Share

CHAPTER 4: CLASS AMBER

Maaga akong gumising at tapos na akong maligo, kinuha ko ang bathrobe sa loob ng banyo at sinuot muna ito. Sumilip ako sa parteng walang namamagitan na glassed wall sa gilid upang tignan kung gising narin ba si Evie, sa gulat ko'y mukhang nakaayos na siya't suot-suot din ang kanyang robe, nakita niya ako at nginitian habang papunta sa akin. Yung part ng room namin ay very identical, I liked it.

"Val, kanina ka pa pala gising? Eto nga pala yung iniform mo" pumunta siya sa malaking drawer niya gaya sa'kin sa part ng room ko, at kinuha ang uniform at dali-daling binigay sakin.

"Thank you" maikling pagpapasalamat ko at bumalik na sa aking pwesto, sinuot ko na ang uniform at lumapit sa malaking salamin na nakadikit sa wall, as I said mula ito sa ibabaw hanggang sa ilalim kaya makikita mo talaga ang kabuoan ng iyong sarili, tiningnan ko nang mabuti ang uniform na aking sinusuot.

Sa ibabaw, ang uniform na sinusuot ko ay mula sa balikat hanggang sa wrist, at yung color nito'y mayroong 2 stripes black design sa mga wrists kong naka encircled, at ang mga butones na kulay black sa gitna, with black ribbon.

For my skirt naman, it's just plain black above the knee, napakaiksi! Medyo nahihiya ako sa aking suot na uniform, ang ganda sana kaso di lang ako sanay sa mga ganitong kaiksi na palda, I prefer wearing long skirts, joggers, long shorts, and pants with matching loose shirt.

The uniform from my former school was just ordinary long blue skirt and a simple white uniform with logo, kaya I felt a little uncomfortable coz yung uniform ko din ay medyo fitting haysstt, I noticed the logo on my left side of my uniform and it has a black and white design with the name surrounds it 'UTOPIA ACADEMY THE SCHOOL OF ENCHANTMENT' kumikinang pa ito like a very bright silver and gold.

This uniform looks so expensive! And I think that I look like a different person now. I fixed myself then brushed my long straight hair at pinuntahan na si Evie.

"Val, you're so pretty! Bagay sayo ang uniform!" compliment niya habang papunta ako sa kanya.

"Naku naman, ikaw rin." maikling sambit ko lang naman sa kanya.

Tiningnan ko rin si Evie at ang ganda niya, ang kanyang buhok ay hindi talaga kasing haba ng buhok ko, pero I find it really cute when she tried to make it in a 2 ear ponytales, ng matapos na siya, humarap siya sakin.

"How is it? Does it look nice?" sabi niya sa akin kaya nginitian ko siya.

"Oo ang kyut mo nga, tayo na?" sabi ko at aktong lalakad nang magsalita siya.

"Ano? Tayo na? No way I'm straight, haha" pfts ang baliw, napatawa lang ako nang mahina. Sabay kaming kumuha ng mga bags at lumabas na ng tuluyan sa kwarto.

It's only 6:15 Am in the morning so we decided na kumain muna sa canteen hall, ang allowance ko ay nasa card lamang na binigay ni miss Grace, another card for my allowance na kanina lang niya binigay mga around 5:00 Am siguro kase mga 5:30 Am akong nagready eh.

Pag bumili ka kasi dito magsuswipe ka nalang ng card upang magbayad ng mga bibilhin mo, at ang klase namin ay magsastart ng 8:00 am kaya pagkatapos naming magbreakfast nagdecide kaming dalawa ni Evie na itour niya muna ako sa mga ibat-ibang places outside and inside ng School, pero siyempre di lahat ay napuntahan namin sa laki ba naman ng Academy nato.

I'm starting to feel comfortable and siyempre di parin nakin maiwasang mapamangha. Like I always do whenever I see things cool.

Sa kalagitnaan ng pagtutour ni Evie sa'kin ay biglang may napakalakas na bell nanamang tumunog. Parang mabingi naman ako!

"Oh Val it's class time let's go! Excited ka na ba? Sabi ni miss Grace sa class A section ka daw kaklase kita so, Let's go sa North Wing, andun ang classroom natin" ang laki talaga ng School nato parang mansion! O higit pa, parang isa itong palasyo, hindi ko alam pero ang sasabihin ko lang na pwede kang mawala kung hindi mo alam ang mga dereksyon o san patungo ang papuntahan mo.

Nung pumasok na kami sa isang kwarto nakita ko agad ang mga estudyanteng mga nagkukuwentuhan at tawanan, yung iba ay tinitingnan akong nacoconfuse as if they're confused about my presence. Yung iba naman ay nagsimulang magbulungan.

~Sino siya bakit siya nasa class A kabago-bago palamang niya ehh~

~Oh. She's the transfere

~

~What's her spark? ~

~Probably strong coz she's in class A duh~

~Pshh, Not all in Class A's has a strong and powerful spark, sometimes they're just intelligent or has connections sa people na may mga high positions ng Academy, or even royalties~

Binasa ko yung nasa bulletin board sa wall habang papunta sa dalawang bakanteng upuan sa likuran

"Class A-mber the students that has strong abilities and has potentials. This is the section of Nobilities or Royalties especially those Intelligent students" mahinang pagbabasa ko at umupo na sa upuan.

Habang naghihintay sa teacher nag uusap-usap muna kami at ang iba pang mga kaklase ko sa kanya-kanya nilang pwesto, yung iba naman ay tumitingin-tingin sa'kin at magbulungan subalit yung iba ay ngumingiti.

Pero may isa talagang nakakaagaw ng pansin, yung isang babae, palagi niya akong tinititigan ng masama inirapan pa ako dahil sa kumunot yung noo ko sa kanya, Problema niya ba? Sa medyo pagkagulat ko ay tumayo siya't pumunta pa sa'kin.

"What's your problem? Why do you look at me like that?" harap niya sa'kin na pinatong pa ang isang kamay sa mesa ng upuan ko.

"Anong pinagsasabi mo? And sorry ha wala naman akong problema sayo. I was just confused when you're looking at me furiously" saad ko naman na nakakunot ang noo, parang nabigla siya sa mga sinabi ko.

"You're new here yet I don't like you already tss." napatingin siya sa sapatos ko after scoffing like insulting me. "I bet you need some help with those shoes." parinig niya sa lahat at tumawa naman sila, what's with my shoes? Sa akin, ang sapatos ko ay mukhang okey lang naman ah? May konting sira lang sa unahan.

"Give her a break, Eunice. She might cry" sabi pa ng isang babae na katabi niya kanina, tsss. Mukha nga siyang pwet.

"Yes give her a break--Fast! Eunice She looks like she's lacking of energy haha" sabi rin ng isa pang babae sabay tawanan ng katabi niyang nag-insulto sa'kin kanina.

"Guyss tama na yan" sabi ng isang babae na sa unahan nilang dalawa.

"Shut up Shina." sabay bigkas ng dalawa sa kanya.

"Eunice ang sama ninyo wala namang ginagawang masama si Valery!" biglang sambit ni Evie kaya napataas ng kilay si Eunice.

"Okey then President, I solemnly-- apologize?? Tss." she was not obviously sincere, she even smirked bago umirap. "Hope you don't report me to the Principal again. Weak president." bulong niya pa sa huli.

"Eunice, Halika na dito pabayaan mo na sila. They don't deserve your time." kumunot ang noo ni Evie kaya hinawakan ko ang kamay niya. I mouthed, its fine let them. Before smiling a little just to assure her.

Minutes had passed nang nabigla ako sa mga sigawan ng mga babae habang yung mga lalake naman ay tahimik lang at para bang natatakot? Same as the other girls, but most of the girls were shouting names and jumping feeling excited, bakit sila nagtitilian?

~My gashh 3 members of the Warlock clan's are heading~

Warlock clan?

~Yieee Lucas

I'm gonna die~

~Gin is so kyuut!~

~XAVIER!~

Nabigla ako sa sigaw nung isa like, Wait si Xavier? Kaklase koo? No! This is not Happening! Kahit bumaliktad pa ang tyian ko!

~Babes shhh they're coming~

Damn it!

Pagkapasok nila biglang tumahimik ang lahat na ipinagtataka ko at para bang wala lang may nagtitilian kanina. And it's like nothing had happened at all! And everyone is completely in silence.

T-that's really Odd.

Dumeretso sila sa likuran malapit samin! Pero malaking pagpapasalamat kong nasa right side ko si Evie dahil nasa right side sila e, dahil sa presence ni Evie, di niya na ako mapapansin at di niya ako makikita, di na rin ako kumikibo.

Ilang minuto na ang nakalipas at dumating na rin ang isang teacher na babae, matanda na siya at mukhang nasa age 50's na yata.

"Good Morning class!" bati niya sa amin.

Tumayo ako para bumati rin sana kaso napansin kong ako lang yung tumayo mag-isa at sila ay hindi? Huh bakit? Nagtatakang mga tingin ang sumalubong sa'kin at yung iba bahagya pang tumawa dahil sa aking ginawang pagtayo.

Bilis naman akong umupo na parang si flash para yung iba hindi na ako mapansin woosh. Napahiya nanaman ako. Bakit kaya hindi sila tumayo!? Wala ba silang mga respeto or--ganun lang ba talaga na hindi na kailangang tumayo?

I gasp sa napagtanto! Nakita niya ba ako!? Naku, sana hindi lang.

"Good morning Ma'am Elinda Sanchez" sabay-sabay nilang pagbati.

"How many times do I have to tell you to just call me Ma'am Sanchez?" sabi ni Miss Sanchez kaya napatahimik kaming lahat.

She sighed. "Anyways as most of you noticed, we have a new student member of this Academy and is already proceeded in class Amber, can you please stand up and introduce yourself? You seemed excited earlier" some of their gazes looked at me, oh gosh, magpapakilala pa pala ako, shocks! But I have no choice why do you need to hide Valery? Know always that you're strong. Tumayo na ako at lumapit kay Ma'am, at humarap sa mga kaklase ko.

"Introduce yourself now please" straight na sabi ni Ma'am sa'kin kaya napalunok muna ako at pinagmasdan yung mga taong nakatingin sa akin, mga 20 plus kami siguro dito.

I gulped ng nakatingin rin pala si Xavier na parang nagtataka he has this 'what is she doing here?' plastered look on his face

"Uh Miss new girl?" sabi ni Crilla sa'kin, sabay irap pa, sarap sabihan na nakilala mo naman ako kanina diba?haystt.

"Um. I'm Valery Cahill, 16 years old thank you all for welcoming me" kailangan kong maging mabait. I need to be responsible palagi sa mga decisions ko. I was really about to yell at Crilla's face! I heard Eunice scoffed kaya napakunot ang noo ko. Seems lime she knew what I just said?

"What's your spark" tanong ng isang lalaki, I immediately looked at Xavier, If he knew, patay ako tsk!

"I--I don't have one" I honestly said kaya nabigla talaga ang lahat at nagsimula nanamang magbulung-bulungan, mukha talagang hindi sila makapaniwala sa mga narinig.

Nakita ko rin si Xavier na parang wala lang naman habang sa nakatingin sa'kin, I saw a glint of confusion in him but I guess he doesn't really care at all, thank goodness.

"What? But that's the most important thing right? This is very unfair Ma'am we need explanations about this! And why is she here if that's the case?" tanong ng nag-insulto rin sa'kin kanina. Sumang-ayun nanaman yung iba at muling nagbulungan.

~She should be in class E for beginners~

"Jessica?" pagwawarning ni Ma'am sa kanya kaya. Padabog siyang umupo muli habang yung iba reklamo ng reklamo.

"Class class!! Shhh silence!!" sigaw na ni Ma'am Sanchez kaya tumahimik na ang lahat.

"We the Teachers, The Principal, the School directress, and the Faculty and staff have officially decided to put her here in the section of Class Amber, dahil may balita kaming ikinabigla tungkol sa kanya. And you wanted to know why!? She's already been recognized and has already been detected by her magical room in her first coming, which is so rare, and even though she haven't determined her spark yet, we can see that she has potential. Why would you all judge her like that? You Eunice! When did the magical room recognizes you and has detected you?!" galit na tanong ni Ma'am Sanchez sa kanya.

"U-um, on the 4th week of my first coming Ma'am" nahihiya niyang sambit. Ma'am Sanchez chuckled sarcastically.

"See? Now let's hear out from one of the members in Warlock clan hmm? Gin" Ma'am Sanchez asked her eyebrows risen.

"5th day Ma'am" mahina niyang sambit at napatingin sa'kin. I just looked away.

"See? And Lucas you're on the 5th day also right? Same with Gin? And Xavier is on the 3rd day of his first coming na buong akala natin siya na yung may pinakabilis na araw na marerecognize ng MR. Don't you students forget that I'm in charge sa mga ganung bagay?! I'm not only a teacher here remember that, at alam ko kung sino-sino at kung anong araw ang nakakapagdetect sa inyo! I'm not looking down sa mga kapangyarihan ninyo o sa mga potentials niyo and I'm not also looking down sa Warlock clan dahil alam kong kayo parin ang may pinakamalakas na kapangyarihan. I'm just stating that you don't have to judge people right away do you understand?"

"Yes Ma'am" sabay nilang bigkas kaya ako naman ay bumalik na sa aking pwestong kinauupuan habang kitang kita ang nanlilisik na mga tingin nina Eunice, Jessica, at Crilla sa'kin, maliban lang kay Shina. Yep siya pa nga yung nagpatigil ng pag-iinsulto nila sakin eh, that was kind of tense,

I never expected this

After class

Pumunta na kami sa Canteen Hall at kumain na ni Evie sa malaking table habang kina Xavier naman ay nasa unahan naming kumakain din at may mga kasama pa pala silang iba na feeling ko mas higher na ang grade level kesa samin. Nasa may pinakamalaki silang table sa buong CH-Canteen Hall' at kami yung parang ika-2nd na pinakamalaki. Dalawa lang naman kami hehe. Yung iba naman na mga students ay nasa may malaki din at katamtamang size ng table lamang.

Habang nagkukuwentuhan at tawanan kami ni Evie may bigla nalang sumigaw samin. "That's Our place!" sigaw ni Crilla kaya nakakuha ito ng attention ng karamihan.

"That's our table." seryoso lang na saad ni Eunice habang nakatingin sa'kin wickedly. She's so evilish type sa kanila and kind of wicked. She just chill unlike kina Jessica.

"Eww, kinainan na nila yung table natin!" sigaw naman ni Jessica habang ginalaw-galaw ang kamay ni Eunice at si Jessica nanaman ay maarte at parang taray na pabebe.

I got CRINGE in whatever they're acting! like it's so cringy darlings, don't do that! It makes me want to throw them out of the surface!

"Eh pwede namang lahat maka-pwesto dito ah, capable naman ang lahat ng mga students kumain sa table nato." Sambit ni Evie na ikinakunot pa ng mga noo nila.

"Ha, ha, ha alam mo namang dito kami palagi diba? Evie?" sigaw muli ni Crilla pero pinigilan siya ni Eunice at may ibinulong. Tumingin tingin pa sila sa unahan namin. At sa ikinagulat namin ni Evie, bigla nalamang silang ngumiti ng NAPAKATAMIS. Si Eunice ay tumabi sa'kin at inakbayan pa ako.

"Sorry nabigla lang kami. Sorry sa mga harsh words namin ah, pero can we ask you a favor na dun muna kayo" turo niya sa kabilang table na malaki rin naman, at nagpatuloy.

"Dahil apat kami at dalawa lang naman kayo we need more space" saad niya na napakabait! Na parang akala mong anghel? Pilit ko lang na itinatago ang galit sa'king mukha at sinabayan nalang kung ano man ang mga plano nila. They are so hecking cringy.

"Evie dun nalang muna tayo" seryosong sabi ko kay Evie at kinuha nalang namin ang mga pagkain namin at pumunta sa kabilang table sa right side nina Eunice. Habang ngumingiti parin sila sa'min tss.

"Thank you girls!! You're so nice talaga!" pahabol pa ng bruhang Crilla. Hm that table is close to the warlock clan that's why they're kind of aggressive na doon umupo. Tss I can't believe I've finally encountered some sort of actual 'mean girls'.

I sighed. Habang nasa kabila na kaming table nakita kong di parin mawala yung galit sa mukha ni Evie.

"Evie, pabayaan mo na sila kalma na" sabi ko sa kanya.

"Ughh, they really think they're high? I hope the warlock clan will just banish them themselves." ano ba talaga tong Warlock clan nato?

"What's really with that warlock clan?" curious kong pagtatanong, at napabuntong hininga naman siya.

"Hmmm I think you've heard their names right? Xavier, Gin, and Lucas the most idolized students in this Academy?" sabi niyang mahina.

"Oo, pero pwede bang magtanong kung bakit sila kinatatakutan ng lahat nakikita ko kasing mga natatakot na mga reaksiyon ng mga estudyante kapag dumating na sila"

"Okey here. They are the Strongest yet Wisest thinker here in the Academy! They can let you disappear in no time, not to tell that they're so powerful and has high connection between Royalties and Nobilities" mariin at mahinang sabi sa'kin ni Evie. Okey this is getting me hooked up and I'm thrilled.

"May I know their sparks?" seryosong tanong ko muli sa kanya.

Tiningnan ako ni Evie na napakaseryoso at dun na nagsimulang magpaliwanag tungkol sa kani- kanilang mga kapangyarihan.

###

:)

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status