POV: CHANTAL
Akala ko, kung sino ang dumating. May nagliligpit na sa kusina. Lumabas ako ng silid at nakita ang isang babaeng naka uniform at pakanta kanta pa.
May hitsura siya, maganda ang katawan at matangkad. Naglilinis siya doon na parang isang may bahay.
Itinapon niya ang lahat ng pagkain sa basurahan. Nagulat ako, dahil karamihan doon ay hindi pa naman nagagalaw.
"Sandali!" malakas kong sabi.
Napalingon siya. Bahagya pang nagulat ng makita ako.
Maya maya, kumunot ang kanyang noo.
"Sino k