LOGINNaalimpungatan ako, dahil sa tunog ng cellphone sa gilid ng mesa. Nasa loob pa iyon ng aking bag. Kahit masakit ang aking ulo, lalo na ang aking katawan, kinapa ko iyon, saka dinukot ang aking cellphone. Si Leila!
“Hoy! Bruha ka, nasaan ka na? Sabi ko, room 839, bakit wala ka pa dito! Lumamig na yung hungarian sausage na inorder ko! Pag gising ko ngayong umaga, hindi man lang iyon nagalaw!”
Puno ng panunumbat ang kanyang tinig.
Biglang namilog ang aking mga mata. Hungarian sausage? Ibig sabihin..
“Sandali! Ang sausage na sinasabi mo ay– pagkain?” May pag aalinlangan kong tanong.
“Malamang! Ano ba ang sausage?” Pagtataray niya. “May iba ka pa bang kahulugan sa “sausage?””
Biglang bumalik sa akin ang nangyari. Hindi ako makapaniwala, na nabobo ako sa ibig sabihin niya. Hindi man lang ako nakaisip magtanong kagabi, kung ang ibig sabihin ba ng sausage, ay pagkain o lalaki.
“Chantal! Bobo ka talaga!” Pinalo palo ko ang aking ulo sa labis na inis, “Anong kalokohan ang ginawa mo!”
“Chantal, anong sinasabi mo??” Nakalimutan ko na nasa kabilang linya pa pala si Leila, “nasaan ka ba?”
Bigla kong inihilig ang aking ulo. Mabuti naman at nag iisa lang ako sa silid. Nagmamadali akong bumangon, at pinulot ang aking mga damit, saka nag umpisa akong magbihis.
“Chantal! Para kang t*nga! Nasaan ka ba?” Malakas ang tinig ni Leila, halatang naiinis na siya.
“Wait lang, hintayin mo ako diyan!” Sagot ko sa kanya. Yung lalaking iyon kagabi, ibinalibag ako ng todo, kaya para tuloy akong baldado.
Hindi ko na isinuot ang aking sapatos, at nagmamadali akong lumabas ng silid na iyon. Nagpalinga linga muna ako sa paligid. Kahit masakit ang buo kong katawan, lalo na ang aking mga binti, hindi ako maaaring manatili doon, baka bumalik pa ang lalaking iyon. Nang masigurado kong walang tao, agad na akong tumakbo patungo sa silid na room 839.
Inis na inis ako dahil sa maliit na pagkakamali ko, navirg*nized tuloy ako!
SAMANTALA..
Sa mga oras na iyon, hindi ko alam, na nagkasalisi pala kami ng lalaking naka one night stand ko kagabi.
May hawak si Jeremiah na isang paper bag ng mga bagong damit at panloob na pambabae para kay Chantal. Napakasaya niya.
Hindi niya inakalang ang babaeng matagal na niyang pinapangarap ay maaangkin na niya.
Akala niya noon, hanggang panaginip na lang sila. Na talagang papakasalan nito ang scumbag na si Jansen. Ngunit heto.. nakuha niya si Chantal ng buo..
Ang hindi niya maintindihan, bakit kahit paghalik, hindi man lang marunong ang babae. Hindi kaya.. ayaw nitong ipagalaw ang katawan sa boyfriend nito dahil hindi pa ito sigurado sa nararamdaman para kay Jansen?
Napailing siya, saka napangiti. Wala na siyang pakialam doon. Ang mahalaga sa kanya ngayon, nabinyagan na niya si Chantal.
Ngunit pagdating niya sa kanyang silid, wala na iyong laman. Magulo pa rin ang kama, nagkalat pa ang mga unan, subalit wala na ang babae doon.
Umasa siyang nasa banyo lang ito, kaya doon niya it unang hinanap, subalit wala rin. Hindi siya makapaniwala. Umalis ang babae na hndi man lang sila nagkakausap.
Napasabunot siya sa kanyang buhok. Sana pala, hindi siya umalis. Sana, hinintay niya itong magising.
Habang sinisisi ang kanyang sarili, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Tiningnan niya kung sino iyon. Si Lionel, ang kanyang assistant. Ini-on niya iyon.
“Hello?”
“Sir, nakaready na po ang lahat, ang flight niyo po ay sa loob ng dalawang oras.”
Bigla iyang naalala ang kanyang meeting conference sa New Zealand. Dalawang buwan siya doon. Maraming maaaring mangyari sa loob ng dalawang buwan. Paano na si chantal?
“Sir?”
“Cancel it!”
“Pero sir.. hindi ito pwedeng i-cancel. Mga investors ng oil at gas ang mga nasa conference. Masisira tayo sa kanila kapag nagcancel kayo.”
Huminga ng malalim si Jeremiah, “may possibility ba na mapaaga ang balik ko??”
“Opo sir, depende po sa mapapagkasunduan doon.”
“Sige, sunduin mo na ako sa hotel.”
**********************
“SAAN ka ba nanggaling at nmaga ka na, yun pala, narito ka pa sa hotel?” Tanong ni eila sa akin, habang inihahain ang masarap na hungarian sausage.
Mas malaki ang “sausage” na nakita kong sausage kagabi. Parang kasing laki na iyon ng aking bisig. Hindi ko mapigilang mapangiti.
Agad iyong napansin ni leila.
“Hoy! Bruha ka, anong ginawa mo kagabi?” Tanong niya sa akin. Agad niya akong nilapitan at naupo sa kabilang silya, “ano? May nangyari no?”
“Wala, ano ka ba!” Saway ko sa kanya, “may naalala lang ako..”
Kinuha ko ang tasa ng kape, saka ako humigop.
“Nakipag s*x ka kagabi no?”
Naibuga ko ang kape na nasa aking bibig. Nasamid ako, saka inihit ng ubo.
“Oh, ano ka ba! Dahan dahan ka nga!” Agad siyang tumayo at hinagod ang aking likod, “binibiro ka lang eh.. pero.. totoo ba?”
“Hindi no! Alam mo namang mataas ang paninindigan ko pagdating sa moralidad.” Pagsisinungaling ko sa kanya.
“Sinungaling!” Sabi niya sa akin, “namamawis ang ilong mo oh. Ganyan ka, kapag nagsisinungaling ka! Sino yung lalaki?”
Hindi na ako nagulat. Sa tagal na naming magkaibigan ni Leila, pati amoy ng utot ko, kilala niya.
“Hi–hindi ko alam.. hindi ko siya kilala.” Hindi na lang ako nagkaila. Kasi, hindi rin naman niya ako titigilan.
Nanlaki ang kanyang mga mata, saka hinila niya ng bahagya ang aking buhok, “pucha ka! Gag* ka ba? Paano kung mabuntis ka?”
Natigilan ako sa kanyang sinabi. Bigla akong kinabahan. Hindi ko agad iyon naisip. Paano nga?
Tumingin ako sa labas ng bintana ng aking law firm. Unti-unti nang nagliliwanag ang kalangitan ng Maynila. Ngayon ay Biyernes na—isang araw na lang bago ang nakatakdang kasal ni Ephraim sa hotel sa BGC."Ngayong nasa atin na ang lahat ng legal na papeles, anong susunod nating hakbang, Jeremiah?" tanong ko habang inaayos ang mga folder.Humarap sa akin si Jeremiah, may hawak na kopya ng imbitasyon sa kasal na nakuha rin ni Alicia. "Ngayong araw, hahayaan muna nating isipin ng Tita at ni Tito Isaiah na nagtatagumpay sila. Hahayaan nating magpatuloy ang paghahanda para sa kasal bukas. Gusto kong nandoon ang lahat ng kanilang mga business partners, ang media, at ang buong alta-sosyedad ng Pilipinas.""Gusto mo silang mapahiya sa harap ng lahat," sabi ko."Hindi lang basta mapahiya, Leila," mariing sagot ni Jeremiah. "Gusto kong maranasan nila ang tindi ng takot at kawalan ng pag-asa na ipinararanas nila ngayon kay Ephraim. Sa mismong dambana, bago pa man magsimula ang seremonya, doon nati
Pagkalapag na pagkalapag ng pribadong eroplano sa Maynila, hindi na kami nag-aksaya ng panahon upang magpahinga. Diretso ang aming tuloy sa aking law firm . Kahit madaling-araw na at halos walang tao sa labas ng gusali, nagliliwanag ang buong palapag ng aming opisina. Naghihintay na roon ang pinakamagagaling na corporate lawyers ng bansa na personal na ipinatawag at binayaran nina Jeremiah.Inilatag namin sa malaking glass table ng boardroom ang lahat ng mga dokumentong dala namin mula sa Maldives, kasama ang mga lumang kontrata ng pamilya Delgado."Mga kasama, mayroon na lamang tayong kulang sa dalawang araw bago ang nakatakdang kasal," panimula ko, habang inaayos ang aking salamin at hinaharap ang pool ng mga abogado. "Ang pangunahing layunin natin ngayon ay ihanda ang pormal na pagbawi sa Power of Attorney na ibinigay noon kay Isaiah Delgado, ang ama ni Ephraim. Kailangan nating masigurong bago sumapit ang Sabado, wala na siyang legal na karapatang humawak o magdesisyon para sa sh
"Ngunit hindi lang natin basta babawiin si Ephraim," mariing singit ni Jeremiah, habang ang kanyang mukha ay nagpapakita ng matinding galit. "Kung kukunin lang natin si Ephraim, gagawa at gagawa pa rin ng paraan ang tito ko na si Isaiah—na ama ni Ephraim—at ang asawa nito para guluhin ang buhay ninyo. Kailangan natin silang pilayan nang tuluyan. Kailangan nating bawiin ang lahat ng kapangyarihan at kayamanan ng pamilya Delgado na matagal na nating ipinaubaya sa kanila."Inilapit ni Eli ang mga dokumento sa akin. "Leila, tingnan mo ang mga kontratang ito. Ang shares ng Delgado Group ay orihinal na hinati ni Lolo George sa dalawa, kay Mama, at kay Tito Isaiah. Dahil bata pa kami noong namayapa ang mga magulang nina Mama at tito, wala pa kaming pakialam sa lahat. Subalit dahil sa sariling yaman ng aming namayapang ama, na anak ni Lolo George, hindi na kami nakialam sa kabilang kumpanya. Noong namayapa si Mama, gumawa ng special Power of Attorney si Lolo, upang ipamahala kina tito Isaiah
Hindi na namin inaksaya ang bawat minuto. Habang mahigpit na binabantayan nina Jeremiah at Lionel ang dalawang nahuling espiya, agad kaming nakipag-ugnayan sa pamunuan ng resort upang tawagan ang lokal na pulisya ng Maldives. Hindi nagtagal, dumating ang mga awtoridad sa aming villa, sakay ng kanilang mga speedboat na may nagliliwanag na pulang ilaw na sumasalamin sa madilim na karagatan.Ngunit hindi doon nagtapos ang gabi. Habang isinasagawa ng mga lokal na pulis ang paunang interogasyon sa dalawang lalaki sa mismong dalampasigan, napansin ng mga security ng resort ang isa pang kahina-hinalang sasakyang pandagat na nakapwesto malapit sa pribadong daungan ng isla. Dahil sa tindi ng presensya ng mga pulis at sa takot na maiwan, nagtangka pang tumakas ang dalawa pang kasabwat na naghihintay sa bangka."Don't let them get away!" sigaw ng hepe ng lokal na pulisya sa kanyang mga tauhan.Mabilis na hinabol ng mga awtoridad ang bangka. Wala pang sampung minuto ay matagumpay nilang nakorner
Habang pilit kong pinatatahimik ang aking sarili sa piling ni Chantal, isang pamilyar na boses ang bumasag sa seryosong katahimikan ng gabi. Si Eli, ang kapatid ni Jeremiah na kanina pa tahimik na nakikinig sa isang tabi habang pinapanood ang mga nakataling espiya, ay humakbang papalapit sa aming tabi .Seryoso ang kanyang mukha, at ang kanyang mga mata ay may kakaibang talas na bihirang makita sa kanya. Humarap siya sa kanyang kapatid na si Jeremiah."Jeremiah, sa tingin ko... ito na ang tamang oras para tanggapin natin ang katotohanan," panimula ni Eli, ang kanyang boses ay malalim at may dalang pait. "Hindi siguro tama na ipinaubaya natin noon ang pamamalakad ng buong negosyo ng ating maternal family sa mga magulang ni Ephraim."Napatitig si Jeremiah sa kanyang kapatid. "Eli, alam mo ang naging usapan natin noon matapos pumanaw ang mga magulang natin. Mas pinili nating lumayo dahil ayaw nating makisawsaw sa gulo ng yaman—""At tingnan mo kung anong nangyari dahil sa pag-iwas natin!
Mabilis akong tumakbo patungo sa kinaroroonan nila. Nang makarating ako, nakadapa na ang dalawang lalaki sa buhanginan, hawak nang mahigpit ni Lionel ang mga kamay ng isa habang si Jeremiah naman ay nakatapak sa likod ng isa pa upang hindi makagalaw. May ilang galos at pasa na ang mga ito sa mukha dahil sa tindi ng pananakit sa kanila ng dalawa."Sino ang nagpadala sa inyo rito?!" galit na sigaw ni Jeremiah habang marahas na kinukuha ang isang high-end na smartphone at isang mamahaling DSLR camera mula sa bag ng isa sa mga lalaki.Hindi sumasagot ang dalawa, pilit na iniwasan ang aming mga tingin.Mabilis na binuksan ni Jeremiah ang smartphone na nakuha niya. Dahil walang password ang gallery nito, agad na bumungad sa screen ang dose-dosenang mga video at larawan. Nang iharap niya sa akin ang screen, naramdaman ko ang paglamig ng aking buong katawan.Puro video ko ang laman niyon.May video noong naglalakad ako sa dalampasigan kasama si Chantal kahapon, may larawan noong kumakain
“Siya!” matinis na sigaw ni Veronica habang galit na nakaturo sa matandang kararating lamang. “Siya ang sugar daddy ni Chantal! Ang matandang yan yun, hindi ako maaaring magkamali!”Agad na umugong ang bulwagan matapos ang sinabi niya.Nagbulungan ang mga bisita.May mga napaawang ang bibig, samant
Nagkagulo sa loob ng bulwagan matapos lumabas sa malaking LED screen ang mga video na matagal nilang itinago.Parang isang bombang sabay-sabay sumabog ang katahimikan ng gabing iyon.Napuno ng bulungan at gulat na reaksyon ang buong venue.Ang ilang bisita ay napatayo sa kani-kanilang upuan habang
"AAAhhh.." ungol ni Jeremiah, hyabang nakahiga siya.Nasa pagitan ako ng kanyang mga hita. Pinaglalaruan ko at isinusubo ang kanyang ta long.Hindi niya mapigilang mapaungol.Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon..Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan si Jeremiah na nakahiga sa kama,
“Ano?” nakangisi kong tanong habang nakahalukipkip sa harapan niya. “May pera ka ba?”Hindi agad siya nakasagot.Kitang-kita ko kung paano siya nilalamon ng kaba habang pilit pa ring pinananatili ang yabang sa mukha.“Oh…” kunwari’y nag-isip ako habang nakatingin sa ring. “Yung ten times the price







