Share

Unexpected Marriage
Unexpected Marriage
Author: Destiny-One

Prologue

"Miss Janna, totoo bang ikaw ang rason kung bakit hindi itinuloy ni Zyler Wade Williams ang kasal nila ng modelong si Ms. Ria Cullins?"

Kalalapag lang ng eroplanong sinakyan ko mula America at ang tanong kaagad na iyan ang bumulaga sa akin dito sa airport. Hindi ko inaasahan na maraming reporters pala ang naka-abang sa akin, kung alam ko lang ay nagpasundo na lang sana ako sa bodyguards ni Kianna.

"Excuse me!" Halos pasigaw na sabi ko habang tinatakpan ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko. I'm glad that I didn't go with Jia, dahil kung nagkataon ay baka naipit rin dito ang kapatid ko.

Wala akong alam sa tanong nila. Bukod sa isang taon na akong walang balita kay Wade, ay matagal na rin akong nawalan ng pakialam sa kanya. Hindi ko alam kung saan nila napulot ang ideyang iyan.

"Miss Janna, please answer our questions!" Muling sabi ng isang reporter.

Umiling ako bago ko sinubukang takasan sila. Ngunit nabigo lang ako. Masyado silang maraming naka-abang sa akin ngayon. Hindi naman ako sikat na celebrity para pagkaguluhan nila ng ganito. Isa lang akong amateur model sa America, subalit kung paulanan nila ako ng interviews ngayon ay daig ko pa ang isang sikat na artista.

"Janna!"

Her voice sounds familiar, kaagad kong nahanap ang pinagmulan ng boses na iyon. It's Kianna, my bestfriend. Nasa loob siya ng kanyang puting van. She's an international model kaya sikat at kilala rin siya.

Mabilis akong tumakbo palapit sa kinaroroonan ng van ni Kianna, dahil nakabukas iyon kaya kaagad akong nakasakay sa loob. Saktong pagpasok ko sa loob ng van ay ang lalong pag dagsaan ng mga reporters sa labas ng van ni Kianna, mabuti na lang at naisarado ko kaagad iyon.

"Thank you!"

Nagpasalamat ako kay Kianna. Hindi ko inaasahan na susunduin niya pala ako gayong sinabihan ko na siya na huwag na akong puntahan.

Hinabol ko muna ang aking hininga at nang bumalik na ito sa normal ay saka ako muling nag salita.

"Akala ko hindi ka pupunta." Seryosong sabi ko kay Kianna. Bigla niya akong inirapan bago niyakap ng mahigpit.

"Gaga! Alam kong dudumugin ka ng mga reporters dahil sa nagkalat na tsismis. Matitiis ba kita?" She said. Napangiwi ako. Hindi ko alam kung anong tsismis ang tinutukoy niya.

"Tsismis?" tanong ko.

"Yes, girl! Did you know that Wade didn't showed up on his supposedly to be wedding day?"

Kianna told me like she's a certified tsismosa ng taon. Napanganga ako. Hindi ko alam ang tungkol sa sinasabi niya.

"What? Why?" Sunod-sunod kong tanong. Sa pagkakaalam ko ay mahal na mahal ni Wade si Ria. He even paid me a million dollar to be his wife on paper just to make Ria jealous and beg him to comeback.

Tapos kung saan bumalik na si Ria at handa ng magpakasal sa kanya ay saka naman siya aayaw at tatakbo? Don't tell me, nasisiraan na siya ng bait?

"Iyan ang hindi alam ng lahat! And after hearing your comeback, they did speculations that maybe you're the reason why."

Natatawang sabi ni Kianna. Miske ako ay natawa at napailing.

"That's so impossible!" I just said bago ko isinandal ang ulo ko sa sandalan ng upuan ng sasakyan.

"Aray!" Reklamo ko nang pitikin ni Kianna ang ilong ko.

"What if totoo nga? Ano ang gagawin mo?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Kianna.

Dahil sa tanong niya kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Biglang nanumbalik sa akin ang mga pinagsamahan namin ni Wade, ang mga sweet moments namin na minsan kong hiniling na sana hindi na matapos, ang unti-unti kong pagkahulog sa kanya at ang unti-unting pagkadurog ng puso ko dahil sa muling pagbabalik ng babaeng totoong mahal niya.

"That's not true. It's not true. He's in love with Ria only. He's not in love with anyone else, especially with me." I said. That's the truth. Saksi ako kung paano niyang iyakan at hilingin na sana balikan na siya ni Ria. Na sana piliin din siya ng babaeng mahal na mahal niya.

"Girl, kaya nga, what if ’di ba?" Pagtataray sa akin ni Kianna. Psh!

"Kung totoo man ’yon—"

"Nandito na po tayo!" Sabay kaming napatingin ni Kianna sa personal driver niya dahil sa malakas na pag sigaw nito. Bagay na ikinatuwa ko dahil natakasan ko ang tanong ni Kianna. Sa totoo lang kasi, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung sakaling ako ang dahilan kung bakit hindi niya itinuloy ang kasal nila ni Ria.

Pero parang napaka-impossible kasi. Noong magkasama pa kami ay never niya naman sinabi sa aking gusto niya ako kahit kaunti lang, mas madalas niya pa nga ipamukha sa akin kung gaano niya kamahal si Ria.

"Thank you again, Kianna." Nakangiti kong sabi sa kaibigan ko pagkababa ko ng mga gamit ko.

"Are you sure na okay ka na mag-isa d'yan?" She asked. Tumango ako.

"Sige na, baka mahuli ka pa sa shoot mo." Pagtatabuyan ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako pagkatapos ay umalis na rin sila ng driver niya kaagad. Nasabi niya kasi na may shoot sila ngayon sa para sa isang bagong commercial ng shampoo.

Dahil wala ang mga dala kong gamit kaya naman diretso na akong pumasok sa condo ko. Ipapakuha ko na lang siguro bukas ang mga gamit ko na naiwan sa airport dahil sa mga reporters na iyon.

Napagod ako sa byahe kaya kailangan ko ng mahabang pahinga. Nag-shower muna ako bago ko tinawagan ang kapatid ko na kasama ngayon ng Tita ko sa America. Sinabi ko lang sa kanya na nasa bansa na ako at babalik din kaagad ako pag naayos ko na ang mga dapat kong ayusin dito sa Pilipinas.

Ding-dong!

Nang akmang mahihiga na dapat ako para magpahinga ay ang biglang pag tunog ng doorbell. Hindi ko natuloy ang dapat na pag higa ko na sana.

Nakabusangot akong naglakad patungong pintuan para pag buksan ang kung sino mang disturbo sa dapat na pagpapahinga ko.

"Janna!"

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makagalaw. Hindi rin ako nakapagsalita kaagad. Bigla rin nanlamig ang buong katawan ko nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit.

"I missed you, my wife." Bulong niya na naging sanhi ng panlalambot ng mga tuhod ko.

What's wrong with this man? Lasing ba siya o may amnesia? Nakalimutan niya na bang isang taon na kaming hiwalay? God!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status