Mariel's POV
I think I should try to call her instead, pero nakakahiya baka busy siya sa work niya. Hays si Dia lang kasi talaga ang naiisip ko na pwede kong isama para pumayag si Manang Cristy. Napakamot ako sa batok ko habang pinag-iisipan pa kung tatawagan ko ba si Dia o hindi.
Mabuti na lang nakilala ko si Dia sa Amanpulo noong bakasyon namin, kasi may idadahilan na ako para makapunta sa library para makahiram ng libro. Yes instead na bumili ay humihiram lang ako sa public library. Pero hindi ko intensyon na gamitin siya para makatakas ako sa bahay. Dapat kasi graduate na ako two years ago pero dahil sa sakit ko tumigil muna ako dahil sa magkakasunod na chemo therapy. And I hate to admit na napag-iwanan na ako ng mga kaklase ko dahil sa sakit ko, ewan ko ba pero sa aming pamilya ako lang ang nakamana ng sakit ng Lola ko.
But I should be happy dahil nga
Dia's POVMatapos ang pangyayaring iyon ay mas hinigpitan ang security sa paligid ko, ang bawat taong makakasalamuha ko ay nasa isang metro ang layo sa akin maliban na lamang kay Eve, Nico, June at ang secretary ko na si Jeyya. Ipinahatid ko kay Mr. Yong si Mariel noong araw na iyon, nakakapag-usap pa naman kami ngunit hindi na katulad dati dahil mas focus ako ngayon sa trabaho ko maging sa bago kong responsibilidad bilang Prinsesa ng Rallnedia."As of now wala pang balita kung bakit nagkaroon ng idea ang Rallnedian tungkol sa Prinsesa." Napatango ako sa sinabi ni Nico."Pasensya na Dia pero kailangan na nating umalis ngayong Sabado patungo sa Rallnedia.""I understand Eve.""Lahat ng schedule mo ay mas maaga kaysa noon pero bago ang lahat kailangan muna nating maasikaso ang profile mo sa media ng Pilipinas bago t
Dia's POV"Ma'am may bisita po kayo." Napatunghay ako ng ulo ng marinig ang boses ni Jeyya."Sino?" Tanong ko sa kanya ngunit wala akong narinig na sagot mula sa kanya, sa halip ay hinintay ko na lang kung sino ang papasok dito sa loob ng opisina. "Hi, I'm sorry to interrupt.""No it's fine, come in please." Napansin ko si Jeyya na may dalang isang tasa ng kape palabas galing sa kitchen ng office ko, palagi niyang ginagawa ang bagay na iyon sa tuwing may bisita ako or may appointment with other stockholders."Thank you.""By the way, tatawagan na dapat kita para sabihin sayo ang tungkol sa fashion show pero napadaan ang manager ko dito sa Blant Styl para magpasa ng schedule ko." Napatigil ako sa paglalakad pabalik ng office table upang kunin ang phone ko ng sabihin iyon ni Alira."Abou
Dia's POVPagkarating na pagkarating namin ay agad na din akong nagpahinga ng mahigit dalawang oras bago harapin ang mga kasambahay at ipa bang tao dito sa loob ng palasyo. Isang araw at limang oras lang naman ang itinagal ng biyahe kaya bagsak ang katawan ko matapos maihatid ng isa sa personal maid ko, kung sa Pilipinas si Ate Umi at si Manange Kera dito naman sa Rallnedia ay si Ate Maliya na halos isang taon lang ang tanda sa akin at si Manang Lou."Your highness you need to change your clothes." Isang babae ang pumasok sa kuwarto kung saan ako nagpahinga, siya rin ang nag-asikaso sa lahat ng gamit ko na nakalagay sa maleta matapos naming makarating kanina. May isa pang babae na pumasok na may hawak na kulay baige na bathrobe na tila kakabili lamang dahil nakabalot pa iyon sa lalagyan niya habang nakahanger.Si Maliya at si Manang Lou na nakasuot pa n
Shaine's POV"Alam ko kasing hindi ka papayag once na sabihin ko sayo ang tungkol dito.""Diba nangako po kayo na hindi na ako magiging involve sa kung anong kailangan ni Dia?" Ibinaba ni Tita Vel ang hawak niyang tasa sabay tapon ng kanyang mga mata sa kinauupuan ko."Yes I promised you, but you also promised that you would not let your cousin fall into the hands of anyone.""What?" Nagtataka kong tanong, parang ang layo kasi ng dahilan niya sa tanong ko."Nabalitaan mo naman siguro ang nangyari sa Pilipinas? After that incident mas hinigpitan ang security sa kanya, hindi pwedeng isang tao lang a
Dia's POVMabuti naman maalam magtagalog si Krish kaya hindi na ako mapapagod pang mag english kapag kausap siya. Sawang sawa na ako magsalita ng english at promise duguan na ang ilong ko sa tuwing kakausapin ko ang isa sa kanila. Maawa naman sa akin hays, mauubos ang dugo ko sa kanila e."May problema po ba?" Natigilan ako sa ginagawa ko nang marinig ang boses na iyon."Ha? A-ayos lang ako haha." Nauutal kong sambit kay Krish, mabuti na lang bumisita ako dito sa Cratemia dahil kung hindi magiging istatwa na ako sa loob ng palasyo.Ganito pala ang feeling kapag abala lahat ng kasama mo sa bahay what I mean is palasyo pala. Hindi naman ako nahirapan makapasok dito sa Cratemia dahil may private airplane na sumundo sa akin, pero syempre hindi maiiwasan ang mga paparazzi at dahil handle ni Shaine ang media dito sa Cratemia mabilis akong nakapasok
Dia's POV3 weeks and 2 days na akong nandito sa Rallnedia at never pa akong pinasabak ni Duchess Eve sa mga public meetings at appointment ngunit ngayong araw kailangan kong dumalo sa hearing kung saan makakaharap ko ang mga Duke at Duchess na nagmula pa sa primary city, may lunch meeting din ako kasama sila para sa coronation.May kaba sa dibdib ko ng pumasok kami ni Duchess Eve sa loob ng bulwagan, pansin ko ang mga tingin ng bawat taong makasalubong namin. "Your grace ilang oras po ba ang itatagal natin dito?" Tanong ko kay Duchess Eve, alam kong hindi siya sanay na tinatawag ko siya sa ganun ngunit pinaalalahan sa akin ni Mr. Hienz na Duchess pa rin ang Tita ko kaya kailangan kong sundin ang tamang address para sa kanya."Why? Do you have any appointment?""I'm just
Dia's POVMaaga akong nakarating sa school ng Riandorr kung saan gaganapin ang sport festival. Maraming sumalubong at bumati sa akin bago pa ako makarating sa gate ng school, as usual hindi mawawala ang media at paparazzi kaya abala ang anim na bodyguard ko maging si Mr. Yong na nasa tabi ko.Luminga linga ako upang hanapin si Shaine at si Jeyya na silang nauna dito. "Mr. Yong nakita niyo na po ba si Lady Carson?""I'm sorry your highness but right now she's busy with the director and she can't be around for a moment.""Ganun po ba?"Maya maya pa ay pinagbuksan ako ni Mr. Yong ng pinto upang makalabas sa sasakyan. Pagkalabas ay sumalubong ang mga hiyawan ng mga tao kasabay ang mga flash na nagmumu
Dia's POVKinabukasan ay itinuon ko ang lahat ng oras ko sa maghapon sa pagrereview para sa practical test with June and Jeyya, ngunit binabagabag pa rin ako ng aking isipan tungkol sa narinig ko kagabi. Ayaw kong mag-alala ngunit paulit ulit na sumasagi sa isipan ko na may hindi magandang nangyayari ngayon sa Gemolis City, at may hindi magandang nangyayari kay Mama."Your highness, are you okay?"Napalingon ako kay Jeyya na nakatayo at abala sa mga documents na ginagawa niya ngunit hindi ko sinagot ang tanong niya sa halip ay lumabas ng terrace upang magpahangin sandali.Alam kong alam ni Jeyya ang mga information na nangyayari sa Gemolis City ngayon ngunit hindi ko alam kung paano itanong sa kanya ang mga iyon. Gusto ko ng malinaw na paliwanag ngunit nagdadalawang isip