Home / Romance / Unchosen : EL, LEGAL WIFE / Chapter 3 - Candle Light

Share

Chapter 3 - Candle Light

Author: Ms_inkerbell
last update publish date: 2026-06-29 21:58:16

"Sige, magpahinga ka nang mabuti.”

"Sige, salamat."

Bagamat napakabilis na ibinaba ni Sven ang tawag ay narinig pa rin ni Elara ang boses ni Nadine. Malinaw niyang narinig ang sinabi, "Candle light dinner."

Mapakla siyang napangiti. Second wedding anniversary nilang mag-asawa, ngunit ang asawa niya ay may ka-candlelight dinner na ibang babae!

Bumalik na nga talaga si Nadine.

Bagamat ayaw niyang paniwalaan, iyon ang katotohanan. At ang katotohanang ito ang agad na nag-alis sa kanyang karapatan.

Hindi lang ngayon, kun ‘di maging sa dalawang taon na ang nakararaan—kumpara kay Nadine, talagang talong-talo na siya.

Hindi na niya aasahan na siya ang pipiliin ni Sven. Paano? Dahil lang ba buntis siya?

Sa sandaling ito, nagpasalamat si Elara na hindi niya ito sinabi, dahil kung hindi, baka mas lalo lang niyang ipinahiya ang sarili. Ibinuhos na lamang ni Elara ang lahat sa pag-iyak ang kanyang sama ng loob.

Matapos nito, kumalma na rin siya. Buo na ang pasya ni Sven, kaya kailangan na lamang niyang tanggapin ang masakit na katotohanan.

Pagkatapos maligo, nahiga na siya sa kama. Matagal siyang paiba-iba ng puwesto sa kama at bago pa man siya tuluyang makatulog, bigla siyang nakatanggap ng tawag mula kay Matt, “Elara, lasing na lasing si Sven at nagwawala. Puwede bang pumunta ka rito at iuwi mo ‘tong asawa mo?”

Nagtaka siya kung bakit ito nagpakalango sa alak. ‘Di ba't kasama nito si Nadine? Bakit kasama na naman nitong umiinom si Matt?

"Ah–Matt, hindi ako puwede ngayon. Maaari bang ipahatid mo na lang siya pabalik?" dinig ni Elara ang buntong-hininga nito sa kabilang linya at bigla na lamang naputol ang tawag. Nang sinubukan niya itong tawagan, nakapatay na ang cellphone nito. Habang tinitiis ang kaniyang nararamdamang sama ng katawan, bumangon si Elara, nagpalit ng damit at nagpahatid sa kaniyang driver sa club na madalas pinupuntahan ni Sven.

Pagdating niya roon, tahimik ang paligid sa loob.

Lasing na lasing si Sven na natutulog sa sofa, naka-krus ang mahabang mga binti, maayos ang kurbata at kasing guwapo pa rin ng dati ang kaniyang hitsura. May mga tao talaga sa mundong ito na perpekto. Kahit pa lasing na lasing ay kaya pa rin nilang mapanatili ang pagiging disente, tulad na lang ni Sven.

Nang lumapit si Elara, bigla ay nakaramdam siya ng pagsusuka siyang naging alibadbad at nasuka nang masamyo ang matapang na amoy ng alak.

Nang sa wakas ay makontrol niya ito, tumingin siya kay Matt. "Bakit lasing na lasing siya nang ganyan? Di ba't kasama niya si Nadine kanina?"

"So, alam mo pala?" Tumingin sa kaniya si Matt, na hindi itinatago ang kaniyang pang-uuyam "Gusto ng asawa mong magpalipas ng gabi kasama ang ibang babae at hinayaan mo lang siya?"

Ikinuyom ni Elara ang kaniyang mga kamay, huminga nang malalim at dahan-dahan ding binitiwan ang pagkakahawak at kalmado siyang sumagot, "Nagkasundo na kaming magdi-divorce. Bukod sa katibayan ng divorce, halos malaya na siya. Wala na akong karapatang pakialaman pa siya!”

"Ha?" napatawa nang malamig si Matt habang nakatingin sa kaniya "Napabait mo naman kung gano'n!" inis na sabi muli ni Matt kaya hindi maintindihan ni Elara kung ano ang pinupunto nito. "Manhid ka ba talaga, martir? Paano mo kinakaya ang pagtratong ito sa iyo ni Sven? Minadali kang ipinakasal sa kanya at ngayon na gusto niya ng divorce, hindi mo man lang siya pinigilan?" may bahid ng galit sa boses ni Matt.

Nagulat si Elara habang nakatingin sa kaniya "Naaalala ko noong nagpakasal ako sa Sven, tutol na tutol ka. Ngayong maghihiwalay na kami, hindi ba 't dapat ikaw ang pinakamasaya? Bakit parang mas galit ka pa kaysa sa akin?"

"Nagbago na ang panahon. Hindi kita gusto noon, pero dahil kasal na kayo, dapat mo itong pahalagahan, hindi 'yong tinatrato mo ang kasal na parang laro lang. Bukod pa roon…” Huminto si Matt sandali, saka makahulugang nagpatuloy, "Mas bagay ka sa kaniya kaysa kay Nadine.”

Tinawag ni Elara ang driver at magkatulong nilang inakay si Sven pasakay ng kotse.

Hindi inaasahang nakasalubong nila si Mr. Samuel pagkababa pa lang ng kotse.

"Pa, bakit po kayo nandito?"

Humarap si Mr. Samuel na may talim sa mata kay Sven "May asawa na 'tong lintik na 'to, pero, wala pa ring disiplina sa sarili. Nagpapakalasing nang ganyan, sobra na siya!”

Agad na ngumiti si Elara at sinabi, "Pa, hindi po kasalanan ni Sven. Ngayon po ang anibersaryo ng kasal namin. Nagkatipon-tipon ang ilang mga kaibigan at lahat sila ay nag-alok ng tagay para sa akin. Naawa po sa akin si Sven, kaya, siya na ang uminom ng para sa akin."

Nang marinig ito, lumambot nang kaunti ang ekspresyon ni Mr. Samuel. "Mabuti naman kung ganoon." Saka nito iniabot ang regalo kay Elara "Ito ang regalo sa anibersaryo ng kasal ninyo mula sa lolo mo at sa akin. May naging aberya lang kaya nahuli kami. Sana ay magustuhan mo at nawa 'y magkaroon kayo ng mahaba at masayang pagsasama."

"Salamat po, Papa. Pakisabi rin po kay Lolo, salamat po. Nagustuhan ko po ito nang husto. At salamat din po sa pag-alaala,” taimtim na nagpapasalamat ni Elara at talagang naantig ang kaniyang puso.

"Hindi mo ba bubuksan para tingnan?" tanong ni Mr. Samuel.

"Nagugustuhan ko po ang anumang ibigay ninyo sa akin,” magalang at nakangiting sabi ni Elara.

"Napakasimple mo talagang bata ka, mabait at malambot ang puso kaya hindi ka mahirap mahalin." Binalingan niya ng tingin si Sven. "Kung aawayin ka niya, huwag kang mag-atubiling magsumbong sa akin at sa lolo mo kahit kailan, kakampihan ka namin."

"Salamat po, Papa, tandaan ko po 'yan.”

Matapos niyang mai-akyat si Sven sa kuwarto at maihanda ang paliguan nito, lumabas siya ng banyo. Ngunit nadatnan niyang nakatulog na ito sa sahig.

Napangiti si Elara, hindi

pala palaging elegante at perpekto si Sven. May mga pagkakataon ding nawawala siya sa ayos.

Lumuhod siya at marahang tinapik ito. “Sven, bumangon ka. Maligo ka na muna." Niyugyog nito ang balikat ni Sven ngunit hindi ito magising."Bumangon ka na. Kapag hindi ka bumangon, hindi na kita aasikasuhin,” walang sagot. Napabuntong-hininga siya.

Isa-isa niyang hinubad ang damit nito. Pagkatapos ay inalalayan niya itong maligo.

Paborito niya ang amoy ng kanilang shower gel na may matamis na amoy at pinaghalong gatas. Siya mismo ang pumili noon. Ngunit habang pinaliliguan niya si Sven, ilang beses siyang nasamid at nagsuka.

Sa wakas, matapos ang lahat, naihiga niya ito sa kama. Akala niya ay makakapagpahinga na rin siya. Ngunit biglang umikot si Sven at niyakap ang kanyang baywang.

"Don't go… Tumabi ka sa akin," ungot nito. Mainit na damdamin ang bumalot sa puso ni Elara.

Mabilis na tumibok ang kanyang puso. Parang bumalik ang pakiramdam noong una niya itong nakilala. Parang may mga paru-parong lumilipad sa kanyang dibdib. Karaniwan, napakakalmado at elegante ni Sven. Hindi pa niya ito nakitang ganito kalambing. Lumambot ang kanyang puso at hindi niya nagawang itulak ito palayo.

Tutal–huling gabi na rin naman ito. Pagkatapos ng diborsyo bukas, hindi na sila muling mahihiga sa iisang kama. Hayaan na niya ito na ang magiging huling alaala.

"Sige,” mahinang tugon niya.

Humiga siya sa tabi nito at tinakpan niya ang kanilang katawan ng kumot.

Bago siya makatulog, marahan niyang hinaplos ang mukha nito.

Ang mga kilay, ilong at ang mga labi ni Sven pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay nito.

Magkahawak ang kanilang mga daliri. Mahigpit,

mga bagay na ginagawa lamang niya kapag mahimbing itong natutulog. Kinabukasan ng umaga, nagising si Elara sa pag-vibrate ng cellphone.

Inaantok pa siya nang sagutin niya iyon. "Hello?"

May nagulat na boses mula sa kabilang linya.

"Ikaw... Si Elara ‘di ba?" boses iyon ni Nadine. Biglang nagising si Elara at mabilis siyang napaupo sa kama. Tiningnan niya ang cellphone at doon niya napagtanto na maling cellphone ang kanyang nasagot.

Cellphone ‘yon ni Sven. Agad niya itong ini-abot dito. "Si Nadine, tumatawag sa 'yo.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Unchosen : EL, LEGAL WIFE   Chapter 21 - Tinulak

    “Sandali lang,” sagot ni Sven.Mariing naikuyom ni Elara ang kanyang mga kamao. Wala na siyang kailangang sabihin pa.“Nagpa-checkup si Nadine ngayon. Hindi maganda ang naging resulta. Emosyonal siya at kailangan niya ako.”Agad na itinaas ni Elara ang kanyang mukha. Nanatiling malamig ang kanyang ekspresyon habang tinitigan niya si Sven.“Sige. Bilisan mo.”Ayaw na niyang makarinig ng anumang dahilan.Kung nakapagdesisyon na ito, bakit kailangan pa nitong magpaliwanag?Pagkaalis ni Sven, nanatili si Elara sa birthday celebration ng kanyang lolo at ipinagpatuloy ang pagtulong sa pagtanggap sa mga kamag-anak at bisita.Marahil dahil sa kanyang pagbubuntis, mabilis siyang napagod matapos ang ilang oras na pagtayo.Sumasakit na rin ang kanyang mga paa.Bagong pares ng sapatos ang suot niya at, sa kasamaang-palad, unti-unti nitong kinikiskis ang kanyang mga sakong.Nang hindi na niya matiis ang hapdi, pansamantala siyang umupo sa isang bakanteng upuan at kumuha ng band-aid upang takpan an

  • Unchosen : EL, LEGAL WIFE   Chapter 20 - Diborsyo

    Mainit ang hininga ni Sven, at dumampi iyon sa ilong at pisngi ni Elara. Sa sobrang lapit nila, tila biglang uminit ang buong mukha niya.Namula siya hanggang tainga. Nakahawak pa rin ang isang kamay niya sa kurbata ni Sven, ngunit bigla siyang nawalan ng ideya kung paano ito itatali.Mabilis ang kabog ng kanyang dibdib.“Tumayo ka nang maayos,” sabi niya, pilit na iniiwas ang tingin.“Sigurado ka?” Karaniwan lang ang tono ni Sven, pero sa ganitong kalapit na distansya, kakaiba ang dating ng boses nito—mababa, malumanay, at nakakapagpakaba. Lalo na’t halos dumidikit pa ang labi nito sa kanyang ilong. “Oo. Sigurado ako.”“Sige," pagkasabi niyon, agad na tumuwid si Sven. Para itong poste na biglang itinayo sa harapan niya.Napakurap si Elara.Lalong uminit ang kanyang mukha.Nakakahiya. Noong madalas pa silang magkasama, hindi niya napapansin kung gaano talaga katangkad si Sven kumpara sa kanya. Pero ngayon, dahil tuwid na tuwid itong nakatayo, halos hindi niya maabot nang maayos ang k

  • Unchosen : EL, LEGAL WIFE   Chapter 19 - Hindi papayagan

    Halos mapalundag si Elara sa sinabi ni Manang Sonia.Bubuka pa lamang ang kanyang bibig para magsalita nang mauna si Sven. “Manang, hindi siya buntis." diretso at walang pag-aalinlangan ang tono nito.Napakunot-noo si Manang. “Hijo, base sa mga sintomas niya, posible talaga! Ang pagsusuka at pagiging sensitibo sa amoy ng pagkain—”“Imposible,” putol muli ni Sven.Gusto sanang sabihin ni Sven na maingat naman sila at umiinom si Elara ng birth control pills. Ngunit ayaw niyang pag-usapan iyon sa harap ni Lolo kaya nagdagdag na lamang siya ng dahilan.“Abala ako nitong mga nakaraang linggo. Madalas akong nasa biyahe dahil sa trabaho. Wala kaming panahon para sa ganoong bagay.”Saglit na natahimik si Manang “Ah…”Bahagya itong nadismaya, ngunit hindi na nagtanong pa.“Bata pa naman kayo. Darating din ang araw na magkakaroon kayo ng anak. Basta alagaan ninyo ang inyong kalusugan.”Tumango si Elara. Ngunit hindi niya magawang ngumiti. Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong mabigat

  • Unchosen : EL, LEGAL WIFE   Chapter 17 - Tatlong Araw

    “Ako na nga ba?" diretsahang pag-amin ni Sven.Napangiti si Elara nang mapait. Kahit nahulaan na niya ang dahilan, gusto pa rin niyang marinig iyon mismo mula sa bibig ni Sven.“Sven, sino ba ang nagmamadali?” mahinahon niyang tanong. “Nangako na ako sa iyo na pag-uusapan natin ang diborsyo pagkatapos ng kaarawan ni Lolo. Natural lang na makukuha ko sa kanya ang marriage certificate at family registry natin. Hindi mo na kailangang ipaalala sa akin.”“Hindi ko iyon makakalimutan.” Namula ang mga mata ni Elara. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Parang may mabigat na bagay na paulit-ulit na gumugulong sa kanyang dibdib.Kung gusto ni Sven ang mga dokumento, maaari naman nitong sabihin nang diretso. Bakit kailangan pa nitong gamitin ang sinabi ni Nadine?Napatingin si Sven sa kanya at bahagyang nakaramdam ng konsensya. Kahapon, nang magising si Nadine, umiiyak itong yumakap sa kanya.Sinabi nitong takot na takot siya nang maaksidente at mawalan ng malay. Natakot siyang baka

  • Unchosen : EL, LEGAL WIFE   Chapter 16 - Selos

    Napaatras si Elara.Hindi na niya kayang panoorin pa ang eksenang nasa loob ng silid.Mabilis siyang tumalikod at tumakbo palayo.Kung maaari lamang niyang ibalik ang oras, sana ay hindi na niya binuksan ang pintuang iyon.“Sven… Napakalupit mo talaga!"Sumandal siya sa pader habang humihingal dahil sa pagmamadali niya. Sobrang sakit ng kanyang dibdib na mahigpit niya itong hinawakan, na para bang kapag pinisil niya iyon ay mawawala rin ang sakit.Ngunit bago pa man siya tuluyang makabawi, biglang kumulo ang kanyang sikmura.Mabilis siyang tumakbo sa banyo.Paulit-ulit siyang nagsuka hanggang sa wala nang lumabas kundi mapait na likido.Namumutla siya at gulo-gulo ang buhok na nakadikit sa kanyang mukha.Mayamaya, may kumatok.“Elara, buksan mo ang pinto," oses iyon ni Sven.Sinundan pala siya nito. Bakit?Kung nakita na nitong kasama si Nadine, bakit kailangan pa nitong sundan siya?Ayaw niyang sumagot. Ngunit lalo lamang lumakas ang katok.“Alam kong nasa loob ka. Bibigyan kita ng

  • Unchosen : EL, LEGAL WIFE   Chapter 15 - Ayaw aminin

    Nang akmang sisigaw na si Elara, isang pamilyar na boses ang narinig niya mula sa itaas.“Huwag kang matakot. Ako ito.”Nanlaki ang kanyang mga mata.Dahan-dahan niyang iminulat ang mga ito at nakita ang pamilyar na mukha ni Sven.“Sven?”“Hmm?”“Bakit ka bumalik?” Tumaas ang isang kilay nito.“Sa tono mo, parang ayaw mong bumalik ako.”“Akala ko kasi magdamag kang mananatili sa ospital kasama si Nadine," pagkasabi niya noon, agad niyang pinagsisihan.Biglang naging tahimik ang silid.Hindi sumagot si Sven. Sa halip, pinatay nito ang ilaw at hinila siya patungo sa kama.“Kumot ka.”Maingat nitong tinakpan si Elara bago bumulong sa kanyang tainga.“Matulog ka na.”Napakalapit nito.Ramdam niya ang mainit na hininga ni Sven sa kanyang balat kaya agad namula ang kanyang mga tainga.Mabilis siyang napasubsob sa dibdib nito.Pamilyar ang amoy nito.At higit sa lahat, pamilyar ang tibok ng puso nito.Mahigpit niyang ipinatong ang mga kamay sa dibdib.“Hindi ka pa naliligo, ‘di ba?”Napating

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status