Share

CHAPTER 2: ANG BEAST SUMMONER

"Mag ingat ka, makamandag ang ahas na yan." Isang malakas na sigaw ang nagpagulat sakin, isang malaking ahas ang papunta sakin kaya naistatwa ako sa kinatatayuan ko.

Nakakita na ako ng ahas noong tinitrain ako ni yaya Sally sa pakikipaglaban, ngunit dahil alam kong ilusyon lang yun kaya hindi ako natatakot. Isanag Illusionist si yaya, kaya niyang gumawa ng mga ilusyon na para sa ibang tao na ginagamitan niya nito ay para bang nasa reyalidad parin sila ngunit dahil alam ko na training lang iyon sa kin kaya hindi na ako epektado sa mga ilusuong ginagawa niya para itrain ako.

Malapit na ang ahas sa kinalalagyan ko. Alam ko na hindi na ito ilusyon kaya natatakot ako sa pwedeng mangyari, nablangko ang isip ko kaya hindi ko alam ang gagawin. Palapit ng palapit ang ahas sakin ngunit nagulat ako ng may biglang bumagsak sa harap ko, nakatalikod siya sakin at kaharap niya ang ahas.

Ikinumpas niya ang kanang kamay niya at biglang may lumabas na isang malaking ibon, isang agila, lumipipad ito sa ere habang inaatake ang ahas, ang ahas naman ang halatang nahihirapan dahil mas mabilis at malakas ang agila sa kanya.

Nagulat ako sa nasaksihan ng biglang dinagit ng ibon ang ahas at nilipad ito ng napakataas at pagdating doon ay binitawan. Nabalik ako sa wisyo kaya gumawa ako ng isang barrier at sinama ko na ang taong nasa harapan ko na kanina pa nag eenjoy sa nangyayari. Kaya noong bumagsak ang ahas ay safe kami sa impact ng bumagsak na malaking ahas.

Napatingin ang tao sakin, isang lalaki na may maamong mukha, may pagkapinkish na inaagaw ng kulay puti ang buhok niya, napangiti ito nang humarap sakin.

"Isa ka rin palang magician, Agile balik na." Saad niya sakin tinutukoy niya yung pananggalang na ginawa ko, iwinasiwas niya yung kamay niya at pinabalik yung agila. Ang galing ng kakayahan niya.

"Oo, isa rin akong magician. Ang galing ng kakayahan mo." - kaswal kong sagot

"Ako nga pala si Kyer, isa akong Beast Summoner." Pagpapakilala niya habang nakangiti.

Kung pagbabasihan ang personality niya masasabi kong masayahin siyang tao at mukha ring mabait.

"Shun, ako si Shun. Isa akong Barrier Builder." Sagot ko sa kanya, ngumiti ako ng konti hindi kasi ako masyadong expose sa pakikipagsocialize kaya medyo naiilang akong kausap siya.

"Ganon ba? masaya akong makilala ka. Teka lang ha, tatapuson ko lang tong ginagawa ko." Sagot niya pagkatapos humarap siya doon sa malaking ahas na hinang hina na.

Itinaas niya ang kamay niya at itinapat sa ahas, umilaw ang kamay niya at may lumabas na kapangyarihan sa kamay niya at sa tingin ko balak niyang gamutin ang ahas kaya nagtaka ako sa ginagawa niya kasi pinapagaling niya ang ahas na siya mismo ang nanakit.

"Bakit mo ginagamot ang ahas na ikaw mismo ang nanakit?" Nagtataka kong tanong.

"Kasi gusto kong maging isa sa mga beast ang ahas nato at para magawa yun kinailangan ko muna siyang matalo, isang kasunduan kasi yun sa pagitan ng summoner at ng beast, at kung gusto mo siyang maging beast ay kailangan mo siyang labanan at matalo, at para maging maayos ang proseso ay kailangan ko siyang gamotin para hindi ako mahirapan sa pagpapaamo sa kanya, ang healing process kasi ay nag-uugnay sa beast at summoner. Nagdedevelop ito ng bond na syang magiging connection ng beast sa kanyang summoner." Mahabang paliwanag niya, napatango nalang ako.

Ikinumpas niya ang kamay niya at biglang naglaho ang ahas sa harapan namin.

Kung ganon nangungulekta siya ng mga beast, para naman kaya saan yun?

"Kung ganon, para saan ba ang pangungulekta mo ng malalakas na beast? nagtataka lang kasi ako" Tanong ko sa kanya.

"Naghahanda kasi ako para sa darating na pasukan. Magbubukas na kasi bukas ang isa sa paaralan ng magika dito sa kaharian ng Ashanya, ang Shanya School of Magic." Sagot niya sakin.

Kung ganon may balak pala siyang mag aral sa Hanya para hanasin pa ng husto ang kakayahan niya. Narinig ko na ang tungkol sa dalawang paaralan ng magika dito sa Ashanya, nabanggit na ito ni Yaya dati.

Shanya ang pangalan ng isang paaralan at Ashan naman ang isa, sa mga paaralang ito hinahasa ang kakayahan ng mga kabataan sa paggamit ng kanilang mga sariling mahika.

Ang mga paaralang ito ay kontrolado ng Palasyo. Itinayo ang dalawang paaralan para sanayin ang mga taga Ashanya sa paggamit ng kanilang mahika para hindi madaling masakop ang lupain na ito.

Nakwento rin ni yaya ang nangyari bago naging hari ang ama ko, sinalakay daw ng mga Yuminian ang Ashanya at maraming Ashanian ang namatay. Ngunit dahil daw isang quadruple elementalist si ama ay natalo nila ang mga Yuminian at sa tulong na rin daw ng Golden Blossom of the Pure Heart na taglay ng kasalukuyang reyna.

"Kung ganon pala nagpapalakas ka para makapasa sa pamantayan ng Shanya at makapasok doon?" - tanong ko sa kanya.

"Oo, tama ka nga. Pareho tayo, diba doon karin papunta kaya nga marami kang dalang gamit?" - sagot niya na ikinagulat ko.

Naisip ko bigla ang sinabi niya, wala nga pala akong tiyak na pupuntahan kasi ppinalayas ako sa palasyo.

Wala namang may nakakaalam na anak ako ng hari at reyna ng Ashanya kaya aminado akong hindi malalaman ng ina at ama na nandoon lang ako sa paaralan ng Hanya pagnagkataon.

"Tama ka nga, bakit di nalang kaya tayo magkasamang pumunta don." Nagpatianod nalang ako sa sitwasyon tutal wala naman akong alam na mapupuntahan.

Pagabi na at kinailangan na naming lumabas sa kagubatan, nilakad namin ang masuok na daan palabas.

Habang nilalakbay namin ang daan ay naisip ko kung bakit di siya nagsummon ng beast na pwede naming sakyan palabas medyo malayo layo pa kasi labasan. Pero hindi nako nag abala pang magtanong kasi halatang mas gusto niyang maglakad, patalon talon kasi siya at sumisipol sipol pa. Nakadating kami sa labas na medyo madilim na.

"Pagabi na, kaya dito na muna tayo magpalipas ng gabi. Safe narin dito kasi nasa labas narin naman tayo ng gubat. Teka ka lang ha, gagawa lang ako ng apoy." Sabi niya at nagsimula na siyang gumawa ng apoy.

....

Nakaupo kami pareho sa dalawang puno na nakatayo sa labas ng gubat. Napakatahimik ng paligid at mga huni lang ng hayop ang maririnig.

"Saang bayan ka nga pala galing?" Tanong niya pambasag siguro sa katahimikan.

Nag-isip ako ng lugar na pwedeng isagot sa kanya, hindi kasi pwedeng sabihin ko na galing ako sa palasyo ng Ashanya. Tama ang bayan ni Yaya Sally.

"Sa bayan ng Talya." Maikling sagot ko sa kanya

"Diba malapit yan sa Ashanya Palace, nakapunta kana ba sa palasyo?" May pagka-excited na tuno niyang tanong sakin.

"Ah! malapit pala yan dun, hindi pa eh." Pagmaang-maangan kong sagot.

Hindi ko inaasahan na alam niya pala ang bayan ng Talya. Kailangan kong ibahin ang topiko namin, kapag naalala ko kasi ang palasyo lalo lang kumikirot ang puso.

"Ikaw ba? san bayan ka naman?" Tanong ko rin sa kanya.

"Sa Teros Valley ako nanggaling, nasa kabilang bahagi yun ng lupain ng Ashanya. Nanghihinayang nga lang ako kasi lahat ng kaibigan ko sa Teros ay sa paaralan ng Ashan papasok. Mas nauna kasing nagbukas yung Ashan kaysa Shanya kaya doon namin binalak pumasok, kaso hindi ako nakapasa sa pamantayan ng Ashan. Malalakas kasi ang kaibigan ko kaya nakapasa sila. Tanyag kasi ang Ashan sa pagkakaroon ng malalakas na magician, Taon - taon ay nagkakaroon ng paligsahan ang dalawang paaralan sa Ashanya at ni minsan hindi pa natalo sa paligsahan ang Ashan." Mahabang kwento niya, patango tango ako habanag nakikinig sa mga sinasabi niya.

Limitado lang ang alam ko tungkol sa dalawang paaralan ng magika sa Ashanya kaya wala akong masabi tungkol sa mga yon.

"Sinasadya talaga ng Ashan na magbukas ng mas maaga kaysa sa Hanya para mapunta lahat ng malalakas na magician sa paaralan nila at ang mahihina ay mapunta sa Shanya." Malungkot niyang saad.

Sa nasaksihan ko sa kakayahan niya masasabi kong isa siyang malakas na magician. Ibig sabihin lang non na mas malalakas pa ang mga nakapasok sa Ashan.

Sa mga naikwento ni yaya, lahat daw ng naging hari at naging reyna ay sa Ashan pumasok. Doon din pumapasok ang kapatid kong prinsesa. Magkalayo ang dalawang paaralan yun ang sabi ni yaya, kaya hindi ako nag atubiling magdesisyon na sumama kay Kyer sa Shanya kasi alam kong wala nang nakakakilala sakin don.

Hindi ko alam ang mga paligsahan sa pagitan ng dalawang paaralan kaya hindi ko naisip na pwede parin kaming magkita ng kapatid ko doon, pero sa kalagayan ng prinsesa sigurado akong hindi siya makakasali sa paligsahan.

"Magkaibigan na tayo mula ngayon, ikaw ang unang magiging kaibigan ko sa Shanya, ok ba sayo?" Natigil ako sa pag iisip sa mga sinabi niya, wala akong maisagot sa kanya, unang beses palang kasing may nag alok sakin para maging kaibigan.

"Ayaw mo ba?" Tanong niya nang wala siyang natanggap na sagot mula sakin.

Sumimangot siya habang nakatingin sakin. Hindi! gusto ko. Sabi ko sa isip ko.

"Unang beses ko palang kasing magkaroon ng kaibigan." Sagot ko sa kanya napangiti siya sa sinabi ko pero biglang nagtatakang tumingin pagkatapos kong sabihin ang huling pangungusap.

"huh? masyado ka sigurong nagkukulong sa loob ng bahay o kaya naman tutok ka sa pag iensayo. panghuhula niya sa hindi ko pagkakaroon ng kaibigan." Umiwas ako ng tingin.

Nalungkot ako bigla nang maalala na buong buhay ko ay nakatago lamang ako sa isang silid.

"Tutok kasi ako sa pag iensayo sa paggamit ng pana." Iyon nalang ang denahilan ko.

Totoo naman kasi yun.

"Kung ganon magaling ka pala sa pagpana, sa espada lang kasi ako magaling." Natutuwa niyang sabi pagkatapos ay kumulo ang tyan niya, senyales na gutom na siya maging ako rin.

Naalala ko bigla na may dala pala akong tinapay kaya kinuha ko iyon at binigyan siya, tinanggap niya iyon at nagpasalamat.

Pagkatapos kumain ay nakaramdam kami ng antok kaya gumawa ako ng isang barrier na magproprotekta samin habang natutulog.

"Ano ang tawag sa barrier na ginawa mo?" Tanong sakon ng ni Kyer

"Tinatawag ang barrier na ito na Anti Seize Barrier, ang pananggalang na ito pwedeng gamitin habang tulog ang isa tao, walang sinuman ang makakapasok at makakasira nito maliban nalang kung masyadong malakas ang isang magician na balak sirain ang barrier na ito." Mahabang paliwanag ko sa kanya.

"Wow, haba ng sinabi mo. Mabuti siguro tungkol sa Barrier ang pag usapan natin sa susunod humahaba kasi ang sagot mo eh." Natutuwang may halong biro na sabi niya.

"Marami kasi akong alam tungkol dun eh. Sige ah, matulog na tayo, inaantok na ako eh." Pagputol ko sa usapan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status