/ Fantasy / UNKNOWN PRINCE OF ASHANYA (BXB) / CHAPTER 3: PAGPASOK SA SHANYA

공유

CHAPTER 3: PAGPASOK SA SHANYA

작가: renzbel23
last update 최신 업데이트: 2022-04-05 20:59:19

"Marami kasi akong alam tungkol dun eh. Sige ah, matulog na tayo, inaantok na ako eh." Pagputol ko sa usapan.

Kinabukasan....

Nagising ako tanaw ang magandang paligid, nasa medyo mataas na parte kasi kami na lugar at makikita ang magandang tanawin sa baba. May mga kabahayan sa baba na medyo malayo layo ang pagitan sa isa't isa at makikita talaga na maayos ang samahan ng mga tao dito sa bayang ito. Napakalinis kasi ng paligid at napakapayapa tingnan.

"Napakapayapa talaga ng bayan ng Seran. Tara na, nasa dulo ng bayang ito ang paaralan ng Shanya." Sabi ni Kyer.

Napansin niya rin pala ang kagandahan ng bayan nato at Seran pala ang tawag dito. Marami ng talaga akong hindi alam sa Ashanya. Binuhat niya na ang mga dala niyang gamit at naunang maglakad, natawa nalang ako ng bigla siyang napaatras ng bahagya dahil sa harang na inilagay ko kagabi, hindi ko pa kasi yun natatanggal.

"Pasensiya ka na, nakalimutan kong tanggalin ang harang." Sabi ko sa kanya habang natatawa ng kaunti. Tinanggal ko na ang Barrier na ginawa ko at nagsimula na kaming maglakad.

"Okay lang yun, haha! Marunong karin palang tumawa, masyado ka kasing seryoso mula kahapon eh." Sagot niya naman at ngulat naman ako dun sa sinabi niya.

Hindi na ako sumagot at nginitian ko nalang siya. Hindi ako nakaramdam ng saya nong nandon pa ako sa palasyo kaya siguro masyado akong seryoso tingnan. Pero ngayon sa maliit na bagay lang nagagawa ko nang tumawa.

Binalot ako ng kalungkutan noong nandon pa ako sa palasyo at ngayong nasa labas na ako sa tingin ko ay may karapatan rin akong maging masaya. Habang nilalakbay namin ang daan papunta sa Shanya ay sinasabayan rin ito ng kwento ni Kyer. Marami siyang sinabi sakin tungkol sa Hanya. Libre daw doon ang pagkain at tirahan at alam ko na rin yun kaya nga ako pumayag na sumama sa kanya.

Dalawang estudyante sa isang dorm ang titira, isang defence magician at isang offence magician. Nahahati daw kasi sa dalawang pangkat ang mga estudyante doon at nabibilang daw sa offence team yung mga estudyante na pang atake ang kapangyarihan, tulad ng elemental user, weapon builder at marami pang iba tulad ni Kyer na isang Beast Summoner at ni ate na isang Mind Manipulator.

Sa defence team daw nabibilang ang mga healer, mind reader, seer, portal maker at iba pa. Sa defence din daw ako nabibilang, tama naman siya kasi isa akong Barrier Builder at kung pagbabasehan talaga ang kakayahan ko ay doon talaga ako nababagay kahit na kaya ko rin iyong gamitin sa opensa.

Sa tingin ko ang pagpapangkat sa kakayahan ng mga estudyante ay nakabase sa kung saan nakatutok ang kapangyarihan nila, tulad nalang ng mga elemental user na pwedeng pang opensa at depensa ang kapangyarihan pero dahil mas malaki ang kakayahan nitong gamitin sa pang atake kaya sa offence team sila nilagay.

Biglang tumigil si Kyer kaya napatigil rin ako. Nasa harap kami ng napakataas na pader, lumingon lingon kami at may nakita kaming ibang mga taong pumapasok doon sa di kalayuan sa kinalalagyan namin at sa tingin namin ay nandoon ang tarangkahan ng paaralang ito.

Pumunta kami doon at nakisabay sa iba. Pumasok kami sa loob at sa unahan ay may nagbabantay na dalawang babae na medyo may edad na. Sumabay kami sa linya sa unahan. Isa-isang tinatanong at pinapasulat ng isa sa dalawang babaeng may edad na ng pangalan at kanilang kakayahan ang mga pumapasok, isa isa silang nagpapakita ng kakayahan nila patunay na totoo ang kakayahan na isinulat nila.

Dumideritso yung mga tapos na sa isa pang babae na may hawak na bolang kristal, hinahawakan nila ito at sa tingin ko doon sinusukat ang kakayahan nila kong pasado ba sila o hindi.

Si Kyer na ang nagsusulat at pinalabas niya si Agile, yung agila na sinummon niya sa kakahuyan. Namangha ang iba sa kakayahan niya.

Ako na ang sumunod, sinulat ko na yung pangalan at gumawa ng isang simpleng barrier, inataki yun ng babaeng nagtatanong samin gamit ang isang ice dagger at nasangga iyon ng barrier na ginawa ko.

Lahat ng may kakayahan sa defence ay tinetest nila tulad sa mind reader kanina na pinahulaan ang iniisip ng kasunod niya, napahiya yung kasunod niya kasiiniisip noto kong dito niya raw ba makikita ang magiging asawa niya kaya madami tuloy natawa.

Sa ayun nga matapos kong masangga ying ice dagger ay dumireritso nako sa bolang kristal ngunit nadinig ko parin ang sabi ng isa sa likuran ko na napakacommon na raw ng kakayahan ko at sa tingin niya raw ay hindi ako makakapasa sa pamantayan gamit ang bolang kristal, hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya.

May tiwala ako sa kakayahan ko kaya alam kong papasa ako. Hinawakan ko na ang bolang kristal at nagpalabas ng sapat na pwersa para umilaw ito, dapat daw kasi na umilaw ito para makapasa ka sa kanilang pamantayan.

"Pasado." Sabi nong babaeng may hawak ng bolang kristal.

"Pinalabas mo ba lahat ng kapangyarihan mo?" Dugtong niyang tanong sakin.

Nagtaka siguro siya kasi madali ko lang na napailaw ang kristal kumpara sa mga naunang estudyanteng pumasok.

"Opo." Magalang kong sagot.

Sa totoo lang wala pa sa kalahati ang pwersa ginamit ko kanina. Ayokong magpakitang gilas kaya kinontrol ko yung sarili ko. Kailangan kong itago na hasa na ako sa paggamit ng magika ko hanggat maaari, sa tingin ko kasi yun yung mas nakabubuti para sakin.

Dumiretso na ako kung saan naka line up ang mga naunang estudyante kanina, nakapasa kasi lahat ng nauna, pinaghandaan talaga siguro nila ang araw nato at sa tingin ko pati narin yung mga nasa huli.

Hinanap ko si Kyer at nakita ko siya sa may bandang likuran kaya doon narin ako pumunta. Habang papunta ako sa pwesto niya ay napalingon siya sa akin at napangiti.

"Kamusta? nahirapan ka bang pailawin yung bolang kristal? ako kasi nahirapan eh." Bungad na tanong niya pagkarating ko sa pwesto niya.

Nakita ko nga kanina na medyo natagalan siya sa pagpapailaw ng kristal.

"Ah, medyo. Mabuti nga nakapasa ako." Pagsisinungaling kong sagot.

Ayoko namang magtaka siya na madali ko lang nagawa ang pagpapailaw sa bolang kristal.

"Hello, pwedeng tumabi dito sa inyo?" Tanong nang bagong dating na babae.

Kung titingnan mukha siyang manika sa itsura niya, mapapansin kasi talaga ang mahahabang pilikmata niya at yung kulay ng buhok niya ay kakulay ng buhok ni Kyer. Naisip ko tuloy na bagay silang dalawa.

"Pwede naman, ako nga pala si Kyer isang Beast Summoner" Sagot niya doon sa babae at nakipagkamay siya at tinanggap rin ito ng babae.

Napaatras tuloy ako ng isang hakbang kasi napagitnaan nila ako.

"At siya naman si Shun, isang Barrier Builder. pagpapakilala niya rin sakin." Hindi parin sila nagbibitaw ng kamay kaya ngitian ko nalang yung babae.

"Ako naman si Seina, isang seer. Kaso hindi pako masyadong hasa sa paggamit ng kakayahan ko, pero okay lang yun kasi alam kong mag iimprove din ako dito sa Shanya." Pagpapakila niya.

Isa siyang Seer, mahuhulaan niya ang mangyayari, makikita niya ang hinaharap at kaya nya ring ipakita ang gusto mong makita ang kaso ang sabi niya hindi pa siya hasa sa kakayahan niya kaya sa tingin ko limitado palang ang kaya nyang gawin gamit ang kakayahan niya.

Nagbitaw na sina Kyer at Seina ng kamay, nasa harapan na kasi namin yung dalawang babae kanina na medyo may edad na at may kasama silang isang Lalaki na sa tingin ko kasing edad rin nila.

"Magandang araw sa inyo mga bagong estudyante ng Shanya, binabati ko kayo dahil naipasa niyo ang pamantayan ng paaralang ito. Ako ang Headmaster ng paaralang ito at ang dalawang kasama ko ilan lang sa guro na magsasanay sa inyo habang kayo ay nag aaral dito. Itong sa kaliwa ko ay si Propesora Lily, at siya ang magiging adviser ninyong first year na nasa Defence Team at itong sa kanan naman ay ay si Propesora Viky sa Offence team naman siya." Pagpapakilala at paliwanag niya.

"Ngayong taon ay medyo marami rami ang nasa defence team kaya may iilan sa mga nasa defence team na magkapareho ng dorm. Ang numero ng dorm niyo ay makikita sa mga palad niyo." Dagdag ng headmaster.

Nakita ko nga ang numero ng dorm sa palad ko, no. 23, kung ganon isang Projectionist ang headmaster ng Shanya. Nakakatakot ang kakayahan niya, kaya niyang ipakita sa harap mo ang sarili mong kamatayan, nabibilang ang kakayahan niya sa opensa.

Ang kakayahan niya ay parang gumagawa lang ng ilusyon ngunit nagiging reyalidad ito sa ginamitan niya kasi ang prinoject niyang pangyayari ay mangyayari talaga sa reyalidad.

"Hi po, dorm no. 23 ka rin ba? tayo nalang po kasi ang walang pares." Tanong nong bata.

Tagaleeg ko lang siya at halatang bata pa, siguro nasa 15 palang ang edad, may pagkagoldish ang buhok niya at mayroon siyang singkit na mga mata ang cute ng binatilyong to. Hindi ko akalain na tumatanggap ang Shanya ng mga ganito kabata.

"Ah, Oo. kung ganon ikaw ang makakasama ko sa dorm." Sagot ko sa kanya.

"Anong pangalan mo at ilang taon kana bata?" Dagdag kong tanong.

"Lesther po, 15 na po ako, at isa po akong healer." May paggalang na sagot nang bata.

Tama nga ang hula ko sa edad niya. Isa siyang healer, kung ganon nasa defense team din sya kagaya ko.

"Ah, kung ganon ako naman si kuya mo Shun, mas matanda ako sayo nang tatlong taon kaya tawagin mo kong kuya, okay? nga pala, pareho tayong nasa defence team dahil isa akong barrier builder." Mahabang saad ko

Napakaamo ng mukha ng batang ito kaya naman sa tingin ko ay magiging close kami sa isat isa.

"Sige kuya Shun." Maikling sagot niya.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • UNKNOWN PRINCE OF ASHANYA (BXB)   CHAPTER 25: The Appearance of the King

    Napansin ko naman ang senyasan nila Kyer at Dino na tila may binabalak silang gawin. Di nagtagal ay may biglang umilaw sa gitna naming lahat at may mga lumabas at nagulat ako kong sino ang nangunguna sa kanila.Ang hari ng Ashanya na si haring Shiron at kasama nito ang matanyag na apat na Guardian na sina Sadar, Valir, Amer at Kaliv.Napatayo naman ako bigla at napayuko tanda ng pagbigay galang sa hari ng Ashanya at maging sa apat na guardian. Napansin ko naman na nakatingin lang si Seina na halatang nagtataka kung sino ang mga dumating kaya sinenyasan ko s'ya na gawin nalang din ang ginawa ko na s'yang ginawa din naman niya kahit naguguluhan s'ya.Matapos naming magbigay galang ay ibinagsak na ni Seina ang kalaban na kanina'y kanyang nahuli dahil nawalan na rin naman ito ng malay.Bakas pa rin sa mukha ni Seina ang pagtataka kung sino ang mga bagong dating kaya sinabe ko nalang sa kanya na ang hari ng Ashanya ang dumating at ang apat na Guardian

  • UNKNOWN PRINCE OF ASHANYA (BXB)   CHAPTER 24: The Puppets and Controllers

    Naisip ko naman ang mga kalaban sa kabilang gilid at sina Kyer at Dino ang humaharap sa kanila.Gamit ang kanilang mga hindi pangkaraniwang mga sandata, kahit na malayo ang mga kalaban ay nagagawa parin nilang labanan ang mga ito. . Napansin ko naman ang Espada na hawak ni Dino, yun kasi ang ginamit ni Shun nang labanan nya kami sa loob ng gubat. Padaos dalos talaga ang isang yun kaya laging napapahamak. Sandali ko naman silang binalingan ng tingin ni Lesther. "Shadow force disturbance" rinig kong sigaw ni Dino at nagkaroon ng napakalaking anino ang espada nya. Mula sa pagkabayaw nya sa kanyang espada ay bigla nya itong ibinagsak na parang may hinahati. Sa pagbagsak ng kanyang espada ay nagkaroon ng malaking impak galling sa higanteng anino ng kanyang espada na syang dahilan nagpatilapon at pagkapinsala ng maraming kalaban. "Unlimited destruction swords" rinig ko namang sigaw ni Kyer. Nagkaroon naman ng sandamakmak na aninong kopya ang kanyang espada, na

  • UNKNOWN PRINCE OF ASHANYA (BXB)   CHAPTER 23: Ang Lakas ng Hiddens at Evil Sweepers

    "Pero itong apat talaga ang nakakapagtataka, handa na yata akong patayin pag may ginawa akong masama sa batang yan e" medyo nagtataka nyang pasaring sa apat na tumutok sa kanya ng espada."Pinapalibutan tayo ng maraming kalaban" sigaw ni Seina kaya nabaling ang atensyon namin sa paligid namin."Ang dami nila, paano natin lalabanan ang mga yan?" tanong ni Spencer isa sa Evil Sweepers."Lesther ikaw na muna ang bahala sa kuya Shun mo. May kailangan lang kaming tapusin." sabi ko sa napakaseryosong tono."Sege po Kuya, nanumbalik na rin naman ang healing energy ko. Matutulungan ko na sya upang gamotin ang natamo nyang pinsala sa kanayang katawan." sagot naman ng kapatid ko. Naglapag naman ng makapal na tela si Seina galing sa dala nyang sisidlan at dahan-dahan namang inilapag ni Psy si Shun mula sa pagpapalutang nya reto. Sinimulan na rin syang gamutin ni Lesther.Hindi ko maintindihan kung bakit masyadong nahahabag ang damdamin ko

  • UNKNOWN PRINCE OF ASHANYA (BXB)   CHAPTER 22: Pagkawasak ng Barrier of Imprisonment Spell

    Bigla akong nakaramdam ng panghihina ng tuhod kaya napalulod ako bigla at may naramadaman din akong likido na lumalabas sa ilong ko. "Kuya, nauubusan ka narin ng lakas. Masyadong kanang nanghihina." nag-aalalang tugon ni Lesther matapos akong mapaluhod dahil sa sobrang panghihina at maging sya ay napaluhod na rin dahil binalak nya akong tulungang patayuin ngunit pinigilan ko sya dahil alam kong hindi ko na rin kaya pa.Mabuti na lamang ay nakatalikod ako sa kanya kaya hindi nya nakita na dumudugo narin ang ilong ko dahilan ng sobrang paggamit ng aking kakayahan dahil paniguradong mas lalo pa syang magtataranta pagnagkataon.Ilang minuto pa ang kailangan bago maging sapat ang enerhiyang kakailanganin ko pero nararamdaman kong masyado na talaga akong nanghihina."Huwag mo akong alalahanin Lesther, subukan mo na ang gawin ang isa sa katangian ng kakayahan mo. Ang "Barrowed healing energy" ang sabi ko na lamang sa kanyanaramdaman ko naman a

  • UNKNOWN PRINCE OF ASHANYA (BXB)   CHAPTER 21: Counter Attack Barrier

    Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil May tiwala sila sakin o hindi dahil nga baka masyado silang umaasa na kaya ko ngang gawin. Hindi ko pa kasi namamaster ang counter attack barrier nung nagtratraining pa ako. Ang witchcraft book kasi ang pinakahuling nabasa ko. Kaya hindi ko namaster ang ibang countering witchcraft technique ay hindi ko namaster.Patuloy parin sa pag atake ang sandamakmak na kadena na nanggagaling sa labas. nagsihanda na kaming lahat at oo pati ang team ng Psychic. Wala namang problema sa mga kasama ni Psy dahil halatang sang-ayon naman sila sa plano ko ang mayabang na Psy lang naman talaga ang may problema na halata itsura ang inis. "Magsihanda na ang lahat dahil tatanggalin na namin ang elemental barrier na pomoprotekta sa atin." sabi ni AironNilabas na nila Kyer, Dino at Seina ang mga sandata nila. mas mainam naman kasi na yun ang gamitin nila kaysa sa mga ability nila pangontra sa mga kadenang umaatake sa amin.Ang tea

  • UNKNOWN PRINCE OF ASHANYA (BXB)   CHAPTER 20: The Plan

    Kailangan na talagang mabuwag ang barrier na ginagamit ng mga kalaban. Kailangan ko nang gumamit ng counter attact barrier. Di ko maintindihan kung bakit parang wala lang sa mga kasama ko ang nangyayari kay Leo.Maya maya pa ay umapoy ang buong katawan ni Leo at nalusaw ang mga kadenang nakagapos sa kanya. Nasapawan na yata ng pag-aalala yung utak ko at di ko naisip na napakasimple ng atake lang yun para sa isang quadruple elementalist. Teka lang, bakit ba ako nag-aalala sa kanya? May kung ano naman sa loob ko ang gustong kumawala. Kinalma ko muna yung sarili ko at binalik ang pansin sa paligid."Lalabas narin kami para tumulong sa pagwasak sa pananggalang na ginagamit ng kalaban, at kayong mga bagohan ay manatili na lamang rito." Sabi nong Psy. "Baka may maitulong naman kami sa inyo, hayaan nyo na kaming tumulong." Sabi naman ni Dino"Sumunod nalang kayo sa gusto ko, baka kung napano kayo sa gitna ng laban dadagdag lang ang problema."

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status