Naalimpungatan ako, dahil sa tunog ng cellphone sa gilid ng mesa. Nasa loob pa iyon ng aking bag. Kahit masakit ang aking ulo, lalo na ang aking katawan, kinapa ko iyon, saka dinukot ang aking cellphone. Si Leila!“Hoy! Bruha ka, nasaan ka na? Sabi ko, room 839, bakit wala ka pa dito! Lumamig na yung hungarian sausage na inorder ko! Pag gising ko ngayong umaga, hindi man lang iyon nagalaw!”Puno ng panunumbat ang kanyang tinig.Biglang namilog ang aking mga mata. Hungarian sausage? Ibig sabihin..“Sandali! Ang sausage na sinasabi mo ay– pagkain?” May pag aalinlangan kong tanong.“Malamang! Ano ba ang sausage?” Pagtataray niya. “May iba ka pa bang kahulugan sa “sausage?””Biglang bumalik sa akin ang nangyari. Hindi ako makapaniwala, na nabobo ako sa ibig sabihin niya. Hindi man lang ako nakaisip magtanong kagabi, kung ang ibig sabihin ba ng sausage, ay pagkain o lalaki.“Chantal! Bobo ka talaga!” Pinalo palo ko ang aking ulo sa labis na inis, “Anong kalokohan ang ginawa mo!”“Chantal,
Last Updated : 2026-04-06 Read more