Share

CHAPTER EIGHTEEN

The maid helped her to put their luggages at the back compartment of their car. Konti lamang ang mga gamit na iyon kaya mabilis lamang naihanda ang lahat at nailagay sa sasakyan.

Bumalik siya sa loob ng bahay upang i-check ang iba pa nilang gamit. Parating na rin si Greg, dahil tumawag sa kanya kanina na maghanda na daw siya. Pabalik na kasi sila sa Isla ngayong hapon. Hindi pa niya nababanggit kay Greg ang sasakyang nakita niya kaninang tanghali sa harapan ng bahay nila. Pero magpahanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin siya ng kakaibang kaba na hindi niya alam kung para saan at bakit?

Idagdag pa na hindi pa tumatawag ang Mommy niya kung nakauwi na ba ito mula pa kahapon nang umalis ito ng bahay nila pagkatapos magpananghalian. Inisip na lang niya na baka nakauwi na ito pero hindi lang makatiyempo na tawagan siya dahil sa Daddy niya.  

"Ate narito po si Attorney," ani ni Patty habang inaayos niya ang baby bag ni Greene.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status