Share

CHAPTER 27

      "SHE'S into cooking, kahit pa hindi naman talaga siya gifted sa aspetong iyon." Felix stared at his Momma lovingly. "Nilulunok nalang namin ang tutong niluto niyang cake na para bang cookies 'yon."

Napabungisngis si Luke habang ini-imagine iyon. Mukha ngang gagawin iyon ni Felix para sa kaniyang lola.

"You know, hindi ka talaga papasa bilang Logan."

Naumid si Luke. Sumimangot siya na siyang dahilan kung bakit bumunghalit ng tawa si Felix. "You must take this as a compliment, Luke!"

"Bakit naman?" Idinuyan ni Luke ang sarili. May maliit na playground para sa mga apo ang bahay ng lola ni Felix. Tuwing reunion at pasko ay nandito nagtitipon ang kanilang buong mag-anak.

Mukhang madalas din si Logan dito dati. Sinabi kasi ni Felix na dito natutulog ang kaibigan kapag may naganap na namang gulo sa bahay nito. Nagpasalamat si Luke sa Diyos dahil may kaibigang gaya ni Felix si Logan. Kung wala ito noong panahong iyon, kanino kaya

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status