Share

UTOPIA: The School of Enchantment
UTOPIA: The School of Enchantment
Author: ellaloredo

PROLOGUE

~Sa isang paaralan kung saan niya makikita ang kanyang tunay na pagkatao.

Sa isang paaralan kung saan niya makikita ang magpapatibok ng kanyang puso.

Sa isang paaralan kung saan minsa'y nagpagulo ng kanyang munting mundo.....

###

Habang dala-dala ko ang aking mga libro't mabigat na bag sa aking likuran, lumabas ako ng paaralan at pinagmasdan ang paaralan kong pinanggalingan.

"Hayy, paalam na" palagi akong nagtataka at nacoconfuse kung bakit ba ako itratransfer ni Mama Neneng sa ibang paaralan? Wala na naman akong problema sa paaralang to. Marami na naman akong mga kaibigan? At isa pa, nasa top ako. Honor student kaya ako sa paaralang to!

Palagi ko siyang tinatanong tungkol dito pero marami daw siyang inaasikaso kaya ipapaliwanag niya na lang daw pagdating namin doon.

Pero, kahit ano pa man. Mahal na mahal ko yan si mama Neneng, siya ang nag-aruga sa'kin mula pagkabata, mga 4 years old yata ako noon? Ikinuwento niya naman sa'kin ang nangyaring trahedya sa Mama't Papa ko. Isang malaking aksidente daw ang nangyari sa'min pero tanging ako lamang ang nabuhay. Kinupkop niya ako at tinuring bilang isang tunay na anak, minahal, at inalagaan niya ako. Kaya higit sa lahat. Mahal na mahal ko siya. Ang naging aking Ina, si Mama Neneng.

Ano? Parang sa mga movies lang di ba? Tss, kung pwedeng movie na lang ang buhay na'to... Para at least fictional. Tapos kunwari nasa panaginip lang pala ako. Na may mga magulang pa pala akong naghihintay sa'kin pagbukas ng mga mata ko.

Natahimik ako sa mga naisip.

Hindi... Dapat tanggap ko na toh. Get a grip Valery! Open your eyes in reality.

Bumuntong hininga muna ako at tuluyan nang umalis kaso napahinto ako sa kasalukuyan. Bigla na namang sumasakit ang ulo't pati ang mga katawan ko! Napagtanto ko na higit dalawang linggo't tatlong araw ko na itong paulit-ulit na nararamdaman.

Bakit ba ako nagkakaganito? Kahit Doktor ay hindi alam kung ano ang aking sakit? Ako na nga lang 'yung naghanap nang paraang makapagpunta sa Doktor, sinisikreto ko lang dahil hindi naman ako pinapayagan ni Ma Neng.

Kasi bakit ba? Bakit hindi niya ako pinapayagang pumunta sa doktor? Ayaw niya ba akong gumaling? Nakakapagtaka lang...

'Your situation cannot be determined by Science... You're not sick Valery, you're simply getting back something'

Iyan ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko, 'yung nga sinabi ni Ma Neng. I just really couldn't understand her sometimes, she's very unpredictable!

Medyong napaupo ako sa sakit at hinintay muna itong bumalik sa normal kong pakiramdam, at noong naramdaman ko nang naglaho na ang sakit, derederetso na akong umalis at umuwi na nang tuluyan sa bahay.

Pagdating ko sa bahay ay sinalubong naman agad ako ng usual na matatamis na ngiti ni Mama Neng, bahagyang hinalikan pa ako sa noo. She's really sweet, caring and everything! And though I trust her in everything, I legit get suspicious about the wierd words she's saying.

"Hali ka muna at kumain kana nak, nagprepare ako ng paborito mong pagkain oh, maayos na ba ang pakiramdan mo? Sumasakit pa rin ba minsan ang ulo o yang katawan mo?" tanong niyang sunod-sunod.

Napalunok ako. Here she goes again... Iniisip ko to palagi ehh tss, na kung bakit ba lubos ang pag-aalala niya sa akin pero ayaw akong ipacheck-up sa doktor? Naguguluhan ako!

"Uyy, kamusta na nga ang pakiramdan mo?" naalimpungatan ako sa tanong niya muli.

"Ahh, huwag na po kayong mag-alala ma, I'm already fine." sagot ko lang. Geez. Because I don't get it? Kung sasabihin ko sa kanya ang totoo, would she bring me to the doctor for some check up? I don't think so...

Pumunta na ako sa mesa at nagsimula nalamang kumain. My eyes widened at the taste of my favorite food! "Delicious!" I exclaimed and she smiled.

"Alam na alam ko naman na paborito mo ang siomai eh kaya ipinaghanda ko nang mabuti dahil feeling ko, mamimiss mo yan sa mahabang panahon" pagsasalita niya na hindi ko pa masyadong gets. Napakurap ako.

Pardon?

Mahabang Panahon... Bakit naman?

Napangiwi ako.

"Ma Neng, Dapat nga ipagluluto niyo na ako niyan araw-araw. Makapagsalita ka naman ng mahabang panahon? What was that all about?" at sinubuan ko na lang siya ng siomai.

Tumawa siya kaya napatawa na rin ako. Pero gayun paman. May gumugulo pa rin sa isipan ko. Pilit ko nalamang ito binabalewala.

"Nak, aalis na tayo bukas na bukas ha, niligpit ko na yung mga gamit mo at isa pa, maaga pa tayong aalis kaya maaga ka na ring matulog okey? May naupahan na akong sasakyan dahil malayo pa ang lalakbayin natin." sumulpot ako bigla.

"Wait, saan po ba tayo pupunta? Sa bagong paaralan ko na bang papasukan?" tanong ko, and the curiosity is building upon me. Ngumiti lang siya.

"Sa lugar kung saan ka talaga nararapat" she pinched my cheeks gently bago ako lagpasan, but what is this feeling? May konting kabog sa puso akong nararamdaman out of from what she is again saying!

"Ano? Sa lugar na—" she cut me out.

"Sige nga magtoothbrush kana at magbihis! Maaga pa tayo bukas." Dali-dali ko na lamang siya sinunod.

Napakunot ang noo ko sa kakaisip. Saan nga ba talaga kami pupunta bukas? Hayst. She could just tell me immediately! Sumasakit na talaga ang utak ko sa mga bitin na salitang binibitaw niya sa'kin.

Pagkatapos kong maghalf-bath at magsipilyo nagbihis na ako at ibinagsak ang katawan ko sa kama, hindi ko na lamang muna iyon inisip. Pinatay ko na yung ilaw na malapit sa hinihigaan ko, at sa di namalayang unti-unti na din pala akong natutulog.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status