LOGINAmelia Sinclair
Nagising ako nang maramdamang mabigat na nakadagan sa tiyan ko. Nang subukan kong itong igalaw ay hindi manlang kumibo. Nanlaki ang mga mata ko nang tuluyang magmulat ng mata nang makita ang lalaking nasa harapan ko. Tangina? Ito yung lalaking nakausap ko sa club kagabi, ah? Bakit magkatabi kami? Bumaba ang tingin ko sa braso niyang nakapulupot sa akin. Ramdam ko ang init ng balat niya dahil parehas kaming walang saplot sa ilalim ng kumot. Puno din ng pantal ang dibdib ko. Napatakip ako ng bibig nang mapasinghap sa reyalisasyon. S***a? May nangyari ba sa amin? Gumamit ba ng condom? Jusko naman. Kung kailan ako umabot ng dalawampu't lima ay tsaka pa ako naglasing at kumerengkeng. Pinakiramdaman ko ang aking sarili kung masakit ba ang gitnang bahagi ng katawan ko. Nakahinga ako ng maluwag ng wala naman akong kakaibang naramdaman. Nag-oral lang siguro kami? Teka? Baka naman juts siya? Hays. Kagwapong nilalang, maliit naman pala. Talagang fair si Lord. Inangat ko ang kamay niya at inilagay iyon sa ibabaw ng tiyan ko. Buti na lang at madali ko iyong nagawa dahil kusa rin siyang humiga nang patihaya. Bumaba ang tingin ko hanggang sa bandang tiyan niya, revealing more of his body. Napalunok ako. Halos maglaway ako sa nakita ko. Hindi ko alam kung dahil ba may hang-over ako at wala pa sa sarili o dahil lang talaga sa lalaking nakahiga sa harap ko, pero parang biglang naging mainit ang buong paligid. His body was unfairly beautiful. He has broad shoulders, defined muscles, and a physique that looked almost too perfect to be real. Mabilis kong iniiwas ang tingin ko, pilit na ibinaling ang atensyon sa mukha niya. Mas maamo siya kapag natutulog. Wala iyong malamig at intimidating na ekspresyong madalas kong nakikita sa kanya. His features looked softer, almost peaceful. Halos magpigil ako nang hininga ng gumalaw ang kamay at natabig nito ang kumot sa kanyang katawan. Napatingin ako roon. My eyes widened. Tangina, ba't ang laki ng tite niya? Agad akong napatingin sa mukha niya, hoping he hadn't noticed where I was looking. But he was still asleep. Muling bumaba ang tingin ko. Hindi pa siya matigas niyan pero ganoon na kaagad ang itsura. Confirmed nga nawalang nangyari sa amin, dahil kung nakapasok ang alaga niya sa katawan ko ay baka hindi ako makalad nito. Ilang segundo akong nanatiling nakatingin sa kanya bago ko tuluyang pinilit ang sarili kong umiwas. Not gonna lie, pero medyo nanghinayang ako na hindi manlang ako nagkaroon ng full experience sa higante niyang pag-aari. Sayang. Pero tama na. Busog na ang mga mata ko. Baka mamaya ay may bumulong na demonyo sa utak ko at kainin ang jumbo hotdog. Wala akong excuse na maaring sabihin dahil hindi na naman ako lasing katulad kagabi. Muli ko siyang tinabunan ng kumot bago ako tuluyang bumangon mula sa kama. Maingat akong bumaba at agad na pinulot ang mga damit kong nakakalat sa sahig. Nahanap ko ang pants at panty ko na nakahandusay malapit sa p***o. I couldn't even remember how they ended up that far away. Mukhang mas wild kami kagabi kaysa sa inaasahan ko. Sayang lang at hindi ko masyadong maalala. Mukhang enjoy pa naman. Maingat ang bawat galaw ko habang nagbibihis, pilit na hindi gumagawa ng ingay. Ayokong magising siya. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko kapag nagising siya. Mas mabuti ng umalis ako ng hindi niya nalalaman para hindi na maging awkward pa. Nakahinga ako nang maluwag nang mapansin ko ang envelope ko sa sahig. Mabuti na lang at hindi iyon nawala. Agad ko iyong pinulot at maingat na sinuri ang laman. Nandoon pa ang ilan sa mga importanteng papeles ko. Mga dokumentong hindi madaling palitan at siguradong gagastos na naman ako ng oras at pera kung sakaling mawala ang mga iyon. Then I noticed the familiar card tucked inside the envelope. Kinuha ko iyon at pinagmasdan. Valerian Devereaux. CEO, Devereaux Holdings. I stared at the name for a moment. Iyon ang pangalang ipinakilala niya sa akin kagabi. Pero hindi ako sigurado kung totoo ba ang lahat ng sinabi niya. Hindi naman imposibleng nagsinungaling siya. After all, isang gabi lang naman ang pinagsaluhan namin. Wala akong sapat na dahilan para pagkatiwalaan ang kahit anong sabihin niya tungkol sa sarili niya. Napangisi ako nang maalala kong niyaya niya pala akong magpakasal kagabi kapalit ng pagbabayad niya sa lahat ng utang namin. Kung totoo lang sana iyon. Pero imposible naman iyong paniwalaan. Sobrang gwapo niya. Parang model na basta na lang lumabas mula sa isang magazine. Imposibleng hindi siya makahanap ng babaeng gustong pakasalan siya. Baka style lang niya iyon para makakuha ng babae. May chance din na baka scammer siya. Sa mukha pa lang niya, paniguradong marami siyang kayang lokohin. Kung ako nga, na-modus niya na uminom at sumama sa kanya, ibang tao pa kaya? Umiling ako pero itinabi din ang card. Binuksan ko ang cellphone ko. Sunod-sunod na lumabas ang mga notification na. Karamihan sa mga iyon ay galing kay Trina na mula pa kagabi. Trina: Tapos na shift ko. Nasaan ka na? Amelia, nakauwi ka na ba? Dapat nag-chat ka na kung aalis ka na. Nasaan ka na? Tulog ka na ba? Message me once you wake up. Napakamot ako sa ulo. Nakunsensya naman ako dahil mukhang nag-aalala talaga siya. Mabilis akong nag-type ng reply. Me: Good morning, Trina. Pasensya na hindi ako nakapagpaalam. Inantok na kasi ako kagabi. I stared at the message for a second before pressing send. Hindi ko naman maaaring sabihin sa kanya ang totoong nangyari. Napabuntong-hininga ako at muling tiningnan ang notifications. Isang message ang agad nakakuha ng atensyon ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong iyon ang pinagkakautangan namin. Agad kong binuksan ang message. Blackwood Capital: Good morning, Ms. Sinclair. This is a reminder of your scheduled appointment with our representative today at 12:00 p.m. Please arrive at least fifteen minutes early. Napatingin ako sa oras sa cellphone ko. 10:00 a.m. "Shit." Halos mabitawan ko ang cellphone ko. Nakalimutan ko na nagpa-schedule nga pala ako upang makiusap kung maari bang bawasan ang halaga na kailangan mabayaran next month. Nagmadali na akong umalis at hindi na binalingan ng tingin ang lalaking naiwan ko sa kama. Bahala na siya diyan. Wala akong pera pambayad ng hotel room namin. Ang mahalaga lang ay makarating ako sa appointment ko sa tamang oras. Pagkauwi ko sa bahay ay laking pasasalamat ko nang wala doon ang ina at kapatid ko. Wala na akong oras para mag-isip ng palusot kung tatanungin nila kung saan ako natulog kagabi. Pagkatapos kong maligo at magbihis, agad na akong umalis para pumunta sa coffee shop kung saan napagkasunduan naming magkita. Mabuti na lang at sumakto ako sa oras. Baka lalo akong ma-bad shot kay Mr. Santos, Santos, ang representative ng Blackwood Capital. Imbes na maawa sa akin, baka lalo pa siyang mapikon. Pagkapasok ko pa lang sa shop, agad nang tumayo si Mr. Santos. Nakasuot siya ng navy na suit at may dalang briefcase. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Sa kanya ako regular na nag-aabot ng bayad buwan-buwan. Kaya naiintindihan ko kung bakit hindi siya natutuwa na makita ako. Ilang buwan ko ba naman siyang hindi sinipot. Pero nang dumating ang letter of demand tungkol sa utang namin, halos araw-araw ko siyang kinulit para makipagkita sa akin. Malamang ay alam na niyang nandito ako para makiusap. At alam kong hindi magiging madali ang pag-uusap na ito. "Good afternoon po," nahihiyang bati ko. "Good afternoon, Ms. Sinclair," sagot niya. Inilahad niya ang kamay patungo sa upuang nasa tapat niya, senyales na maupo ako. Tumango ako at marahang umupo, saka inilagay ang bag ko sa kandungan ko. Hindi ko maiwasang kabahan. I could already tell from his expression that this wasn't going to be a friendly conversation. "It's nice to see you again," dagdag niya, pero hindi man lang gumalaw ang seryosong ekspresyon sa mukha niya. "Sorry po talaga, Mr. Santos." Umupo siya at inilapag ang briefcase sa tabi niya. "You have been difficult to reach these past few months, Ms. Sinclair." Napayuko ako. "I know, and I'm really sorry po. Nagkaroon lang po talaga kami ng maraming gastusin nitong mga nakaraang buwan." "I'm aware of that." Napatingin ako sa kanya. Dahan-dahan niyang binuksan ang briefcase at inilabas ang isang makapal na folder. "But unfortunately, Ms. Sinclair, your personal circumstances don't change the terms of the debt." Napahigpit ang hawak ko sa bag ko. "Mr. Santos..." mahinang tawag ko. Tumingin siya sa akin. Ang mga wrinkles sa noo niya na lalong naging kapansin-pansin habang pinagmamasdan niya ako. "Please. Nakikiusap na po ako. Masyadong malaki po para sa amin ang halagang one hundred eighty-five thousand pesos na kailangan naming bayaran next month. Baka po puwedeng makahingi ng extension, o makapagbayad paunti-unti." "Ms. Sinclair, we've already given your family several extensions." "Alam ko po." Mabilis akong tumango. "At nagpapasalamat po ako roon. Pero sa ngayon, wala na po talaga kaming ibang mapagkukunan." Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita. "May kapatid pa po akong nag-aaral. Second year college pa lang siya. Ako lang po ang sumusuporta sa kanya. Hindi ko naman po siya puwedeng patigilin. Maging ako nga po ay hindi nakatapos, hindi ko naman po pwedeng hayaan na matulad na lang siya sa akin." Bahagyang bumaba ang tingin ko sa mesa. "Si Mama naman po... may osteoarthritis. Hindi na po siya nakakatrabaho nang tulad ng dati. Naglalabada po siya para may maipangtustos kami sa araw-araw, pero madalas na rin pong sumasakit ang katawan niya." Nanginginig na ang boses ko. Nagbabara ang lalamunan. "Kaya sa ngayon po ay ako halos ang sumasalo sa lahat. Sinusubukan ko pong pagkasyahin ang kinikita ko sa convenience store at bilang cleaner. Pero hindi po talaga sapat." Tahimik lang siyang nakikinig at pinagmamasdan ako. "Please, Mr. Santos. Kahit kaunting panahon lang po. I promise, babayaran namin. Hindi naman po kami tumatakbo sa utang." "Ms. Sinclair." He took a sigh. "I didn't come here to listen to explanations about your family's financial situation." Nanigas ako sa kinauupuan ko. Malamig ang tono ng boses niya. Walang halong bahid ng pang-unawa. "I came here personally because I wanted to remind you of your responsibilities before the next payment becomes due." Inilapag niya sa harap ko ang isang dokumento na mula sa kanyang folder. "The remaining balance on your family's loan is ₱1,876,500." Halos kapusin ako nang hininga sa nakita. One million eight hundred seventy-six thousand five hundred pesos. Kahit ilang beses ko iyong tingnan, hindi nagbabago ang numero. "Kaya kailangan ninyong magbayad buwan-buwan," pagpapatuloy niya. "Hindi lang para mabawasan ang interest, kundi para unti-unting mabayaran ang principal balance. If you stop making payments, the amount will continue to accumulate." "Pero paano naman po kami makakabayad kung wala talaga?" Napalunok ako. "Saan po ako kukuha ng one hundred eighty-five thousand pesos sa isang buwan? Hindi ko po kayang kitain iyon." "I understand that." "Kung kahit kalahati lang po muna..." "I'm sorry, Ms. Sinclair, but I can't approve that." "Please." Pinagsiklop ko ang aking mga palad habang nakikiusap. Ngunit nanatili siyang matigas at umiling. "Mr. Santos, nakikiusap po talaga ako," pagpupumilit ko pa. "Bigyan niyo lang po kami ng kaunting panahon. Kahit isang buwan lang po. Makakahanap po ako ng dagdag na trabaho. Kahit dalawang trabaho pa po. I'll do whatever I can." "I'm sorry, but my hands are tied. Nagtatrabaho lang din ako, Ms. Sinclair." Naramdaman kong umiinit ang mga mata ko. Unti-unting nawawalan ng pag-asa. "Hindi naman po namin kayo tatakasan. Gusto ko lang po ng sapat na oras para mabayaran iyon." "I know." He closed the folder and put it back inside the briefcase. "Ms. Sinclair, I am not the person who decides whether your debt is forgiven, reduced, or restructured. I'm here to enforce the agreement made with Blackwood Capital. I understand you, so I hope you understand me as well." Nanginginig ang mga labi ko. "Kung hindi po kami makapagbayad next month..." "If the payment is missed, the company will proceed according to the terms of the loan, including the necessary legal action to recover the outstanding balance. If necessary, the matter will be brought before the proper authorities and the court." Nanlamig ang mga kamay ko. "Kasama po ba roon ang bahay at lupa namin?" Sandali siyang tumahimik bago ako tuwirang tiningnan. "Yes. But we both know it's not gonna be enough to cover the remaining balance." Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko. Naramdaman ko ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko. Hindi ko na iyon napigilan. "Please, Mr. Santos..." "I'm sorry." I tried to reach for his hand, hoping that maybe, just maybe, he would change his mind. Pero agad niya iyong iniwasan. Isinara niya ang briefcase niya bago tuluyang tumayo. "I've given you the reminder personally, Ms. Sinclair. You still have time before the payment is due. Use it wisely." Tumikhim siya at inayos ang cuff ng manggas niya. "See you next month." Tumango lang ako. Hindi na ako makapagsalita. Pinanood ko siyang lumakad palayo hanggang sa tuluyan siyang mawala sa aking paningin. Naiwan akong mag-isa sa coffee shop. Nanatili akong nakaupo, hindi alam kung gaano katagal. Patuloy lang sa paligid ko ang ingay ng mga taong nag-uusap, ang tunog ng mga baso at kubyertos, at ang mahinang tugtog mula sa speakers. Pero wala akong marinig nang maayos. Para bang biglang naging malayo ang lahat. Napayuko ako at napapikit. Hinayaan kong tuluyang umagos ang mga luha sa aking mga mata. I felt completely helpless. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala akong sapat na pera. Wala akong maaasahan. At kahit ibenta namin ang bahay at lupa, hindi pa rin iyon magiging sapat para mabayaran ang lahat. I pressed my lips together, trying desperately to stop myself from crying harder. Isang buwan. Isang buwan na lang bago kami tuluyang mawalan ng bahay. At wala akong kahit anong ideya kung paano ko iyon mapipigilan.Amelia Sinclair Nasa dulo lang ng pasilyo ang restroom. Walang pagdadalawang isip na sinarado ni Valerian pintuan bago niya chineck ang bawat cubicle upang masigurado na walang ibang tao sa loob bukod sa aming dalawa. Naiwang nakaawang ang bibig ko habang pinapanood siya sa ginagawa. Hindi makapaniwala sa ginagawa niya. He's being reckless, but I don't have the strength to stop him. Nang matapos siya ay humarap siya sa akin. His hands found my waist, lifting me effortlessly until my back pressed against the cold mirror. The shock of it made me gasp. Gumagapang pataas sa aking mga balakang ang laylayan ng dress na suot ko at naipon ang tela sa baywang hanggang sa nalantad ang aking lace na panty sa kanyang mapanabik na mga mata. The black suit he's wearing clings to his broad shoulders, the crisp white shirt straining slightly against his chest as he leans in. "You're so fucking tense," he murmured against my lips, his brea
Amelia SinclairSinundan ng mga mata ko si Valerian nang umikot siya sa sasakyan upang pagbuksan ako ng pinto.I was wearing a red dress that hugged every curve of my body. It was one of the few dresses I owned na minsan ko lang rin sinusuot kapag talagang may pamalakasang event para di agad maluma. Naglagay din ako ng manipis na makeup at red lipstick para makumpleto ang look. Meanwhile, Valerian wore a black suit paired with a crisp white dress shirt. Walang tie, kaya bahagyang relaxed ang dating niya kahit na halos lahat sa kanya ay mukhang expensive. His dark hair was neatly styled, and as always, sobrang bango niya.That familiar scent of his reached me the moment he opened the door.He extended his hand toward me.“Careful.”I placed my hand in his and stepped out of the car.His eyes briefly traveled over me.Tinaasan ko siya ng kilay. “What?”“You look beautiful.”There was no
Amelia SinclairHalos nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig sa cellphone.Nakabukas doon ang litrato namin ni Valerian na magkasamang pumasok sa boutique kagabi. Halatang patago itong kinuha dahil medyo malayo ang kuha, pero kahit ganoon, kitang-kita pa rin ang mukha ni Valerian na nakatingin sa akin. Nakatingala naman aako sa kanya, kaya hindi kita ang mukha ko. Likod lang ng ulo ko ang makikita sa picture.Naka-post ang litrato sa Twitter at Facebook, kasama ang isang headline na agad na nagpalakas ng kabog ng dibdib ko."Meet the Future Mrs. Devereaux? Billionaire Valerian Devereaux Spotted Shopping with Mystery Woman."Binasa ko ang caption na kasunod nito.They were seen entering the boutique together and leaving an hour later. Could this be the mysterious woman who has recently captured the attention of the notoriously private billionaire?Nag-scroll ako pa ako. May isa pang picture na kinuha habang palabas
Amelia SinclairUnlike sa mga nakaraang araw na sinusundo ako ni Valerian pagkatapos ng trabaho at diretso kaming pumupunta sa mansion niya, iba ang ginawa namin ngayon. Tonight, we went to a boutique for our wedding clothes.Pagpasok namin sa isang eleganteng boutique, agad kong napansin na wala nang ibang customer. Tahimik ang buong lugar, except for the soft instrumental music playing somewhere in the background. Napansin ko rin ang ilang hanay ng gowns na naka-display sa mga mannequins at ilang suits na nakaayos sa kabilang bahagi ng store. A woman in an elegant black dress approached us with a warm smile. Nauna siyang lumapit kay Valerian upang makipagkamay."Good evening. Mr. Devereaux."She turned toward me. "Good evening.""And you must be the bride?"Napansin ko ang pagtingin nito sa akin mula ulo hanggang paa. Nailang naman ako ng kaunti because I know I don't look that good right now. Kagagaling ko
Amelia SinclairAkmang tutuksuhin ko pa siya nang biglang may pumasok sa dining area."Wow. Sarap naman niyan," Andrew exclaimed, may malaking ngisi sa labi.Tila napaso kami at mabilis naming binawi ni Valerian ang kamay mula sa isa't isa. Lumakad papalapit sa amin si Andrew. May hawak na makapal na folder sa isang kamay. "Pwedeng pa-share?" saad niya habang direktang nakatingin sa katabi ko.Sumimangot si Valerian at masamang tumingin kay Andrew."What are you doing here?" tila inis na saad ni Valerian.Andrew chuckled. "Nakalimutan mo ba, boss? You asked me to come here."Tinaas pa niya ang dalang folder para ipakita kay Valerian. Valerian just clicked his tongue. Bumaling naman si Andrew sa akin at nagbigay ng mapaglarong ngiti."Hi, bestie."Nakilala ko si Andrew noong nag-meeting kami tungkol sa official wedding date at finalization ng contract. Doon din sinabi ni Valerian sa kanya ang f
Amelia SinclairIlang araw na ang nakalipas mula nang magsimula kaming maghanda ni Valerian para sa magiging kasal namin. Halos gabi-gabi kaming nagkikita dahil pareho kaming nagtatrabaho sa umaga. Pagkatapos ng shift ko, sinusundo niya ako sa convenience store at dinadala sa mansion niya para pag-usapan ang mga kailangan naming ayusin para sa kasal.Valerian told me that he wants the wedding to be intimate and simple. Tanging mga taong importante lang daw ang gusto niyang makadalo. Sumang-ayon naman ako.Bakit pa namin gagarbuhan kung hindi naman talaga ito totoong kasal?Hanggang ngayon ay wala pa rin akong napagsasabihan tungkol sa kasal namin. Hindi ko alam kung paano ko bubuksan ang topic na ito sa pamilya ko. Baka hindi sila maniwala na totoong magpapakasal ako dahil sa love. Alam naman ni Mama at Anton na wala sa pakikipagrelasyon ang utak ko. Hindi nga nila alam na nagkaroon ako ng boyfriend noong college kahit tatlong buwan lang naman ang







