Home / Romance / Undress Me, Uncle Troy / Chapter 44 - Ang Chika

Share

Chapter 44 - Ang Chika

Author: GRAY
last update Huling Na-update: 2025-11-19 22:31:52

Maaga pa lang ay gising na ako. Sanay na sanay na ang katawan kong gumalaw bago pa sumikat ang araw. Tahimik pa ang buong La Esperanza, tanging huni ng mga ibon at malayong ingay ng mga tricycle ang naririnig ko.

“Mama…”

Mahina ang tinig ni TJ habang bumababa siya sa hagdan, bitbit ang maliit niyang bag na may cartoon cars. Pupungas-pungas pa ang mata niya.

“Good morning, baby,” sabi ko, sabay yakap sa kanya. “Ready for school?”

Tumango siya at ngumiti. Ngiting kay-linis, kay-inosente. Ngiting hindi ko kayang palitan ng kahit anong yaman. “Mama, can I bring my toy car?”

“Of course. Basta ‘wag mong iiwan sa classroom.”

Habang binibihisan ko siya, hindi ko maiwasang mapatingin sa maliit na mukha niya. Hindi niya alam, pero araw-araw, ipinagpapasalamat ko na siya ang kasama ko ngayon. Siya ang dahilan kung bakit ko kinaya ang limang taon na iyon na puno ng takot at pagtatago.

Pagkatapos naming kumain, hinawakan ko ang kamay niya at naglakad kami papunta sa kindergarten school sa kabilang
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 72 - Pagkakaunawaan

    Tahimik ang buong bahay, tila lumulubog pa sa bigat ng mga salitang binitawan ni Troy kanina. Mahimbing pa rin ang tulog ni TJ, habang ako naman ay nakaupo na sa gilid ng kama, nakahawak sa aking dibdib na parang sinusubukang pakalmahin ang pagbilis ng tibok nito.Nakahawak si Troy sa pinto ng kwarto, nasa anino siya ng ilaw sa hallway. Ang postura niya—nakayuko, nakasandal, parang wala nang lakas—ay mas malinaw pang ebidensya ng limang taon niyang tinago.At bago pa siya tuluyang umalis, bago pa kami lamunin ng katahimikan, lumabas sa bibig ko ang tanong na matagal ko nang kinikimkim.“Troy… lahat ba ng tungkol sa inyo ni Tricia ay totoo?”Napatigil siya.Hindi siya agad lumingon, hindi agad sumagot.Parang isang minuto siyang nanatiling nakatalikod, saka dahan-dahan umangat ang balikat niya sa paghinga. Nang humarap siya sa akin, doon ko nakita ang panginginig ng panga niya at ang pamumuo ng lungkot sa mata niya.“Hindi,” sagot niya, mariin. “Wala sa mga sinabi nila ang totoo. Wala

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 71 - Ang Kanyang Rason

    Tahimik ang buong bahay matapos ang pag-uusap namin. Nakaupo ako sa gilid ng kama habang pinagmamasdan si TJ na unti-unting humihikab. Nakapulupot pa rin ang maliit niyang braso sa leeg ng papa niya, parang ayaw nang kumawala.“Tulog na, anak,” mahina kong bulong.Si Troy ang marahang humiga sa tabi ni TJ, akay-akay ang ulo ng bata. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ni TJ mula sa leeg niya at inayos ang kumot. Tinakpan niya ang bata mula dibdib hanggang paa, saka marahang hinaplos ang buhok nito.“Matagal ko nang pinangarap na ganito,” narinig kong sabi niya, halos pabulong.Hindi ako sumagot. Pinagmamasdan ko lang ang paraan ng pagtingin niya kay TJ—puno ng pangungulila, panghihinayang, at pag-ibig na itinatago niya sa limang taong lumipas.Nang tuluyan nang pumikit ang anak namin, tumayo si Troy at marahang lumabas ng kwarto. Sumunod ako, sinarado ko ang pinto nang dahan-dahan. Nasa hallway na siya, nakasandal sa dingding, nakatingin sa sahig na parang may mabigat na pasan.“Emie…

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 70 - Para Kay TJ

    Nakita ko ang mga mata ni TJ— nanlalaki, matatalim, at punô ng katanungan. Hindi pa siya nakakausap ng malinaw si Troy, pero parang ramdam niya na may naiiba. May bahid ng lungkot, takot, at pagkasabik sa iisang tingin.“Baby…” bulong ko, dahan-dahang lumapit siya sa gilid ng kama. “T-TJ, halika… dahan-dahan lang, okay?”Ngumiti siya nang kaunti, hindi dahil natutuwa, kundi dahil natatakot. Ngunit ang takot na iyon ay hindi hadlang sa kanyang kumpiyansa. Parang alam niya na kahit may takot, may proteksiyon sa paligid niya.Si Troy, nanatiling nakaluhod, pinilit hawakan ang mata ng anak niya. Subalit napansin ko ang kaba sa mga galaw niya—ang bawat hinga, ang bawat titig, parang kinikimkim niya ang limang taon ng pangungulila.“H-Hi… TJ, it's me again,” nanginginig na boses niya, halos bulong.Tumigil ang puso ko sa isang iglap. Ang limang taong lumipas ay parang bumabalik sa isang sandali lang. Ang bata, ang ama niya, at ako—lahat sa iisang silid, nagtatagpo muli pagkatapos ng mahaban

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 69 - Pagsusumamo

    Tahimik ang buong biyahe pauwi. Wala ni isa sa amin ang nagsalita—hindi si Mama, hindi sina Kuya Harold at Harvey, at lalo na ako. Sa likod, nakayakap si TJ sa stuffed toy niyang aso, pero ang tunog ng paghikbi niya ang mas naririnig ko kaysa sa tunog ng makina ng sasakyan.Parang ang bigat-bigat ng hangin na hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang sarili ko. Kanina lang, sa mismong lamay ni Papa Apollo, unang nakita ni TJ ang ama niya. At ngayon, ilang oras pa lang ang lumilipas, pero hindi pa rin nawawala sa tenga ko ang boses ng anak ko habang umiiyak—habang paulit-ulit niyang sinasabing “Papa… Papa…”At ang sakit. Sobrang sakit.Pagbaba namin ng sasakyan, si TJ ang unang bumigay. Mabigat ang hakbang, nanginginig ang balikat, tapos tuluyan na siyang umiyak nang malakas.“M-Mama… si Papa… bakit po hindi siya sumama?”Niyakap ko agad siya, halos gumuhit ang kuko ko sa likod ng damit niya dahil sa higpit ng pagkakakapit ko.“Anak… kailangan niyang manatili ro’n.”“Pero gusto ko pong s

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 68 - Gyera

    “Emie,” mahina pero mariing bulong ni Mama Cynthia sa akin, “halika. Sandali.”Bago pa ako makapagtanong, hinila niya ako palayo. Hindi basta hila—kundi parang pagtakas. Parang may ayaw siyang makita. Parang may iniiwasan kami.Nilingon ko si Mama Estella, si Kuya Harold, tsaka si Harvey. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nila pero tumango lang si Kuya, na parang sinasabing sige, sumunod ka muna kay Cynthia. Si TJ naman ay naiwan kay Troy, si Troy na halatang hindi pa rin makapaniwala na may batang nakayakap sa kanya.Habang naglalakad kami ni Cynthia, narinig ko ang sunod-sunod na click ng mga camera, ang bulungan ng mga tao, at ang mga masamang tingin na hindi ko alam kung saan galing—sa kanila ba o ako lang ang nag-i-imagine. Sa bawat hakbang namin, lalo pang lumalayo ang ingay, pero hindi nawawala ang bigat sa dibdib ko.Pagdating namin sa gilid ng malaking bahay, malayo sa mga mata ng tao, saka lang binitawan ni Mama Cynthia ang kamay ko. Halos mapaupo siya sa hagdan ng maliit na

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 67 - Mag-ama

    Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi. Hanggang ngayon, hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang balitang natanggap namin. Parang hindi totoo. Parang isa lang itong masamang panaginip na sana paggising ko ay mawawala na. Pero pagdilat ng mata ko, naroon pa rin ang sakit. Ang bigat sa dibdib. Ang katahimikan ng buong bahay na parang pinagsakluban ng ulap.Patay na si Papa Apollo.Ang taong ilang beses sinabi sa akin noon na kailangan kong maging matapang. Ang taong nagsabi sa akin noon na may lugar ako sa pamilya nila. Ang lalaking itinuring kong pangalawang ama. Ngayon, wala na. Tinanggal mula sa mundong ito nang parang wala lang. Wala kaming detalye, wala paliwana, pero sa loob-loob ko—Alam kong hindi iyon aksidente gaya ng sinabi ni Mama Cynthia.At ngayon, narito ako. Nakatayo sa harap ng malaking gate ng mga Arizcon. Ramdam ko ang presensiya ng mga kamera at taong nag-aabang sa gilid. Hindi ko alam kung dahil ba sa lamay o dahil sa presensiya ko. O baka pareho. May mga b

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status