"L-Liana, anak?" Tawag ni Nanay.
Nakatulala lang ako sa kawalan. Nang gabing iyon, sumugod si Tatay sa mansion ng Salvacion.
"Pupunta tayo sa mansion. Kung hindi ka daw pakakasalan ni Senyorito Caden, si Don Cai na mismo ang gagawa ng paraan para maipakasal kayo."
Yumuko na lang ako.
Magpapakasal kami ng rapist na iyon?!
"Liana. Ano ba ang gusto mo? Ipapakulong na lang natin siya? Sabihin mo anak."
Malungkot ko naman tiningnan si Nanay.
Alam kong hindi papayag si Donya Aira na makukulong ang unico hijo niya. Nag-iisang anak lang si Caden. May mga kapatid siya pero anak ito sa labas.
"H-Hindi na ho kailangan pakasalan ko pa ang d-demonyong iyon!" Nanginginig sa galit na saad ko kay Nanay.
Napabuntonghininga naman si Nanay. "Sige, itutuloy na lang natin ang kaso."
Hindi ko naman maiwasang humagulhol. Alam kong talo na kami. Wala kaming pera o ano mang yaman. Sa panahon ngayon, pera na ang labanan! Baka lalo kaming gipitin ng mga Salvacion. Baka pati ang kaunting aria-arian ni Tatay, kukunin pa nila.
" W-Wala pa rin tayong laban. B-Baka tayo pa ang mababaliktad!" Umiiyak na saad ko
Niyakap naman ako ni Nanay ng mahigpit.
"Patawad anak ko! Patawad kung hindi namin mabigyan ng hustisya ang ginawa sa'yo ni Senyorito Caden!" Umiiyak na saad ni Nanay.
Naintindihan ko naman sila. Mas gustuhin ko na lang manahimik kaysa banggain ang pamilyang Salvacion.
"P-Papakasalan ko na ho siya! K-Kahit mahihirapan ako, basta ligtas kayong dalawa ni Tatay," naghihinagpis na saad ko kay Nanay.
"L-Liana!"
Niyakap ko naman ng mahigpit si Nanay.
"L-Lahat gagawin ko para sa inyo ni Tatay. Balang araw, magbabayad din sila sa atin. Sa ngayon, kakapit muna tayo sa pamilya nila. Pero pinapangako ko, maniningil ako!"
Alam kong sa kabila ng kabaitan ng pamilyang Salvacion, may tinatago rin silang baho. At alam ko, ang pinapakita nila sa Tatay ko ay isang pagkukunwari lamang. Natatakot lang ako na baka mapahamak ang parents ko.
KASALUKUYAN nasa mansion kami. Pormal lang ang mukha ko na kaharap ang mag-asawang Salvacion.
"By the way, Liana. Nasa Manila na si Caden, so dadalhin ka ng driver sa bahay namin doon, at doon na kayo magsama ni Caden. At sabi niya, doon na kayo sa Manila magpapakasal," aniya ni Donya Aira.
Umalma naman si Tatay. "Hindi puwede! Dito ikakasal ang anak ko!"
Hinawakan ko naman ang kamay ni Tatay. Ang mga tauhan ni Don Cai Salvacion ay bigla namang lumapit. Itinaas naman ng Don ang kanang kamay niya at napatigil ang mga tauhan niya.
"Liam, may isang salita ang anak ko. Pakakasalan niya sa Manila si Liana," mahinahong saad ng Don.
Napapikit naman ako.
Lumalabas na ang tunay na ugali ni Don Cai. Oo, kilala siyang napakabait dito sa baryo at buong bayan, pero sa usapang pamilya, naging malupit at nakakatakot na ito. Alam kong pinipigilan niyang ilabas ang katotohanan na ginawa ng anak niya sa akin.
"Bukas ng madaling araw, ihahatid ka ng driver, Liana. So, igayak mo na ang mga gamit mo. And, ayoko na nag-iinarte ka pa diyan!" mataray na saad ni Donya Aira.
Umigting naman ang panga ko.
Tumayo na ang mag-asawang Salvacion at sumenyas ito sa armadong tauhan niya na ihatid kami sa labas.
Parang basura na ang tingin sa amin ngayon. Ni hindi nila naiisip ang matagal na pagseserbisyo ng parents ko sa mansion na ito!
"Kaya na po namin! Hindi na kailangan kaladkarin kami palabas ng mansion!" galit na saad ko sa kanila.
Hawak-hawak ko sa kabilaang kamay ang mga magulang ko.
"Nay, Tay, s-sumama na ho kayo sa akin," umiiyak na saad ko sa kanila.
"H-Hindi puwede anak. Nandito ang kabuhayan natin. At hindi naman kami gagalawin rito ni Don Cai. Kung mahihirapan ka o sasaktan ni Senyorito Caden, umuwi ka dito," mahinang saad ni Tatay.
Hindi ko alam ang magiging buhay ko sa Manila. Hindi ko alam kung ano ang maging buhay ko sa kamay ni Caden.
Ala-una pa lang ng madaling araw, gumayak na ako. Isang malaking bag at bayong ang bitbit ko. Sobrang layo pala talaga. Pagod at puyat na rin ang naramdaman ko.
"Nandito na po tayo, Ma'am," aniya sa akin ng driver.
"S-Salamat po."
Pagbaba ko sa sasakyan may nakaabang na agad sa akin sa gate. Isang matandang babae nasa fifties ang edad.
"Ikaw ba si Liana?" Nakangiting tanong niya sa akin.
"O-Opo."
"Halika na, pumasok na tayo sa loob. Ako pala si Narsing. Tawagin mo na lang ako Manang Narsing," aniya at hinawakan ang kamay ko papasok sa loob.
Namangha naman ako sa ganda ng mansion. Literal na mamahalin ang mga gamit.
"Wala dito si Senyorito Caden. Nasa ibang bansa siya ngayon," saad ni Manang.
Ngumiti lang ako. Kung maaari ayoko talaga pag-uusapan ang demonyong lalaki na iyon.
"Hatid muna kita sa silid mo. Halika," aya sa akin ni manang.
Umakyat kami sa taas. Kung sobrang gandang ng nasa baba, mas lalo sa taas.
"Ito ang silid ni Senyorito Caden at dito naman ang sa'yo. Siguro kung kasal na kayo, baka lilipat ka na sa silid niya," saad ni manang at tinulungan akong ipasok ang mga gamit ko sa silid.
Namangha naman ako sa sobrang ganda ng silid. Parang isang buong bahay lang namin ito sa Samar.
"Ayusin mo muna ang mga gamit mo at bumaba ka pagkatapos. Ipaghahanda kit ng umagahan mo."
"Sige po. Salamat, manang."
Pagkalabas ni Manang Narsing, agad ko naman inayos ang aking mga gamit. After ko ayusin at ilagay lahat sa kabinet ang mga damit ko, mabilisan akong naligo.
Pagbaba ko sa kusina, naabutan ko si manang na naglalagay ng pagkain sa mesa.
"Kumain ka na, hija," saad ni manang at pinaghila pa ako ng upuan.
"Salamat po."
Dahil na rin sa gutom at pagod, naparami ang kain ko. Tuwang-tuwa naman si manang na nakatingin sa akin. After kong kumain ako na ang nagpresinta na maghugas ng pinagkainan ko.
"Hindi ka katulong dito, Liana," aniya ni manang at pilit inaagaw ang plato sa akin.
"Manang, plato lang po ito at hindi po ito mabigat na gawain," natatawang saad ko naman.
"Ang batang ito. Pagkatapos mong maghugas, magpahinga ka na muna," napapailing na saad niya.
Tumango naman ako.
Hindi ko alam kung ano ang plano ni Donya Aira sa akin. Alam kong may masamang balak ito sa akin at dapat maging alerto ako.
Tama si Tatay. Sa mata ng mga tao, mabuting tao ang mga Salvacion. Alam kong napilitan lang sila na ihatid ako dito para makaiwas sa isyu at gulo. Tatakbo kasi ng pagka-Gobernador si Don Cai. Nag-alala rin ako sa parents ko. Baka kung anong gawin ni Don Cai sa parents ko.
Dahil na rin sa pagod, halos hapon na rin ako bumangon. Nahihiyavpa ako kay manang at baka isipin niya o ng ibang mga katulong, paimportante ako. Agad ako nagbihis ng simpleng bestida at bumaba na.
"Mabuti naman nakapagpahinga ka ng maayos," bungad agad ni manang sa akin.
"Nakakahiya nga po eh. Pasensiya na po," nahihiyang saad ko rito.
"Batang ito! Magiging amo ka na rin namin dito. Kaya huwag mo ng isipin iyan."
"P-Po! H-Hindi po. Ibig ko pong sabihin, m-magtatrabaho pa rin po ako dito sa mansion."
Tinapik naman ni manang ang aking balikat.
"Magiging asawa ka na ni Senyorito Caden. Mabuti na nga na magpakasal siya para naman tumino na siya," aniya ni manang.
Hindi na ako umimik. Tumulong na lang ako kay manang magluto ng aming hapunan. Sana nga hindi muna uuwi dito si Caden. Parang natatakot ako na makita ito.
Marami pa kaming napagkuwentuhan ni manang. Nakikinig lang ako sa mga kuwento niya.
"Isang sundalo si Senyorito Caden. Pero mas pinili pa rin niya na tutukan ang mga negosyo niya. Kasosyo rin niya ang kan'yang mga kaibigan."
Napatingin ako bigla kay manang.
Hindi kaya ang mga lalaking kasa-kasama niya sa Samar?
"M-Manang Narsing, ilang taon na si Caden?"
"Trenta'y kuwatro na. Mabait naman ang batang iyon. Ilang taon ka na nga, Liana?"
"Bente tres po."
"Ay ang bata mo pa!"
Ngumiti lang ako kay manang. After namin kumain, tumulong na rin ako magligpit ng pinagkainan namin. Nagpaalam na rin si manang na magpapahinga na ito. Ako naman, lumabas muna at pumunta sa garden. May tatlong guwardiya ang mansion.
"Magandang gabi, Ma'am," bati sa akin ng guwardiya.
Ngumiti naman ako. "Magandang gabi rin po."
Pumunta muna ako sa pool area. Sobrang laki ng pool at napakaganda ang ambiance dito.
Naglakad-lakad naman ako papunta sa likod ng mansion. Maliwanag naman ang mga ilaw rito.
Napatingin naman ako sa isang pinto. Nakabukas pa ito ng kaunti. Parang bodega ito. Lumapit ako rito at sumilip.
Hindi ito bodega. May hagdan ito pababa.
Isa itong underground.
Dahan-dahan kong tinulak ang pinto. Laking tuwa ko naman na bumukas ito. Namangha naman ako sa ganda ng desinyo. Nagpatuloy akong naglalakad pababa.
"Wow!"
Sobrang ganda sa baba. Agad ko naman binuksan ang unang pinto. Nanlalaki naman ang mga mata ko na nakatingin sa mga baril na nakasabit sa dingding. May mahahaba, maiksi at malalaki.
Sobrang dami at halos puno na ang silid na ito. Agad ko naman sinara ang pinto. Napahawak pa ako sa aking dibdib. Huminga muna ako ng malalim. Napatingin naman ako sa pangalawang pinto. Pinihit ko ang seradura at dahan-dahang tinulak.
"God!"
Lalo nanlalaki ang mga mata ko.
Mga ginto?!
Ang dami at halos mga gold bar.
Jusko!
Namamawis na ang buong katawan ko. Sinara ko na agad ang pinto.
Kay Caden ba ito?
May dalawang pinto pa natitira. Kahit kinakabahan ako, hindi ko maiwasan na hindi ito buksan. Sa pangatlong pinto, isang napakagandang silid ito. Halatang panlalaki ang silid.
Baka kay Caden ito.
Agad ko na rin itong sinara at pumunta sa huling pinto. Hindi naman naka-lock ang mga ito. Agad ko rin pinihit ang seradura ng huling pinto.
"Hmmmmmp!"
Napaatras ako bigla dahil nakabungad sa akin ang isang babae. Nakatali ang kamay patalikod. Nakatali rin ang mga paa niya. Ang bibig naman niya ay may packing tape ito.
"God!" Napasambit kong napalakas pa ang aking boses.
"Hmmmmp!" Ungol ng babae na umiiyak ito. Humihingi ito ng tulong.
"P-Paano?! A-Anong gagawin ko?!" natatarantang tanong ko at nilapitan ito.
Panay naman ang tadyak niya na parang may gustong sasabihin.
Nanginginig naman ang buong katawan ko. Gusto ko siyang tulungan pero mas nauna ang takot ko.
Nakatitig naman ako sa luhaang mga mata niya. Bumaba ang mga mata ko sa kan'yang katawan.
Puno ito ng pasa at mapupulang marka. Parang bumalik sa akin ang nangyari rin sa akin. Hindi ko maiwasang umiyak habang nakatingin sa nakakaawang sitwasyon ng babaeng ito. Lalo akong nanlumo na nakatingin sa kan'yang hita na may natuyong dugo ito.
"G-Ginahasa ka rin b-ba?" Umiiyak na tanong ko rito.
"Hmmmp!!" Tumatangong sagot niya na pilit pumipiglas.
"Jusko!" Humagulhol naman ako.
Mga demonyo!
"S-Sino ang may g-gawa?! S-Si Caden ba?!'
Hindi ito umimik. Pulang-pula ang kan'yang mukha at ang kan'yang mga mata. Napatangin naman ako sa maliit na bote nasa tagiliran ng babae.
Nanginginig ang kamay ko na dinampot ito.
"Gamma-hydroxybutyrate?"
Napatakip naman ako sa aking bibig habang sinasambit ang maliit na bote na hawak-hawak ko.
"G-Ginamitan ka ng d-droga?!"
"Hmmmp……!" Ungol niya na malakas.
Tumayo naman ako. "B-Babalikam kita, okay? H-Hihingi ako ng tulong kay manang!" saad ko rito pero lalo itong umiyak na parang nagmamakaawa na huwag ito iwan.
"B-Babalik ako," saad ko naman at dali-daling umalis.
Halos madadapa ako palabas. Napatigil ako bigla dahil sa limang lalaki na nakaharang sa pinto.
Hindi!
Napaatras ako bigla.
Si Caden at ang mga kasama niya na nakita ko rin sa Samar. Sila rin ang nakita ko na may ginawa sa babaeng noong gabing iyon.
"H-Huwag," mahinang saad ko na nagmamakaawa.
Lumapit naman si Caden sa akin.
"You are always in trouble," aniya at inayos pa ang buhok ko.
"M-Maawa ka," umiiyak na pakiusap ko sa kan'ya.
Mauulit ba ulit ang nangyari sa akin noong gabing iyon?
"I hate people who come in without my permission," paos na boses na saad niya at bumaba ang kan'yang ulo sa aking leeg at dinilaan ito.
Kinagat ko naman ang ibabang labi ko at pinipigilan ang pag-iyak.
"H-Huwag, p-please."
"TAMARI."LUMIPAS ang buwan, lagi na lang ako nakatulala. Gusto umiyak, pero wala na along luha na mailabas."Tam?"Napalingon naman ako. Si Dra. Hyde. Simula na dumating ako sa Lugar na ito, siya na ang kasa-kasama ko."Gusto mo ba mamasyal tayo? May ipapakita ako sa'yo," aniya na malapad ang ngiti.Napabuntonghininga naman ako. "Ayoko. Gusto ko lang mapag-isa."Hinawakan naman ni Dra. ang kamay ko."Gusto mo ba gumanti?"Nabigla naman ako sa sinabi ni Dra. Hyde."W-What do you mean po?""I'm your mom, close friend. Masakit din sa akin ang nangyari sa kanila. I'm gonna train you, Tamari. Papasok ka bilang assassin'. Pagdating ng panahon, magagamit mo ito.""A-Assassin? Ano po ibig niyo sabihin?"Ngumiti ito."Balang araw, maintindihan mo rin ito. Magtiwala ka lang sa akin.""Baka hindi ko kaya-."" Kaya mo! Kayanin mo! Ipaghiganti mo ang iyong pamilya!"Kinuyom ko naman ang aking kamay. "PAYAG na ako!""Pero kailangan mo mangpanggap na wala kang naalala, Tamari. Kailangan protektah
EPILOGUE…….EVERYTHING WAS PERFECT. COMPLETE FAMILY. WEALTH. OF COURSE, THE LOVE AND CONTENTMENT."MOM?"Nakatitig lang ako kay mommy habang nag-iimpake ito."Aalis si mommy. Nandito naman si daddy," nakangiting saad ni mommy sa akin.Malungkot naman ako nakatingin rito habang naglalagay ng mga gamit sa kanyang bag.Sa edad ko na sampung taon, naintindihan ko na ang klaseng trabaho nila mommy at daddy.Isang magiting na sundalo ang parents ko. At sobrang proud kami ni Kuya Jarred."Kailan po ang balik niyo?" Mangiyak-ngiyak na tanong ko naman."Ahmm..maybe next week. Don't worry, after this, magbabakasyon tayo."Nangislap naman ang mga mata ko."Mommy?"Napatingin naman ako kay Kuya Jarred. Panay ang kusot ng kanyang mga mata. Bagong gising lang kasi ito."Hi, my prince. How's your sleep?" Tanong ni mommy.Lumapit naman si kuya at pinitik ako sa noo."Mommy, ohh!" Nakasimangot naman ako."Tamari Faye, you're so bad. Nilagyan mo ng palaka ang ilalim ng unan ko!" Napahagikhik naman
SHEREESOBRANG SAKIT. Hindi ko alam kung paano mawala ang sakit na nararamdaman ko. Ang hirap tanggapin, wala na ang matalik kong kaibigan."What happened?" Mahina pero diin na tanong ko sa tauhan ni Tamari.After five months na nakaratay ako, ngayon ko lang nakausap ang lalaking malapit kay Tamari. Si Lieutenant Deon Monteverde."Sobrang bilis ng pangyayari, Gemini. Pauwi na kami, pero may sniper sa paligid namin. Ang nakapagtataka, si Captain lang ang binaril," aniya ni Deon na nakatingin ito sa malayo.Kasalukuyan na pinuntahan ko ang binata sa resthouse nito. Hindi ko ito mahagilal noong nakaraang buwan. Mabuti na lang, itinuro sa akin ni Hepe na nandito ito sa Tagaytay na pag-aari rin ng binata ang resthouse na ito.Napabuntonghininga naman ako."Nalaman niyo ba kung sino Ange may kagagawan?" Diin na tanong ko Kay Deon.Humarap naman ito sa akin. "No. Hanggang ngayon, Wala pa resulta ang imbestigasyon."Mahina naman ako napatawa. At masama na tiningnan si Deon."Impossible! Alam
JARRED"VERY GOOD, DR.VICENTE," nakangising saad ni Mayor sa akin.Huminga naman ako ng malalim. "Ginagawa ko lang ito dahil sa kaligtasan ng mga tao dito, mayor."Humalakhak naman ito. "I don't care, Vicente. May making transaction ako sa isang linggo. Kailangan matapos ito within 5 days. Kailangan kita sa laboratory ko." Seryosong turan niya sa akin.Umigting naman ang panga ko. "Tao ang ginagamot ko, hindi sa paggawa ng droga, mayor!""Well, I don't care. Alalahanin mo, nandito rin ang iyong mag-ina." Ngising aso na saad niya."Kung sasabog ang lugar na ito, kasama rin ang pamilya mo, Mayor." Sagot ko naman.Humalakhak naman ito ng pagkalakas."They are not my real family. So, I don't care!"Sunod-sunod naman ang paghinga ko ng malalim."Payag na Ako, Mayor. But after this, tuparin mo ang ipinangako mo sa akin!"Nakangisi naman ito. "Sure. May isang salita ako, Dr.Vicente." Kung tutuusin kaya ko naman patumbahin ng walang kahirap-hirap si mayor, pero hindi muna sa ngayon. I need t
PISCES"Papunta na kami," aniya ng kausap ko sa kabilang linya."Good. Ako na bahala kay mayor. Ang misyon niyo, ligpitin ang mga kasamahan niya.""Got it, captain!"Isa sa dahilan kung bakit nagtatrabaho si Jarred kay Mayor, dahil gusto niya isalba ang lugar na ito. Marami ang mapapahamak na mga inosenteng tao na nakatira dito.Hawak ni mayor ang mga otoridad dito. Siguro nga hindi pa nakarating ito sa taas ang pinanggagawa ni Mayor. Iba talaga ang nagagawa ng pera.NAPATINGALA ako sa kalawakan. Huminga ng malalim at ipinikit saglit ang aking mga mata."Nice place," Turan ko at nagpatuloy na sa paglalakad.Itinuro sa akin ni Gemini ang lugar kung saan nakatago ang isang warehouse. Posible doon daw pumunta si Jarred. Magubat pero balewala naman sa akin. Mas malala pa nga ito sa ibang bansa na naging misyon ko.May binigay naman na skitch sa akin si Gemini kaya mabilis lang ako nakarating. Hindi naman kalakihan ang warehouse na ito. May mga armadong lalaki na nakabantay sa paligid. Ku
PISCES/ TAMARI GREEN"THE hell!" Inis na sinipa ko ang lata na nakaharang sa dinadaanan ko.Nasa misyon ako ngayon. Bumalik lang ako sa Pilipinas dahil may bago akong tinatrabaho. Isa akong secret agent sa ELITE EAGLE ORGANIZATION. Kahit saan-saang bansa lang ako naka-destino.Pinabalik ako sa Pilipinas dahil isa sa mga wanted na drug lord ang pinapahuli ng Presidente. Dead or alive, iyan ang utos sa taas.Kasalukuyan nasa squatter area kami sa Tondo, Manila. Dito kasalukuyang nagtatago si Joem Trellis, ang wanted na drug lord at criminal sa Pilipinas."Matinik talaga iyang si Trellis. Hanggang ngayon, hirap hulihin!" Aniya sa akin ng isang pulis.Napabuntonghininga naman ako."Really? Or sadyang makupad lang kayo," nakataas na kilay na sagot rito.Naningkit naman ang mga mata niya na napatingin sa akin."Ano? Parang sinasabi mo na wala kaming binatbat. Sino ka ba? Di ba, agent ka lang?"Mahina naman ako napatawa. "Lang? By the way, I'm Captain Tamari Green. I'm working as a secret a