LOGINBumalatay ang sakit sa dibdib ni Elara. Napakuyom na lang siya ng kaniyang kamao at mahinang sinabi, "‘Wag na lang natin pag-usapan. May mahal na siyang iba at malapit na rin naman siyang ikasal ulit"
"IKasal ulit? Kasal na ba siya dati?” Nagulat si Sven sa nalaman. ‘Dalawang taon kaming kasal, dalawang taon ko siyang kasama... tapos hindi ko man lang mapantayan ang lalaking matagal na niyang mahal?’ Tumango lang si Nanxi. "Oo, pinilit lang kasi siya ng pamilya niya na pakasalan iyong taong hindi naman niya mahal. Ngayong bumalik na iyong totoong mahal niya, magpapakasal na sila." Nagtagis abg bagang ni Sven sa narinig. "Ang gago naman niyan, dalawang babae agad iyong tinuhog niya! Hindi mo deserve ng ganyang klaseng lalaki ang pagmamahal mo. Kung may chance ka, maghanap ka na lang ng iba–doon sa mas sasaya ka.” Muling tumango lang si Elara. "Palagay ko nga rin." Pero anong magagawa niya? Umabot na ng sampung taon ang lihim na pagmamahal niya rito. Sampung taon—buong kabataan niya, ang layo at ang tagal na panahon na. Hindi na niya mababago pa iyon. Kung kaya lang naman niyang palitan ng iba ang laman ng puso ay matagal na niyang ginawa. May mga pagmamahal talaga na kapag lumalim na ay hirap ka nang makaahon pa, hindi mo na kayang basta na iligtas na lang ang sarili sa pagkalunod. ‘Sven, sampung taon kitang minahal, kung alam mo lang. Hindi naman ibang tao iyong mahal ko, eh, ikaw iyon–ikaw!’ Napakunot-noo si Sven at nahulog sa malalim na pag-iisip at pinakatitigan si Elara. "Elara,” bigla niyang sambit sa pangalan nito. "Bakit?" "Wala lang." Umiling si Sven. Tila nabubuang na siya. For a split second kasi, naramdaman niya na parang siya yung tinutukoy ni Elara. Pero agad din niyang inalis ang isiping iyon. Naalala kasi niya no’ng kasal nila, sinabi ni Elara na walong taon na nitong mahal iyong lalakeng iyon. Eh, apat na taon pa lang silang magkakilala no’n, kaya, imposibleng siya iyon. Sadyang ibang tao talaga. Nang makaalis na si Sven nagmamadaling kinuha ni Elara ang pregnancy test results sa basurahan. Inayos niya ang sa lamesa at maingat na itinabi. Sobrang sama ng pakiramdam niya; kahit paghinga, parang masakit. Humiga siya sa kama at nakatulog nga siya subalit paputol-putol naman hanggang sa nag-ring ang cellphone phone nito. "Hello?" Dahil kagigising lang, medyo paos pa ang boses ni Elara—ang lambot at ang hina pakinggan, parang nakaka-cute na ewan. "Tulog ka pa?" tanong ni Sven sa kabilang linya, ang sweet pa rin ng boses tulad ng dati. "Ah, hindi, kagigising ko lang,” tipid na sagot ni Elara. "Magta-tanghali na, ‘wag mong kalimutang kumain ha? Binigay ko na pala kay Limuel iyong gift, dadalhin na lang niya sa iyo mamaya." "Gift? Anong gift?" Dahil nga galing sa tulog, pinilit na ring kalimutan ni Elara ang maraming bagay. "Gift para sa second wedding anniversary natin. Kahit nabanggit ko iyong divorce kaninang umaga at dahil hindi pa naman final, alam ko pa rin naman iyong lugar ko at gagawin ko kung ano ang dapat. Kung anong mero’n ang iba, hindi ko ipagkakait sa 'yo." Ganyan talaga si Sven. Palaging sobrang gentleman at maalalahanin, parang perpekto at walang kapintasan. Sobrang bait niya! Ang swerte sana–may isang flaw lang talaga: hindi siya nito mahal. Habang natutulala si Elara, narinig niya ulit ang boses ni Sven sa kabilang linya "Gusto ko rin palang humingi ng pasensya. May kaunting aberya kasi do’n sa unang gift, kaya pinalitan ko na lang." "Sige!" Tumango si Elara na ani mo ‘y magkaharap silang nag-uusap, hindi niya maipaliwanag iyong nararamdaman niya. Magdi-divorce na sila, kaya parang ang ironic naman ng anniversary gift na 'to. Pagkababa ng phone, nagpalit lang ng damit si Elara at sakto namang dumating si Limuel. Inabot nito ang gift nang may paggalang: "Ma’am, pinapabigay po ni Sir, Sven." "Sige, salamat." Ang ganda ng pagkakabalot ng box, halatang galing sa mamahaling brand. Kahit alam niyang hindi ito iyong gift na inaasahan niya no’ng una, binuksan niya pa rin Nang makita niya iyong ruby necklace at earrings, napangiti na lang siya nang mapait. Bumabawi si Sven sa kanya. Dahil hindi nito mabigay iyong gusto niya, gumastos na lang ito nang malaki para sa isang set ng mamahaling jewelry.“Sandali lang,” sagot ni Sven.Mariing naikuyom ni Elara ang kanyang mga kamao. Wala na siyang kailangang sabihin pa.“Nagpa-checkup si Nadine ngayon. Hindi maganda ang naging resulta. Emosyonal siya at kailangan niya ako.”Agad na itinaas ni Elara ang kanyang mukha. Nanatiling malamig ang kanyang ekspresyon habang tinitigan niya si Sven.“Sige. Bilisan mo.”Ayaw na niyang makarinig ng anumang dahilan.Kung nakapagdesisyon na ito, bakit kailangan pa nitong magpaliwanag?Pagkaalis ni Sven, nanatili si Elara sa birthday celebration ng kanyang lolo at ipinagpatuloy ang pagtulong sa pagtanggap sa mga kamag-anak at bisita.Marahil dahil sa kanyang pagbubuntis, mabilis siyang napagod matapos ang ilang oras na pagtayo.Sumasakit na rin ang kanyang mga paa.Bagong pares ng sapatos ang suot niya at, sa kasamaang-palad, unti-unti nitong kinikiskis ang kanyang mga sakong.Nang hindi na niya matiis ang hapdi, pansamantala siyang umupo sa isang bakanteng upuan at kumuha ng band-aid upang takpan an
Mainit ang hininga ni Sven, at dumampi iyon sa ilong at pisngi ni Elara. Sa sobrang lapit nila, tila biglang uminit ang buong mukha niya.Namula siya hanggang tainga. Nakahawak pa rin ang isang kamay niya sa kurbata ni Sven, ngunit bigla siyang nawalan ng ideya kung paano ito itatali.Mabilis ang kabog ng kanyang dibdib.“Tumayo ka nang maayos,” sabi niya, pilit na iniiwas ang tingin.“Sigurado ka?” Karaniwan lang ang tono ni Sven, pero sa ganitong kalapit na distansya, kakaiba ang dating ng boses nito—mababa, malumanay, at nakakapagpakaba. Lalo na’t halos dumidikit pa ang labi nito sa kanyang ilong. “Oo. Sigurado ako.”“Sige," pagkasabi niyon, agad na tumuwid si Sven. Para itong poste na biglang itinayo sa harapan niya.Napakurap si Elara.Lalong uminit ang kanyang mukha.Nakakahiya. Noong madalas pa silang magkasama, hindi niya napapansin kung gaano talaga katangkad si Sven kumpara sa kanya. Pero ngayon, dahil tuwid na tuwid itong nakatayo, halos hindi niya maabot nang maayos ang k
Halos mapalundag si Elara sa sinabi ni Manang Sonia.Bubuka pa lamang ang kanyang bibig para magsalita nang mauna si Sven. “Manang, hindi siya buntis." diretso at walang pag-aalinlangan ang tono nito.Napakunot-noo si Manang. “Hijo, base sa mga sintomas niya, posible talaga! Ang pagsusuka at pagiging sensitibo sa amoy ng pagkain—”“Imposible,” putol muli ni Sven.Gusto sanang sabihin ni Sven na maingat naman sila at umiinom si Elara ng birth control pills. Ngunit ayaw niyang pag-usapan iyon sa harap ni Lolo kaya nagdagdag na lamang siya ng dahilan.“Abala ako nitong mga nakaraang linggo. Madalas akong nasa biyahe dahil sa trabaho. Wala kaming panahon para sa ganoong bagay.”Saglit na natahimik si Manang “Ah…”Bahagya itong nadismaya, ngunit hindi na nagtanong pa.“Bata pa naman kayo. Darating din ang araw na magkakaroon kayo ng anak. Basta alagaan ninyo ang inyong kalusugan.”Tumango si Elara. Ngunit hindi niya magawang ngumiti. Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong mabigat
“Ako na nga ba?" diretsahang pag-amin ni Sven.Napangiti si Elara nang mapait. Kahit nahulaan na niya ang dahilan, gusto pa rin niyang marinig iyon mismo mula sa bibig ni Sven.“Sven, sino ba ang nagmamadali?” mahinahon niyang tanong. “Nangako na ako sa iyo na pag-uusapan natin ang diborsyo pagkatapos ng kaarawan ni Lolo. Natural lang na makukuha ko sa kanya ang marriage certificate at family registry natin. Hindi mo na kailangang ipaalala sa akin.”“Hindi ko iyon makakalimutan.” Namula ang mga mata ni Elara. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Parang may mabigat na bagay na paulit-ulit na gumugulong sa kanyang dibdib.Kung gusto ni Sven ang mga dokumento, maaari naman nitong sabihin nang diretso. Bakit kailangan pa nitong gamitin ang sinabi ni Nadine?Napatingin si Sven sa kanya at bahagyang nakaramdam ng konsensya. Kahapon, nang magising si Nadine, umiiyak itong yumakap sa kanya.Sinabi nitong takot na takot siya nang maaksidente at mawalan ng malay. Natakot siyang baka
Napaatras si Elara.Hindi na niya kayang panoorin pa ang eksenang nasa loob ng silid.Mabilis siyang tumalikod at tumakbo palayo.Kung maaari lamang niyang ibalik ang oras, sana ay hindi na niya binuksan ang pintuang iyon.“Sven… Napakalupit mo talaga!"Sumandal siya sa pader habang humihingal dahil sa pagmamadali niya. Sobrang sakit ng kanyang dibdib na mahigpit niya itong hinawakan, na para bang kapag pinisil niya iyon ay mawawala rin ang sakit.Ngunit bago pa man siya tuluyang makabawi, biglang kumulo ang kanyang sikmura.Mabilis siyang tumakbo sa banyo.Paulit-ulit siyang nagsuka hanggang sa wala nang lumabas kundi mapait na likido.Namumutla siya at gulo-gulo ang buhok na nakadikit sa kanyang mukha.Mayamaya, may kumatok.“Elara, buksan mo ang pinto," oses iyon ni Sven.Sinundan pala siya nito. Bakit?Kung nakita na nitong kasama si Nadine, bakit kailangan pa nitong sundan siya?Ayaw niyang sumagot. Ngunit lalo lamang lumakas ang katok.“Alam kong nasa loob ka. Bibigyan kita ng
Nang akmang sisigaw na si Elara, isang pamilyar na boses ang narinig niya mula sa itaas.“Huwag kang matakot. Ako ito.”Nanlaki ang kanyang mga mata.Dahan-dahan niyang iminulat ang mga ito at nakita ang pamilyar na mukha ni Sven.“Sven?”“Hmm?”“Bakit ka bumalik?” Tumaas ang isang kilay nito.“Sa tono mo, parang ayaw mong bumalik ako.”“Akala ko kasi magdamag kang mananatili sa ospital kasama si Nadine," pagkasabi niya noon, agad niyang pinagsisihan.Biglang naging tahimik ang silid.Hindi sumagot si Sven. Sa halip, pinatay nito ang ilaw at hinila siya patungo sa kama.“Kumot ka.”Maingat nitong tinakpan si Elara bago bumulong sa kanyang tainga.“Matulog ka na.”Napakalapit nito.Ramdam niya ang mainit na hininga ni Sven sa kanyang balat kaya agad namula ang kanyang mga tainga.Mabilis siyang napasubsob sa dibdib nito.Pamilyar ang amoy nito.At higit sa lahat, pamilyar ang tibok ng puso nito.Mahigpit niyang ipinatong ang mga kamay sa dibdib.“Hindi ka pa naliligo, ‘di ba?”Napating







