CHAPTER TWENTY-EIGHT
Ziah's POV
"Ssshh, it's just a dream. " pang aalo ko. "Hindi magagawa ng Daddy mo 'yon, okay? Babawi pa siya sa'yo hindi ba?" tanong ko.
Tumango ito. Hindi magagawa ni Braxien 'yon alam ko. He had strong personalities at alam kong hindi na niya uulitin ang bagay na ginawa ng kaniyang kapatid.
His brother also took his own life. Paano kung ginawa niya nga din? Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa naisip ko.
"Is that from, Daddy?" turo nito sa mga chocolates, flowers and teddy bear ba dala ni Tito Edward.
Tiningnan ko ito, "Auh, hinㅡ"
"Of course, this is from him!" masiglang sambit ni Tito Edward at kinuha ang teddy bear na kulay brown saka inabot kay Zhen.
"Wow!" bulalas ng anak ko.
Tiningnan ko ng may pagtataka si Tito Edward. Anon
CHAPTER TWENTY-NINE Ziah's POV "It's kare-kare, Honey. Nilutong ulam ko nga pala," sambit nito. Napaatras ako, "Anong ginagawa mo dito?!" mataray kong tanong. Ngunit ang mga mata ko'y sa ulam pa rin nakatingin. Napalunok ako, 'yon nga ang amoy na gusto kong ulam. "Paano nakapasok 'yan dito?!" tanong ko sa dalawa. Yumuko ang mga ito at nagpatuloy ulit sa pag kain na para bang mga walang narinig na tanong mula sa'kin. "Wala silang kasalanan, I told them na makikikain ako dito," tugon ni Braxien. Napansin ko ang matamlay na boses nito. Malalim rin ang eye bag sa magkabilaang mata. Maputla at parang hindi naalagan ng maayos ang sarili. Hindi kaya nagpapaawa para patawarin ko? Tumayo ako ng tuwid. Hindi uubra sa'kin 'yang technique niya. "
CHAPTER THIRTY Ziah's POV Nang maamoy ko 'to ay para akong masusuka. Mabilis akong nagtungo sa CR at doon ako sumuka. Narinig ko naman na sumunod si Xander at nanatili sa labas. "Hala , Ma'am Ziah?!" gulat na sambit ni Xander. "Sarah, si Ma'am Ziah!" dugtong pa nito. "Anong nangyari?" tanong ni Sarah. Pumasok si Sarah sa loob at hinagod ang likod ko. "A-Ang baho!" sigaw ko. "Huh?" nagtatakang tanong ng dalawa. "Ang baho ng ulam na hawak mo! Itapon mo 'yan!" "Pero kare-kare 'to!" sambit ni Xander. "M-Mabaho..." muli nanaman akong sumuka. "M-mabaho nga!" ulit ko. "Itapon mo na 'yan, Xander," utos ni Sarah. "Sigurado kayo? Mabango naman, ah?" pagprotesta nito Tumango na lang ako dahil parang
CHAPTER THIRTY-ONE Ziah's POV Bahagya itong yumuko, "Hindi ko hinihiling na patawarin mo 'ko ng gano'n lang kabilis. Ang gusto ko lang ay makita siya at makasama." "For what? Eh, aalis na rin naman kami dito sa Pilipinas." Mas mabuti na yung ganito. Ang malaman niya na hindi na ako muling magpapaloko sa mga salita niya. Mali man ni Nathalia o plinano man ni Nathalia ang nangyari, pero siya pa rin dapat magdisisyon kung paniniwalaan niya ako. Hindi ko na kayang hindi ulit piliin ng taong minahal ko. My real father choose his another family than us. Lagi na lang akong hindi pinipili, lagi na lang akong naiiwan. At ayoko ng maranasan na malayo ulit sa'kin ang mga anak ko dahil lang sa isang taong walang sariling desisyon sa buhay. "What do you mean?" tanong nito. "As I've said before, babalik na kami sa Ame
CHAPTER THIRTY-TWOZiah's POVHindi niya pwedeng gawin 'yon. Hindi pwede dahil hindi tama 'yon. At saka isa pa, hindi ko naman alam na nag-resign na siya as CEO. Ang pinakamasaklap pa na nagawa ko ay hindi ko binigay ang hinihiling niyang makita si Zhen.Sh*t.Naglakad ako nang mabilis palabas ng coffee shop at hindi ko inaasahan na masasagi ko ang upuan. Ang kapeng dala ko ay tumapon sa braso ko."Ahh!" tili ko.'Kaagad ko itong binitawan. Nararamdaman ko ang init sa braso ko kasabay no'n ang pagkapula nito. Nakuha ko na rin ang atensyon ng mga taong nasa loob ng coffee shop."Ma'am!" sigaw ng babaeng tinulungan ko kanina.Mabilis itong lumapit sa'kin, gano'n din ang ilan pang tao para tulungan ako."Ma'am, dadalhin ka na namin sa pinakamalapit na hospital," sambit ng isa sa mga lumapit sa'kin."Oo nga, Ma'am, siguradong masakit 'yan," dagdag pa ng babaeng tinulungan ko.Umiling
CHAPTER THIRTY-THREE Ziah's POV Nang makauwi ako sa bahay ay balisa ako at tulala. Ni-hindi ako makakain ng maayos at alam kong nagtataka na rin sila Mama sa ikinikilos ko. Hindi talaga mapapalagay ang loob ko hanggat hindi ko alam kung nasaan si Braxien. Until now his phone is out of coverage area. Nakaupo lang ako sa gilid ng kama ko habang hinihimas ang tiyan ko. Medyo umuumbok na ito, at ilang linggo pa ay mapapansin na talagang buntis ako. Tinanggal ko na rin ang benda sa braso ko, okay naman na ang ito dahil napaunahan naman ng lunas. Tumayo ako at saka pinuntahan ang kwarto ni Zhen. Alam kong tulog na ito dahil pasado alas-nuwebe na ng gabi. Umupo ako sa gilid ng kama nito habang pinagmamasdan ko ang maamo nitong mukha. Kung anong tapang ng mukha ni Braxien ay 'yon namang amo ng mukha ni Zhen. Sinuklay ko ang buhok nito bago tabihan sa higaan
CHAPTER THIRTY-FOURBraxien's POVNapakunot ako ng noo dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Nararamdaman ko rin ang konting pagkirot ng sintido ko. Grabe, halos ilang araw rin akong may lagnat at hindi ko man lang naalagaan ang sarili ko.Napangiti naman ako nang maalala ko kagabi kung anong klaseng panaginip mayroon ako. Napanaginipan kong nagpunta dito si Ziah sa mansion at siya ang nag alaga sa'kin. Siguro ay nagdedeliryo na talaga ako kagabi dahil kahit sa panaginip ay siya pa rin ang laman nito.Unti-unti ko nang iminulat ang aking mga mata. Kahit papaano ay masasabi kong okay na ang pakiramdam ko kaysa noong unang araw akong lagnatin. Sarili ko rin naman ang dapat kong sisihin dahil halos ilang araw na akong hindi kumakain ng maayos.Nakakakain lang ako tuwing lunch dahil doon ako sa flower shop ni Ziah kumakain. At isa pa, masaya akong nakikita siy
CHAPTER THIRTY-FIVEBraxien's POVMatapos kong maligo ay hinalikan ko si Ziah sa noo, bago ako tuluyang lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina. Siguradong kapag nagising si Ziah ay tiyak na gutom ito at mapaparami ng kain.Isang simpleng mga ulam lamang ang niluto ko. Nagluto ako ng adobong manok, giniling na hinaluan ko ng nilagang itlog. Nagluto rin ako ng ginataang gulay sa alimasag. This is all the food what I want right now. Sana lang ay magustuhan din ni Ziah.Ilang saglit pa ay natapos na akong magluto. Nanuod muna ako ng baseball game, laban ngayon sa Japan ng major line up at hindi ko mapapalampas na hindi ito mapanuod. Habang ini-enjoy ko ang panunuod ay biglang tumunog ang door bell.Napakunot ako ng noo habang hindi pa rin inaalis ang paningin ko sa screen ng television. Wala naman kasi akong inaasahang bisita ngayong araw kaya hindi ko alam kung
CHAPTER THIRTY-SIX Braxien's POV Kinabukasan ay maaga ring umalis sila Harley at Christaline. Ayon sa mga ito ay maaga ang flight nila patungong Palawan. Nagpaalam muna sila kay Pamela bago tuluyang umalis. At hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin ng batang 'yon. Mabuti na lang at nandyan si Ziah kaya napapayag na maiwan ito sa'min. Laging kasakasama ito ni Ziah kahit saan magpunta pwera lang sa comfort room. Alam kong maganda si Ziah I admit it. Matangkad ito, itim ang mapungay na mga mata, makapal na pilik-mata, kamtamtamang tangos ng ilong, balingkinitan ang katawan kahit na nanganak at ngayon ay buntis pa. Pero sa tingin ko ay hindi lamang ito ang dahilan kung bakit mas malapit ang loob rito ni Pamela. Sigurado akong ramdamn din nito kung gaano kabuti si Ziah. Sa ngayon ay mabuti na ang pakiramdam nito at madalas na nasa garden kasa