ROSALINE'S POV: KINABUKASAN ay umiiyak pa rin ako dahil pinagbihis ako ni daddy at ngayon ay pinipilit niya akong isama sa Casa Joaquin. “Daddy, ayoko nga po!” saad ko habang humahagulgol ng iyak. “Isa! Rosaline! hindi ba’t pinag-usapan na natin ‘to?! hindi pwedeng agrabyado ka, Anak!” “Daddy, hindi naman eh… kaya ko mag-isa,” “Anong kaya mag-isa?! hindi nga pwede, halika na! kailangang panagutan ni Joaquin ‘yang ginawa niya sayo, hayop siya!” “Sige na Anak, please? come on… kakausapin lang naman natin sila para maayos yung problema kasi Nak, that's unfair. We fought so hard in life just for you to go abroad and finish your studies. You're just starting your career pero nabuntis ka kaagad.” saad ni mommy. “Ma, alam ko naman iyon eh, kaya nga ako nagso-sorry sa inyo.” “Masakit para sa amin itong nangyari sayo Anak, pero kailangan ‘tong harapin ni Joaquin, hindi ka niya pwedeng balewalain ng ganito, nag punla siya sayo tapos wala na siyang pakialam?! hindi pwede iyon.” saa
ROSALINE'S POV: “Junior! lumabas ka dyan!” sigaw ni daddy na kinatok ang pinto ng Mansyon ng mga Dela Vega. “Daddy, wag kang mag iskandalo! sabi ko usap lang eh!” saway ni mommy. “Buksan niyo ‘tong pinto! magsilabas kayo dyan! kayong mga Dela Vega kayo! Junior! lumabas ka dyan! Wag kang magtagong duwag kang hayop ka!” sigaw ni Daddy na pinagkakalampag na ang pinto ngunit natumba siya nang biglang may nagbukas ng pinto at iniluwa non si lola Samantha na may hawak na nakarolyong dyaryo at pinukpok sa ulo ni daddy. “Ang ingay ingay mong damuho ka! nagpapahinga mga tao dito eh! ano ba iyon, Wade?!” singhal ni lola Samantha habang pinapalo ng dyaryo sa ulo si daddy. “Aray ko! Samantha! masakit! tama na!” reklamo ni daddy. “Ano kasing sinisigaw-sigaw mo dyan?! natutulog ang kuya mo ngaw-ngaw ka ng ngaw-ngaw! nagising tuloy!” “May sasabihin akong importante!” “Samantha, Babygirl, sige na, papasukin mo na sila.” narinig kong saad ni lolo Joaquin na nakahawak sa tungkod niya bilang sup
ROSALINE'S POV: “Uncle, saan ba tayo pupunta?” tanong ko kay uncle kasi nagda-drive lang siya at hindi ako kinikibo. Nakasimangot siya at nakanguso pa. “Basta.” “Kanina ka pa kasi nagda-drive eh.” “Kamusta pakiramdam mo? sabihin mo lang pag nagugutom ka o pag may masakit sayo ah.” “Nagugutom ako.” “Sige, teka uhm, hahanap ako ng makakainan.” Nakahanap kami ng coffee shop sa di kalayuan kung kaya't doon na kami kumain. Kaagad kong kinuha yung menu at saka tumingin doon. “Uhm, ano sakin, coffee lat–” natigilan ako ng magsalita si uncle. “Anong kape? bawal sayo kape, mag hot chocolate ka lang.” “Huh? eh gusto ko ng kape!” “Bawal nga, ang kulit!” “Fine! hot chocolate and… croissant.” “Sige.” “Mas bawal nga yung matamis sa buntis kesa kape eh.” saad ko ngunit sinimangutan niya lang ako. Itong tiyuhin ko na ‘to hindi ko maintindihan. Tinanan ako tapos ngayon sinusungitan naman ako. Maya-maya ay nag ring naman ang cellphone niya kung kaya't kaagad niyang si
ROSALINE'S POV: Huminto kami sa isang building. Nagpark na si uncle ng kotse niya at saka kinuha ang mga grocery na pinamili namin. Sumusunod lang ako sa kanya kahit hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Pumasok kami sa elevator at pinindot ni uncle yung pinakamataas na floor. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Wag niyang sabihing nasa pinaka-itaas ang tutuluyan namin? My heart is pounding the whole time. Ni-hindi ko nga alam kung bakit ako biglang sumama sa kanya kahit na nagagalit na si daddy. Ang alam ko lang ay mahal ko siya. Iyon lang. Nang makaakyat kami ay kaagad niyang kinuha ang keycard at binuksan ang pinto. Tumambad sa amin ang napakaganda at napakalaking penthouse. “Wow! ang ganda! dito ba tayo titira, Joaquin?” “I know hindi ‘to kasing laki ng mansyon niyo, pasensya ka na ganito lang nakayanan kong bilhin eh, pero fully paid naman na ‘to.” “Are you kidding me?! this place is so nice and cozy!” “Nagustuhan mo ba? hindi ako satisfied, maliit eh, pero okay n
JOAQUIN'S POV: Waking up with the one you love feels so different. It feels like I want to give everything for her to stay with me. Pinagmasdan ko ang napakagandang mukha ni Rosaline habang natutulog siya sa tabi ko. I wouldn't mind kung kamukha niya ang magiging mga anak namin.Abala ako habang pinagmamasdan siya. Hinawakan ko ang kamay niya dahil gusto kong sukatin kung anong sing-sing ang kakasya sa kanyang daliri. Gusto ko na siyang pakasalan dahil sumama siya sa akin kahit walang kasiguraduhan. Ibinigay niya ang buong tiwala niya sa akin kahit na hindi niya alam kung anong buhay ang naghihintay sa kanya sa piling ko. Akmang babangon na ako para maghanda ng almusal nang biglang mag ring ang cellphone ko at pagtingin ko ay si kuya Samuel ang tumatawag. Anong kailangan niya sa akin? Sinagot ko naman ang tawag. “Hello?”“Hello? Junior?” “Ano?” “Anong ano? wala ka talagang galang hayop ka!” “Sabihin mo na kasi busy ako!” singhal ko sa kanya habang papunta ako ng kusina. Tumin
ROSALINE'S POV: Cellphone ko lang ang dala ko nung umalis kami ni uncle Joaquin at wala akong gaanong gamit. Nag grocery kami at namili naman ng mga damit namin si uncle ngunit hindi pa iyon sapat. Ngayon ay umalis siya at hindi ko alam kung saan siya nagpunta ngunit naglagay lang siya ng note sa table na kumain na ako at sinabi niyang babalik din siya kaagad. Pagbukas ko ng nakatakip na plato ay nakahanda na ang almusal ko. I didn't know that he's so capable at doing these things for me. Sinimulan ko ng kumain ngunit nagulat ako nang may magbukas ng pinto at pagtingin ko ay si uncle iyon.Laking gulat ko nang may dala-dala siyang mga maleta. “Oh ayan na mga gamit mo, sana lang nakuha ko na lahat.” “Gamit ko?” “Oo, nagpunta ako sa inyo.” “Wait, hinayaan ka ni daddy na kunin ang mga gamit ko?!” gulat na tanong ko sa kanya.“Syempre hindi kaya nagpatulong ako kay ate Rosenda. Sakto lang din na wala doon ang daddy mo at nagpaalam na rin ako na mag a-out of town tayo at sinabi ko
ROSALINE'S POV: EL NIDO, PALAWAN“Sa wakas! nakatikim din ng ibang sisid!” saad ni uncle habang pinagmamasdan ang napakagandang view ng paligid. Napakalinaw ng tubig at kitang-kita doon ang mga maliliit na isdang lumalangoy. Napakagandang pagmasdan ng isla dahil luntian ang malawak at bulubundukin na lugar. “Lagi nalang sisid sa kama natitikman ko eh,” pagbibiro pa ni uncle. “Loko ka talaga! Sulitin na natin ‘to, minsan lang.”“Hindi, babalik tayo kapag pwede na ulit kasama yung dalawang bata.” “Sure.” “Siya nga pala, Mahal, hindi pa tayo nakakapag-isip ng pangalan.” “Hindi ko pa kasi alam ang gender, hindi pa ako nakakapagpa-ultrasound eh. Next week pa daw sabi ng OB ko.” “Paano kapag parehas babae, anong gusto mo?” tanong niya sa akin. “Bakit ako tinatanong mo?” “Eh wala akong maisip pa eh.” “Hmm, kung parehas babae gusto ko isunod sa pangalan ko syempre. Katulad ng kay mommy, she is Rosenda and I’m Rosaline so, the twins would be Rose or Rosie, something like that.” “Th
JOAQUIN'S POV: “Junior, umuwi ka na kasi! bakit ka ba nakikipagmatigasan?! hindi mo kaya mag-isa kailangan mo kami!” saad ni kuya Samuel habang kausap ko siya sa kabilang linya. “Anong kailangan? hindi ko kayo kailangan!”“Sinasabi mo lang yan ngayon pero eventually… kakailanganin mo rin kami. Come on, you don't do these rebel shits! Nag-aalala na si mommy sayo at maging kay Rosaline, umuwi nalang kayo sa Hacienda.” “Galit nga sa akin si daddy, paano kami uuwi? tss!” “At galit din si uncle Wade sa ginagawa niyo, ayaw niya ng ganyan para sa anak niya, live-in, kung mahal mo pakasalan mo na! hindi yung tetengga-tengga ka dyan!” “I know! wag mo akong turuan ng gagawin ko, pinaplano ko yan!” “All I’m saying is humingi ka ng tawad kay daddy, admit that you're wrong and everything will be fine. Ganon lang ka-simple.” “Ayoko nga! bakit ba tatawag ka dito, ang aga-aga natutulog pa kami tapos sesrmunan mo lang ako at papabalikin mo ako dyan?! nasa El Nido pa kami, nagbabakasyon!”“And y
ROSALINE'S POV: ONE YEAR LATER…“Joaquin! nasaan ba tayo? sabihin mo naman! nakakatakot parang dagat na ‘to, lumulundo eh, nasa bangka ba tayo?!” tanong ko kay Joaquin habang kapit na kapit sa kanya, naka blindfold kasi ako. Pinilit niya pang isuot sa akin yan dahil ayoko talaga baka kasi mamaya ay kung ano na naman ang gawin niya sa akin. “Yes, nasa dagat tayo.” “Joaquin, tanggalin na natin ‘tong blindfold, ayaw ko na, natatakot ako!” “Relax. Wag kang matakot, nandito lang ako. Almost there.” saad niya habang inaalalayan ako. “Hawak ka sa may handle,” utos niya na ginawa ko naman. Nang tanggalin niya ay blindfold ko ay halos malaglag ang panga ko sa sobrang ganda ng view. “Oh my god! We're on a big yacht Joaquin! This is a big yacht and the sea!” saad ko sa kanya na hindi makapaniwala sa ganda ng view habang siya naman ay nakangiti lang sa akin. “You should have seen your face, you’re full of joy right now.” “Thank you, Mahal! I really need a vacation grabe, ngayon nalang u
JOAQUIN'S POV: Nang magising ako ay si daddy agad ang una kong nakita. “P-pa.” saad ko ngunit tuyot ang lalamunan ko. “Joaquin, gising ka na.” napalingon naman ako sa kaliwa at nakita ko si Rosaline. Alalang-alala ang mukha niya at may hawak siyang isang baso ng tubig. Dahan-dahan akong umupo sa hospital bed. Itinapat naman ni Rosaline sa bibig ko yung baso upang makainom ako. “Kamusta na pakiramdam mo? okay ka na ba? sabi ng doktor, stress at over fatigue daw.” “Okay na ako, sa tingin ko. Dad, ikaw ba? okay ka na?” “Sorry, I lied. I’m not really sick, gusto ko lang na puntahan mo ako, Anak.” saad ni lolo. “Uhm, doon lang po muna ako sa labas. Nandoon po kasi si mommy at daddy.” pagpapaalam naman sa amin ni Rosaline kung kaya't hinayaan ko siya. Ngayon ay kami nalang dalawa ni daddy ang nasa kwarto. Walang hiya, na-confine pala ako dahil sa pesteng lagnat. “Noong kabataan ko Anak, ganyan din naman ako sa mommy mo. Die hard na die hard halos ayaw kong pakawalan dahil ako ang
ROSALINE'S POV: Pagdating namin sa Ospital ay kaagad kaming nagtungo sa private room ni lolo. “Nandoon sila lahat pati sila ate Noreen at Neri. This is bad.” saad sa akin ni Joaquin habang papasok kami ng kwarto. “Joaquin, anak.” nanghihina na sambit ni lolo. Lumapit naman kaagad si Joaquin at hinawakan ang kamay ni lolo. “Pa, ano bang nangyari sayo?” tanong niya ngunit napakunot ang noo ni lolo. “Teka, mainit ka.” “Oo Dad, nilalagnat ako eh pero mas importante ka.” “Mabuti pa magpatingin ka para magamot ‘yang lagnat mo.” “Hindi na, Dad, okay lang ako.” saad ni Joaquin na nagmamatigas pa rin. Lumabas nalang ako at bumili ng paracetamol at mineral water. Pagbalik ko ay nasa labas na sila lahat at nag-uusap-usap kung kaya't sumilip ako sa loob ng kwarto ni lolo at nakita ko si Joaquin na nakahiga na sa sofa na nasa gilid ng kama.Kaagad akong lumapit kay Joaquin. “Mahal oh, bumili akong gamot, inumin mo na ‘to.” “Kanina pa masakit ulo ko, akala ko kung saan ka nagpunta, hind
ROSALINE'S POV: “Hello?! bakit ngayon niyo pa sasabihin sa akin kung kailan nakauwi na ako ng bahay?! hindi ba pwedeng ipagpabukas yan?! talagang bibigyan niyo pa ako ng stress sa gabi?! mga putang ina niyo!” singhal ni Joaquin habang may kausap sa cellphone galit na galit na siya kung kaya't hinawakan ko ang braso niya ngunit hinawi niya lang ako. “Hindi ba nag quality check ‘yang mga yan bago ipadeliver dyan sa fabrication?! hindi niyo chineck ng maigi?! tapos sasabihin niyo sa akin ngayon hindi tama yung sukat mali-mali yung mechanisms na pinadala at mali ako ng bili?!” Pilit kong pinapakalma si Joaquin ngunit ayaw niyang kumalma. Sinisigawan niya talaga yung kausap niya. “Gusto kong makita yan ng personal bukas ah!” iyon lang at pinatay niya na ang tawag. “Mahal… tama na yan, hayaan mo na.” “Hayaan eh ginagago na ako ng mga ‘to eh!” singhal niya at nag dial na naman ng isa pang number. “Hello?! Hello?! ano yung nirereklamo ng foreman ko?! mali daw yung pinadala niyong mecha
ROSALINE'S POV: Simula ng mangyari ang pagbisita na iyon sa amin ni lolo at daddy ay mas inigihan ni Joaquin ang pagtatrabaho niya. May mga kumukuha sa kanyang clients kaya sinasamantala niya basta maganda ang bayad ngunit kapalit ng pagiging abala niya ay ang kawalan namin ng oras sa isa’t-isa. Palagi akong naiiwan sa Penthouse. Naglalaba, naglilinis at nagluluto nang sa gayon ay pag-uwi ni Joaquin ay may pagkain na. Hindi ko akalain na ganito pala kahirap maging housewife and what more having kids pero hindi ako pwedeng sumuko. I know what we want. I know what I want for my babies at ito na iyon. Ang binubuo naming pamilya ni Joaquin. Isang gabi ay malakas ang ulan at nag-aalala na ako kay Joaquin dahil wala pa rin siya. 10:00 pm na ng gabi kung kaya't tinawagan ko na siya pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Nasa kama lang ako at nakaupo lang ngunit hindi na ako mapalagay kung kaya't pilit kong tinatawagan ang cellphone niya ngunit nagri-ring lang ito. Damn it, Joaquin. As
Maya-maya ay dumating naman si Joaquin na halos mataranta at muntik pang madapa papasok ng Penthouse. “Uncle, Daddy! hayaan niyo na nga sabi kami bakit ba kayo nandito?!” singhal niya sa dalawa na inis na inis. “Matigas ka pa rin?! Hindi ko alam kung saan nanggagaling ‘yang ugali mo na yan Junior!” saad naman ni lolo. “Eh kasi naman, bakit niyo ba kami pinapakialaman?! Dad, we’re old enough, we can handle ourselves.” “Yeah, sure, you can handle yourself but what about Rosaline? she's young, she can't do this alone Joaquin, don't be so selfish!” “I'm not selfish, I’m doing this for her, bakit Dad?! akala mo hindi ko kakayanin ng wala ang pera mo?!” “Look Joaquin, this is not about the money. First, you ruined her life and now you're taking her away from me. My only daughter.” saad naman ni daddy. “Ano bang gusto niyong mangyari?! parang hindi tayo nagkakaintindihan dito eh, ikaw Dad, tinakwil mo ako dahil galit ka sa bawal na relasyon namin, tapos ngayon hindi mo naman mapanindi
ROSALINE'S POV: Abala ako habang naglilinis ng bahay nang may biglang kumatok. Si Joaquin siguro iyon, baka may naiwan siya. Nagmadali akong lumapit sa pinto at binuksan iyon ngunit nagulat ako nang tumambad sa harapan ko si daddy at si lolo Joaquin. “Da-daddy? lolo?” saad ko na uutal-utal at halos hindi makapaniwala.Sumilip-silip si lolo Joaquin sa Penthouse. Kaagad ko namang kinuha ang kamay niya at nagmano. “It's a nice place you two have here, Hija.” saad ni lolo. Nakangiti siya at good mood lang habang si daddy naman ay mukhang dismayado pa rin at masama ang loob sa ginawa namin ni Joaquin. “Would you want to invite us inside? Rosaline?” tanong ni daddy. “Sure.” saad ko na niluwagan ang bukas ng pinto para makapasok sila.Luminga-linga na naman si lolo Joaquin sa paligid at maging si daddy. “Not bad for a prodigal son of yours, kuya.” saad ni Daddy habang parehas nilang tinitignan ang Penthouse. “How did you find us here?” tanong ko sa kanilang dalawa. “Connections, Da
ROSALINE'S POV: Kakatapos lang ng check-up ko sa clinic ngunit nagulat ako nang makita ko na nasa labas si Joaquin at hinihintay ako. Bakit? ano kayang nangyari? bakit siya nandito? hindi ba’t may trabaho siya? Nang makalabas ako ay tumayo siya ng maayos at sinalubong ako. Kanina kasi ay nakasandal siya sa kotse niya at nakasimangot. “Mahal, bakit nandito ka? akala ko ba may project kang inaasikaso?” tanong ko kaagad sa kanya. “Get in.” malamig ang mga utos na it n at mababakas sa mga mata niya ang kanina pa’y pagkagalit. Sumunod nalang ako at pumasok na sa kotse. Tahimik siya buong byahe namin ngunit nang makapasok na kami sa elevator ay hindi ko na nakayanan pa kung kaya't tinanong ko na siya. “What happened? Is there something wrong?” “Nothing.” iyon lang ang sinabi niya. “Fine, if there's nothing to worry about then get yourself together!” nainis na ako kung kaya't iyon ang nasabi ko. Hindi ako punching bag na pagbubuntungan niya ng sama ng loob niya kapag badtrip siya.
JOAQUIN'S POV: “Nag enjoy ka ba sa out of town natin?” tanong ko sa kanya nang makauwi na kami sa Penthouse. Nakaupo kami sa couch at magkayakap lang. “Yes, sobrang nag enjoy ako, Mahal, alam mo ba first time ko nag-dagat ulit kasi wala naman akong time mamasyal noon sa States. Na-miss ko mag-beach!” “Sige, uulitin natin ‘to promise ko sayo, mamamasyal tayo ulit pag pwede na. Just focus on your pregnancy right now.” “Promise yan huh.” “Yes, I promise.” saad ko na ngumiti sa kanya, hinaplos niya naman ang pisngi ko. “Ay, Mahal, bukas pala may check-up ako sa OB, doon na rin malalaman yung gender ng babies natin.” “Sige, sasamahan kita, anong oras bukas?” “Uhm, maybe 10 a.m. pero wag na, okay lang, kahit ako nalang mag-isa,” “Huh? Bakit?” “Eh diba bukas yung ocular para doon sa malaking project na sinasabi mo?” “Bukas ba iyon? damn it, nakalimutan ko.” “It's alright. Ako nalang.” “Ihahatid nalang kita doon sa Clinic.” “Sige.” “Balik trabaho na bukas, magiging busy na nam