Under His Rules (ENGLISH-TAGALOG)

Under His Rules (ENGLISH-TAGALOG)

last updateLast Updated : 2021-11-17
By:  TarynOngoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
4Chapters
2.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Reagan took Tamara from her father when she was ten years old. She expected the man to make her life miserable, but he did the exact opposite. She resided in a mansion-like home surrounded by Reagan's luxury items. She rarely sees the man, but he continues to send her expensive gifts. Reagan provided her a fantastic life. Until her eighteenth birthday, she has no idea what the man is up to. The man stormed into her room and declared coldly, "Let's get married." Tamara was confused, so she immediately rejected the man. Reagan was enraged by what Tamara had said, so he dashed over to her and deeply said. "You... are under my rules, and you must obey me." What will happen to Tamara? Will she marry the man who took her away from her father? Will she marry the man... she's been secretly in love with for years?

View More

Chapter 1

Intro

Intro.

Tamara's POV

"Hoy Joana, ibalik mo rin sa akin yang pogs ko mamaya ha!" Sabi ko sa kaibigan kong si Joana. Hiniram niya kasi yung isang plastik kong pogs, ewan ko ba sa kanya, ang dami niyang baon pero hindi makabili ng sariling laruan. Pero okay lang, mabait naman sa akin si Joana at madalas niya rin akong pinapahiram ng mga laruan niya mula pa 'nong lumipat kami rito.

"Oo Tammy! Paparamihin ko 'to. Tatalunin ko si Betchay, napakayabang kasi 'nun." Tumango tango ako dahil tama siya. Napakayabang ni Betchay kaya kaunti lang ang may gustong makalaro siya, minsan nandaraya rin siya sa laro kaya karamihan ay ayaw sa kanya. Isa kasi siyang spoiled brat.

"Sige, tama yan. Pero kapag dinaya ka niya sabihin mo sa akin, aawayin ko yun." Inis na sabi ko. Ngumiti sa akin ang kaibigan kong si Joana bago kami nagpaalam sa isa't isa.

Medyo malayo kasi ang bahay nila sa amin, mga anim sigurong bahay ang pagitan. Pero kahit na medyo malayo yung bahay nila sa amin, lagi pa rin kami nakakapaglaro.

Bumuntong hininga ako bago nagpatuloy sa paglalakad. Habang naglalakad pauwi ay tumingala ako sa langit, kamusta na kaya si Mama? Nakikita niya kaya yung mga nangyayari sa amin ni Papa dito? Alam kaya niyang naghihirap na kami ni Papa at minsan wala akong baon sa eskwelahan? Sobra kong nami-miss si Mama lalo na yung pag-aalaga niya sa amin ni Papa. Pati na rin yung pagluluto niya ng madarap na ulam at yung pag gawa niya nung paborito kong sopas. Nakakainis naman, bqkit kaya nagkakasakit pa yung mg mga tao? Tuloy may mga nawawala sa mundo at may mga naiiwan.

Yumuko ako at bumuntong hininga ulit. Tatlong buwan na rin ang nakalipas mula nang mawala si Mama pero pakiramdam ko kahapon lang nangyari lahat ng 'yun. Ayaw kong umiyak dahil ayokong isipin ni Papa na ang hina hina ko. Kasi kapag umiyak ako, panigurado malulungkot din si Papa at baka pati siya ay maiyak. Naalala ko pa noong gabing kalilibing lang ni Mama, akala ko natanggap na talaga ni Papa ang nangyari pero paglabas ko sa kwarto, nakita ko siyang umiinom ng alak at umiiyak.

Kahit naman ako minsan hindi ko rin mapigilan ang sarili kong umiyak kasi nami-miss ko yung dati. Yung kahit ta-tatlo lang kami, sobrang saya namin.

Haaaaay, siguro ganon nga talaga ang buhay. Papasayahin ka lang konti tapos papaiyakin ka na. Kaya nakakatakot maging masaya eh, kasi baka bukas o sa susunod na araw... hindi na.

Nang malapit na ako sa inuupahan naming bahay ay napatigil ako sa paglalakad nang makitang kumpulan ang tao malapit sa doon.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa batang minsan ko na ring nakalaro ng pogs.

"May pumasok sa bahay niyo tapos sinasaktan yung Papa—" Hindi ko na pinatapos yung sinasabi niya dahil bigla akong kinabahan. S-sinasaktan? S-si Papa?

Tumakbo ako papalapit sa bahay at nang makapasok ako ay nag-unahang tumulo ang mga luha ko. Si Papa ay nakahandusay na sa sahig at duguan ang mukha.

"P-papa!" Tumakbo ako sa kanya at niyakap siya. A-ayaw ko ng ganito, ayaw kong nakikitang ganito ang P-papa ko..

"T-tammy.."

"P-papa.." Umiiyak na sabi ko. "T-tumayo na po kayo dyan 'Pa." Matapos kong sabihin yun ay unti unti siyang tumayo na halata namang hirap na hirap din at doon ko na lamang napansin ang tatlong lalaking nakatingin sa amin. Nang makatayo si Papa ay agad akong nagtago sa likuran niya dahil iba ang paraan ng pagtitig nung lalaking naka pang opisina sa akin. Malamig ang kanyang mga tingin.

Malalim ang kanyang mga mata at sa gitna ng mga ito ay ang sobrang tangos niyang ilong. Siguro ay banyaga ito kaya iba ang itsura niya.

Napansin ko sa paligid na sobrang gulo na ng bahay namin marahil ay resulta ito ng ginawa nila kay Papa.

"Is she your daughter?" Tanong nang lalaki kay Papa habang diretso ang tingin sa akin. Napahigpit naman ang hawak ko sa laylayan ng damit ni Papa.

"O-oo.." Tila nahihirapang sagot ni Papa. Tiningala ko si Papa at nakita ng mga mata ko ang pagtulo ng kanyang mga luha. B-bakit?

"P-papa.." Tawag ko sa kanya ngunit hindi niya ako sinagot, patuloy lamang ang kanyang mga luha sa pagbagsak.

Nang ibalik ko ang tingin ko sa lalaking iyon ay nakatitig pa rin siya sa akin. Mukha siyang anghel pero nakakatakot ang tono ng boses niya at paraan niya ng pagsasalita. S-sino ba 'tong mga 'to at sinaktan nila ang Papa ko? A-ano bang kasalanan ni Papa sa kanila?

"How old is she?" Tanong niyang muli.

"S-sampung taong gulang—" Ngumisi ito sabay sabing..

"You're paid, Armando." A-ano daw?

Tumalikod ito at para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa kanyang huling sinabi..

"Take her."

@TarynGrace

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

Comments

user avatar
Lorenzo Pedro Samantha Lalaine
next please
2022-12-24 17:14:30
0
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status