LOGIN“CHANTAL!” Malakas ang tinig ni Jansen habang sinasalubong niya ako sa pasilyo ng aking opisina, “saan ka galing? Pumunta ako sa bahay niyo kanina, sabi ng katulong, hindi ka daw doon natulog!”
Medyo nainis ako. Siya pa talaga ang may karapatang tanungin ako ng ganito, gayung siya ang nakalimot sa anniversary namin kagabi?
Kung hindi dahil sa myday ng isa niyang kaibigan, hindi ko malalaman kung nasaan siya.
Ayoko muna sana siyang makausap, kaya sinubukan ko siyang lagpasan. Subalit hinarangan niya ako. Hinawakan niya ang aking pulso, saka niya ako hinila.
“Wag mo akong balewalain, kinakausap kita!” Gigil niyang sabi sa akin.
Iwinaksi o ang kanyang kamay, saka tinitigan ko siya sa mata.
“Bakit mo naman ako naisipang puntahan?”
“Anong bakit? Malamang, nobya kita, at nais kitang sunduin!” Sagot nita.
Napangisi ako, saka napahawak ako sa aking baywang. Inilagay ko ang aking dila sa ilalim ng pang ibaba kong labi, saka ako huminga ng malalim at pilit na nagtitimpi.
“Nasaan ka kagabi?” Blik tanong ko sa kanya.
Hindi agad siya nakapagsalita. Nakatingin lang siya sa akin, na tila ba nagulat. Marahil, hindi niya akalaing tatanungin ko siya. Masyado na siyang nasanay, na kahit saan siya magtungo ay wala siyang naririnig mula sa akin.
“Na-nasa bahay lang ako!” Nauutal niyang sagot, subalit naging malikot ang kanyang mga mata, at hindi siya makatingin sa akin.
“Talaga ba? Talaga bang nasa bahay ka lang?” Napangiti ako ng mapait. Talagang nakuha pa niya akong pagsinungalingan.
Magsasalita pa sana siya, ng may isang matinis na tinig ang nagsalita sa hindi kalayuan.
“Jansen. Bakit iniwan mo naman ako sa kotse!” reklamo ni Veronica, ang BFF/ secretary ni Jansen. Agad siyang humawak sa braso ng lalaki, “Oh, hi there.. Chantal!”
Napaismid ako. Halatang halata sa kanya ang kaplastikan. Nakakainis tingnan ang mapagkunwaring babaeng ito.
“Chantal, saa–” bago pa magsalita si Jansen, naunahan na siya ni Veronica.
“Jansen, may meeting ka ngayon sa Global International di ba? Baka ma-late tayo!”
“Maaga pa,” sagot ni jansen, “mag uusap muna kami–”
“Nope!” Hinilang pilit ni Veronica si Jansen, “halika na, mauunawaan ka naman ni Chantal. Right, Chantal?”
Ngumisi lang ako. HIndi ako nagsalita. Kitang kita ko kung paano kaladkarin ni Veronica si Jansen. Akala mo, aagawan ng lalaki.
Sa nakalipas na taon, pinagpasensiyahan ko ang bagay na ito. Subalit ngayon, hindi na ito pwede sa akin.
Biglang bumalik sa akin ang alaala isang taon na ang nakakaraan.
“SIYA nga pala si Veronica Divina, best friend ko siya,at napagpasyahan kong siya ang kunin kong secretary.”
Walang pagpapaalam sa akin, walang pagtatanong. Straight to the point agad.
Ngumiti ako sa kanila, kahit nabigla ako. Pero wala naman akong magagawa, kung ito ang nais ni Jansen.
May utang na loob ako kay Jansen. Noong maaksidente kami ng pamilya ko, na namatay ang aking mga magulang at ang aking kuya, si Jansen ang nagdonate sa akin ng isa niyang kidney, kaya ako nabuhay. Kaya ipinangako ko sa aking sarili, na mamahaln ko siya, aalagaan at poprotektahan sa lahat.
Inispoiled ko siya, at lahat ibinigay ko.. maliban na lang sa isang bagay.. ang aking katawan.
Para sa akin, sagrado ang katwan ng babae, at nararapat lang ibigay sa lalaki kapag kasal na.
Kaya ang nais na ito ni Jansen ay pagbibigyan niya.
Subalit..
HIndi ko akalain na pagmumulan ito madalas ng aming away.
Minsang nakita ko si Veronica ngumiti ako, saka lumapit sa kanya.
“Kumain ka na ba?” Aayain ko sana siya kung hindi pa.
“Oo, kumain na kami ni Jansen. Isinama niya ako sa restaurant na paborito niyang kainan.”
Ang pahayag na iyon ay parang sumaksak sa aking puso. Ang tinutukoy bang restaurant ng babaeng ito ay..
“Sa BELL PEPPER reastaurant.” Siya na ang sumagot sa bagay na iniisip ko.
Ang lugar na iyon ay mahalaga sa akin, dahil doon ako nagtapat ng pag ibig kay Jansen, at dun siya pumayag na maging nobyo ko. Pangako non namin sa isa’t isa, na ako at siya lang ang pupunta ng magkasama sa tagong lugar na iyon.
Agad namula ang aking mukha. Inis ako sa aking nalaman, subalit wala akong lakas ng loob na magsalita.
“Jansen!” Narinig kong sabi ni Veronica, saka umalis siya sa aking harapan.
Sinundan ko kung saan siya pupunta. Kay Jansen. Agad siyang humawak sa braso nito.
Nakangiti si Jansen habang hinahawakan ang ulo ni Veronica. Pagharap niya, nakita niya ako. Nawala ang kanyang ngit at nagmamadaling lumapit sa akin. SUbalit nanatiling nakahawak pa rin ang babae sa kanyang braso.
“Anong ginagawa mo sa department na to?” Tanong niya sa akin.
Agad kong inalis ang tingin sa mga kamay ni Veronica na nakahawak sa kanyang braso, saka pilit akong ngumiti.
“Aayain ko sanag kumain si Veronica, pero kumain na pala siya.”
Bahagyang napatda si Jansen, saka napilitan ng ngumiti, “oo, kanina, may client kaming tinagpo. Kaya idinaan ko na rin siya sa restaurant. Doon sa paborito nating kainan.”
“Bakit nagsama ka ng iba doon? Usapan natin, tayo lang dalawa ang makakaalam ng lugar na yun?” May halong pagtatampo ang aking tinig.
“Wag kang masyadong petty. Hindi naman iba s Veronica, best friend ko siya. Isa pa, restaurant lang yun, lahat naman, pwedeng kumain dun.” Tugon niya sa akin.
BUMALIK ako sa kasalukuyang pag iisip, saka mapait akong napangiti. Marahil, hindi naman talaga genuine ang pagmamahal niya sa akin. Baka ako na lang talaga ang kumakapit sa kanya.
Napaisip ako. Paano kaya kung hindi siya ang nagligtas sa buhay ko noon, ganito kaya ako ka obsess sa kanya? Magiging ganito kaya ako kalapit?
Ang nangyaring aksidente sa amin ng aking buong pamilya, ang nagsilbing pundasyon ko, para isiping maiksi lang ang buhay, at tulungan ang mga taong nakatulong sa akin ng malaki. Bilang pasasalamat sa kabutihang nagawa sa akin ni Jansen, sa kanyang pagdodonate ng atay noong nasa kritikal akong kondisyon, ipinangako ko sa aking sarili, na dahil utang ko sa kanya ang aking buhay, mamahalin ko siya at pagsisilbihan.
Pero bakit ganito? Simula noong maging establish ang kumpanyang itinatag namin, unti unti siyang nagbago, at parang hangin na lang ako sa kanya?
Mas madalas pa niyang kasama ang ibang tao, lalo na ang BESTFRIEND daw niyang si Veronica. Minsan, sa loob ng dalawang linggo, isang beses na lang kami magkita.
Lagi siyang nasa client, may meeting, conference, out of towns.
Ngayon, mas napatunayan ko, na sinasayang ko na lang ang buhay ko sa kanya. Lalo na ng mahuli ko silang naghahalikan sa private room na iyon, kasama ang mga kaibigan niyang kunsintidor.
Mas napatunayan kong hanggang dito na lang talaga ang lahat..
Napatitig ako sa sahig ng aking silid, habang ang bawat salitang binitawan nina Ismael at Raul ay parang mga ligaw na selyo na unti-unting bumubuo sa isang nakatatakot na katotohanan. Ang buong akala ko ay nakasulong ako ng isang hakbang nang lumipad ako patungong Maldives para bawiin si Leila. Ang akala ko, sa pagkakataong ito, ako na ang may hawak ng manibela ng sarili kong buhay.Ngunit hindi pala. Isa lang pala akong sumasayaw na papet sa mga palad ng sarili kong mga magulang."Sir Ephraim..." dahan-dahang basag ni Raul sa katahimikan, habang pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa saradong pinto ng balkonahe. Ang kanyang boses ay may halong pag-aalinlangan, tila ba tinitimbang kung dapat niya pa bang ituloy ang nasa isip. "Huwag niyo po sanang mamasamain ang itatanong ko... pero sa tingin niyo po ba talaga, may magagawa pa kayo rito? Sa tindi ng kapangyarihan at koneksyon ng mga magulang ninyo, parang... parang imposible na nating matakasan ito."Tumingin din si Ismael sa aki
Huminga nang malalim si Ismael, saka naupo sa tapat ko habang nakasandal sa pader. Ang kanyang mukha ay napalitan ng isang seryosong ekspresyon."May isa pa kaming nalaman, Sir... na sa tingin namin ay dapat ninyong malaman habang nakakulong tayo rito," ani Ismael."Ano 'yun?""Ang totoo po, ang planong ito... ang pekeng pagkakasakit ng Daddy ninyo, ang pag-trap sa inyo kay Miss Gia, at ang pagpapakulong sa inyo rito... hindi lang ito binuo kanina o kahapon," bulong ni Ismael. "Talagang planado na po ito bago pa man kayo sumakay ng eroplano patungong Maldives kasama si Ma'am Leila."Tila ba may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko nang marinig ko ang pangalan ni Leila. Napatayo ako nang mabilis. "Anong ibig mong sabihin?"Sumingit si Raul sa usapan. "Totoo po, Sir. Isang linggo bago kayo umalis patungong Maldives, narinig ko si Senyora na may kausap sa telepono habang nag-aayos ako ng mga halaman sa tapat ng opisina niya. Sabi niya sa kabilang linya, 'Hayaan mo muna siyang
"Ano?" nanlalaki ang aking mga mata habang nakatitig sa kanilang dalawa. Halos hindi rumihestro sa utak ko ang mga salitang binitawan ni Ismael. "Anong ibig mong sabihin na mananatili kayo rito sa silid ko? Kasama ko?""Nababaliw na ang mga magulang mo, Sir," ulit ni Raul habang maingat na ibinababa ang hawak niyang sandok sa maliit na portable stove na inilatag nila sa sahig ng aking balcony. Bakas sa kanyang mukha ang labis na pagod at takot, ngunit naroon pa rin ang katapatan sa kanyang mga mata.Ang balcony ng aking silid—na dati ay bukas at presko—ay tuluyan nang binakuran ng makakapal, maiitim, at matitigas na rehas na bakal. Para na akong isang kriminal na nakakulong sa sarili kong kwarto. Pero ang mas hindi ko mapaniwalaan ay ang presensya nina Ismael at Raul. Ang dalawang ito ay mga personal kong tauhan sa mansyon, halos kasing-edad ko, at sila lang ang tanging nakakasundo ko sa pamamahay na ito dahil hindi sila tulad ng ibang mga tauhang sunod-sunuran lang kay Mommy."Paano
"Walang problema at walang dapat ikatakot kina Jeremiah," isang baritunong boses ang sumunod na nagsalita nang may malapad na ngiti.Halos manigas ang buong katawan ko sa aking kinatatayuan nang makita ko kung sino ang lalaking nakaupo sa enggrandeng sofa, may hawak na mamahaling tabako, at mukhang napakalakas ng pangangatawan.Si Daddy. Ang aking ama na ang akala ko ay kasalukuyang nakikipaglaban sa kamatayan sa loob ng ICU."Si Jeremiah mismo ang nagsabi sa akin noon bago siya umalis," pagpapatuloy ni Daddy habang nakangiti nang nakakaloko sa mga kapatid ng asawa niya. "Hindi na niya kailangang makihati pa sa mga negosyong naiwan sa amin ng aking pumanaw na kapatid. Bakit? Dahil mas malaki at mas malawak ang mga negosyong naiwan mismo ng kanyang ama sa kanya. Isa pa, si Lolo George na ama ng kanyang ama, ay isang napakayamang tao. Alam niyo naman ang matandang 'yun. Kahit gawing kalsada ang pera ng matandang 'yun, makakagawa pa rin 'yun ng daan patungong America nang hindi nauubos.
Matapos niyang sabihin iyon ay nanahimik ako. Doon ko naramdaman ang matinding bigat at hirap sa paggawa ng desisyon. Tama si Gia—wala siyang ipinaglalabang karelasyon, wala siyang sinasaktan na ibang tao, at wala siyang pakialam sa emosyon. Kung pumayag siya, mananatili siyang masunuring anak at walang mawawala sa kanya.Pero paano naman ako?Ang buong bigat ng sitwasyon ay bumagsak sa aking mga balikat. Kung ako ang tatanggi sa kasal na ito, ako lang ang lalabas na masama sa paningin ng aming mga magulang. Ako lang ang mapagbibintangang walang utang na loob habang nag-aagaw-buhay ang aking ama sa ospital. Ako lang ang mapapahamak dahil pwedeng bawiin sa akin ng pamilya ko ang posisyon ko sa kumpanya, ang mga ari-arian ko, at ang lahat ng pinaghirapan ko sa nakalipas na mga taon.At ang mas masakit pa rito, kung magpapadala ako sa takot at papayag ako sa kasal na ito para lang iligtas ang sarili ko, tuluyan nang mawawala sa akin si Leila. Masisira ko ang pangako ko sa babaeng nag-iis
"Bakit hindi ikaw ang gumawa ng paraan para sirain ang kasunduang ito?" tanong ko sa kanya habang nakatitig nang diretso sa kanyang mga mata. Hindi naman maaaring ako lang ang palaging sasalo ng sisi. Hindi pwedeng ako lang ang magiging masama at rebeldeng anak sa aming dalawa samantalang siya ay mananatiling malinis ang pangalan. Kung pareho naming ayaw ang pilit na kasal na ito, dapat lang na magtulungan kami.Subalit ang kanyang naging isinagot ang siyang nagbigay sa akin ng huling mitsa upang mapaisip talaga ako nang malalim. Doon ko napagtanto kung gaano katatag at katigas ang prinsipyo ng babaeng nasa harap ko."Magpakasal man ako sa iyo o hindi, Ephraim, sa totoo lang ay wala naman akong pakialam," seryoso at walang pag-aalinlangan niyang sagot habang dahan-dahang ibinababa ang kanyang tasa ng tea. "Ang konsepto ng pag-ibig ay hindi para sa isang katulad ko. Dahil katulad ng mga magulang natin, naniniwala ako sa fixed marriage. Para sa akin, negosyo at obligasyon lang ang kasal
POV: VeronicaNahihilo na ako sa palakad lakad ni Jansen sa loob ng aking opisina. Madilim ang kanyang mukha dahil sa labis na galit.Nakakatuwa na labis ang poot niya kay Chantal, na ako naman ang siyang may kagagawan.Hindi maipinta ng kahit na sinong pintor ang kanyang galit na anyo. Matatakot an
"Jansen, ayoko ng makipag usap sa kahit sino man sa inyo. Babalik na lang ako, kapag wala ng agiw ang utak mo!" insi kong sabi sa kanya.Tatalikod na sana ako, ng bigla akong hawakan ni Jansen."Hindi ka aalis, hanggang hindi mo naaayos ang problema ng kumpanya!" mariin niyang hinawakan ang aking b
"Sino yun? anong nangyari?" tanong ni Jansen kay Veronica. Halata ang bahagyang pagpapanic sa mukha ng babae."A-Ang SUMMIT.. nagcancel sila ng meeting ngayon." nauutal na sagot ni Veronica."Ano? bakit daw?" naguguluhang tanong ni Jansen, na parang naluging intsik."Ang babaeng yan!" itinuro ako
Nakatingin ako sa pinto, kung saan lumabas si Lucille kasama ang mga tauhan ng hotel.Nakakaawa siya sa aking paningin. Nagmahal lang naman siya ng totoo, subalit sa huli, ang kanyang pag asa ay naagaw ng iba.Ganoon din ako noon kay Jansen. Umasa.. nagmahal.. binalewala.Gaano ba kasakit sa isang

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





