Share

Chapter 10.2

THEIR acquaintance party came. Kinakabahan si Nari habang sinisipat ang sarili sa harap ng malaking salamin na nagpakita ng kaniyang kabuoan. 

"Bakit kasi ang baba?" tanong niya sa sarili nang masulyapan ang bandang dibdibng damit. Feeling niya talaga kasi ay sobrang expose na expose siya.

Ang kaniyang make up ay tama lang at hindi gaanong makapal. Ang lipstick niya lang ang siyang nagbigay kulay sa mukha niya na pulang pula. Litaw na litaw ang kaputian ni Nari lalo pa't naka half ponytail ang buhok niya, revealing her collarbone. Muntik na niyang hindi makilala ang sarili. Yes, marami nagsasabing maganda siya at may magandang kurba ang katawan, pero itong nasa harap niya ngayon... it was a... goddess.

Napahagikhik na lang siya sa isip. Muli niyang itinaas ang itaas ng saplot niya at bahagya ng nairita dahil bumabalik pa rin iyon sa dati.

"Nari, kahit ilang beses mong itaas 'yan, bababa at bababa pa rin. It was designed to be like that! And it'

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status