Share

Chapter 2: I'll Think of It

Zyler Wade's POV:

"Have you already convinced Ria to marry you, Wade?"

Natigilan ako sa pag nguya ng kinakain ko dahil sa tanong na iyon ni Papa. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o nang-iinsulto sa tanong niya. Bahagya ko ring naikuyom ang aking kamao at sunod-sunod na pag lunok ang ginawa ko.

Napatingin din si Mama kay Papa. Maging si Lolo ay natigilan sa pag kain niya pagkatapos ay nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Papa.

"Vincent, kumakain tayo." 

Mahinang sabi ni Mama kay Papa habang nakatingin sa akin.

"Oh, bakit? Anong problema? Masama ba ang tanong ko?"

Lalong sumama ang pakiramdam ko sa pilosopong sagot ni Papa kay Mama.

Dahan-dahan kong ibinagsak inilapag ang kutsara at tinidor na hawak ko bago ako tumayo at nagpaalam sa kanilang tatlo.

"Aalis na ako." 

Malamig na sabi ko. Nang akmang paalis na ako ay muling nag salita si Papa.

"You're not leaving, Wade. Not yet." 

Sabi niya na lalong naging dahilan ng labis na pagka inis ko. Ano ba ang problema ng matandang ito?

"Vincent, enough! Wade, sumama ka sa akin sa library ko." 

Napatingin ako kay Lolo. Masama ang tingin niya kay Papa. Marahil hindi rin siya natutuwa sa paraan ng mga pinagsasabi ni Papa.

Kagaya ng sinabi ni Lolo, sumama ako sa kanya patungo sa library niya dito sa bahay.

"Maupo ka, apo ko."

Umupo ako sa itinuro na upuan ni Lolo kung saan magkaharap kaming dalawa.

"Pagpasensiyahan mo na ang Papa mo. He's just concerned about you."

Paliwanag sa akin ni Lolo. Sarcastic akong tumawa dahil sa sinabi ni Lolo. Sa paraan ng pang-iinsulto niya sa akin kanina ay wala akong makitang ni-katiting na concern mula sa kanya.

"That's not true." 

Nauuyam na sabi ko kay Lolo. Totoo naman, anong klaseng ama ba ang mang gagano'n sa anak niya kahit alam niya naman ang pinagdadaanan ko.

"Okay, fine. Sabihin na nating inaasar ka lang ng Papa mo. You're not getting younger, Wade. You're already twenty-five years old. Gusto lang ng Papa mo na mag-asawa ka na para naman may katulong ka na sa buhay."

Mahinahon na paliwanag ni Lolo. Hindi ko alam kung bakit pati pag-aasawa ko ay kailangan pa nilang pakialaman. Nasa tamang gulang naman na ako, kaya ko na ang sarili ko.

"Gusto mo bang makalimutan si Ria? Base sa nakikita ko, you're still hurting, apo ko. It's been two years since she left you." 

Gustuhin ko mang magalit kay Lolo sa pagpapaalala niya sa akin sa babaeng pilit kong kinakalimutan ay hindi ko magawa. He's just concerned about me. 

"How can I forget her kung bawat pag pikit ko ng mga mata ko ay imahe niya ang nakikita ko?" 

Halos pabulong na tanong ko kay Lolo. Nginitian niya ako at marahan na pinalo ang balikat ko.

"I've been there, apo ko. I totally understand you. Ganito na lang, bakit hindi ka humanap ng mapapangasawa mo?"

Dahil sa sinabi ni Lolo kaya nadismaya ako ng bahagya. Mag-ama nga talaga sila ni Papa, parehong-pareho ang takbo ng isip nilang dalawa.

"What I mean is, mag-asawa ka na. Oo, para makalimutan mo siya. Alam mo kasi, malakas ang loob ni Ria na hindi ka maghahanap ng iba dahil mahal na mahal mo siya. Para sa akin, kapag nalaman niyang may asawa ka na, kung talagang mahal ka niya ay babalik at babalik siya."

Lalo akong naguluhan sa sinabi ni Lolo. Wala akong maintindihan, tila sumakit lang ang ulo ko sa mga narinig ko.

"I can't understand you, Lolo." 

Pagtatapat ko. Ang sabi niya kasi kung gusto kong makalimutan si Ria ay kailangan kong mag-asawa na, tapos hindi ko maintindihan kung anong ibig niyang sabihin doon sa kung mahal talaga ako ni Ria ay babalikan niya ako. Ang gulo lang, parang relasyon niyo.

"What I totally mean is, magpakasal ka sa babaeng hindi mo mahal. You should find a girl who'll agree to marry you in exchange of your money."

Dito ko tuluyang naintindihan ang gustong ipahiwag ni Lolo. Sandali akong napa-isip sa suggestion niya. Mukhang magandang ideya ang gustong mangyari ni Lolo, pero hindi ko alam kung saan ako makakahanap ng babaeng magpapakasal sa akin para sa pera.

Pagkatapos ng naging usapan namin ni Lolo ay nagpaalam na ako na papasok na ako sa opisina.

"Wade!"

Si Aaron ang unang bumungad sa akin pagbaba ko ng kotse ko. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya sa ganitong oras ng umaga.

"What's bring you here in this hour, Aaron?"

Naguguluhan kong tanong sa kaibigan ko. Sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi siya 'yong tipo ng tao na magagawang mag lakwatsa sa oras ng trabaho.

"May kailangan kang malaman." 

Napapa-iling na sabi niya. Lalong kumunot ang noo ko. 

"What is it?" 

Tanong ko habang naglalakad papasok sa building ng Williams Group of Companies. Nakasunod lang din siya sa akin, may kinakalikot siya sa cellphone niya na hindi ko alam kung ano.

"Mr. Smith called me earlier, gusto niyang ipa-demolish ang mansion ng mga Guevarra."

Dahil sa sinabi ni Aaron kaya natigilan ako. Huminto ako at humarap sa kanya para siguraduhin kong tama ba iyong narinig kong sinabi niya.

"You mean, Jonas Guevarra?" 

Paglilinaw ko. If I am not mistaken, siya ‘yong pinag-invest-an ko last month and after my investment bigla na lang walang paramdam. Marami rin ang nagsasabi na na-scam sila ng matandang iyon.

"Exactly!" Aaron answered. 

"So, what's the matter?" tanong ko sa kanya. Aaron is an engineer, a professional one. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit tila nababahala siya sa gagawin niya. Wala namang masama kung sa pamamagitan niya kukuha ng mga tauhan si Mr. Smith, since magaling naman siyang engineer.

"Wade, come on! Do you think kaya kong gawin ang ipinapagawa ng matandang iyon?" Frustrated na sabi niya. Wait, bakit nahihirapan yata akong basahin itong kaibigan ko na ‘to ngayon? May mali ba?

"Why, what's wrong?" I asked him. Habang hinihintay ko ang sagot niya ay naglakad na muli ako papuntang elevator para magtungo sa office room ko sa 5th floor.

"Good morning, Mr. Williams!" Sabay-sabay na bati sa akin ng mga empleyado ko. Tiningnan ko lang sila ng malamig at hindi binati pabalik. Yumuko lang sila pagkatapos ay hindi na nag salita pa.

"Cold as always?" Natatawang komento ni Aaron. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Ting!

Tunog iyon ng elevator, hudyat na nasa 5th floor na kami.

"Good morning, Sir!"

Bati sa akin ng secretary ko na nasa labas lang ng office room ko ang puwesto. Hindi ko ito binati pabalik, seryoso ko lang siyang tingnan at diretso na akong naglakad papasok sa private office room ko.

"What are you still doing here?" Masama ang tingin na tanong ko kay Aaron. Hindi ko sinabing sumunod siya papasok dito.

"Woah! Ang lungkot naman ng theme ng office mo, Wade!" Pang-aasar niya.

"Black is my favorite!" Halos pasigaw na sabi ko sa kanya.

"Fine!" Mapang-uyam na sabi niya. Nagkibit-balikat na lang ako.

Pabagsak kong inilapag sa table ko ang office bag na dala-dala ko pagkatapos ay umupo ako sa upuan ko at isinandal ang likod ko rito.

"What a day!" Nakapikit kong sabi.

"Kararating mo lang pero parang pagod na pagod ka na, ah?" Natatawang komento na naman no Aaron. Maraming napapansin ang lalaking ‘to ha? Kanina pa ‘to.

"So, ano nga ang problema mo?" Inis kong tanong sa kanya.

"As what I am saying earlier, hindi ko kayang gawin ang ipinapagawa ni Mr. Smith." Seryosong sabi niya. Tumaas ang kanang bahagi ng kilay ko.

"Then, don't accept his offer!" Simpleng sabi ko. Kailan pa naging bobo itong kaibigan kong ‘to? Simpleng problema, bakit tila hirap na hirap siya? Tss!

"Because I am not that evil!" Frustrated na sabi niya. Fine!

"Bakit nga? Kanina ka pa, ha? Bakit hindi mo na lang kasi ako diretsuhin?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata ko. Taong ‘to! Ang dami pa kasing paligoy-ligoy hindi ko tuloy siya maintindihan. Napahilot ako sa sintido ko dahil ang aga-aga sumasakit na kaagad ang ulo ko.

"Do you remember Janna Faith Guevarra?" tanong niya. 

"Of course! How can I forget that woman who hated me so much?" Natatawang sabi ko. 

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit sa dinami-rami naming kaklase niya sa BSBA-M noong nasa college pa kami ay ako lang ang hindi niya kinakausap at sinasabi niyang hate na hate niya. She's my classmate since 1st year college.

"You're right. Hindi ko man siya naging kaklase pero naging schoolmate at kaibigan ko rin siya." Kumunot ang noo ko. I thought Janna is a man hater, paano niyang naging kaibigan itong si Aaron? 

"Hindi ko kayang sirain ang mansion na iyon dahil alam kong iyon na lang ang alaala ng mga magulang niya sa kanilang dalawa ng kapatid niya." Malungkot na sabi ni Aaron. Napaayos ako ng upo at nakinig sa kanya.

"Bakit, patay na ba ang parents niya?" Seryosong tanong ko. Kaya pala hindi na nagpaparamdam sa akin iyong Jonas Guevarra dahil namayapa na ito? How sad.

"Hindi! Ano ka ba naman, Wade! Hindi ka na gumagamit ng social media o nanonood ng balita?" Dismayadong tanong sa akin ni Aaron. Masama rin ang tingin sa akin ng loko. Problema nito?

"Hindi, eh. Walang time?" Hindi ko siguradong tugon.

"Walang time o may iniiwasan ka lang?" Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.

"Biro lang." Kaagad na pag bawi niya sa sinabi niya. Isa pa ‘to eh, pareho lang sila ni Papa.

"Ayon na nga, alam mo bang baon  sa utang ang Jonas Guevarra na iyon, ang Papa ni Janna?" tanong niya. Umiling ako bilang tugon sa tanong niya.

"Hindi ko alam, pero dahil sa sinabi mo ngayon, mukhang alam ko na." Seryosong sabi ko.

"Kailan ka pa naging marites, Aaron?" tanong ko sa kanya. Gumuhit ang sobrang pagkainis sa mukha niya dahil sa tanong ko.

"Wade!" Sigaw niya sa akin.

"Nasa harapan mo lang ako, kalma." Inis na sabi ko dahil sa ginawa niyang pag sigaw.

"As what I am saying, that Jonas Guevarra runaway dahil sa milyon-milyong utang niya. Ayon pa sa balita, naghiwalay sila ng asawa niya kaya ang magkapatid na lang na Janna at nakababata niyang kapatid ang naiwan sa mansion na gustong ipa-sira ng Mr. Smith na iyon. Come to think of it, Wade. Kakayanin ba ng konsensiya mo na kuhanin sa kawawang magkapatid ang bagay na tanging naiwan sa kanila pagkatapos nang pag-iwan sa kanila ng mga magulang nila? Hindi, ‘di ba?"

"Ang ibig mong sabihin, kailangan ni Janna ng pera?" tanong ko.

"I don't know, okay? Ang gusto ko lang mangyari ay pigilan mo ang matandang Smith na ‘yon na huwag niyang ituloy ang plano niya. Tutal malakas ka naman sa kanya, ‘di ba?"

Ah! Now I get it. Gusto niyang gamitin ko ang connection ko sa matanda para ‘wag matuloy ang planong pag demolish sa mansion ng mga Guevarra. Iyon lang pala, eh. Kung kanina niya pa sana sinabi, natapos na kaagad sana ang usapan namin. 

"Okay. Sige na, labas na." Pagtatabuyan ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Tss! Gusto pa talagang ulitin ko ang sinabi ko. Fine!

"I said, you can get out, now. Tsupe!" Muling sabi ko sa kanya. Dismayado naman siyang naglakad palabas.

"I can't believe you're driving me away. Parang hindi ako kaibigan, ah?" Rinig kong reklamo pa niya. Hindi ko na lang pinansin. 

After hearing what Aaron's told me, bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Lolo kanina. Gusto niya akong humanap ng babaeng nangangailangan ng pera para pumayag itong makipagkasundo tungkol sa kasal.

Janna is the right choice. Kailangan niya ngayon ng pera dahil sa sitwasyon niya. Tutulungan ko siya sa pera basta pumayag siyang pakasalan ako.

Tumayo ako at lumabas ng opisina ko. Kailangan kong makausap ang matandang iyon na huwag niyang ituloy ang plano niya.

"Cancel all my meetings for this day." Sabi ko sa secretary ko. Alam niya na kung ano ang ibig kong sabihin kaya umalis din kaagad ako.

Pagdating ko kumpanya ng mga Smith kaagad akong dumiretso sa opisina ng matanda.

BOGSH!

Isang babae ang biglang bumangga sa akin. Hindi man lang ito nag-angat ng tingin para man lang sana mag-sorry sa akin. Diretso lang siyang naglakad papuntang elevator.

"Wait!"

Tawag ko sa kanya. Kilala ko ang babaeng iyon. If I am not mistaken, it's her, Janna.

"Janna, wait!" Muling tawag ko sa kanya. This time, binanggit ko na ang pangalan niya. Sakto kasing nasa elevator na siya. Umangat siya ng ulo niya pagkatapos ay tiningnan niya lang ako na para bang namatayan siya. 

Nang tuluyan na akong makapsok sa loob ng elevator, doon ko lang nakita na mugto ang mga mata niya. Umiiyak pala siya.

"Zyler Wade Williams?" Gulat na gulat na sabi niya. Talagang binanggit niya pa ang buong pangalan ko.

"The one and only!" Nakangising sabi ko.

"Anong ginagawa mo rito?" Mataray na tanong niya. Hanggang ngayon ay mababakas pa rin sa mukha niya ‘yong inis sa akin. Ano bang ginawa ko sa babaeng ito para kamuhian niya ng husto?

"I'm here to help." Seryosong sabi ko. Nakita ko ang pagka-gulat sa mga mata niya.

"I don't need your help." Diretsang sabi niya. Hindi na ako nagulat na iyon ang sasabihin niya. Sino nga ba naman ang tatanggap ng tulong mula sa taong kinaiinisan niya, ‘di ba?

"Or course, you do. Isa ako sa pinagkaka-utangan ng Daddy mo. Alam ko ang nangyayari sa pamilya mo, Janna." Lakas-loob na sabi ko.

Bigla siyang napaatras at napahawak sa mga tuhod niya. Muli ring bumuhos ang mga luha niya.

Oh, D*mn! Hindi ako marunong magpa tahan ng mga babae.

"Pakasalan mo ako, Janna." Muling sabi ko na ikinatanga niya.

Ting!

Sakto ang pag bukas ng elevator kaya kaagad siyang lumabas. Hindi niya man lang sinagot ang sinabi ko.

"Janna, I'm serious. Pakasalan mo ako!" Nasa parking area na kami ngayon, sinusundan ko pa rin siya.

"For some reason, nasisiraan ka na ba ng bait?" Inis na tanong niya sa akin.

Nang akmang bubuksan niya na ang pintuan ng kotse niya mabilis kong naiharang ang katawan ko doon.

"No. Alam kong kailangan mo ng pera at kailangan ko rin ng mapapangasawa. Don't worry, it's a contract marriage only. I'll marry you not because I love you, but because I need you to forget."

Seryosong sabi ko. Hindi siya umimik. Tiningnan niya lang ako sa mga mata ko.

"I promise, tutulungan kita sa lahat ng problema mo. Sa bahay, sa mga utang ng Dad mo." Muling sabi ko.

"I'll think of it, Wade. Just me give some time."

Pagkasabi niya no'n ay hinila niya ako paalis sa pintuan ng kotse niya. Hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon kaya naman nag tagumpay siya na mapaalis ako sa pagkakaharang ko sa pintuan ng kotse niya.

Nang tuluyan na siyang nakapasok sa loob ng sasakyan niya ay pinaharurot niya na ito na tila ba makikipag-karera siya.

Napailing na lang ako habang sinusundan siya ng tingin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status