Share

CHAPTER 1: UTOPIA ACADEMY

VALERY'S POV

"Val" a slow whisper repeatedly playing over my sleep.

May tumatawag sa'kin kaya nilingon ko kung sino ito! Nagulat ako sa isang babae na nakasuot ng itim na mask at may dalawang ispada sa kanyang likuran.

Patay ang ilaw sa kwarto ko kaya di ko siya masyadong mamumukhaan, maaaninag ko lamang siya dahil sa nakabukas ang isang ilaw sa di kalayuan kung saan siya nakatayo. Yung isang mataas na lamp.

"Sa wakas ay natagpuan narin kita.... Bata..." sabi niya at tumalikod sa'kin!

Parang isang kabog na naman sa damdamain ang aking nararamdaman. Puno ng kaba dahil di ko minsan naiintindihan kung ano ba ang mga nangyayari---Napabalikwas ako sa isang sigaw!

"Val! Valery! Nakung batang toh mag-aalasais na ng umaga maligo kana! Dali! Sabi ko na nga ba eh nagpuyat kananaman siguro nang pagagamit ng cellphone mo noh?" pagsesermon ni mama Neng sa'kin, kaya dali-dali nalamang akong pumunta sa banyo. Psh!

Di pa rin nawawala sa'king isipan ang mga nangyari pero isang panaginip lang pala yon? Bruh, what a nightmare. Mabuti nga't panaginip lang yun hay nako, papatayin yata ako ng mga napapanaginipan ko eh.

P-panaginip lang nga ba iyon?

"So creepy" saad ko habang naliligo kaya mas binilisan ko like super flash!

Pagkatapos kong iligpit ang sarili ko, dali-dali na naman akong pumunta kay Ma Neneng, ma Neng for short, at nagtanong-tanong kung saan na ba ang mga gamit ko, kinuha niya nanaman agad ito.

"Ma, ang dami naman po yata? At ano toh ba't may mga damit? Dun mo na ba ako patitirahin? Grabe di ko toh alam ah?" tanong kong may pag-aalala, nakasimangot.

"Nak—Oo dun kana titira habang hindi pa tapos ang pag-aaral mo, at--sa lugar na iyon ang sinasabi ko na kung saan ka talaga nararapat, don't worry nak, all of your needs are already ready and organized. I've already asked for assistance, to ensure you that everything is ready and prepared. At tutal nasa tama kanang edad upang ibalik--" napaputol si Ma Neng sa kanyang pagpapaliwanag at lumapit sa akin.

"Sige na alis na tayo, wag ka na munang magtanong-tanong malayo pa ang pupuntahan natin, time is running fastly so let's go" lubos nanaman ang aking pagtataka pero pinili kong huwag nalamang muna magtanong. And as always I'm getting really curious about finding some answers for my own questions. I sighed, what is it really?

And geez I was right! Sa bagong paaralan nga kami pupunta! Dami pang sinasabi si Ma Neng na hindi ko naiintindihan.

Sumakay na kami sa sasakyan at tuluyan nang lumakbay. Mga higit apat na oras na siguro ang nakalipas at naiinip na ako sa sobrang tagal. Tama nga si Ma Neng ang layo!

Nararamdaman kong nagugutom na ako kaya kumuha muna ako sa isa pang malaking bag na puno ng mga pagkain na dinala niya. Di panaman kami kanina nakapag breakfast kaya tanging burger and juice nalang muna ang kakainin ko, atleast mabubusog naman ako diba.

Kinunan ko rin si Mama Neng ng burger't juice dahil mukhang pagod narin siya sa pagmamaneho.

"Oh ma, kumain ka muna mag-stop nalang muna tayo dun, mukhang pagod kana ma eh." tinuro ko ang malawak na parkingan sa di kalayuan.

Nagtataka lang ako dahil walang katao-tao, wala rin namang mga sasakyan na nakapark? Nakita ko lang naman ang sign na pwede kang magpark kaya nagpark muna kami doon. Sige puro park nalang sinasabi ko.

"Ma Neng bakit walang katao-tao dito?" habang sa aking pagtatanong sumilip ako muli sa bintana ng sasakyan at nakitang puno ng malalaking puno't kakahuyan ang dinadaanan pala namin!

Teka...Kakaiba yung mga puno! Parang may mga disenyo sila at may mga nakaukit. Nakakamangha. Yung iba naman ay may pa spiral pa na pwede kang umakyat doon hanggang sa dulo, what?! Ang ganda.

"Woah, those are cool, do people design trees so creatively this days?" pag-appreciate ko nang biglang umandar na muli ang sasakyan at umalis nanaman kami. I crossed my arms leaning on my sit.

"Tss Val, marami ka pang makikitang mas magaganda diyan, and those trees aren't designed by anyone, they always grow that way," saad niya sa'kin.

Napakunot ang noo ko.

Okey?? Never knew those trees.

"Ang ganda nga ma pero parang kinakabahan pa ako haha, walang katao-tao tass puro mga puno't kakahuyang malalaki ang makikita ko? Dibale Ma, malapit na po ba tayo?" pagtatanong ko.

"Ahh, oo anak konting tiis na  lang" sagot niya, pero lumipas ang dalawang oras ay wala pa rin kami sa destinasyong pupuntahan namin!

Naiinip na talaga ako pero pilit kong pinapakalma ang sarili ko at tiniis nalamang ito.

In the books, this seemed so cliche. Am I going to a vampire school or something?? Bruh nag-oover think lang ako.

Hanggang sa di kalayuan...Natanaw ko ang napakaliwanag na hindi ko mawari, I got focused my attention there dahil pabukas itong pabukas at sa ikinagulat kong pumasok kami rito!

Wait... Am I really?!!

Nung nakapasok na kami ay bigla itong nagsara at ang lugar na pinanggalingan namin ay napalitan nang napakaganda at napakamalawak na Orchard. A-ano yun? No way!

Natulala lang ako at di makapagsalita sa aking mga nakikita. Dumadaan na kami ngayon sa napakamahabang daanan at patungo nito ay may natanaw na akong napakalaking paaralan. Agaw pansin ang taas ng paaralang ito at sa napakataas din na gate ay may nakasulat na 'UTOPIA ACADEMY' sa bandang gitna nito.

Bumukas ang gate pagkababa namin ng sasakyan at sumirado naman ito ng mag-isa pagkatapos naming pumasok. Medyo nabigla lang ako, grabe hightech? Napanganga ako sa lugar nato dahil napakamalawak at punong-puno ng magagandang halaman sa mga kagilirian. It's so colorful yet so clean, kahit isang piraso siguro ng basura ay wala akong makikita.

The groundfields are also very wide! Di ko maiwasang mapamangha sa ganda ng paaralang ito, it's so Astonishing and Magnificent at the same time, all I could say is, "Wow.." napangiti sa'kin si Mama Neng.

"Ano yun kanina? We entered in some sort of portal. Or is it just a trick of the light that I'm imagining things? Haha! Sabihin mong bampira nga ako ma Neng?" I joked.

"Tss, higit pa" may binulong siya pero hindi ko iyon narinig. Tumaas lang ang kilay ko at napalitan ang ngiti ko ng pagtataka. Nawewierduhan na ako.

Ilang sandali ay sinalubong kami ng isang napakagandang babae at siguro teacher siya dito dahil sa suot niya na very formal, and siguro nasa mid 20's na siya or maybe road to 30 pa lamang, halata sa itsura niyang napakabata pa.

Ngumiti siya patungo sa amin at inalalayan kami papunta sa loob ng paaralan. Pinapunta niya kami sa isang office which is the Principal's Office at umupo siya sa single yet designed wooden chair at ngumiti muli sa amin habang nakapatong ang dalawa niyang kamay sa malaking desk.

So, hindi lang pala siya teacher? School principal pa pala talaga siya! Ang bata naman para maging principal, meron ba noon? Tss, siyempre meron nga dito diba? Hay naku Valery.

"Good afternoon, I'm Grace Wood your Principal here in this school, welcome to Utopia Academy. Call me Miss Grace and just introduce yourself please" pagsasabi niya sa'kin habang sa nakangiti kaya ngumiti na rin ako sa kanya pabalik.

Ang ganda niya sobra! Parang si Taylor swift siyang Filipina version, p-pero bakit ganoon? kakaiba ang kanyang buhok kumikislap-kislap na kulay abo. Naalimpungatan ako sa kurot ni Ma Neng.

"Umm--I'm Valery Cahill, 16 years old and I lived in Caticlan West City" nakatulala siya sa'kin at tumingin kay Mama Neng, di ko alam pero agad naman si Mama Neng umiling.

"Oh--So your Valery Cahill, it's nice of you being here um--Valery, can I talk to your guardian for a while um--alone? Just explore the school for a little while, okey?" saad niya sa'kin kaya agad akong tumango.

"Ah sure po, no problem!" saad ko at umalis na muna, di ko naman alam kung ano yung pag-uusapan nila eh. Ang dami ko talagang walang nalalaman and I'm so curious about it. I'm so curious about simple things! Not to mention na ang weird ng place na'to. It's so Beautiful yet so weird. That's my description about this place.

Lumakad-lakad ako at nag explore muna para di naman ako mabored, wow... the place, parang hindi totoo, parang nasa movie ako. And in movies there could be some vampire to corner a girl in a hot way or something?  Haha This kind of excites me. Or talagang malakas lang ng imaginations ko. Heck I've been reading nor watching too many vampire stories.

Pumunta muna ako sa nakita kong Garden at uupo sa soft and greeny grasses nang biglang—

"Get out of the way! NOW!" sabi nito pero huli na at natumba kaming dalawa!

"Aray! Ano bayan ba't ang clumsy mo?" lumingon ako sa kanya at isang lalaki pala ang may gawa nito. Ka-age ko yata tss. Pero nang tumayo na kami, doon ko narealize na ang tangkad niya pala, black at may halong brownish ang kanyang mga buhok, gwapo siya at has a great body built na parang akala mo kung sinong modelo. Tss, pero pake ko ba? Ang sakit kaya ng impact nung pagkatumba naming dalawa!

"Heyy! I told you to get out of the way but your small little mind didn't immediately get it, now look what had happened! I bumped into you!" pagsusungit niya kaya inirapan ko siya. Huh ano daw pakiulit Makapagsalita naman toh! Oyy Honor student kaya ako!

Ang gwapo nga sana kaso ang sama naman ng ugali, this is not what I'm expecting at all! Kahit pa fictional ang vampires, I want the cold, calm guy, not a jerk?!

Matapang ko siyang hinarap at medyong humakbang papunta sa kanya.

"Wow, Huh? So ako pa ngayon ang may kasalanan ganun? Kasalanan ko bang bigla-bigla ka na lang sumulpot dito? At ano ba kase yung ginawa mo ha?" inis na tanong ko sa kanya. Ano ka ngayon ha? Give it now bro! You won't last long by my deathly gaze towards you.

Nananatili ang tapang sa aking mga mukha habang nakakuyom pa ang kamao at nakatingala pero pilit na inaabot at pantayan ang tangkad niya.

Shoot, ang tangkad niya hindi ko siya mapantayan!

Tumitig siya sa akin for about 5 seconds at ngumisi na parang na amuse ba sa mga narinig niya at sa mga kinikilos ko. Sa ngayon, siya na naman ang humahakbang papalapit sa'kin na animo ikinaatras ko!

"I'm practicing for my skills on how to fly princess, and when I land, I always land here in the garden to protect myself just incase, if I might lose control" pagsasalita niya habang papalapit nang papalapit sa'kin.

What the heck flying? Haha!Nagprapraktis lumipad He's crazy! May saltik ba sa ulo to? Sobra pa yata sa'king nag iimagine. I hope this is just another dream! No, this is not a dream but a nightmare!

Humahakbang lang siyang humahakbang papalapit sa'kin, at ako naman ay umaatras lang nang umaatras hanggang sa sumandal na ako sa malaking pader, shocks!

"A-ano ba?!" I hissed at aalis na sana ako nang biglang humarang ang kanyang kamay sa pader para hindi ako maka-alis. Tumangka na naman akong umalis sa kabilang direksiyon pero humarang din yung isa pa niyang kamay sa akin!

Shocks! Dalawa na niyang mga kamay ang humaharang sa'kin at di na ako tuluyang maka-alis! Shocks! Damn it! I'm trapped.

He's too far away from the vampire guy I'm imagining! It totally ruined my imaginations immediately! No! Ang layo! But the heck? I was actually cornered?!! But with a jerk?!

Tumingin ako sa mga mata niya na para bang kakainin ko siya sa galit pero nabigla ako sa sobra palang lapit ng mga pagmumukha namin na ultimong hininga niya ay nararamdaman ko! Amoy itong fresh mint and fresh apples hayyst! He smirked and looked at me seriously.

There I saw his eyes were golden brown and his lashes were long and it's thick-black, his eyebrows are very well formed. And I could totally say that he's gorgeous tss however, I'll never fall for that, sungit eh. At ang hilig mang-asar! Kumukulo yung dugo ko sa bawat ngisi niya.

"What the heck are you doing? pakawalan mo nga ako!" I said to him slightly shouting. Pinakawalan naman niya ako at tumawa.

"Oooh, so you're not scared of me, impressive" nanlaki ang mga mata ko nang sininghot niya bigla ang ulo ko saka napatingin sa akin. A-ano lang ba ang nangyari? Sininghot niya ang ulo ko? Bakit? Bakit niya sininghot ang ulo ko?! Ang ulo ko--

"A newbie, I see." ngumiti siyang nakakaasar at biglang iginalaw ang kanyang mga kamay sa kanyang harapan. Parang naestatwa naman ako sa nakita.

K--kuryente! Sa dalawa kong mga mata ay may nakikita akong electricity na nagfoform sa mga kamay ng lalaking ito! lumalaki itong lumalaki hangga't sa may nakita itong pusa sa aking kagiliran na medyo malayo naman sa'kin, isa itong maitim na pusa, at sa di inaasahan, bigla itong nabalutan ng electricity at naging abo! Sobrang nabigla ako at di makapaniwala sa aking mga nakikita.

What the heck was that? Kawawang pusa!

Dugdugdugdug!

"Kaya kitang mawala sa mundong ito sa ano mang oras. That's my spark." he flipped his hair because it's messing around his face. "And hey...You already knew what my spark is, so how about I? That's unfair, I wanted to know what your spark can do either, lalo ng---tss mukha ka pang matapang" he smirked at me again. Grinning like a jerk.

"What's your spark?" ulit niya at sobrang kaba naman ang aking nararamdaman.

I don't even know what's the meaning of that freaking spark! Yet, there's something telling me that it's all about Magic.

Heck... Magic? Powers? I CAN'T!!!! BUT shocks! You can say that I'm acting really crazy right now but no. I finally understand. And I see... He's dangerous!!! Tsk! Kailangan ko paring maging matapang.

"I'm Not, Scared... Of... You" medyong may pag-aalinlangan pang sagot ko pero hindi ko ito pinahalata, sumeryoso ang kanyang mukha at itinaas ang isang kilay. He crossed his arms at tiningnan ako amusingly.

"You are really something..." hindi na niya natapos ang kanyang susunod na sasabihin nang may biglang tumawag sa'kin, liningon ko agad kung sino ito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status