LOGINSa loob ng tatlong taon, pinanghawakan ni Elara ang pangakong minsang ibinigay ng kanyang asawa—na balang araw, mamahalin din siya nito. Ngunit sa kabila ng pagiging legal na asawa, nanatili siyang pangalawang pagpipilian sa puso ng lalaking pinakamamahal niya. Nang bumalik ang babaeng tunay na minahal ng kanyang asawa, tuluyan nang gumuho ang mundo ni Elara. Sa isang iglap, ang tahanang itinuring niyang kanya ay naging kulungan ng sakit, at ang lalaking tinawag niyang asawa ay handang isuko ang lahat para sa ibang babae. Pagod nang ipaglaban ang pusong ayaw namang piliin siya, nagpasya si Elara na lumayo at simulan ang bagong buhay. Ngunit nang mawala siya, saka lamang napagtanto ng kanyang asawa ang pinakamalaking pagkakamali ng kanyang buhay. Sa pagkakataong ito, kapag lumuhod siya at magmakaawang bumalik ang babaeng minsan niyang binalewala... May natitira pa kayang pag-ibig sa puso ng legal wife na hindi kailanman pinili? Sa mundong puno ng kasinungalingan, pagtataksil, at pagsisisi, may pag-asa pa bang maging siya ang unang pipiliin?
View MoreHindi naiwasan ang maya’t maya na paglingon ni Elara sa pinto ng banyo habang naro’n ang asawa nitong si Sven. Dinig niya ang paglagaslas ng tubig mula roon.
Muling sumagi sa kanyang isipan ang matikas at magandang katawan ng asawa. ‘Tumigil ka nga Elara. Ang halay mo!’ Kagat-labing sinaway nito ang sarili at napapailing na lamang. Nakaupo siya sa ibabaw ng kama at tanging nakabalot ng makapal na kumot. Sinilip niya ang kanyang kahubaran at hindi maiwasan na mag-init ang kayang pisngi, alam niyang namumula na siya habang iniisip ang mainit na tagpo nila ni Sven kagabi. Buong puso niyang inaalay ang sarili sa asawa ngunit hanggang ngayon ay nahihiya pa rin siya nang husto tuwing matapos ang ganung sandali. Tumigil ang lagaslas ng tubig at lumabas na si Sven na tanging nakatapis laman ng tuwalya ang bandang ibaba. Agad na iniwas niya ang tingin at inabot niya rito ang damit. “Maligo ka na, hihintayin kita sa baba at sabay na tayong mag-almusal,” saad ni Sven na nagbibihis na. “Sige, susunod lang ako.” Sa baba, maingat na kinuha ni Elara ang cake sa ref at inilagay sa gitna ng mesa. Mahigpit niyang hawak ang resulta ng pregnancy test, dumadagundong sa bilis ang tibok ng puso niya sa kaba. Ngayon ang second wedding anniversary nilang mag-asawa at habang iniisip niya ang sasabihin tungkol sa kanyang pagbubuntis ay halo-halong emosyon ang kanyang nadarama. Kinakabahan at nasasabik si Elara ngunit mas nangingibabaw ang takot sa kanya. Sa kanyang harap ay nakaupo si Sven. Naka-custom made na itim na suit ito—elegante kaya kahit sinong babae ay talaga mapapalingon sa taglay nitong karisma at kagwapohan. Pagkatapos nilang mag-almusal, mahigpit na hawak ni Elara ang medical report, huminga muna siya nang malalim at kinakabahang sinabi, “Sven, may sasabihin ako sa ‘yo.” “Sure, perfect timing, I have something to tell you, too.” Tila umurong ang dila ni Elara kaya minabuti na niya paunahin na ito. “Mauna ka na,” ani niya. Tumayo si Sven, kumuha ng dokumento sa drawer at dahan-dahang ini-abot iyon kay Elara. “Here’s the divorce agreement. Basahin mo na lang ‘pag may oras ka.” Namilog ang mga mata ni Elara sa gulat at pilit na pinipigil ang sarili na huwag mabuwal sa kanyang kinatatayuan. Huminga siya nang malalim, pakiramdam niya may libo-libong patalim ang tumusok sa kanyang dibdib. ‘Divorce agreement daw?’ Na-blanko ang utak niya. Matapos ang ilang sandali, sa wakas nakapagsalita na rin siya habang tila natutulalang nagtanong rito. “Gusto mo akong hiwalayan?” “Oo,” agad na tugon ni Sven sa mahina at kalmadong boses. Napahigpit ang hawak ni Elara sa pregnancy test, nais niyang magsalita–magtanong kung wala na nga bang pag-asa? Kung hindi man lang ba siya nito natutunang mahalin sa loob ng dalawang taon? Paano ang batang nasa kanyang sinapupunan? Ang magiging anak nila? Kung sasabihin niya na ba ito ngayon–magbabago pa kaya ang isip ni Sven? Ngunit sa mga sandaling iyon ay hindi niya magawang ibuka ang bibig at sabihin ang lahat ng iyon kay Sven. “Nadine is back. I wanted to end our marriage contract as soon as possible. I know it's three years, but it changed. Tapusin na natin ng mas maaga, ayaw kong magkaroon pa ng kumplikasyon.” Nanikip ang dibdib ni Elara, kung gano'n ay wala na talaga siyang puwang sa puso ng asawa. “Alam kong medyo mabilis. Draft pa lang naman ito. You must read it first, you can have your request if you want, Elara. Basta kaya kong ibigay, ibibigay ko.” Tila wala sa sariling to tumango si Elara. “Sige, babasahin ko mamaya.” Itinago niya sa likod ang kamay, mahigpit na hawak ang pregnancy test habang tagaktak ang pawis sa kanyang noo. Alam niyang wala nang saysay pa na ipakita ito kay Sven. “May isa pa pala akong sasabog sa ‘yo,” sambit ni Sven. Mariing pinisil ni Elara ang kamay, pilit ngumiti habang tumitingin sa kanya. A-ano iyon?” “Dapat ikaw ang magsabi kay lolo about our divorce. Alam mong hindi siya papayag kung ako ang magsasabi.” “Sige, naintindihan ko,” pagsang-ayon niya rito. Dati, isa lang siyang ordinaryong babae. Nurse ang kanyang ina, sugalero ang kanang ama. Kahit kailan, hindi maituturing na kasing taas ng pamilya Peligrino ang antas ng pamumuhay nila. Ang tanging nagbago sa buhay niya ay noong nakilala ang abuelo. Si Don Hector Pelegrino na ngayon ay itinuturing siya nitong totoong apo at kapamilya. Nasangkot ito noon sa isang car accident, dahil do’n ay sa sobrang pag-aalala ay inatake ito sa puso. Saktong nasa lokasyon at napadaan naman ang ina ni Elara, hindi ito nagdalawang isip na tulungan ang matanda kung kaya ‘t nakaligtas ito. Ngunit makalipas lang ang isang taon, namatay sa cancer ang kanyang ina. Ang tatay niyang sugalero ang naiwan para sa kanya. Lumapit ito kay Don Hertor, nag-alala umano ito para sa kanya kaya kinausap nito ang family Pelegrino matapos at hiniling na alagaan si Elara bilang isang ulila dahil wala naman siyang ipambubuhay rito. Pero si Don Hertor ay nagpasyang ipakasal si Sven. kay Elara. Hindi nakalimutan ni Elara ang sinabi ni Sven sa kanya bago ang kanilang kasal, “Pumapayag akong pakasalan ka, pero, ang puso ko ay iisa lang ang mamahalin. Sa tatlong taon, handa akong magtiis. Pagkatapos ng tatlong taon, ikaw ang magsasabi tungkol sa diborsyo natin kay lolo, ikaw ang magsabing makikipaghiwalay ka sa akin.” Mapait siyang napangiti at itinago ang sakit na nadarama, kalmado siyang sumagot, “Alam ko. May mahal din akong iba. 'Pag natapos na ang kuntrata, tutuparin ko ang pangako ko at aalis na.” Sa loob dalawang taon nilang pagsasama, ginampanan ni Elara ang lahat ng responsibilidad bilang asawa at gano’n din naman si Sven sa kanya. Inalagaan at pinrotektahan—totoong sobrang bait nito sa kanya kung kaya ‘t mas lalo namang mahulog ang puso ni Elara sa asawa. Alam ng lahat sa paligid nila iyon. Halos lahat ay naiinggit sa kanya dahil mayroon siyang napakabuting asawa. Pero lingid sa kaalaman nila. Ang kasal nila ay hindi dahil sa pag-ibig, kun ‘di isang kontrata lang. Lahat ng kabutihan na ginawa sa kanya ng lalaking ito ay walang kinalaman sa pag-ibig; tungkulin lang ito para kay Sven. Kung may magmamahal man–siya lang iyon! Tinapos na nito ang tatlong taong kasunduan nang mas maaga, pero, ngayon bumalik na ang babaeng pinakamamahal ni Sven at oras na para lumayo siya. Yumuko si Elara at kinuha ang divorce agreement sa mesa. Wala na siyang ganang kumain at babalik na sana ito ng kuwarto nang biglang magsalita muli si Sven. “Kapag sinabi mo kay lolo ang tungkol sa diborsyo, tatanungin ka talaga niya kung bakit? Hindi ba sinabi mo no’ng kinasal tayo ay may mahal ka nang iba at matagal na? Ngayon pinalalaya na kita. Puwede mo na siyang hanapin at sundin ang sarili mong kaligayahan. Kahit ayaw ni lolo, hindi niya kayang tanggihan sa hiling mo na iyan.” Tumango na lamang si Elara “Oo, gano'n ang sasabihin ko kay lolo,” pagkasabi niya, hindi na siya makapghintay na bumalik sa kuwarto. Kung magtatagal pa siya, baka kung ano pa ang masabi, ‘Sven, ayoko na makipag-hiwalay.’ Biglang inabot ni Sven ang kamay niya at dahil sa takot ni Elara na madiskubre ang hawak niyang pregnancy test ay bigla niyang iyong binawi. Lalo lang nag-alala si Sven at pinilit hawakan ang kamay ni Elara “Bakit namumutla ka? May sakit ka ba? Masama ba ang pakiramdam mo?” sunod-sunod na tanong nito. “Wala.” Mabilis na binawi ni Elara ang kamay. “Dalawang taon na tayong kasal, sa tingin mo ‘di ko malalaman kung nagsisinungaling ka?” Malalim at ‘di matinag na titig ni Sven sa kanya. “Wala naman, period lang,” pagsisinungaling na pagsuko niya. “Magpahinga ka na muna,” pagkasabi nun, biglang napansin Sven ang mahigpit niyang kanang kamay at mahinang nagtanong, “Ano ba iyang hawak mo?” Tila napapaso na itinapon agad ni Elara ang hawak sa basurahan, pilit ngumiti: “Wala, basura lang. Nasa kamay ko lang at nakalimutan kong itapon.” Hindi nito masabi kung gaano kasakit ang dibdib. Para bang may kumuha ng palakol at hinati sa dalawa ang puso niya. “Sven, mahal kita,” bulong niya sa isip, “Paano nangyari na ganitong kaganda ang pagsasama namin pero maghihiwalay din?” Nung pinakasalan niya si Sven para siyang nagsugal nang patayan. Pero ngayon, masyadong mabilis ang pangyayari, malungkot ang pag-alis niya. ‘Elara, natalo ka sa sarili mong sugal. Hindi ka niya mahal, ni katiting na pagmamahal ay wala!’ Nakita siyang mahina at nanginginig, kaya binuhat siya ni Sven nang walang pagdadalawang isip. Nagulat si Elara sa pagbuhat sa kanya. “Sven, ibaba mo ko, kaya ko namang bumalik mag-isa.” “Ang hina mo, huwag ka nang magmatigas,” ang malumanay, kaakit-akit, at sexy na malalim na boses ni Sven ang umalingawngaw sa tenga niya. Ang boses na iyon ang inibig at narinig niya sa loob ng dalawang taon pero ngayon bigla na lang siyang matatapos ang lahat. Nais man niyang pigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak ngunit sadyang hindi na niya ito napigilan pa. “Hindi ka na bata, iyakin ka pa rin. Huwag ka nang umiyak, ipapatingin kita sa doktor mamaya,” natatawang biro ni Sven. “Hindi ako umiiyak,” matigas na sagot ni Elara. Wala ideya si Sven kung bakit umiiyak si siya. “Sige, sige, kung hindi ka umiiyak, e ‘di hindi. Puwede mo ba sabihin sa ‘kin kung sino siya?” biglang tanong ni Sven kung kaya ‘t napakunot ang noo si Elara napatitig sa guwapong mukha ng asawa. “Sino?” “‘Iyong lalaking mahal mo. Curious ako kung sino ang masuwerteng minahal at iniisip mo nang ganoon katagal?”Tumingala si Sven kay Elara. “Sigurado ka bang gusto mo ng 100 milyon?” “Hindi mo ba kayang ibigay?” sarkastikong balik na tanong naman niya kay Sven. “Kung iyon talaga ang gusto mo, papayag ako,” sagot ni Sven na walang pagdadalawang isip. Sa galit, pinunit ni Elara ang hawak niyang kasunduan sa diborsyo at itinapon ang mga piraso nito sa harapan ni Sven. “Napakalaking hadlang ko ba talaga, Sven?!. Sa puso mo, ganiyan lang ba talaga ang tingin mo sa akin? Ha? Babae na pera lang ang mahalaga!" bulalas ni Elara sa 'di na napigilang sumabog sa tindi ng samo 't saring emosyon. "Mahal na mahal mo Nadine, kaya handa kang magbigay ng 100 milyon nang walang pag-aalinlangan?! Nanginginig si Elara at matalim ang mga matang nakatitig kay Sven. Ngunit hindi no'n maikukubli ang lungkot at sakit. Ni kaktiting na pagpapahalaga ni Sven para sa kanya ay wala talaga. “Walang kinalaman si Nadine dito. Sinabi ko na, hangga’t hindi sobra ang hinihingi mo, susubukan kong ibigay. Ako ang un
Pagkagising ni Elara, puro puti ang bumungad sa kanyang paningin. Amoy disinfectant ang paligid.Nakatayo sa tabi ng kanyang higaan si Sven. Nang makitang gising na siya, agad itong lumapit.“Kumusta ang pakiramdam mo? Masakit pa ba?”“Medyo mas okay na.” Maputla ang kanyang mukha at halos wala nang kulay ang kanyang mga labi.“May pinainit akong lugaw para sa iyo. Kumain ka muna.” Binuksan ni Sven ang thermos at nagsalok ng kalabasang lugaw gamit ang mahahaba at magagandang daliri nito.Paborito ni Elara ang lugaw na iyon. “Ayaw ko munang kumain.” Umiling siya.Gayunpaman, inilapit pa rin ni Sven ang mangkok.“Kagigising mo pa lang at hindi ka rin nakakain kagabi. Mahina ang katawan mo ngayon. Paano ka gagaling kung hindi ka pa rin kakain?”“Tama ang asawa mo. Kailangan mong mabigyan ng sapat na nutrisyon ang katawan mo ngayon.”Pumasok ang doktor na nakasuot ng puting coat.Nang makita ang doktor, agad na umupo nang maayos si Elara.Kasabay nito ay tumingin siya kay Sven.“Gusto ko
Nairita si Sven sa tatlong sunod-sunod na tanong ng kayang ina. Niluwagan niya ang kanyang kurbata at kalmadong sinabi, “Mom, wala namang problema kay Elara. Hindi tulad ng iniisip mo!" “Walang problema?! Pinilit ni Serra na pakalmahin ang sarili bago muling tumingin sa anak. “Hindi pa alam ng lolo mo ang tungkol dito. Kapag nalaman niya ito, magpasalamat ka kung makaligtas ka sa galit niya. Kaya mag-ingat ka, at huwag mong isipin na hindi ko alam ang iniisip mo! Kung gusto mong itago ang bagay na ito, siguraduhin mong maitatago mo nang maayos. Mahina na ang kalusugan ng lolo mo ngayon kumpara noon. Kapag may nangyari sa kanya dahil dito, kahit anak pa kita, mananagot ka! Huwag mong isipin na dahil si Elara ang nagbanggit ng diborsyo ay papayag na kami! Kalimutan mo na ang ideyang iyan. Anak kita, kaya kilalang-kilala kita!" galit na galit na si Serra, ang akalang makakapagtimpi pa sa anak ay naubos. “Ang babaeng si Nadine ay hindi kasing simple ng iniisip mo. Noon, umalis siya na
Matapos magsuka nang ilang beses, saka lamang gumaan nang kaunti ang pakiramdam ni Elara. Huminga siya nang malalim, naghugas ng mukha, inayos ang kanyang makeup, at saka lumabas. “Mom, pasensya na po at nakita ninyo ako sa ganoong kalagayan. Medyo nawalan po ako ng kontrol kanina,” nahihiyang sabi ni Elara habang nakatingin kay Serra na nakaupo sa sofa. Ngumiti lamang si Serra. “Ayos lang.” Pagkatapos ay sinenyasan niya si Elara na maupo. Agad naman itong umupo sa tabi niya nang maingat. Dahil sa kaba, halos lumundag palabas ng dibdib niya ang kanyang puso. Hindi rin maayos ang kanyang paghinga. Ngunit higit sa lahat, ang pinakakinatatakutan niya ay ang tanungin siya ng kanyang biyenan tungkol sa kanyang pagsusuka. At tila sadyang pinaglalaruan siya ng tadhana. Sa sumunod na sandali, narinig niya ang tinig ni Serra. “Ano ba ang nangyari kanina? Nakita kitang nagsuka nang marami. Gusto mo bang magpatingin tayo sa ospital?” Napatili sa isip si Elara! 'Diyos ko! It


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.