Share

Chapter 7 (Part 1)

last update Last Updated: 2022-10-12 11:43:18
Samantha

Magbubukang liwayway pa lamang ay hindi na magkandaugaga ang Inay sa paghahanda ng pagkain, dahil sa darating na bisita naming mag-asawang Del Carpio. Nagpasabi itong alas diyes pupunta ng bahay, kaya maagang naghanda si Inay para sa tanghalian.

Ala sais pa lang kanina ay naalimpungatan ako sa mga katok at tawag ni Itay sa labas ng pintuan ng aking kwarto. Ngunit 'di ko s'ya pinagbuksan at nagtalukbong lang ako ng kumot. Inaantok pa ako.

Maya-maya narinig ko ang mga yabag nito paalis sa aking pintuan. Muli akong nakatulog.

Ang sakit ng aking ulo at buong katawan. Tinanghali na ako ng gising. Pagbaba ko dumiretso ako ng kusina. Naabutan kong halos patapos na ang Inay sa pagluluto.

Ngumiti s'ya pagkakita sa akin. "Gising ka na pala, Nak. Mag-almusal ka na d'yan. Lutuin mo pagkatapos 'yong kare-kareng Baka, ah. 'Yon na lang ang hindi ko niluto. Mas masarap 'yong luto mo kaysa sa'kin, kaya naisip kong ikaw na lang magluto no'n."

Tinatamad na hinatak ko ang upuan. Pasalampak akong
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Unexpected Marriage (Bud Brothers Series 1)   Chapter 62 End of Bud Brothers Series 1

    Nginitian ko s'ya saka hinawakan ang kanyang kamay na humahaplos sa aking pisngi. "Mas okey na din ata na ganun ang nangyari sa atin. Sa totoo lang kasi nawalan na akong tiwala sayo noon. Lagi akong takot na baka magising na lang ako isang araw wala ka na sa tabi ko, naagaw ka na ng iba."He sighed. "Malabong mangyari 'yang iniisip mo. Dibale ng mamatay ako kaysa mabuhay pa ng wala ka naman sa piling ko."I chuckled. "Asus, bumanat ka na naman." sabi ko saka bumangon. "Balik na tayo sa labas?"He nodded then we went out the room.Marami ang kumausap at bumati sa amin.Nakilala ko din si Jelyn at asawa nitong si William pati ang cute-cute na babaeng anak nila na kaedaran ni Gwen na natutulog na sa braso nito.Habang kausap ko sila hindi ko maiwasan makosensya sa ginawa kong panghuhusga kay Wayne. Ngayon ko lang narealized na masyadong makitid, marumi at advance pala ang utak ko noon, puro negative ang laman. Hinayaan kong kainin ako ng mga nagyari sa buha

  • Unexpected Marriage (Bud Brothers Series 1)   Chapter 62 (Part 1)

    SamanthaNataranta ako ng humakbang palapit si Wayne. Kaagad ko s'yang pinigilan, hinila sa kanyang braso."No Wayne please. Huwag kayong gumawa ng gulo dito ni Luigi." madiin kong pigil sa kanya saka nilingon si Luigi.Pero sa nakikita kong itsura at titigan nilang dalawa hindi ko kakayanin. Parang manok na magsasalpukan ang dalawa. Ang tangkad at laking tao pa nila. Baka ma-sandwich lang ako nito sa gitna pag nagpang-abot itong dalawa. Nakakahiya sa mga bisita at mga magulang namin kung magkagulo sila.Nalintikan naaaa!Nagpalinga-linga ako, naghanap ng maaaring tumulong sa akin. Then I saw James. Nakatanaw sila ng asawa n'ya sa amin. Sinenyasan ko s'yang lumapit. Kaagad naman n'ya nakuha ang ibig kong sabihin. Nagtinginan sila ni Rash saka malalaking hakbang na lumapit sa amin.Kaagad inakbayan ni James ang kaibigan n'ya pero nagprotesta si Wayne. Hinatak ko s'ya sa kanyang damit.Tinitigan n'ya ako saka muling binalingan si Luigi. "Don't you dare

  • Unexpected Marriage (Bud Brothers Series 1)   Chapter 61 (Part 2)

    Nagpupuyos sa inis ang aking dibdib habang naglalakad ako papunta sa unahan.Walanghiya s'ya. Halos mamatay ako sa takot ng pagkakadukot sa akin kanina tapos may kinalaman pala ang bwesit na lalaking 'yon dito. Magpinsan nga sila ni Miguel, parehong siraulo. Humanda s'ya sa akin mamaya...Ngunit habang palapit ako ng palapit sa unahan at nakikita ang masasaya at nakangiting mukha ng mga tao, ng mga mahal ko sa buhay, unti-unting napapalitan ng 'di matatawaran na saya, tuwa at galak ang aking puso.'Yong tipong puro negative ang laman ng isip mo, puno ng inis, galit, takot ang puso mo dahil sa disaster na nangyari sa akin simula noong alas dos ng madaling araw na dinukot ako hanggang kanina. Tapos sa isang iglap biglang nag-iba ang ihip ng hangin, ganito ang ending.Diba.. akalain mo yon? Nakaisip sila ng ganito! Napaka taba ng utak! Sino ba ang nagplano ng lahat ng ito at bibigyan ko ng subrang higpit na yakap sa leeg hanggang sa mamatay s'ya, tanda ng pasasalam

  • Unexpected Marriage (Bud Brothers Series 1)   Chapter 61 (Part 1)

    SamanthaNagtatawanan kaming magkakaibigan ng biglang bumukas ang pinto, pumasok si Miguel. Kaagad akong napatigil sa pagtawa at natutok sa kanya ang aking nanlalaking mga mata."Anong ginagawa mo dito?" nakakunot-noong tanong ko kaagad sa kanya.Nginisian n'ya ako saka tiningnan ang mga kaibigan ko."Ah, Sam, labas muna kami ha, baka hinahanap na kami ng mga tsikiting namin." sabi ni Cait na ikinakunot lalo ng aking noo.Sabay-sabay pa silang nagtungo papunta sa pinto."May mga anak na rin kayo?" excited na bulalas ko.Nakangiting nilingon nila ako saka tumango."Meron, nasa labas, makikita mo mamaya." nakangiting sabi ni Sheeva sabay talikod.Lalo akong nagtaka ng makita kong halos magkumahog pa sila sa pagmamadaling lumabas ng kwarto. Sinusulyapan si Miguel na animoy hari na nakatayo sa harapan ko't makahulugan naman silang tinitingnan. Na para bang nag-uusap-usap sila sa pamamagitan ng mga mata. Hindi ko maintindihan, ang weird pero sa na

  • Unexpected Marriage (Bud Brothers Series 1)   Chapter 60 (Part 2)

    Hinayaan ko lang s'yang yakapin ako habang pinoproseso ng aking naguguluhang utak ang sinabi n'ya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Pakiramdam ko may malaking mali talaga e. Kanina bigla na lang sumulpot si Calderon sa bahay pagkatapos kong makausap si James. Tapos ngayon...Kanino s'ya anak? Bakit Daddy ang tawag n'ya sa akin? Kailan ba ako nagkaanak? Bakit hindi ko ata alam? Pero bakit kamukha ko s'ya?!Arrgh ang gulo..!"Baby..." tawag ko sa kanya.Kaagad naman s'yang kumalas sa pagkakayakap sa akin saka nakangiti akong tiningnan.I smiled back at her. "Bakit mo ako tinawag na Daddy?""Dahil ikaw po ang Daddy ko." sagot n'ya kaagad sa akin.Biglang pumitlag ang aking puso sa sinabi n'ya. Habang tinititigan ko ang ngiti n'ya si Sam ang pumapasok sa aking utak. Hindi ko ma-explain pero parang iba ang hatak sa akin ng batang itong nasa harapan ko."Sino nangsabi sayong ako ang D-Daddy mo?""Si Lola tsaka si Tito Miguel po. Kamukha mo 'y

  • Unexpected Marriage (Bud Brothers Series 1)   Chapter 60 (Part 1)

    WayneYesterday was the best ever advanced gift for our sixth years wedding anniversary..!At last I found her. She's with me now!Sa apat na taon na nakalipas ngayon lang ako nakatulog ng mahimbing. Ang sarap sa pakiramdam. Sa subrang sarap parang ayaw ko ng magising. Nakangiting nag-inat ako ng aking mga kamay sabay kapa sa aking katabi. Unti-unting napalis ang ngiti sa aking mga labi hanggang sa napakunot noo ako ng wala akong mahawakan na katawan ng tao. Kaagad akong napadilat at napabalikwas ng bangon ng hindi ko makita si Sam sa tabi ko."Sam?" tawag ko sa kanya pero wala akong marinig na ano mang ingay maliban sa ugong na nagmumula sa aircon sa loob ng kwarto.Saan ba pumunta 'yon? Ang aga-aga bumabangon kaagad...Himutok ko pa sa aking sarili saka lumabas ng kwarto."Sam?" tawag ko ulit sa kanya ngunit wala pa ring sumasagot.Nagpalinga-linga ako ngunit wala akong makita ni isang tao. Napatingin ako sa malaking orasan sa dingding. Na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status