Share

CHAPTER TEN

Tinitigan niya ang album na inabot ni Lita sa kanya pagpasok nila sa loob ng library. Ibinaba niya sa carpet na sahig si Greene at hinayaang magpaikot-ikot doon. May inabot siyang mga laruan dito na safe naman hawakan at paglaruan ni Greene.

Umupo siya sa leather settee na naroroon at binuklat ang album. Tumambad sa kanya ang mga lumang litrato nila noon. May kuha pa noong namasyal sila sa Maynila dahil unang anniversary nila. Mga masasayang memories nila na nabaon na sa limot at panahon.

Hindi niya akalain na na-ipon nito ang mga iyon. Iniwan sila ni Manang Lita sa loob ng library, nagpaalam kasi ito na maraming aasikasuhin sa kusina kaya hinayaan na lamang niya. Hinayaan naman niyang maglaro lamang si Greene. Matapos bisitahin ang album, gumawi naman ang mga mata niya sa hilera ng mga libro na naroroon. Mahilig siyang magbasa kaya sa tuwing pupunta siya sa library noon, ay sinasamahan siya ni Greg para bitbitin nito ang mga hiniram niya

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status