Home / Romance / Unforgettable One Hot Night / KABANATA 3: Mommy, Whereʼs My Daddy?

Share

KABANATA 3: Mommy, Whereʼs My Daddy?

Author: febbyflame
last update Last Updated: 2023-03-20 14:53:41

••• 8 MONTHS LATER •••

|¦ Celeste ¦|

Himas-himas ko ang aking tiyan habang nakatingin sa malawak na taniman ng mga strawberries. Narito kami ngayon sa Baguio. Nagpagawa kami ng bahay dito upang maging tuluyan namin sa tuwing nais namin mamasyal. Ngayon ay dito namin napagpasyahan ni Mama na magdiwang ng kapaskuhan.

“Isang buwan na lang at lalabas na ang baby mo, anak.” nakangiting sambit ni Mama nang tumabi ito sa akin.

“Oo nga, Ma. Excited na akong makita siya.” tugon ko saka umakbay kay Mama.

Bumalik sa alaala ko nang malaman kong buntis ako. Almost 3 months si Mama na nagpahinga sa hospital habang monitoring pa rin siya ng mga Doctor at nurse nang mga panahon na ʼyon. Iʼm not be able to contact the Doctor na siyang nag-opera kay Mama dahil nagpunta na raw ito sa ibang bansa.

Lumipat kami ni Mama sa Manila dala ang perang natira mula sa lalaking nakasama ko nang gabi na ʼyon. Malaking palaisipan kay Mama kung saan ko nakuha ang pera, kinailangan kong magsinungaling dahil alam kong hindi niya matatanggap ang ginawa ko.

Makakasama para sa kaniya ang katotohanan lalo at katatapos lamang ng operasyon niya. Sinabi ko na pinahiram ako ng naging amo namin ni Jovy, at ang iba ay tulong mula sa Government at good samaritan. Mabuti na lamang at naniwala si Mama.

For the past 2 months, iba na talaga ang pakiramdam ko. Hindi ako makatulog sa gabi, pero tulog ako sa umaga. Naging matalas ang pang-amoy ko, at medyo sumikip ang mga pantalon ko sa akin.

Ang buong akala ko ay tumataba ako dahil puro tulog ako sa umaga. Not until one day, nagsuka ako at nasaksihan iyon ni Mama. Naging iba ang reaksiyon at tingin ni Mama sa akin nang mga oras na ʼyon.

“Napapansin ko ang pagiging antukin at ang lakas mong kumain. C—Celeste, umamin ka nga. Buntis ka ba? k—kailan ang huling regla mo?”

Halos mapatid ang paghinga ko ng tanong ni Mama. Hanggang sa nag-iwas ako ng tingin at napapikit nang maalala ko ang gabing iyon. Hindi imposible. Napailing ako nang kusa, at unti-unting tumulo ang luha ko.

“B—Buntis ka nga? Pero, sino ang ama? May naging nobyo ka ba na hindi ko nakilala?” sunod-sunod pang tanong ni Mama.

Umiling ako at yumakap kay Mama. “M—Ma, Iʼm sorry po. Hindi ko po siya kilala, i—itʼs just a one night stand. L—Lasing po ako nang mga oras na ʼyon. Sorry. . . ” humihikbi kong sambit kay Mama.

“T—Tahan na. . .” naiiyak na rin na sambit ni Mama. “Hindi ako galit, nalulungkot lang ako dahil sa sinapit mo. Hindi kita naprotektahan, pero hayaan mo dahil babawi ako sa pagpapalaki sa anak mo.” gumaan ang pakiramdam ko nang mga oras na ʼyon dahil buong puso pa rin akong tinanggap ni Mama.

At ngayon ay malapit na akong manganak. Ang perang natira ay ginamit ko para makapagtayo kami ng pharmacy sa ibaʼt-ibang lugar at si Mama ang namamahala roon. Habang ako ay nakaplanong bumalik sa pag-aaral next year bilang nursing student.

“Ang dami kong na pasyalan!” kapwa kami napatingin ni Mama sa aming likuran nang marinig namin ang boses ni Jovy. “Marami rin pa lang foreigners dito! Sigurado akong mga daks ang mga ʼyon!” natatawa pa nitong sambit.

Nakasuot ito ng white shirt na pinatungan ng black leather jacket at skinny jeans. Malayong-malayo na ang pananamit nito sa kung paano ko siya nakilala. Inalok ko si Jovy na sumama na sa akin. Pumayag naman ito dahil ang lalaking nakasama niya nang gabi rin na ʼyon ay may asawa na pala at tinutugis na siya. Kaya kapwa kami umalis sa Valencia upang kalimutan ang nakaaran.

Lumapit naman sa kaniya si Mama at inabot ang mga ipinamili nito. “Ikaw talaga, Jovy ay puro kalokohan. Sigurado ka bang nag-enjoy ka sa tanawin o sa mga lalaki?” birong tanong pa ni Mama.

“Ang sagot po riyan ay both! Parehas po akong nag-enjoy sa tanawin at mga guwapong lalaki! May date nga ako mamaya!”

“Naku, hayan ka na naman! Pagkatapos ay kapag iniwan ka iiyak-iyak ka! Hindi baʼt ang sabi ko sa ʼyo ay hintayin mo na lang ang lalaking nakalaan para sa ʼyo?”

Nakita ko ang pagnguso ni Jovy at pagkindat nito sa akin na para bang nagsusumbong dahil nasasabon na naman ni Mama.

“Tita, nakakapagod maghintay! Kaya nga ako na ang sumusundo sa kanila!” sunod-sunod na tawa ang pinakawalan ni Jovy habang si Mama ay naiiling na lang.

“Hay naku, ewan ko ba sa mga kabataan ngayon. Maiwan na nga kita riyan, at akoʼy magluluto pa ng ulam.”

“Tulungan na kita, Tita! Ayokong napapagod ka dahil mahal na mahal kita!” sabay kumaway ito sa akin kaya natawa na lamang din ako.

Nagpapaslamat ako dahil nandyan si Jovy para tulungan kami ni Mama. Kayang-kaya niyang pagaain ang loob namin. I was about to go back sa sala nang maramdaman ko ang matinding kirot sa aking puson.

Napahawak akong muli sa tiyan ko sa at sa veranda. Mas tumindi ang sakit paikot sa aking balakang. Ang akala ko ay simpleng pagsakit lamang, pero nang may pakiramdam ko ay sumabog sa aking pantog at lumabas ang tubig mula sa aking p*****a ay nagulat ako.

“M—Ma. . .” nanginginig kong tawag kay Mama. “Mama! Uggggh! J—Jovy!” lalong tumindi ang sakit.

“Oh, bakit? Oyy hala! Tita si Celeste po!” gulat na sambit ni Jovy at madali itong lumapit sa akin upang alalayan ako.

“Anong nangyari?” malumanay pang tanong ni Mama ngunit nang makita nito ang sitwasyon ko ay mabilis din itong lumapit sa akin. “Naku! Pumutok na ang panubigan mo!”

Napailing ako. “N—No, Ma! Hindi puwede! Hindi ko pa kabuwanan! Kulang pa sa buwan ang baby ko! Ahhh!” naiiyak na ako dahil sa sakit.

“Wala tayong magagawa, kailangan ka ng dalhin sa hospital!”

Hindi ko na malaman pa ang mga sumunod na nangyari. Masyadong na-okyupahan ng sakit ang isipan ko. Naiiyak ako sa sakit kasabay nito ang paghilab ng tiyan ko. Nagdarasal ako habang patungo na kami sa emergency room— na sana ay maging okay ang anak ko kahit pa kulang pa ito sa buwan.

Makalipas ang halos tatlong oras na patuloy na pag-labor ay sa wakas nailabas ko na rin ang anak ko. Nang marinig ko ang kaniyang iyak, ay kasabay din nito ang pagtulo ng luha ko. Iʼm so very happy looking at her. Itʼs priceless.

“Sheʼs beautiful, Celeste! Napakalusog niya!” turan ng Doctor ko.

“Thank you, Doc. Therese.”

“Anong ipapangalan mo sa kaniya?”

Out of nowhere ay napatingin ako sa mga stars and moon na disenyo sa dingding. Una pa lang ay may pangalan na akong naisip. At ang stars na nakikita ko ay ang isa sa mga senyales na nararapat ko siyang pangalanan ng— “Stella. . . Because sheʼs the light of my darkest life.” nakangiti kong tugon bago ako tuluyang mawalan ng malay.

|¦ FOUR YEARS LATER ¦|

“Ma, huwag niyo po kakalimutan ang oras na appointment check up niyo mamaya, a?” paalala ko kay Mama sa kabilang linya.

“Oo na, anak. Kanina mo pa sa akin iyan pinapaalala. Siguraduhin mo lang din na susunod ka, alam kong gusto mo rin makilala ang Doctor na nag-opera sa akin.” bakas sa boses ni Mama na masaya ito.

Noong isang araw ay nakatanggap kami ng tawag galing sa sekretarya ng Doctor na nag-opera kay Mama. Bumalik na raw ito sa Pilipinas at kasalukuyang nasa Manila. Tuwang-tuwa si Mama dahil personal na namin siyang makikilala at makakapagpasalamat.

“Mommy!” napatingin ako sa gate ng school nang marinig ko ang pamilyar na boses.

“Sige na Ma, nandito na si Stella.” at ibinaba ko na ang tawag.

Sinalubong ko ng mahigpit na yakap ang anak ko.

“Hows school?” tanong ko rito sabay kuha ko ng bag pack nito.

Napansin ko na nakanguso ito at tila malungkot. Patuloy lang itong naglakad hanggang sa kotse. Kilalang-kilala ko ang anak ko. Kapag ganito na may problema ito or may iniisip ay tahimik lang at ayaw sabihin kung anong problema.

Not unless. . .

“Ice ream you want?” tanong ko nang makasakay na ako sa driver seat.

Tumingin ito sa akin na nagdadalawang isip saka tumango.

“Alright.”

Nakarating naman kami kaagad sa 24/7 ministop. I bought an ice cream at nagtungo kami sa playground na malapit. Maraming mga bata ang mga naglalaro. This is the safest place for the kids dahil bukod sa complete ang suot nilang proteksyon ay may mga nakabantay pang mga female attendant.

Habang kumakain kami ng ice cream, ay muli kong napansin na nakatitig si Luna sa isa sa mga bata habang buhat-buhat ito ng isang lalaki na nasisiguro kong tatay nito. Napaawang ang labi ko at nakaramdam ako ng kaba at takot.

“Whatʼs the problem, Baby?” pagkuha ko sa atensyon nito pero nananatili itong nakatingin sa mag-ama.

“Kanina po sa school ang sabi ni Teacher ang isang pamilya raw ay binubuo ng Mommy, anak at ng . . . Daddy. Napaisip ako Mom, whereʼs my Daddy?”

Hindi ako nakasagot kaagad. For the past four years ay ngayon niya lang itinanong ang tungkol sa Daddy niya. At hindi ko ito napaghandaan na ngayong araw niya pala ito itatanong.

Nang humarap sa akin ang anak ko ay tumutulo na ang luha nito. Para akong sinasaksak ng bawat butil ng luha nito at pamumula ng mga mata. Hindi ko na rin namalayan pa na unti-unti na rin pa lang bumagsak ang luha ko.

Nabitawan ko ang hawak kong ice cream at kaagad kong niyakap ang anak ko.

“S—Stop crying, Baby.” halos hirap akong magsalita dahil para bang nalunok ko ang aking dila.

“I want to meet him, Mom.”

Hindi ko alam kung ano na ang dapat kong sabihin. Gusto niyang makilala ang Daddy niya? Paano kung hindi ko naman ito kilala? Kung mahanap ko man ito paano kung may pamilya na ito? Paano kung ayaw nitong makilala ang anak ko? Tiyak na masasaktan siya.

But right now. . . I need to lie again.

“I—Iʼm sorry, ʼnak. Si Daddy mo, nasa dagat siya. . . Nagbabantay siya sa twin tower para siguraduhin na hindi magbabanggaan ang mga barko sa dagat.”

Napahiwalay ng yakap si Stella sa akin. “Talaga? Mommy, ang galing pala ni Daddy!” pinunasan nito ang sariling luha. “I thought heʼs gone. Iʼm so happy dahil buhay pa pala ang Daddy ko!”

Gusto kong kaltukan ang sarili ko dahil sa isinagot ko sa anak ko. As if naman na may ganoʼn talaga! Oh my gosh, hindi na talaga ako nakapag-isip pa ng tama!

“Kailan siya uuwi, Mommy?” kita ang lahat ng ngipin nito habang nakangiti.

Napakaganda mo, anak. Iʼm sorry kung nagsinungaling si Mommy sa ʼyo. Pangako, kapag kaya na ni Mommy sabihin ang totoo at kaya mo ng tanggapin ang katotohanan, sasabihin ko sa ʼyo ang lahat.

“M—Maybe next week? I will talk to your Daddy. Iyon ay kung magkaka-signal sa dagat, mahina kasi ang signal doon. Sa ngayon, letʼs go at the hospital dahil kailangan ni Mommyla mo ang support natin.”

“Yey! Letʼs go na Mommy!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Unforgettable One Hot Night    AUTHOR’S NOTE

    Good day, readers! Hindi po muna ako makakapag-update this month, dahil kakapanganak ko pa lang po. Ngunit, maaari niyo pong mabasa ang iba ko pa pong istorya na COMPLETED na. 1. UNEXPECTEDLY HER SPERM DONOR IS A BILLIONAIRE (escape while pregnant + romance + romcom) 2. MARRIAGE FOR PLEASURE (R+18 — SPG) (arranged marriage + taguan ng anak + dark romance) 3. THE BILLIONAIRE’S INNOCENT BRIDE (R+18 — SPG) (contract marrigae + escape while pregnant + taguan ng anak + romcom) COMPLETED po lahat ng ito, at tiyak ko po na magugustuhan niyo po! Sana ay makita ko rin po kayo sa iba ko pa pong istorya! Thank you so much po, and have a blessed day! — Author Febbyflame/Sashiflame

  • Unforgettable One Hot Night    KABANATA 102: Is This The Beginning?

    Idris Point of ViewUmupo ako sa upuan ng drayber ng aking kotse, ang pamilyar na amoy ng balat at mga bakas ng aking cologne ay nakikisama sa mapait na amoy ng panghihinayang. Nang isara ko ang pinto, ang mundo sa labas ay naging malabo, at ang mga luha na pinipigilan ko ay nagsimulang dumaloy. Inilagay ko ang aking mukha sa aking mga kamay, na inaalihan ng alon ng emosyon na bumabalot sa akin.Ano na ang ginawa ko?Ang mga sigaw ni Stella ay umuukit sa aking isipan, bawat hikbi ay mas malalim kaysa sa huli. Siya ang aking anak na babae, ang aking munting prinsesa, at ang isipin na siya ay nasasaktan sa pagitan namin ni Celeste ay parang isang punyal na umiikot sa aking puso. Nakikita ko pa rin ang kanyang mukha na punung-puno ng luha, ang desperadong paraan na siya ay kumapit sa akin, ang kanyang maliliit na kamay ay humahawak sa aking kamiseta na parang ako ang kanyang lifeline.Huminga ako nang malalim, sinusubukang huminahon, ngunit ang sakit sa aking dibdib ay hindi nawawala. Al

  • Unforgettable One Hot Night    KABANATA 101: Brave Heart

    Celeste’s Point of ViewMadilim ang silid, tanging liwanag ng buwan ang humihimok sa mga kurtina. Nakahiga kami sa kama, ang ritmo ng paghinga ni Stella sa tabi ko ay tila nakakaaliw na lullaby. Siya ang aking maliit na bituin, isang ilaw sa aking buhay. Pero bigla, parang kulog na rumaragasang sa malayo, nabasag ang kanyang mapayapang pagtulog.“Daddy!” sigaw niya, ang kanyang boses ay pumasok sa katahimikan na parang kutsilyo.Napabalikwas ako, ang puso ko ay mabilis na bumabayo. Sa aking pagkalito, nahulog ako pabalik mula sa kama, bumagsak na may malambot na tunog sa karpet.“Stella!” tawag ko, pilit na umuupo. Tumataas ang tibok ng puso ko nang makita siya, ang kanyang mga mata ay malaki at kumikislap sa luha, ang kanyang maliit na katawan ay nanginginig sa takot. “Anong nangyari?”“Napaka-real!” umiiyak siya, niyayakap ang kanyang mga tuhod sa kanyang dibdib. “May gustong kumuha kay Daddy! Ang takot ko!”Mabilis akong lumapit sa kanya, niyayakap siya sa aking mga braso. “Ayos la

  • Unforgettable One Hot Night    KABANATA 100: Calling vs Feelings

    Celeste’s Point of ViewAyoko sanang nandito. Bawat hakbang ko sa mga pasilyo ng ospital ay parang pabigat nang pabigat. Ang bigat ng lahat ng nangyari kina Idris at Rachel ay halos hindi ko na kayang tiisin, pero may trabaho akong dapat gampanan. Hindi tumitigil ang tungkulin ko bilang isang nars kahit na parang basag na ang puso ko.Ngunit ang pag-iisip na makita silang dalawa ay nagpapaikot ng tiyan ko sa galit at pagkakanulo. Hinigpitan ko ang mga kamao ko, pilit na humihinga ng malalim. Wala akong magawa kundi magpakatatag—para sa ngayon.Sa oras ng pahinga ko, napunta ako sa staff lounge kasama sina Sammy at Beyonce. Sila ang pinakamalalapit kong kaibigan sa trabaho, ang tanging mga tao na mapagkakatiwalaan ko sa pinagdadaanan ko. Kailangan kong mailabas ang lahat ng sama ng loob bago pa ako tuluyang lamunin nito."Hindi ko pa rin matanggap," bulong ko habang naglalakad paikot sa maliit na silid at nagsimula nang bumuhos ang mga salita. "Akala ko iba si Idris, alam mo yun? Pero

  • Unforgettable One Hot Night    KABANATA 99: Rachel’s Real Motive

    Rachel’s Point of ViewPinanood kong naglakad pabalik si Idris papunta sa ospital, dala ng kanyang mga balikat ang bigat ng lahat ng pinagdadaanan niya. Parte ng aking sarili ang gustong maawa sa kanya. Nakikita ko ang sakit sa kanyang mga mata, ang pagkakasalang dinadala niya dahil sa pananakit kay Celeste. Pinipilit niyang ayusin ang lahat sa pagitan nila, ginagawa ang lahat para kay Stella at Aiden, at alam kong lahat ng ito ay ginagawa niya dahil sa pagmamahal.Ngunit may isa pang bahagi sa akin—yung bahagi na ayokong aminin na naroroon—na nakaramdam ng kakaibang ginhawa. Bagama’t hindi ko inaasahan na ganito ang kahihinatnan ng mga bagay, ang katotohanang tila nagkakawatak-watak na ang relasyon nina Idris at Celeste... parang pakiramdam ko’y tadhana ito. Parang siguro ito na ang nakatakda. Pagkatapos ng lahat, kami ni Idris ang naunang magkasama. Kami ang unang nagmahalan.Napabuntong-hininga ako, hinaplos ang buhok ko habang nagmumuni-muni. Hindi dapat ganito ang nangyari. Hindi

  • Unforgettable One Hot Night    KABANATA 98: Chase Her Back

    Idris Point of ViewTahimik ang biyahe pabalik sa mansyon, at parang mabigat ang hangin sa hindi namin sinasabi. Si Papa ang nagmamaneho, mahigpit ang hawak sa manibela, habang si Lolo ay nasa tabi ko sa likod, malalim ang iniisip. Mabilis ang takbo ng isip ko habang nakatingin ako sa labas ng bintana, sinusubukang unawain ang lahat. Kalagayan ni Aiden, si Rachel, si Celeste, si Stella… Parang nagkakawatak-watak na ang buong buhay ko sa harap ng mga mata ko.Pagdating namin sa mansyon, ang dati’y mainit na kaluwalhatian ng bahay ay parang naging malamig at malayo. Tumungo kami lahat sa silid-aklatan, kung saan si Papa ay nagsalin ng inumin sa kanyang baso, binasag ang katahimikan habang ang amber na likido ay umikot sa loob ng baso.“Diretso na tayo,” sabi niya, humarap sa akin. “Kritikal ang kalagayan ni Aiden, at wala tayong maraming oras. Kailangan nating humanap ng paraan para mapatatag ang kalusugan niya, at nangangahulugan ito ng mahihirap na desisyon.”Lunok-lalamunan akong tum

  • Unforgettable One Hot Night    KABANATA 97: They All Lied

    Celeste’s Point of ViewParang sinaksak ako ng paulit-ulit, ang matalas na panghihinayang ay kumikilos sa aking puso habang ang mga alaala nina Idris at Rachel ay sumasagi sa aking isipan. Bawat pagkaunawa ay parang bagong sugat, sariwa at masakit.Nag-sex sila. Ang simpleng katotohanang ito ay isang brutal na katotohanan na hindi ko matanggap. Nagsimula ang aking tiyan, at isang alon ng pagkahilo ang bumalot sa akin habang pinipilit kong intidihin kung paano ako kayang ipagkanulo ni Idris ng ganito. Nanginginig ang aking mga kamay habang pinapahid ang aking mga luha, bawat patak ay paalala ng tiwala na ibinigay ko sa kanya—tiwalang sinira niya sa pinakamasakit na paraan.Naka-curled up ako sa kama ng ospital, mahigpit na hawak ang mga kumot, na para bang iyon na lamang ang aking tanging lifeline. “Ano bang mali sa akin?” bulong ko sa aking sarili, ang tanong ay umaawit sa walang laman na espasyo sa aking dibdib. Hindi ba ako sapat? Nabigo ba akong maging kaparehang kailangan niya? An

  • Unforgettable One Hot Night    KABANATA 96: Broken Trust

    Idris Point of ViewHabang hawak ko ang cellphone ni Celeste, natulala ako sa litrato roon. Kami ni Rachel, magkasama sa kama, walang saplot. Ang pagtataksil ay tumama sa akin na parang sampal sa mukha. Umikot ang isip ko habang pinipilit kong unawain kung paano ito nangyari. May kumuha ng litrato namin!“Celeste, hayaan mo akong magpaliwanag!” sigaw ko, ang boses ko ay puno ng desperasyon at panginginig.Tinutukan niya ako ng tingin, ang kanyang mga mata ay nag-aalab sa galit at sakit. “Ipaliwanag? Ano ang ipapaliwanag? Na nagsinungaling ka sa akin sa buong panahong ito? Na kasama mo siya habang akala ko ay sinisikap mong tulungan ang anak mo?”“I promise you, hindi ito kung ano ang iniisip mo!” pakiusap ko, kumakabog ang puso ko. “Kami ni Rachel—mali ito. Hindi ko sinadyang mangyari! Nalilito ako, at akala ko maayos ko ang mga bagay sa iyo at kay Aiden. Pero hindi ko kailan man nais na saktan ka.”Umangat siya ng isang hakbang, ang kanyang mukha ay nag-aalab sa pagkadismaya. “Akal

  • Unforgettable One Hot Night    KABANATA 95: Naked Photos

    Celeste’s Point of ViewIsang beses lang tumunog ang telepono bago ito sagutin ni Idris, ang boses niya ay mahinahon at nag-aalala.“Celeste? Nasaan ka? Nag-aalala na ako sa ‘yo, please mag-usap naman tayo.”Ngunit hindi ko na kayang pigilin pa. Uminit ang aking ulo, at sumigaw ako sa telepono.“Kailangan talaga nating pag-usapan ‘to, Idris! Nasaan ka?!”“Celeste?” Nagbago ang tono ng kanyang boses at naging malambing ito, ngunit lalo lamang itong nagpagalit sa akin. “Pakiusap, just—”Hindi ko na siya hinintay na makapagpatuloy. Inabot ko ang tawag, ang puso ko ay tumatalon at puno ng halo-halong emosyon—galit, takot, at matinding pagprotekta para kay Stella. Akala nila maaari silang gumawa ng desisyon tungkol sa aming anak na hindi man lang ako kinonsulta?Tumayo ako at nagsimulang maglakad-lakad sa maliit na silid ng ospital, mabilis ang mga iniisip. Kanya ang anak ko! Ramdam ko ang aking mga kamao na humigpit sa aking tagiliran. Ako ang magdedesisyon kung siya a mag-undergo sa test

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status