

Ang ibig sabihin nito—gustong ipasa ni Marical ang kasal kay Jasmine.

Nararamdaman ni Valerie ang matinding panlulumo. Ang katotohanang isa lamang siyang huwad na anak ay hindi inaasahan ninuman.

Dalawang taon na silang kasal ni Harvey—isang bagay na matagal nang hindi maaaring baguhin. Ibig bang sabihin, ganoon na lang iyon mawawalan ng saysay?

Ngunit higit pa sa iniisip ng kanyang biyenan na si Maricar, mas pinahahalagahan ni Valerie ang magiging sagot ni Harvey.

"Ano naman ang opinyon mo?"

Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang mga daliri at tiningnan ang lalaki sa kanyang harapan, puno ng pag-asa.

Sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, naniniwala siyang ginawa niya ang lahat upang maging isang mabuting asawa.

Siya mismo ang nag-aasikaso ng pang-araw-araw na pangangailangan ni Harvey—mula sa pagkain hanggang sa lahat ng maliliit na bagay. Inalagaan niya ito nang buong puso. Iniisip niyang kahit papaano, kahit hindi siya mahal ni Harvey, marahil may kaunting damdamin itong nilaan para sa kanya.

"Wala akong masyadong iniisip tungkol diyan. Ang kasal ay kasunduan lamang. Kahit sino pa ang nasa lugar mo, hindi naman iyon makakaapekto sa akin..." Ngunit ang sagot ng lalaki ay parang isang baldeng malamig na tubig na ibinuhos sa kanya, pinapawi ang lahat ng pag-asang nasa kanyang puso. "May flight ako mamayang gabi. May business trip ako nang ilang araw. Aalis na ako,” dagdag nito.

Wala nang iba pang sinabi si Harvey. Kinuha niya ang kanyang blazer at lumabas ng kwarto, hindi na hinintay ang reaksyon ni Valerie.

Sa sandaling sumara nang marahan ang pinto, parang nawalan ng hangin si Valerie. Parang may matulis na bagay na tumusok sa kanyang puso, pinapahirapan siyang huminga.

Paulit-ulit niyang naririnig sa isip ang mga huling salitang binitiwan ni Harvey.

"Kahit sino pa..."

Ibig sabihin, wala siyang halaga rito.

Tama nga naman. Para kay Harvey, ang kasal ay isa lamang bagay na hindi niya kailangang seryosohin. Lahat ng nararamdaman niya ay isang ilusyon lamang—isang panlilinlang na siya lang ang naniwala.

Ngayon lang niya napagtanto kung gaano kalamig at kasarado ang puso ng lalaking minahal niya. Marahil, habang siya'y nabubuhay, hindi niya kailanman makakayang tunawin ang yelong bumabalot sa puso nito.

Makalipas ang isang oras mula nang umalis si Harvey, dumating si Maricar na may hawak na isang kasunduang diborsyo. Hindi man lang siya nag-aksaya ng oras at itinapon iyon sa harapan ni Valerie habang may pang-aalipustang tono sa boses.

"Dalawang taon na kayong kasal, pero hindi ka man lang nakapagbigay ng anak sa kanya! Isa ka pang pekeng anak!" matalim na sabi ni Maricar. "Sabi ko na noon pa, hindi ka bagay sa pamilya namin! At ngayon, bukod sa hindi mo alam ang tunay mong pagkatao, nasangkot ka pa sa kasong attempted murder! Isang babaeng walang puso at walang pakinabang—paanong magiging karapat-dapat ka kay Harvey?!" Galit na galit na sigaw nito. "Bilisan mo na at pirmahan mo na 'yan! Umalis ka na sa pamamahay ng Alcantara!"

Mahina na ang pakiramdam ni Valerie, at lalo pa siyang natulala nang dumapo sa mukha niya ang dokumento. Saglit siyang hindi nakaimik. Ngunit makalipas ang ilang sandali, nagawa niyang magsalita.

"Iyan ba ang gusto niya? O ikaw lang ang may gusto?"

Mabilis na sumagot si Maricar, puno ng kumpiyansa. "Ako ang may gusto. Pero hindi lang ako—pati siya! Hindi ka kailanman naging karapat-dapat na maging bahagi ng Alcantara! Sa sandaling mapirmahan mo 'yan, sa susunod na buwan, si Jasmine na ang magiging asawa ni Harvey. Siya ang nararapat sa pamilyang ito!"

Ramdam ni Valerie ang bigat sa kanyang puso.

Ganun na lang ba kabilis? Hindi pa man nakakasakay sa eroplano si Harvey, pero naihanda na ang kasunduang diborsyo?

Pinilit niyang pigilan ang kirot sa kanyang dibdib at sinulyapan ang dokumento. Ngunit nang mabasa niya ang nilalaman nito, lalo lamang siyang natigilan.

Sa kontrata, nakasaad na kailangan niyang umalis ng bahay nang walang anumang bahagi sa kayamanan ng Alcantara.

Ganoon lang? Sa panahon ngayon, kahit ang isang kasambahay ay may suweldo.

Ngunit siya? Matapos ang dalawang taon bilang asawa ni Harvey Alcantara, wala siyang nakuha kahit isang kusing.

Natawa siya sa sarili.

Parang nabasa ni Maricar ang nasa isip niya, kaya lalo itong nagpakawala ng mapanuyang salita.

"Ano pa bang inaasahan mo? Kung hindi ka nagkamali ng pagkatao, makakapasok ka ba sa buhay na walang hirap sa loob ng dalawang taon?" tanong nito at tinignan lalo ng masama si Valerie. “Tandaan mo 'to, Valerie—maging kuntento ka na lang. Huwag ka nang umasang makakuha pa ng kahit ano. Pirmahan mo na 'yan nang hindi na tayo umabot sa puntong may pumilit pa sa'yo."

Nararamdaman ni Valerie na parang may bumabara sa kanyang lalamunan, pero hindi na siya nagpilit pa. Tahimik niyang kinuha ang dokumento at pinirmahan ito.

Akala niya, sa wakas ay magiging kuntento na si Maricar. Ngunit sa halip na matapos na ang lahat, patuloy pa rin itong nang-insulto.

"At saka, ibalik mo na rin ang singsing na ginamit mo sa kasal kay Harvey! African blue diamond 'yon, speciall na ginawa ng isang sikat na alahero at nagkakahalaga ng sampu-sampung milyon! Hindi mo 'yon deserve! Pati ang set ng kwintas, isoli mo rin lahat!"

Nanatiling malamig ang ekspresyon ni Valerie at mahinahong sumagot, "Nasa safe. Hindi ko naman 'yon ginamit."

Maliban sa araw ng kasal nila, hindi niya ito isinuot kahit kailan.

Hindi pa rin nagpatinag si Maricar at patuloy na nagmaliit sa kanya. "Aba, mabuti naman! Sa totoo lang, hindi mo dapat kinukuha ang kahit anong pag-aari ng Alcantara!"

Nakita ni Valerie kung paano ito kumilos, at naramdaman niyang naduduwal siya sa inis. "Huwag kang mag-alala, hindi ko dadalhin ang kahit ano na hindi akin."

Hindi tao, hindi bagay—wala siyang tunay na pag-aari.

Sa wakas ay natuwa si Maricar at agad na inutusan ang mga kasambahay na ipunin ang mga gamit ni Valerie. Matapos noon, itinaboy siya palabas ng bahay ng Alcantara.

——

Makalipas ang isang linggo, sa Gailan Expressway. Isang marangyang convoy ng Bentley ang mabilis na patungo sa Madlen City. 

Sa loob ng isa sa mga sasakyan, isang binatang may maharlikang aura ang kausap ang nasa kabilang linya ng telepono.

"Nahanap ko na ang kapatid natin. Papunta na ako para sunduin siya, kaya hindi mo na kailangang pumunta!"

"Anong kalokohan 'yan? 20-years natin hindi nakita ang bunso nating kapatid, tapos hindi ako sasama? Nagpadala na ako ng mahigit isang dosenang helicopter para sa kanya! Dapat lang na maganda ang pagtanggap natin sa kanya!"

"Si Elize ang nag-iisang babae sa Sevilla, at matagal na siyang hinahanap ng buong pamilya. Ano'ng isang dosena lang? Magpadala pa tayo ng mas marami, dapat nakapila ang mga helicopter sa ere para ipakita ang ating taos-pusong pagsalubong!"

Habang patuloy ang pagtatalo ng tatlo, biglang may dumagundong na boses ng isang matikas na lalaki.

"Tumigil kayong lahat sa mga kalokohan ninyo! Si Elize ay ang pinakamamahal kong anak, at hindi kayo ang dapat pumunta! Ang mama niya at ako ang pupunta mismo para sunduin siya!"

Natigilan ang lahat.

"Hindi bale, kung sino'ng maunang makarating, siya na ang kukuha sa kanya! Sa bagay na 'to, walang halong emosyon sa pagitan ng mag-ama!"

——

Six Years Had Passed….

Katatapos lamang ni Valerie sa isang anim na oras na operasyon nang matanggap niya ang sunod-sunod na mensahe mula sa kanyang anak na si Vanessa, na nasa Gailan City.

"Mommy, may ilang lalaki na dumating dito para mag-propose ng kasal! Gusto daw nilang maging stepfather ko! Galit na galit si Grandpa kaya pinalabas niya ang mga aso para habulin sila. Si Uncle naman, tinanong kung saan sila kumuha ng lakas ng loob—kay Tanggol ba? Sobrang saya dito!"

"Mommy, ang babait ng mga lalaking 'yon, pero wala silang chance. Ikaw ang pinakamagandang mommy sa buong mundo, kaya dapat lang na ang pinakamakisig ang mapili mo!"

"Mommy, huwag kang mag-alala. Ako na ang bahala sa mga 'rotten peach blossoms' mo! Hindi ko sila hahayaang manggulo sa'yo!"

Napatawa si Valerie nang mabasa ang mga mensahe. Alam na alam niya kung gaano kagulo ang bahay nila ngayon!

Sumagot siya ng, "Salamat, baby!"

Matapos iyon, itinabi niya ang kanyang cellphone at nagtungo sa lounge para magpahinga.

Ngunit habang dumadaan siya sa nurse’s station, may narinig siyang usapan.

"Narinig mo ba? Dumating daw 'yung bata para humanap ng doktor para sa tatay niya. Kapag sino man daw ang makagamot dito, siya ang magiging bagong stepmother!"

"Hala? Bakit hindi nalang sila kumuha ng pinakamahusay na doktor? Si Doc. Hazel kaya? Maganda at bata pa!"

Wala namang masyadong interes si Valerie sa tsismis, ngunit natawa siya sa narinig.

Sa isang araw lang, may gustong maging stepfather ng anak niya, tapos ngayon may bata namang naghahanap ng stepmother?

Nilingon niya ang paligid at napansin ang isang batang nakapalibot sa maraming tao.

Mukhang apat o limang taong gulang pa lang ang bata. Napakaganda ng kanyang mga facial features, at ang kanyang makinis na balat ay parang pwedeng pigain para lumabas ang tubig. Mapula ang labi nito, maputi, at sobrang cute.

Nakita niyang nakaupo ito sa isang upuan, iniindayog ang kanyang maliliit na binti, habang ang kanyang malalaking itim na mata ay maingat na sinusuri ang lahat ng tao sa paligid.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   51

    Sa tono ng sinabi ni Jasmine, para bang sinasabi nitong si Valerie ang walang modo at walang utang na loob noon pa man.Siyempre, malinaw kay Valerie ang ibig iparating ni Jasmine. Napangisi siya, mapait at puno ng panlilibak. “Nag-aalala ka raw sa’kin? Jasmine, naniniwala ka ba talaga sa sinasabi mo? Or are you just being disgusting, as usual?”Hindi na siya nag-abala pang magkunwaring mabait.Para sa pamilya Lozano, hindi na niya kailangang maging magalang. Lalo na kay Jasmine—na kahit kailan ay hindi niya kinilalang kapatid.Biglang sumingit si Jonah, ang ina ni Jasmine, at hindi na napigilan ang galit nang makita niyang kinontra si Jasmine. “Valerie! Anong klaseng asal 'yan? Si Jaja, nag-aalala lang sa’yo, tapos ganyan pa ang isinukli mo? Don’t forget, kung ano-ano ang ginawa mo sa kanya noon! Pinakain ka na nga ng pamilya namin ng maraming taon, pero ni kaunting pasasalamat, wala kaming narinig sa’yo! Para kang asong inalagaan pero ang ganti, kagat!”Sa puntong iyon, lumamig ang

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   50

    Humarap si Harvey sa anak at mahinahong tinanong, “Bakit ka biglang tumakbo? That was rude, you know.”Hindi sumagot agad ang bata. Pinagdikit niya ang mga labi at suminghal na parang hindi sang-ayon sa sinabi ng ama. “Eh polite ba sila? Ang hilig nilang pag-usapan ’yung ibang tao na parang wala lang. ’Yung magandang tita na nakita ko sa kindergarten dati—siya ’yung dati mong asawa, ’di ba? Ang ganda-ganda niya, parang diwata! Pero ang sama ng sinasabi nila tungkol sa kanya...”Kung siya ang tatanungin, si Jasmine ang tunay na masama!Hindi agad nakapagsalita si Harvey. Tahimik siyang napaisip dahil hindi niya inasahang ganito kaapektado ang anak niya sa mga narinig.“Galit ka ba dahil do’n?” tanong ni Harvey matapos ang ilang sandali.“Syempre naman!” sagot ng bata na parang natural lang iyon.Ngunit agad ding nagdagdag si Hiro, na tila natatakot na baka mapansin ng ama na sobra ang kanyang reaksyon. “Pero hindi lang naman ’yon! Pinipilit ka pa nilang pakasalan si Jasmine. Ayoko siya

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   49

    Napangiti si Jasmine, ngunit halatang pilit. Lutang ang lungkot sa mukha niya habang sinabi, “Okay lang, Harvey. Kahit anong mangyari, hindi ako magrereklamo. Basta makasama lang kita, sapat na ’yon sa akin. Kung sakali man na hindi ka gumaling, I can be your eyes…”Habang binibigkas niya ito, dama ang pagkukunwaring taos-puso. Naging emosyonal ang tono niya at halos maantig ang damdamin ng ilang matatanda sa mesa.Si Maricar, na matagal nang may pabor kay Jasmine, ay agad sumalo sa usapan at sinubukang kumbinsihin si Harvey. “Anak, si Jasmine ‘yan—isang mabuting babae na hanggang ngayon, nandyan pa rin. Hindi ka na makakahanap ng kasing bait niya.”Kung ibang lalaki lang si Harvey, siguradong natunaw na sa panliligaw ni Jasmine. Pero hindi nagbago ang ekspresyon ni Harvey—matigas at walang bahid ng pag-aalinlangan.“Ang kasal ko, ako ang magpapasya,” malamig niyang tugon. “At kailan pa naging normal na pinag-uusapan ‘yan sa harap ng pagkain?”Napakunot-noo si Jonah at hindi napigilan

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   48

    Napatigil si Jasmine nang mapansing naupo na si Hiro sa kanan ni Harvey. Doon dapat siya uupo—iyon ang napagkasunduan nila ni Maricar. Ang kaliwang bahagi ni Harvey ay nakalaan kay Maricar, kaya’t sigurado siyang sa kanan siya mauupo. Plano pa naman niyang gamitin ang gabing ito para makapuntos sa pamilya ni Harvey.Ang simpleng birthday dinner para kay Don Johan ay hindi basta salo-salo lang. Ginawa itong mas intimate na pagtitipon para makausap nang masinsinan ang pamilya Alcantara tungkol sa matagal nang planong kasal ng dalawang pamilya. Ayon sa kanila, sa ganitong set-up, mahihirapan si Harvey tumanggi.Hindi inasahan ni Jasmine na may biglang papagitna—at isang bata pa ang nagharang sa plano niya. Lalong sumama ang loob niya, ngunit pinilit niyang ngumiti at nagpanggap na kalmado.“Hi Hiro, ang upuan mo ay katabi ng lola mo. Pinagawan pa kita ng special child seat,” alok niya na may pilit na lambing sa boses.Pero hindi man lang siya nilingon ng bata. “I don’t need it,” sagot ni

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   47

    Hindi na nagtagal pa si Valerie sa bahay, at agad din siyang umalis bitbit ang mga cookies na ibinigay ni Hiro.Pagkaalis ng ginang, dali-daling bumalik sa kanyang kwarto si Hiro. Maingat niyang isinilid at binalot ang hibla ng buhok na nakuha niya. Pinagmasdan niya ito ng mabuti, at sa isip niya, ito na ang pagkakataon para tuluyang makumpirma kung mag-ina nga sila ni Valerie.Matagal na niyang gustong magpa-DNA test, pero ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon makakuha ng sample mula kay Valerie. Sa wakas, nakuha na rin niya ang buhok ng "Tita" niya.May bahid ng pananabik sa puso ng bata. Tahimik siyang nagdasal at umaasa na sana—sana nga—ang "Tita" niya ay siya ring ina niya.Kinabukasan, habang ihinatid siya ng driver papuntang paaralan, bigla siyang

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   46

    Wala pang ideya si Valerie na nagsimula nang mag-imbistiga si Harvey tungkol sa kanya. Pero kahit malaman pa niya ito, wala rin siyang pakialam.Ang totoo, ang nalaman ni Harvey ay surface-level lang—tuldok lang sa napakalawak na iceberg ng kanyang tunay na pagkatao. Sa research institute kung saan siya nagtatrabaho, iilan lang ang may alam sa kanyang tunay na identity—at lalong hindi kabilang doon si Dr. Sevilla, na, ironically, ay may parehong pagkatao rin tulad niya...Kinagabihan, matapos ang trabaho, dumiretso si Valerie sa kindergarten para sunduin si Vanessa. Agad namang sumakay ang masiglang bata sa kotse ng ina nang makita itong dumating.Hindi na nakapagpigil si Valerie, agad siyang nagtanong, "Vanessa, baby, can you tell Mommy—paano mo nakilala sina Hiro?"Kanina pa niya iniisip ito buong hapon. Curious talaga siya.Handa naman si Vanessa. Alam na niyang itatanong ito ni Mommy. Kaya maayos siyang sumagot."Nakilala ko po sila sa community. Hinanap ko si Cotton, ‘yung pusa n

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   45

    "Ayoko niyan!" matigas na sabi ni Valerie.Napatigil ang sales clerk sa kinatatayuan niya, litong-lito. Sa dami ng customer na dumaan sa boutique na iyon, ngayon lang siya nakakita ng taong ayaw ng mamahaling damit at mas gusto pa ang mas mura—lalo na kung galing ito kay Mr. Alcantara!Para sa mga tulad ni Harvey, kahit milyon o sampung milyon pa ang halaga, parang barya lang 'yon. Wala lang sa kanya.Pero si Valerie, ramdam na ramdam ang pagkainis habang tinitigan si Harvey. Para bang sinadya nitong kontrahin lahat ng desisyon niya. Naiinis na talaga siya.Galit niyang sabi, "Harvey, sobra ka na ha! Ang dami mo sigurong pera kaya sinusunog mo na lang, ‘no? Kung gusto mong gumastos, mag-donate ka na lang! Hindi mo kailangang gamitin ‘yan para lang maramdaman ko presensya mo!"Huminga siya nang malalim at muling binalingan ang sales clerk. Matalim ang tono niya pero malinaw, "Yung worth around 2 thousand lang, 'yun lang ang gusto ko. Okay?"Ngunit malamig na tumugon si Harvey, "Alcanta

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   44

    Narinig din ni Harvey ang sigaw ni Valerie kanina, pero hindi niya inasahan na gano'n pala ang eksenang aabutan niya paglapit.Napakunot ang noo niya. “Nasira ba ang damit mo? Anong nangyari? May na—”Hindi na siya pinatapos ni Valerie. Galit na galit itong sumagot.“Saan pa ba? Napaka-ginoo mo raw pero hinihila-hila mo ko? Paano ako makakalabas nang maayos niyan, ha? Hayop ka!”Hindi agad nakasagot si Harvey. Saglit siyang natahimik, pero maya-maya’y nagsalita siya na para bang wala siyang ginawang masama.“Eh sino ba’ng nagsabing tumakbo ka?”Bagaman matigas ang tono niya, tumalikod ito sandali, hinubad ang suot na coat, at iniabot iyon kay Valerie.“Here, isuot mo muna. Sasamahan kitang bumili ng bago. Babayaran ko.”Hindi na nagpasalamat si Valerie. Galit niyang inagaw ang coat at walang pag-aalinlangang ibinalot iyon sa baywang niya.Malaki ang coat ni Harvey kaya't sakto nitong natakpan ang punit sa palda niya. Kahit hindi bagay sa suot niyang blouse, ayos na rin kaysa mas lalon

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   43

    Nang makita ni Vanessa na seryoso na ang ekspresyon ng mommy niya, hindi na siya naglakas-loob na maglihim pa. Agad niyang ipinaliwanag ang buong nangyari—mula umpisa hanggang dulo—sa mabilis pero malinaw na paraan.Habang nakikinig si Valerie, ramdam niyang halo-halo na agad ang emosyon niya.Hindi ako makapaniwala! Paano nangyari ‘to? Paano ko naipasok si Vanessa sa paaralan kung saan nag-aaral si Hiro?Para sa kanya, isa itong napakalaking coincidence—o malas.Ni hindi ko siya matakasan kahit nasa bahay, tapos ngayon pati sa eskwelahan nandito pa rin siya?!Bagama’t panic na siya sa loob, pinilit niyang manatiling kalmado sa panlabas. Hindi siya puwedeng bumigay. Lalo na at mukhang naitawid na ni Vanessa ang sitwasyon, kaya hindi na siya puwedeng pumalpak pa.Huminga siya nang malalim, saka tumingin kay Harvey at nagsalita sa pinakakalmado niyang tono, “Thank you, Mr. Alcantara, for protecting Vanessa kanina. Nandito ako para magpasalamat.”Hindi inakala ni Harvey na makikita niya

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status