LOGINPOV: CrisostomoKitang-kita ko ang biglang pagkabuhay ng pag-asa sa mga mata ni Renata. Ang kaniyang mga mamumulang mata, na kanina lang ay puno ng galit at takot, ay biglang nagningning sa isang klase ng sakit na ilusyon. Nakatitig siya sa akin na may pilit at napakatamis na ngiti—tila ba naniwala siyang nagwagi na naman siya sa kaniyang manipulasyon, na nakuha niya muli ang aking awa at atensyon.Kaawa-awang nilalang. Ang lakas ng loob niyang isiping magagawang bilugin ng isang katulad niya ang aking utak.Dahan-dahan akong huminto sa mismong tapat niya. Nanatili ang ngiti sa aking mga labi—isang ngiting walang ibang kahulugan kundi ang sukdulan at nakamamatay kong pangkukutya sa kaniyang kabaliwan.PAAAK!!Ibinuhos ko ang buo kong lakas sa aking kanang kamay at buong buo kong isinampal ang aking palad sa kaniyang mukha!"Agh!"Bumiling ang kaniyang ulo sa gilid sa lakas ng impact. Umalingawngaw ang matinding tunog ng sampal sa buong silid ng bodega, kasabay ng muling pagputok ng ka
Isang marahang tapik sa aking namamagang pisngi ang gumising sa akin mula sa malamig na kadiliman."Gising na.. hoy..."Marahan kong iminulat ang aking mabibigat na talukap. Sumalubong sa aking nanlalabong paningin ang isang mataas na lalaking nakatayo sa aking tapat—si Blaze, na kasalukuyang nakatitig sa akin nang walang kahit anong emosyon. Nang dahan-dahan siyang humakbang paatras at lumayo sa aking harapan, biglang bumungad sa akin ang isang kaanyuan na agad na nagpalukso sa aking puso.Sa gitna ng silid, sa liwanag ng iisang dilaw na ilaw mula sa kisame, nakaupo si Crisostomo.Nakapatong ang kaniyang isang binti sa kabila, nakasandal sa isang matigas na bakal na upuan, habang ang kaniyang isang kamay ay nakasuporta sa kaniyang ulo. Ang mga daliri ng kaniyang kabilang kamay ay dahan-dahan na tumutuktok sa armrest ng upuan— isang mabagal ngunit nakabibinging ritmo sa gitna ng tahimik na bodega. Nakasuot pa rin siya ng kaniyang pormal na suit, mukhang walang kapagurang hari na b
"Nagsisinungaling ka! Nagsisinungaling kayong lahat!"Isang marahas at walang-kontrol na sigaw ang sumabog mula sa aking lalamunan. Ang matinding takot at hindi pagtanggap sa sinabi ni Blaze ay tuluyang nagpawala sa akin sa sariling bait. Gamit ang kaisa-isang kanang kamay kong pinalaya mula sa tali, buong-lakas kong ibinagsak at itinapon ang styrofoam box!Tumalsik ang mainit na kanin at sabaw sa semento, kumalat ang ulam sa makintab na sapatos ng mga guards, at marahas kong ibinato pati ang bote ng tubig sa dingding na lumikha ng malakas na kalampag."Pakawalan niyo ako rito! Mga hayop kayo! Pakawalan niyo ako!" nagwawala at nanginginig kong tili habang pilit kong inuuga ang bakal na upuan na pinag gapusan sa akin. Umalingawngaw ang kalansing ng mga bakal at lubid sa buong bodega. "Hindi niyo ba kilala kung sino ang hinahawakan niyo?! Ako si Dr. Renata Fuentebella! Kaibigan ako ng pamilya Ricaforte! Kapag nalaman ni Crisostomo na pinalipas niyo ang oras ko sa ganitong klase ng lug
Tumunog ang marahas lumang pintuan at dahan-dahan itong bumukas. Biglang nagliwanag ang buong paligid nang buksan ang mga naglalakihang industriyal na ilaw sa kisame. Sa matinding lakas ng liwanag na dumatay sa aking mga matang matagal na nanatili sa kadiliman, agad akong nasilaw. Napapikit ako nang mahigpit, napaungol sa sakit, at pilit na ibinaling ang aking ulo paitaas upang maiwasan ang nakalilitong liwanag.Ilang beses akong kumukurap-kurap habang bumabalik ang aking paningin. At nang tuluyang luminaw ang aking paningin, sumalubong sa akin ang kaanyuan ng lalaking nakatayo sa aking tapat.Si Blaze.Ang tapat, kanang kamay, at personal na tao ni Crisostomo sa mga lihim nitong operasyon.Isang marahas na buntong-hininga ng ginhawa ang humulagpos sa aking lalamunan. Mabilis na nagbalik ang aking lakas ng loob. Nawala ang matinding pangingilabot na naramdaman ko kanina lamang sa kadiliman, pinalitan ito ng dati kong kayabangan at matayog na dignidad. Kilala ko si Blaze. Ang lalakin
POV: RenataNapakabigat ng aking mga talukap. Dahan-dahan kong pilit na iminulat ang aking mga mata, ngunit agad na sumalubong sa akin ang isang matinding kirot na bumalot sa buong kaliwang bahagi ng aking mukha. Ang panga ko—Diyos ko, ang panga ko ay parang nadurog at lumalagutok sa bawat maliit na paggalaw ng aking bibig.'Nasaan ako?'Bakit napakadilim? Ang hangin sa paligid ay napakamalamig, may amoy ng kalawang, lumang semento, at natuyong dugo na agad na nagpalukso sa aking sikmura.Sa gitna ng aking mahinang paghinga, dahan-dahang nagbalik sa aking isipan ang mga huling kaganapan.Ang silid sa safehouse... Ang nakalolokong halakhak ng dugyot at basurang artistang si Gia habang ipinarada ang kaniyang wedding ring sa harap ng mukha ko... Ang mga panlalait at panunukso nito tungkol sa aking edad, sa aking pagiging matandang dalaga, at sa pagiging baog umano ni Crisostomo...At si Crisostomo...Napasinghap ako nang marahas. Ang nakatatakot at nakamamatay na mukha ni Crisostomo. An
POV: CrisostomoInakay ko si Gia pabalik sa aming silid. Maingat ang bawat hakbang ko, nakapulupot ang braso ko sa kaniyang baywang na tila ba gawa siya sa napakarupok na salamin na pwedeng mabasag anumang oras. Nang makapasok kami sa kuwarto, inalalayan ko siyang maupo sa gilid ng kama. Marahan kong inalis ang kaniyang tsinelas at inilagay ang kumot sa kaniyang hita.Nang hahawakan ko ang kaniyang kamay, naramdaman ko ang panginginig niyon. Lumingon ako at sumalubong sa akin ang kaniyang mga matang puno ng halo-halong emosyon—galit, pagod, at bahagyang pag-aalinlangan."Cris..." nanginginig ang boses niya habang nakatitig sa akin. "Naniniwala ka ba sa sinabi ni Renata? Naniniwala ka bang... baog ka at hindi sa 'yo 'to?"Bahagyang kumurot ang puso ko sa tanong niya. Paano maiisip ng babaeng ito na mag-aalinlangan ako sa kaniya?Lumapit ako at lumuhod sa kaniyang tapat. Inabot ko ang dalawa niyang kamay at hinagkan iyon bago ako tumingala sa kaniyang mukha. Isang marahan at tapat na
SUMISIGID ang amoy ng disinfectant sa aking ilong. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ang unang bumungad sa akin ay ang puting kisame na parang ulap sa kalangitan.‘Pumanaw na ba ako?’ iyon ang una kong naitanong sa aking sarili.Biglang luminaw ang aking pandinig. Rinig na rinig ko ang
“AKO naman talaga ang mahal ni Jansen. Ginagamit niya lang si Chantal para sa kanyang pag angat. Once na makuha na niya ang buong control sa company, itatapon na niyang parang basahan ang babaeng yun,” tinig iyon ni Veronica.Umaalingawngaw iyon sa loob ng banyo. Hindi man lang sila nagcheck muna
“CHANTAL!” Malakas ang tinig ni Jansen habang sinasalubong niya ako sa pasilyo ng aking opisina, “saan ka galing? Pumunta ako sa bahay niyo kanina, sabi ng katulong, hindi ka daw doon natulog!”Medyo nainis ako. Siya pa talaga ang may karapatang tanungin ako ng ganito, gayung siya ang nakalimot sa
POV: ChantalHilong hilo na ako. Masamang masama ang aking loob. Hindi ko akalaing tatraidurin ako ni Jansen ng dahil lang sa hindi ko siya mapagbigyan sa kama! Sisiguraduhin kong nagkakamali siya ng akala, na hahabulin ko siya! Hinding hindi ko na gagawin ang mga katawa tawang bagay na iyon.Sumus







