Share

CHAPTER 4: UNANG ARAW NG PAGSASANAY

"Sige kuya Shun." maikling sagot niya.

.....

Sa loob ng dorm..

Kumpleto ang loob ng dorm, may kusina, sala, banyo, lutuan at isang kwarto na mayroong dalawang kama. Sa tingin ko isahang kwarto lang bawat dorm kasi separate naman yung dorm ng babae sa lalaki at nilagyan lang ng dalawang kama para magkaroon naman ng privacy yung isa't isa.

Nasa dorm 25 lang si Kyer, nag usap kasi kami kanina bago nagpunta sa sariling naming dorm para makapag ayos ng gamit, isang Mind Informer ang kasama niya sa dorm. Ang kakayahan ng isang Mind Informer ay kaya niyang magpaabot ng mensahe sa isang tao kahit na nasa malayo ito gamit lamang ang utak niya. Isa itong magandang kakayahan na pandepensa.

Bukas na ang simula ng pagsasanay. May tatlong bahagi ng pagsasanay para sa defence at offence team na first year sa Shanya. Una ay ang Power Development, dito tinuturuan ang mga estudyante kung paano nila ma-i-enhance at makokontrol ang kanilang kapangyarihan. Ikalawa ay ang Depence Strategy Enhancement, para ito sa mga pangdepensang pangkat, Offence Strategy Enhancement naman ang para sa offence team, sa pagsasanay nato tinuturuan kung paano maging wais ang mga estudyante sa labanan, ang pagkakaroon ng istratehiya sa laban ay isang paraan para manalo. At ang pangatlo ay ang Weapon Training, dito tinuturuan ang mga estudyante sa paghawak ng iba't ibang s*****a.

Nalaman ko ang ng yun dahil naikwento sakin ni Lesther. Marami na siyang alam kahit bata pa siya, ang kuya niya raw kasi ang nagsabi sa kanya, nasa ikatlong taon na raw ang kuya niya dito sa Shanya. Natutulog na siya ngayon, inantok kasi pagkatapos naming kumain. Di kalaunan ay dinalaw narin ako ng antok kaya napagdesisyunan ko na ring matulog.

Kinabukasan..

Nagising ako sa ingay ng Voice Amplifier na nakalagay sa gitna ng paaralan. Paaran ito para gisingin ang mga estudyante sa umaga para makahanda sila para sa pagsasanay, ang unang ingay ay para gisingin ang mga estudyante at ang pangalawa ay senyales na kailangan nang magsipuntahan ang mga estudyante sa kanya kanya nitong designated spot.

Napansin kung natutulog parin si Lesther at mukhang hindi siya nagising sa ingay sa labas kaya nilapitan ko siya at ginising para makapag-ayos na rin siya tulad ko.

Matapos makapaghanda at makakain ay lumabas na kami ng dorm suot ang unipormeng prinovide nang paaralan, magkapareho ang desenyo ng uniform ni Lesther at nang sakin.

Kulay asul na polo na nirebitihan ng kulay puting tela sa dulo ng balikat at sa pinakailalim na bahagi ng polo at ganun din ang kulay ng kwelyo nito na tinernuhan ng puting pantalon at puting sapatos na tinakpan ng bahagya ang puting pantalon dahil medyo mataas ito.

Mapapansin din ang badge ng Shanya sa kaliwang bahagi ng polo at sa kanang bahagi ng balikat nito ay may isang pang badge na hugis kalasag o shiled na nangangahulugang nabibilang sa defence team.

"Shun, sabay na tayong pumunta sa field." Narinig kong sigaw sa likuran namin ni Lesther.

Nilingon ko ito at nakita ko si Kyer na kasama ang ka dorm nito na si Dino yung Mind Informer. Nagkakilala kami kahapon, pinakilala siya ni Kyer, at kilala na rin nila si Lesther kasi pinakilala ko rin sa kanila.

Nasa tabi na namin sila, pareho lang yung uniform namin na nasa defence at yung uniporme na suot ni Kyer , yung badge sa may kanang balikat lang yung naiba, hugis espada kasi yung sa kanya, nagpapatunay na nasa offence team siya.

"Lesther? napansin ko ang bata pa ng mukha mo kumpara samin?" Narinig kong tanong ni Dino kay Lesther.

"Ilan taon kana pa?" Dagdag niya pang tanong.

"15 na po ako kuya." Sagot naman sa kanya ni Lesther.

Tiningnan ko si Dino, napansin kong tingin ng tingin siya kay Lesther. Kung babae lang to si Dino mapagkakamalan kong may gusto to kay Lesther, iba kasi ang tingin niya dito. Kung titingnan hindi naman siya yung tipo na magkakagusto sa pareho niyang lalaki.

May itsura din naman si Dino at mukha pang habulin ng mga babae. Si Lesther naman ay napakainosenti at may maamong mukha. Napakagwapo niya rin, pero mas bagay siyang tawaging cute na binatilyo. Tagaleeg lang sya namin, hindi kasi nagkakalayo yung taas naming tatlo.

"Tara na, pumunta na tayong field." Biglang sabi ni Kyer.

"Tara." Sabat naman ni Dino.

Nauna nang maglakad si Kyer, sumunod naman si Lesther ngunit napatigil ito nang biglang syang akbayan ni Dino pero nagpatuloy din ito agad at hinayaan nalang na nakaakbay sa kanya si Dino. Sumunod naman ako sa kanila sa likuran at naririnig ko yung mga usapan nila.

"Sa tingin ko Lesther dapat talagang maging close tayo." Si Dino

"Bakit naman kuya?" Si Lesther

"Pareho tayong gwapo eh." Si Dino

"Gwapo din naman si Kuya Kyer at Kuya Shun eh." Si Lesther naman

"Mas gwapo naman ako sa kanila Lesther." Si Dino.

Lihim naman akong natawa ng marinig yung pinag-uusapan nila, sa tingin ko talaga kakaiba ang kinikilos ni Dino. Isinawalang bahala ko nalang yun.

Nakarating na kami sa field, marami rami narin yung mga nagkalat na estudyante sa paligid. Di naglaon dumating na yung propesor namin sa Power Improvement, nagtipon na kaming nasa Defence Team at ganun din ang Offence Team, dumating na rin kasi yung propesor nila sa parehong pagsasanay.

Pumunta na kami sa spot kung saan kami magsasanay. Nakahiwalay kami sa Offence Team, nasa 50 ang bilang namin na nasa Defence at nasa 40 naman yung sa offence.

Pinaline-up na kami ni Ser Liviton, ang guro namin sa Power Emprovement. Sa huli na ako pumwesto habang si Dino at Lesther ay medyo nasa unahan banda at talagang magkatabi talaga sila, nagdududa na talaga ako sa kinokilos ni Dino.

Pinaupo kami ni Ser, yung upong pang yoga, sinabi niyang kailangan daw namin magpukos at pakiramdaman ang enerhiya sa loob ng aming katawan.

Ang pakikipag-ugnayan daw kasi sa kapangyarihan namin ay malkaking tulong upang mas maepektibo ang paggamit namin rito. Sa totoo lang hindi ko na kailangan ang ganitong pagsasanay dating limang taon palang ako ay nagsasanay na ako pero sinunod ko nalang ang sinabi niya para narin hindi ako mapagsabihan.

Natapos ang oras para sa una naming pagsasanay na ganon lang ang ginawa. Nagpunta naman kami sa sunod naming pagsasanay, ang Depence Strategy Enhancement. Mga third year naman kasi ang papalit don sa pwesto namin kanina.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad nang makasalubong namin ang mga nasa third year na papunta sa pinanggalingan namin. Mga na Offence Team sila dahil sa badge na espada sa balikat ng polo nila. Napansin kong yung mga babae kong kapangkat ay parang nagpapacute don sa limang third year na sabay na naglalakad.

"Ang mga elemental user, ang ha-hot nila talaga mga sis." Narinig kong sabi nong isang babae

"Oo nga, ayieee! kakakilig mga sis." Sabat naman nung isa.

"Lalo na si Leo, ang quadruple elemental user. Ang gwapo niya sis." Sabat pa nung isa.

Nagulat ako sa narinig ko, ang akala ko lasi nasa Ashan ang Quadruple Elementalist kasi doon galing lahat ng mga may kakayahan sa paggamit sa apat na elemento. Napalingon tuloy ako dahil nagtaka ako kon sino sa limang yun ang nakatakdang susunod na hari.

Tamang tama na lumingon din ang isa sa kanila, at nagkatingin kami at sabay ding umiwas. Hindi ko matukoy kon sino sa kanila pero kailangan na umiwas ako sa kanila dahil siguradong konektado sila sa palasyo dahil alam ko na pinag uusapan na ang tungkol sa kasal ng susunod na hari at ng kapatid ko.

Tumuloy na kami sa pupuntahan namin kahit na patuloy parin sa pag uusap yung mga babae tungkol doon sa lima. Sumabay nalang ako kina Dino at Lesther na halatang kinalimutan ako.

.....

"Shun?" Sabi nang tao sa gilid ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status